Your Guardian Angel

By Ellisire

313 8 0

More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22

20

1 0 0
By Ellisire

Mackenzie's POV

"Mahal, aalis na ako ha. Your breakfast is on the table na," sabi ni Kai habang hinahalikan ako sa kamay.

"Malapit ka na ma-late, Mahal?" Inaantok kong tanong while trying to open my eyes.

"I still got time, why?" Tanong niya and I smiled bago siya hilahin pahiga sa kama.

"Mondays are not so bad anymore," sabi ko habang isinisiksik ang mukha ko sa leeg niya.

"You have a hickey on your neck," sabi ko at natawa siya.

"Kaya nga eh, I'll cover it up na lang later," sabi niya and I smiled bago siya halikan sa leeg para lagyan ng bago.

"Ikaw talaga!" Saway niya sa akin sabay kurot sa pisngi ko.

"Lagyan natin concealer. Maasim kapag nag-show 'yan," sabi ko at idinilat ang mata ko to see her smiling at me.

"There's the eyes I fell in love with," sabi niya ay niyakap ako nang mahigpit at niyakap ko rin naman siya.

Nag-inat muna ako bago pwersahin ang sarili kong bumangon. Kahit na andito si Kai to make Mondays better, God knows I still need a lot if strength to get up in the morning.

"Did you eat?" Tanong ko habang kinukuha ang makeup bag ko sa vanity.

"No, baka sa studio na lang ako kakain," sabi niya at inirapan ko naman siya. She always pushes me to eat bago lumabas ng condo pero siya kung hindi ko pa pipilitin hindi kakain.

"Sabay na tayo mag-eat. After kita lagyan concealer," sabi ko at sinimulan na siyang lagyan ng makeup.

"Mamaya magdala ka extra clothes, ha? I did bring one for you but just in case," sabi niya at tumango ako.

"Water din. Ang layo ng bilihan ng malamig na mineral. Nakalagay na sa ref iyong tumbler mo, wag mo kalimutan dalhin. Saka yung heels mo. Hindi, sige na ako na magdadala," sabi niya at tumawa naman ako.

"Why are you laughing?" Naguguluhan niyang tanong.

"Wala, you're cute when you nag," sabi ko at umirap siya.

"All set, come on. Let's eat muna," sabi ko sa kanya at dumiretso na kami sa kitchen para mag-breakfast.

"I don't think I can ever eat alone again," sabi ko habang sinusubo ang pancakes na gawa niya.

"Kaya ba binabaon mo na lang mga breakfast na niluluto ko?" Tanong niya and I nodded.

"It feels weird, eating the foods you cooked without you. Parang hindi ako masayang kainin. And! I don't think I can ever drink a different coffee. Yours is my favorite," sabi ko and she smiled.

"Nako. Tinamaan nang magaling bossing ko ah," pagbibiro niya and I laughed.

"Mga nakukuha mo talaga sakin ah!" Saway ko sa kanya and she nodded.

"I like to think you changed me for the better," she said while smiling.

"I like to think that you did the same for me," I sincerely said then we finished up with breakfast with a lot of chika.

Hinatid ko lang si Kai hanggang sa elevator at pagbalik ko sa condo ay bumalik na rin ako sa pagtulog. Hindi naman kasi makatao na meron silang 6AM practice.

Nagising ako nang biglang bukas ang pinto sa kwarto ko.

"Kenzie! Alasdos na!" Sigaw ni Eli at nagtalukbong naman ako ng kumot.

"Absent ba?" Tanong naman ni Oli.

"Mukhang," sagot ni Adi at nakaramdam naman ako ng mga humiga sa kama ko.

"Alarm kayo ng 4, may practice kami." Sabi ni Eli at nabalik naman na ako sa pagtulog.

-

"Tignan mo tong mga to," narinig kong sabi ni Claire pero hindi pa rin ako gumalaw.

"San Kenzie?" Tanong ni Kai habang at maya-maya pa ay naramdaman ko na siyang yumayakap sa akin mula sa likod at kahit na nagsasakitan ang buong katawan ko, pinilit kong humarap sa kanya at ngumiti.

"Hindi ka nag-attend sa practice. Lagot ka," sabi niya at ngumiti lang ako sa kanya nang bigla niya akong ilayo sa kanya. Nawala ang ngiti sa mga mata ko at napalitan naman ito ng ngiwi.

"What's wrong?" Paos kong tanong sa kanya.

"You're burning up," sabi niya habang hinihipo ang noo ko.

"Nagsimula na," bulong ni Eli at napabangon naman sila Oli at nag-aalalang tingin sa akin.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Kai sa kanya.

"Tuwing malapit na birthday niyan palagi 'yan may sakit. Palaging may iniinda," sagot naman sa kanya ni Oli.

"Really? Why didn't you tell me?" Nag-aalala niyang tanong.

"I didn't want to worry you," mahina kong sabi sa kanya at bumuntong hininga siya at naramdaman kong nag-alisan na sila Oli sa kama.

"Dahan-dahan," sabi ko nang makaramdam ako ng hilo sa pagkilos nila.

"Mahal, you should've told me. Hindi na sana ako pumasok din," sabi niya at tumango naman ako.

"I'm sorry," was all that I could utter dahil hinang hina na ako.

"You wanna eat?" Tanong niya at umiling ako.

"Kai, Kenzie, mauna na kami. Kapag may kailangan kayo tawag lang kayo," pagpapaalam ni Ady sa amin at umalis na sila ng condo.

"May gusto ka ba?" Tanong niya at umiling ako bago umayos ng upo at sumandal sa headboard.

"I missed you," I said while holding her hand and her looking so worried.

"Ngayon lang kita nakitang ganito. I'm getting worried," sabi niya and I smiled.

"Ngayon mo lang ako nakitang pangit?" Tumatawa kong tanong sa kanya.

"No. You look so small and weak. Hindi ko mapaliwanag. I saw you got so wasted na ilang araw kang walang malay at nalalaglag ka na sa kama sa sobrang kalasingan but I never worried like this." Parang natataranta niyang sabi.

"Mahal, wag ka na mag-worry. Mawawala rin to," I said smiling.

"You need to eat. Tapos inom ka ng gamot, please?" pagmamakaawa niya at tumango na lang ako.

"What do you want to eat?" Tanong niya.

"Oatmeal," mahina kong sabi at kumunot naman ang noo niya.

"I never saw you eat that," naguguluhan niyang sabi.

"It's the thing I always eat kapag may sakit ako. Kapag yung iba I get nauseated," sabi ko sa kanya at bumuntong hininga na naman siya.

"Mahal, kumalma ka lang. Baka lagnatin ka rin nyan," pagbibiro ko at sinimangutan niya ako.

"Mackenzie Blanche you won't die on me, okay?" Sabi niya and I giggled. I would have laughed but I don't have the energy to.

"Kumalma ka. Start pa lang to, Mahal. May mas ilalala pa ako mamaya. Ano na lang gagawin mo kapag umiyak ako?" Tanong ko at nanglaki naman ang mata niya.

"Why would you cry?" Tanong niya.

"You don't cry when you're sick? I do. All I do is cry dahil sa sobrang hilo at sama ng pakiramdam ko," sabi ko and I saw her soul left her body.

"Dapat yata di na natin pinauwi sila Oli. Baka need tayong dalawa alagaan," she worriedly said and I smiled.

"One call away naman yang mga yan. Don't worry too much. You'll get used to it. Sila Oli nasanay na rin eh. Dati lagi pa nila ako pinapadala sa ER sa magulang nila. Ngayon wala na, hinahayaan na lang din nila ako. Tulad kanina. Feel ko nakaramdam sila na lalagnatin na ko kaya kumpleto kami kanina." Pagpapaliwanag mo sa kanya and she sighed.

"Magpapagaling ka, Mackenzie Blanche ah. Kapag ikaw lumala mauuna pa akong mamatay sayo," sabi niya bago ako halikan at maglakad papunta sa kusina para ipaggawa ako ng oatmeal.

Nagbukas ako ng TV dito sa loob ng kwarto ko at itinodo ang volume bago manakbo papunta sa CR para sumuka.

I hate being fucking sick. Mas malala pa pakiramdam ko kesa sa hangover bender ko tuwing New Year. Nakakaurat!

One of the many things why I hate my birthday.

I was hugging the bowl nang bigla kong maramdaman si Kai sa tabi ko.

"Mahal naman, dapat tinawag mo ako," sabi niya habang hinihimas ang likod ko.

"I didn't want to worry you more. You're already panicking," sabi ko sa kanya.

"Okay. I'll cool down. Just please, tell me. Okay? Mas hindi okay sa akin kapag hindi mo sinasabi yung mga ganito," sabi niya and I nodded bago maduwal na naman.

Kanina pa ako nakayakap sa bowl, wala na lumalabas sa akin kapag nasusuka ako. Pawis na pawis na ako at namamanhid na ang hita ko sa tagal ng pag-upo sa sahig.

"Mahal, ayoko na," pag-iyak ko kay Kai at pinunasan na naman niya ako ng wipes sa mukha.

"Halika na. Sa bed na tayo," sabi niya at dahan-dahan akong binuhat papunta sa kama.

"Gusto ko na lang mag-sleep, please," pagmamakaawa ko sa kung sinong santo man ang nanonood sa akin magdusa ngayon.

"Hey, Kenzie's feeling like shit now. Hindi ko na alam gagawin ko. She's been puking for the past hour. Kanina pa umiiyak sa sama ng pakiramdam niya," sabi ni Kai at nung tinignan ko siya ay may kausap siya sa phone. I bet it's Oli.

"No, you don't have to come. Just tell me what to do," sabi niya pa pabalik.

"What? Alright. What else? Okay. Is that safe? Can I have their number? Wait. I don't think I can remember all of this," she said, overwhelmed and I smiled a little.

She's so pretty. And lovely. She's the loveliest.

"Thanks, Oli. Balitaan kita later," sabi niya at ibinaba na ang phone niya.

"Mahal can you remove your clothes? Or pwedeng ako magtanggal?" Tanong niya and I shook my head.

"Ako na lang," mahina kong sabi at tumango siya bago dumiretso sa CR.

Tuwing may sakit ako, pakiramdam ko sobrang hapdi ng buong balat ko. Lalo na kapag nadidikitan din ng balat, napakahapdi na parang meron akong fresh na sugat na binubuhusan ng alcohol.

Pagbalik ni Kai ay meron na siyang dalang planggana at dalawang face towel. I guess Oli told her what to do.

I started to remove my top and I'm in pain every moment. I feel like my whole body is sore.

"Mahal, pagaling ka na ha," narinig kong bulong sa akin ni Kai habang dahan-dahang pinupunasan ang braso ko ng malamig na towel.

This is the first comfort that I have had in the past 5 hours. Because of that, I was able to doze off.

Nagising ako dahil kailangan ko na namang sumuka. Patayo pa lang ako nang abutan ako ni Kai ng basin at doon na ako sumuka.

"Okay na?" She asked and I nodded at binigyan naman niya ako ng tubig pang mumog.

Bumalik ako sa pagkakahiga at bumalik naman siya sa pagpupunas sa mukha ko.

"Mahal, anong oras na?" Nanghihina kong tanong sa kanya.

"It's 5AM. Nagsabi na ako kila kuya Psy na hindi tayo makaka-attend pareho," sabi niya.

As much as I don't want her to skip today, alam ko rin na puyat siya kakaalaga sa akin.

"I'm sorry," naluluha kong sabi at agad naman niya akong pinatahan.

As much as I want to be of help at maging mabait na may sakit, wala talaga akong control sa pag-iyak ko. Lagi ko kailangan umiyak tuwing nagkakasakit ako.

"Don't say sorry. It's not your fault. You didn't do anything wrong," pagpapatahan niya pa sa akin at tinabihan naman niya ako sa kama.

"Can I hug you?" Pagpapaalam niya at tumango naman ako.

Kaya ko tiisin lahat ng hapdi mayakap ka lang.

"Mahal pwede todo mo yung AC? Para hindi masyado mahapdi balat ko," sabi ko sa kanya at agad naman niyang kinuha ang remote ng AC.

Pagkaayos ng higa namin ay kahit hapding hapdi ako mas naging okay ang pakiramdam ko.

"I'm so worried right now. Sabihin mo sakin kapag may kailangan ka ha?" Sabi niya habang dahan-dahan akong tinatapik sa likod at tumango naman ako sa kanya.

"I'm sorry for being such a baby," mahina kong sabi.

"You're always my baby. Don't feel sorry about it," inaantok niyang sabi at nanahimik naman na ako para makapagpahinga na rin si Kai.

Sabay kaming nagising ni Kai nang makarinig kami ng mga naglalakad sa loob ng condo. Nang bumukas ang pinto ng kwarto ko, si Ady ang bumungad na may awa sa mga mata.

"Nagdala kami ng luto nila Mang Rolly. Kain na kayo. Hapon na," mahina niyang sabi sa akin at tinignan naman ako ni Kai.

"Kain na tayo?" Tanong niya at tumango naman ako sa kanya at dahan-dahan nila akong inalalayan papunta sa living room para duon kumain.

"Ano? Musta?" Tanong sa akin ni Eli at tumango lang ako sa kanya bago niya ako irapan. Wala talaga patawad tong lalaking 'to. Mamamatay na ko sa sama ng pakiramdam ko attitude pa rin.

"Anong gusto mo pagkain?" Tanong ni Kai sa akin at tinignan ko naman ang mga nakakagay sa harap ko.

"Gusto ko ng Ramen," sabi ko at tinignan naman nila ako.

"Sige. I'll cook for you, wait lang," sabi ni Kai at agad nang tumayo paga magluto at naiyak na naman ako.

"Bakit?" Tanong ni Oli at agad naman napatingin sa amin si Kai.

"De, Kai. Kami na bahala dito, sige na," sabi ni Oli sa kanya at lumapit naman si Ady kay Kai para tumulong sa pagluluto.

"Eh pagod na pagod na si Kai kakaalaga sakin tapos ngayon need pa niya magluto kahit na may dala naman kayong pagkain," umiiyak kong sabi at inabutan naman ako ni Oli ng tissue.

"Kaya nga eh. Gulat nga kami nakaya ka ni Kai alagaan kagabi. Samantalang kami kailangan kumpleto kami kapag inaalagaan ka kasi natataranta kaming lahat," sabi ni Jay at inabutan ako ng panibagong tissue.

"Kumain ka na kasi nang kumain. Saka uminom ka na ng gamot. Kung samin di ka naaawa kay Kai maawa ka. Hindi magkandaugaga sayo yan kagabi," sabi ni Oli at lalo naman akong umiyak.

"Tangina naman nitong ni Oliver Dean pinaiyak pa lalo!" Singhal ni Eli kay Oli at sinamaan naman siya ng tingin ni Oli.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na sa pagluluto si Kai at naglapag din siya ng iced coffee sa tabi ko at ngumiti naman ako sa kanya.

"Thank you, Mahal." Pagpapasalamat ko at hinalikan niya lang ako sa sentido.

"Gusto mo subuan kita?" Tanong niya sa akin nang mapansin niyang hindi pa ako nagsisimulang kumain at umiling naman ako.

"Papalamigin ko lang muna konti," sabi ko at tumango naman siya.

"Kai, kanin pa," sabi ni Eli nang mapansin niyang paubos na ang kanin ni Kai sa pinggan niya.

"Wait kuha pa ako," sabi naman ni Oli na agad tumayo para kuhain ang kanin sa kung saan man.

"Thank you," sabi ni Kai at tumango naman sila.

"Tangina! Ang anghang!" Inuubong sabi ni Jay nang tikman niya ang Bicol Express na luto at nagtawanan naman sila.

"Bakit ba kasi kayo bumili niyan? Wala naman yata mahilig satin sa maanghang," sabi ni Eli.

"Eh kasi baka mamaya mahilig si Kai eh. Nakikita ko sa youtube dati yung mga spicy noodle challenge," pagpapaliwanag ni Ady at tumawa naman si Kai.

"Hindi ka mahilig sa maanghang, Kai?" Tanong ni Jay sa kanya.

"Hindi eh. Pero kaya naman. Di ko lang din talaga gusto," sabi ni Kai at tinignan ang Bicol Express na dala nila.

"Sige na. Ako na kakain," sabi ni Ady at kinuha ang Bicol Express.

"Gusto ko rin," sabi ko at tinignan naman nila akong lahat.

"Kapag ikaw ngumalngal ah," sabi ni Eli sa akin.

"Wala nga ako panlasa eh," sagot ko naman sa kanya.

"Covid moments," pananakot pa niya sa akin pero umirap lang ako.

"Tikman mo muna isang subo lang, saka ka kumuha madami kapag nagustuhan mo," sabi sa akin ni Kai at sinubuan ako ng isang kutsara.

"Ano?" Tanong nila habang nakatingin lahat sa akinz Nakita ko pa si Eli na pasimple akong vinideohan.

Kupal talaga 'to.

"Okay lang. Pero mas gusto ko Ramen. Pero akin na lang," sabi ko at tumango naman sila bago bumalik sa pagkain.

"Kai nasan gamot ni Kenzie?" Tanong ni Jay habang tumitingin sa ref.

"Nasa mini ref sa kwarto. Kunin ko," sabi ni Kai at akmang tatayo na nang pigilan siya ni Oli.

"Ako na. Pahinga ka na," sabi ni Jay sa kanya at naglakad na siya papasok sa kwarto namin.

"Kai, okay lang dito kami tulog? Para lang may katulong ka kapag kailangan mo," pagpapaalam ni Oli kay Kai.

"Okay lang ba sa inyo? Kahiya sa inyo." Sabi ni Kai sa kanila.

"Nako. Buong buhay na tayo magkakasama at masstress tuwing birthday niyan. Wag ka na mahiya," tumatawang sabi ni Oli sa kanya at um-agree naman si Eli at Ady sa kanya.

"Dito na kayo matulog. Napuyat din si Kai kagabi eh," sabi ko sa kanila at tumango naman sila sa akin.

"Oh, gamot. Musta pakiramdam mo?" Sabi ni Jay habang nag-aabot sa akin ng gamot.

"Medyo okay na. Compared kagabi," sagot ko at tumango naman sila.

"Grabe ka nga kagabi eh. Sobrang lala. Dati hindi naman ganon diba?" Tanong ni Oli sa kanila.

"Pano niyo alam?" Tanong ko sa kanila.

"Tumawag si Kai pa kagabi eh. Mga alauna ata," sabi niya at tumango ako.

Wala na akong maalala non. Akala ko tulog lang ako.

"Mahal, ligo lang ako, ha?" Pagpapaalam sa akin ni Kai at tumango naman ako sa kanya kahit na gusto ko na naman umiyak kasi mawawala siya sa paningin ko.

"Sama ako. Kahit sa sahig lang ako," hindi mapigilan kong sabi at nagmamadaling tumayo kaya naman inalalayan nila ako agad.

"Jusko naman 'tong babaeng 'to," kumakamot sa ulong sabi ni Oli.

"Sige na, ako na," tumatawa naman na sabi ni Kai at inalalayan ako.

"Mahal, saan ka pepwesto rito?" Tanong ni Kai sa akin habang nililibot ang paningin niya sa banyo.

"Dito na lang ako sa lapag," sabi ko at bumuntong hininga siya.

"Sige na. Upo ka na doon sa toilet saglit. Maglalatag ako," biglang sulpot ni Oli at pinasalamatan naman siya ni Kai.

"I'm like the a clingy annoying pet you have that you can't get rid off," sabi ko at nginitian naman ako ako.

"You're not annoying. Clingy and pet? Sure. Not annoying," dagdag niya sa sinabi ko at tumawa naman ako.

Naglatag muna si Oli ng dalawang layer ng makapal na karpet tapos dalawang bed foam at may dala dalawang comforter at unan.

"Para naman akong dito matutulog," pagbibiro ko sa kanya.

"You just had your medicine, trust me. You'll be sleeping there," tumatawa niyang sagot sa akin at pati na rin si Kai ay tumawa.

"Just call if you need help, Kai. Kapag nakatulog siya dyan, kahit 'wag mo na munang gisingin. Kapag nagising 'yan magsisimula na naman 'yan magsuka. So it's better to have your rest na rin," pagpapaalala
ni Oli sa kanya.

"Mahal I think it's better that you sleep on the bed. I don't think this is comfortable," sabi niya at tinignan ang ginawa ni Oli na higaan ko.

"Try it," sabi ni Oli kay Kai at nagkatinginan naman silang dalawa.

"I've been doing this makeshift bed for years dahil yang girlfriend mo kung saan saan gusto humiga dati. Kapag hindi comfortable kahit utusan mo ko buong buhay mo wala akong reklamo," confident na sagot ni Oli sa kanya at inirapan naman siya ni Kai.

Na agad din naman humiga sa ginawa ni Oli.

"Oh, ano? Gusto mo igawa rin kita?" Pagyayabang sa kanya ni Oli at nagtawanan naman silang dalawa bago siya tulungan ni Oli na tumayo.

Nagpaalam na si Oli sa amin and Kai tucked me in first bago maligo.

"Mahal, gising ka pa?" Tanong niya kaagad kahit wala pa namang 5 minutes simula nung maligo siya.

"I am," mahina kong sagot sa kanya.

"You know, nung una talaga, I didn't trust your friends. I didn't like it when they screamed at you, but I also didn't like it when they were nice. Para sakin, may ulterior motive sila kung bakit sila malapit sayo. I had my doubts, pero hindi ko sinabi kasi ayaw ko naman mag-cause ng doubts sa friendship niyo. As time pass, they proved me wrong. Especially today. I realized that they were like that because they really love you. They really do care for you. Kahit sobrang bihira ng platonic relationship, I found a lot of it on your friendship. Heck, they even take care of me. Ako ha. Not you. They help me," pagdaldal niya and I smiled.

"Those are my boys right there. I raised them right," I said proudly and narinig ko naman siyang tunawa.

"I really am happy that you got to have them in your life. You're all so lucky to have found each other," sabi niya pa and I smiled again.

"They're lucky to have you as well. With you, hindi na nila ako masyadong sakit sa ulo. You fixed me," masaya kong sabi.

"I'm glad you finally see them for who they truly are. I can't stand you guys not being okay with each other. You're all I have," mahina kong sabi.

Kahit na sobrang sama pa rin ng pakiramdam ko, and I feel myself getting worse, I'm at my happiest. My heart is so full. I never thought I'd ever feel complete.

"Palagi mo kong kinokompleto," I said as I finally dozed off.

Continue Reading

You'll Also Like

86.6K 3K 36
Vampire Story starring JeDean (GaWong) COMPLETED These are all product of the author's playful imagination. Names and events used in this story are p...
1.2K 275 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
58K 712 9
Duty or love? Gun or rose? Metal bars or tight rope? Ano ang pipiliin mo?
178K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...