๐‹๐จ๐ฌ๐ญ ๐’๐จ๐ฎ๐ฅ๐ฌ ( COMPLET...

BแปŸi Ms_Ashell

72 75 39

Stories that happened in reality , real life events. Various stories of every random people I've encountered... Xem Thรชm

๐‹๐ž๐Ÿ๐ญ ๐Ÿ๐จ๐จ๐ญ ๐ฉ๐ซ๐ข๐ง๐ญ๐ฌ
๐…๐ฎ๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ

๐€ ๐Œ๐จ๐ญ๐ก๐ž๐ซ

40 31 20
BแปŸi Ms_Ashell


Ako si Tiffany, isang grade 11 student. Hindi kami magkasundo ng biological mother ko kaya mas pinili kong manirahan muna pansamantala sa tita ko ( Second cousin ng mama ko ). Layas na talaga ako simula nung magpapalit- palit nang karelasyon si mama, hindi ko masikmura ang ginagawa niya kaya mas pinili kong umalis nang umalis at kina Tita mag stay.

Nasa isang subdivision ang bahay nila. Payapa lang ang lugar dito, maraming puno kaya presko at tahimik. Pero kahit gno'n ay hindi parin mawawala ang mga lamang lupa na hindi nila nakikita.

Oo, " Nila "

Dahil ako at nang pinsan ko ( anak ni tita ) ay sanay na sa mga ligaw na kaluluwa maliban kina tito at tita pati nang mga kapatid namin both side ay kaming dalawa talaga ang lapitin ng multo. Madalas kaming makakita o makaramdan nang mga ligaw na kaluluwa sa mismong bahay nila kaya balewala na lang ito sa'ming dalawa.


Gabi ng Oktobre, last year .Pagkatapos nang masayang hapunan at kwentohan kasama ang lola, ay may nagpakita sa'kin.

" Sa panaginip... "

Magkakasama kami sa iisang kwarto pero magkabukod ang higaan. Bago tuluyang humiga sa kama ay pinatay ko muna ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay maliban sa labas kaya kahit papa'no ay may naaaninag parin ako.

Pagkahiga ko ay saglit muna akong nag scroll sa social media para magpa-antok. Katabi ko ang kapatid ko noon at nakapuwesto ang ulohan namin sa bandang pintuan. Dahilan para makita ko ang direksyon ng kusina kapad tumatagilid ako.

Gumilid ako at humarap sa kapatid ko na mahimbing nang natutulog habang kaharap ang dingding. Pinipilit kong matulog pero ginigising parin ako nang diwa ko dahil pakiramdan ko ay may nakatayo sa likuran ko sa gilid nitong kama.

Naglakas loob akong bagohin ang pwesto ko at muling humarap sa direksyon ng pintuan. Agad na naagaw nang atensyon ko ang madilim na kusina sa di kalayuan. Kurtina lang ang nagsisilbi nitong pintuan dahilan para mapansin ko ang pares nang paa sa ibaba ng kurtina.

Tinitigan ko lang ito hanggang sa mawala. Matapos nun ay nakatulog na ako. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas pero muli na namang nagising ang diwa ko dahil sa pagkati ng isa kong hita.

Agad akong nagmulat upang kamutin ito.

Isang bagay na sana ay hindi ko na lang ginawa...

Nanlamig ako at hindi makagalaw matapos kong makita ang isang puting bistida sa harapan ko. Dahan- dahan kong inangat ang tingin papunta sa ulohan nito.

Naka tagilid ito sa'kin at diretsyo ang tayo. May suot itong puting bistida, may kalakihan din ang katawan at ang maiksi at kulot niyang buhok ay aabot lang hanggang balikat. Hindi ko nagawang makita ang mukha nito matapos niyang maglakad nang marahan papuna sa paanan ko na ani mo'y nakalutang lang sa hangin.

Butil- butil na ang mga pawis na namomuo sa noo ko dahil sa sobrang takot at kaba.

Gusto kong gumalaw at ipikit ang mga mata ko upang hindi makita ang mukha nito na ngayon ay unti- unti nang humaharap sa direksyon ko.

kaunti na lang at makikita ko na ang mukha niya, pero bago pa man mangyari iyon ay napapikit na ako.

Sa pagpikit kong iyon ay saka naman ako nagising...

" Tama... hindi talaga ako nagising at tulog parin... "

Habol- Habol ko ang paghinga dahil sa panaginip kong iyon. Bahagya kong nilingon ang kapatid ko na nasa likuran bago ako napabuntong hininga at umayos sa pagkakahiga habang nakatagilid parin ang pwesto.

Muli na sana akong pipikit nang kumati na naman ng ang hita ko. Hindi ko ito agad kinamot dahil pakiramdan ko ay nag De javu ako.

Nagpakawala ako nang malalim na paghinga bago nagkamot nang hita at inabangan kung ano ang susunod na mangyayari.


Inaasahan ko ang muling pagsulpot nang babae...

Pero wala...

Nakahinga ako nang maluwag at umayos na sa paghiga saka nagtalukbong ng kumot kasabay nang pagtihaya. Nahirapan na ako sa muling pagpikit dahilan para mauwi ako sa pakatulala.

At dahil do'n ay muli ko na naman siyang naramdaman...

Nakatayo sa gilid ko...

" Hindi ito panaginip... alam kong gising ako... "

Dahan- dahan kong ibinaba nang bahagya ang kumot na nakasaklob sa buong katawan para masilip ang babae na ngayon ay nakatalikod na sa'kin habang nakatayo sa gilid ng paanan ng kama.

Nagsimulang manlamig at manginig ang mga kamay ko nang unti- unti na naman itong humarap sa direksyon ko.

" Hindi ako makagalaw.. "

Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyan na itong humarap sakin dahilan para pumikit ako at magkunwaring tulog.


Hindi ko alam kung anong nanyayari at kung panaginigip pa ba ito o hindi na...

Basta ang alam ko ay nakikita ko siya nang hindi namamalikmata...

Naglakas loob akong magmulat nang bahagya para muli itong tignan. Kabado man pero nagawa ko parin itong pagmasdan.

" Walang mukha... "

Nagtaka ako dahil hindi ko maaninag ang mukha nito pero alam kong nagbabasa ito ng mga linggwahi na hindi ko maintindihan. May hawak itong kulay brown na libro, na nung una ay inakala kong bibliya pero hindi.

Ni isang salita ay wala akong maintindihan...

Pero alam kong para saamin nang kapatid ko ang mga binabasa nito...

Saglit akong na tulala at bumalik lang sa ulirat matapos nitong e- tiklop ang libro at akmang titingin sa'kin kaya agad akong pumikit.

" Pagmulat ko ay madaling araw na... "

Dahil sa nangyari ay maaga akong tumayo upang kumilos sa gawaing bahay habang binabagabag parin ang sarili sa katanungan kung bakit ito nagpakita sa'kin at basahan kami ng libro.

Nabalik ako sa suhisyo nang makita si Lola na kakalabas pa lang nang kwarto. Nagtaka pa nga ito dahil naunhan ko daw siyang tumayo. Nagtimpla siya nang iinumin na gatas at saka pumwesto sa hapagkainan.

Sumunod ako dito matapos kong magsalang ng sinaing at umupo sa kaharap niyang upuan. Pansin kong nagmumuni- muni siya kaya hindi ko nalang kinausap at nag focus sa pagsasagot ng mga modules.

" Tiff, ang sama nang panaginip ko kagabi "

Saglit ko itong tinignan saka ngumiti bago sumagot. Sa malayo parin ito nakatingin habang hinahalo ang gatas sa loob ng baso.

" Bakit, La? " pormal na tugon ko bago ulit ibinalik ang tingin sa module.

" E kasi napanaginipan ko si mama kagabi may kaaway " panimula niya kaya naman itinuon kona dito ang atensyon.

Nagtataka akong nkatingin sa kanya habang nakangiti nang bahaya. Humigop muna ito nang gatas bago umayos sa pag- upo. Pansin ko na pilit nitong inaalala ang napanaginipan kagabi.

" May kaaway si mama na isang babae dahil sa'kin. Parang ipinagtatanggol niya ko doon sa babae. Habang nag- aaway sila sumigaw daw ako , sabi ko wag mo awayin si Mama.. "

Tahimik lang akong nakikinig kay lola kahit hindi na ako gaanong interesado at module na lang talaga ang na sa utak ko.

" Galit na galit siya sa'kin kasi daw kukuhanin ko daw iyong dalawang anak niya, Tapos bigla niyang tinusok ang dalawang mata ko bago siya umalis kasama nung dalawa niyang anak na lalaki."

Nagkunot noo ako bago magsalita...

" Kilala mo yung babae, La? "

Napaisip ito sa tanong ko at muling humigop ng gatas bago umiling.

" Hindi E, malabo kasi., Basta malaking babae siya tapos nakaputi na bistidang pantulog. "

Napaisip ako bigla...

" Maiksi ang buhok? " walang kasiguradohan na tanong ko.

" Oo, mga hanggang balikat ata tapos medyo kulot "

Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko at mabilis na kinilabutan dahil sa sobrang pagka-kaba.

" Pano mo pala nalaman? "

Nagtataka na tanong ni Lola pero hindi na ako nakasagot dahil bigla ko na namang naramdaman ang preshensya nung babae na nakatayo ngayon sa likod nitong inuupuan ko.

Ngayon alam ko na...

Alam ko na kung bakit ito nagpakita...

Isa siyang ina na hinahanap ang dalawang anak niya...

At sakto na kami nang kapatid ko ang nakita niya ...

Inakala nito na kami ang mga anak niya...

Dahilan para basahan niya kami ng librong pampatulog...

Iyon na ang una't huli ko itong nakita o naramdaman sa bahay nila tita.

Siguro dahil sa nakita na nito ang dalawang anak niya gaya nang nasabi ni Lola.

Kaya kusa na lang itong umalis kasama ang mga anak niya...

Kung nasa'n man ang babaeng ito ngayon. Alam kong payapa na ito at hindi na babalik pa...

Kung sakaling mawala man ulit ang mga anak niya at na tyempohan na ikaw ang makita, hayaan mo lang ito na magparamdan sayo at basahan ka ng libro.




The end...

ฤแปc tiแบฟp

Bแบกn Cลฉng Sแบฝ Thรญch

6.4K 422 23
JEANNETTE ANGELINE MENDOZA is a simple high school student. maganda, may kaya, mabait, masipag at matalino syang babae. May gusto sya sa leader ng FA...
550K 9.9K 65
Story po ito ng Chicser and KathNiel. Isang babae na iniiwasan ma gustuhan ang isang member ng Chicser pero ang hindi niya alam inlove na pala siya...
368K 6.6K 28
Sa loob ng Barangay Santolan magsisimula ang kakaibang karanasan ng labinlimang taong gulang na si Jinuel. Sundan ang kanyang istorya at kung hanggan...
527 57 19
The Aim of the game: Loot, Slay, Survive. War-Rose | Gamer's Code: ASWD The legend of "KiraMetsu" has been a very hot topic over the pas...