BS03: Hidden Son Of Mr. Santf...

By riedel_angelica

556K 13.5K 530

Vandeon Brix Santford Ver. 0.2. More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Author's Note
Chapter 10.1
Chapter 10.2
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Almika Sheen Monteverdi
What happened?
Future
Sleep
Falling
Society Clan
Billionaire Series
Billionaire Series 05
Special Chapter
My POV

Chapter 11.1

1.9K 25 1
By riedel_angelica

Third Person's POV

"Anong gagawin mo kay Almika?" takang tanong ni Aisha kay Austin na ngayong buhat na si Almika. Walang kamalay-malay si Almika sa mga nangyayari dahil sa droga na pinainom nila dito. Since tapos na ang training ni Almika ay pwede na itong umalis. Ayaw ni Austin magkaroon ng anumang koneksyon sa pagitan nila dahil kalaban niya rin si Almika. Darating ang panahon na muli silang magkikita ngunit isa ng magkaaway.

"Iiiwan ko siya sa labas ng kompanya ni Riley. Sigurado akong makikita agad nila si Almika at tutulungan kaysa naman na si Vandeon ang unang makakita sa kanya. Kahit na demonyo iyon sa paningin ni Almika, malambot parin iyon pagdating naman kay Almika."

"Maling tao ang binabangga mo, Austin. Alam kong may alam ka sa lahat, huwag naman sanang dumating sa punto na tra-traydor ka sa clan natin,"

Ngumiti si Austin at nilapag ang walang malay na katawan ni Almika sa labas ng kompanya. Wala ng mga tao sa mga oras na ito dahil hating gabi na at tulog na ang mga tao. Kung meron mang saksi sa ginawa nila at tiyak na wala ng bukas dahil hindi nila palalampasin.

"You can go first, babantayan ko muna si Almika baka may kumuha sa kanya." giit ni Aisha. Hindi naman umangal si Austin, kung 'yon ang gusto ni Aisha ay wala na siyang magagawa. Ang importante ay umalis na sa buhay nila si Almika.

"Alright, I'll go first."

"I'm really sorry, Almika."

"Huwag kang magtatagal, Aisha baka may makakita saiyo. Alam mo namang pakalat-kalat na ngayon ang mga kalaban natin. Nagsisimula na silang gumalaw,"

"Pupunta ka ba sa hideout natin mamaya?" tanong ni Aisha imbes na pagtuunan ng pansin ang sinabi nito.

"Pagkatapos nito pupunta ako ro'n. Ikaw? Anong plano mo? Alam kong may misyon ka rin."

Nagpakawala ng malalim na hininga si Aisha. Hanggang ngayon parin kasi ay wala parin siyang balita sa taong parte ng misyon niya. Masyadong tago ang taong iyon, nahirapan tuloy siyang hanapin.

"Nag-aalala na ako. Hanggang ngayon kasi ay wala parin akong balita sa kanya, ang huling balita ko lang ay nasa Greece siya kasama ang buong pamilya niya."

"Bakit hindi mo sinundan?"

"Bakit ko naman susundan ang taong iyon aber? Wala 'yan sa plano ko at tsaka ayokong gumastos ng malaki para lang sa misyon na 'to."

Alam niyang malaki ang sahod na makukuha niya sa trabahong 'to ngunit ayaw niyang magwaldas ng malaking pera para hanapin ang target niya. Uuwi naman iyon at hindi mananatili sa Greece kayat kampante siya sa misyon niya.

"So, hihintayin mo?"

"Oo, hindi naman sila magtatagal roon. Kinausap ko kahapon ang personal assistant niya, mabuti nalang kilala ko 'yon. May access sa buhay niya." seryosong saad niya.

"Parang jowa ah,"

"Yuck! Sige na nga umalis kana!"

"Sumunod ka ah."

***

Almika's POV

"May gagawin ba kayo ngayon?"

Nasa hospital parin ako ngayon nagpapahinga. Hindi pa ako pinahintulutang lumabas kapag hindi pa tuluyang nawalala itong droga na nasa loob ng katawan ko. Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin kung sino ang gumawa nito. Imposible namang gagawin 'to nina Austin at Aisha sa akin. They are both good and kind. Hindi ko sila kayang isipan ng masama.

"Wala naman akong gagawin kaya lang ay hindi ako pwedeng lumabas," sabi ko. Tumango-tango naman si Freena.

"May trabaho rin ako mamaya, bakit mo pala naitanong, Freena?" tanong ni Riley. Ano na naman kaya ang pakulo nitong si Freena. Hindi kami close sa isa't-isa pero dahil sa kadaldalan niya ay lumalapit narin ang loob ko. She's nice din kasi.

"Wala kasing tao ngayon sa bahay. Plano ko sanang magluto ng makakain kaso hindi kayo pwede,"

Tumango-tango ako. Gustuhin ko man ay hindi talaga pwede. Ayaw ko namang suwayin ang Doktor. Wala akong perang pambayad dito, libre nga lahat ni Riley 'to tapos susuway pa ako. At tsaka hindi ko pa siya napasalamatan talaga ng husto. Nang nalaman niyang nagsasabi ako ng totoo ay kaagad naman siyang humingi ng tawad, natatakot lang daw siya kay Vandeon dahil sa kanilang magkakaibigan ay si Vandeon daw ang nakakatakot. Hindi ba siya natatakot sa asawa niyang si Kiefer? Sa katunayan nga nyan ay mas masahol pa si Kiefer Montefalco.

Iyon nga, natatakot siya kay Vandeon. Sigurado naman siyang anak talaga ni Vandeon si Vandish kaya't kampante siya na hindi niya sasaktan ang anak niya. Sana nga ay hindi niya sasaktan si Vandish kundi ako ang babaon sa kanya sa hukay.

Ganu'n parin naman, wala paring balita tungkol kay Vandeon. Kahit sina Evadne ay walang alam kung nasaan ito. Kailan kaya magpapakita ang gagong iyon. Takot ba siyang maagawan ko? Talagang-talaga.

"Pwede ako!" malakas na sambit ni Riley. Napangiwi naman ako. Kakasabi niya nga lang na may trabaho siya eh. Mukhang nag-ihip ang hangin ah.

"Huwag kang tumawa, Almika." banta niya sa akin. Kinagat ko ang labi upang pigilan ang ngiti. Kahit papano ay nabawasan ang pag-aalala ko. Gusto ko na talagang makita ang anak ko.

"Wala namang nakakatawa ah,"

"Tama! Nga pala, kailan ang al--- ay teka, paano si Almika? Hindi pa siya pwedeng lumabas."

Sabay silang tumingin sa akin. "Anong tingin 'yan? Alam niyong ayaw kong suwayin ang Doctor,"

"Wala naman kaming sinasabi, Almika,"

"Halata naman sa mukha ninyong may binabalak kayo. Huwag niyo na 'yang ituloy."

"Ganito nalang, sasamahan ako ni Riley sa bahay at dito natin kakainin ang pagkain?" suhesyon ni Freena.

"Sinong magbabantay sa kanya?" tanong naman ni Riley. Alalang-alala talaga 'tong boss ko sa akin oh, hindi naman ako mamamatay kakaloka.

"Malaki na ako, Riley. Para namang tanga 'to," giit ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"May bawas 'yan sa sweldo mo."

"Ano!" reaksyon ko. Tumawa naman siya ng malakas tsaka inayos ang kumot sa aking katawan.

I was so blessed because I met them. Kahit sandali lamang ang mga araw na iyon ay ramdam na ramdam kong mahal nila ako at tinuring na isang pamilya. Simula kasi nu'ng namatay ang magulang ako ay mag-isa na lamang ako. Lumayo ako kay Vandeon, nagtago ako. Alam kong hinahanap niya ako sa mga araw na iyon, pero hindi nagpakita. Ayaw ko siyang makita, takot at galit ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang ipakulong ngunit papaano naman? Wala akong lakas ng loob nu'n, hindi ko alam ang gagawin dahil nasaktan ako ng todong-todo.

Gusto kong ibalik sa kanya ang sakit na iyon. Alam kong masamang maghiganti, hindi ko naman ginusto 'to. Galit lang talaga ako at hindi matanggap ang katotohanan.

"Just kidding. Anyways, tara na?"

"Sigurado ka bang ayos ka lang dito, Almika? Mabilis lang naman kami,"

"Oo naman. I can handle myself guys. Umalis na kayo para makakain na ako,"

"Talaga ah?"

Inirapan ako ni Riley. "Matakaw ka rin pala eh, nahiya ka pa."

NANG makaalis sila, tinuon ko ang atensyon sa phone ko. Ganu'n parin, may mga mensahe galing kay Kace. Hindi ko binuksan ang iilan sa mga mensahe niya dahil ayaw ko siyang mag-alala. Ayos lang ako, Kace. Huwag kang mag-aalala mababawi ko ang anak ko mula kay Vandeon, pangako 'yan.

*Tok! Tok!*

Nabaling ang tingin ko sa pintuan. Niluwa nu'n ang Doktor.

Sumilay ang malaking ngisi sa kanyang labi. Hindi ko gaanong mamukhaan ang mukha niya dahil sa suot nitong labi niya lamang ang nakikita. He's weird.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" he asked while looking at me. Nakakailang naman tumingin ang Doktor na 'to. Tila ba kinikilatis ang buong pagkatao ko.

"Sa tingin ko ay maayos naman. Wala naman akong sakit na nararamdaman." sagot ko.

Tumango naman siya at tiningnan ang buong katawan ko. I mean chineck kung may kakaiba. Mukha namang malaswa 'yung una pakinggan.

"You can go out tomorrow. Wala na akong nakikitang epekto ng droga sa loob ng katawan mo. Its just a small drug that can make people sleep for 2-3 days."

Mukhang may konsensya pa ang taong 'yon sa akin ah. Hindi ako pinatay, mabuti naman. Hahanapin ko talaga siya kapag namatay ako, hindi ako titigil.

"Thank you." Tumango siya.

"I'll take my leave, eat your breakfast and don't starve yourself." pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad naman siyang lumabas.

Sinandal ko sa pader ang ulo ko sabay tingin sa itaas. Saan kaya ako magsisimula?

"Saang lupalok kaya ng mundo ngayon si Vandeon? Anong ginagawa niya? Pinapakain niya kaya ng maayos ang anak niya?"

Argh!

"Tangina mo, Vandeon."

***

Hope you enjoy my story. If you have questions, concerns about this story? You can send me a message or hit the comment section. Avoid making a mess in the comment section, don't say bad words.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 69.6K 44
Jaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can prete...
25.7K 647 27
Who could have been imagine getting into a marriage by yourself and got involve to a wedding that isn't yours, became the bride of the famous but dan...
131K 3.2K 90
How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope with all his difficulties? What if one day...
53K 2.9K 42
ENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. ...