DG Series #3: Never Gonna Let...

Від lhiamaya

798K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... Більше

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END

Special Chapter

25K 753 133
Від lhiamaya

Atlas

NAPANGISI ako ng makakita ng interesanteng tagpo pagpasok ko ng eatery. Tinanggal ko ang suot kong dark shades.

"Totoo naman ah! Walang lasa tong pansit mo. Matabang! Itong manok na sahog yung tira tira nyo pa yatang sahog ito kahapon eh. Tapos itong mga gulay hindi pa sariwa. Ano ba yan? Nagbabayad ako ng tama dito tapos ganito ang ipapakain mo sa akin? Kapag sumakit ang tiyan ko idedemanda kita -- aray!"

Napangisi ako ng biglang batukan ni Crizel si Kester. Si Crizel lang ang tanging nakakagawa nyan sa kanya. Si Crizel ang may ari ng sikat na eateary na ito. School mate namin sya noong college. Mas ahead nga lang kami ng dalawang taon at mortal silang magkaaway ni Kester.

Tumayo si Kester sa kinauupuan at niliyad ang dibdib. Namaywang naman si Crizel at taas noong tumingala sa kanya. Nasa kanilang dalawa na ngayon ang atensyon ng lahat ng kumakain sa eatery. Pero wala naman sa kanilang mga mukha ang pagkaalarma at relax na relax lang silang kumakain. Mukhang sanay na sila sa mga ganitong eksena ng dalawa.

"Sumosobra ka ng kulot ka ha! Kung makabatok ka akala mo nanay kita. Hindi na ako dito kakain. Hindi naman masarap ang luto mo. Di ba manong?" Baling pa ni Kester sa matandang lalaki na may nakasampay na towelette sa batok.

"Sige iho, kwento mo yan eh." Sabi na lang ng matanda habang tuloy tuloy sa pagsubo ng bihon.

"Kukuntsabain mo pa si Ka Celso eh kaibigan ng tatay ko yan at ninong ng kapatid ko. Ang mabuti pa umalis ka na lang dito sa kainan ko. Nakakaistorbo ka lang sa ibang mga customer ko eh." Pagtataboy ni Crizel kay Kester.

"Aalis talaga ako pero mamaya na uubusin ko muna itong pansit." Muling umupo si Kester at dinampot ang tinidor.

Kinuha naman ni Crizelda ang plato ng pansit nya.

"Akala ko ba hindi masarap ang pansit at hindi ka na kakain?" Nakataas ang kilay na tanong ni Crizelda.

Mabilis namang nabawi ni Kester ang plato at agad sumubo ng pansit.

"Bukas na lang, nagugutom na ako eh. Saka pwede ng pagtyagaan tong pansit mo. Laman tiyan dito." Wika ng sira ulo kong kaibigan.

Inambaan naman sya ng suntok ni Crizelda na ikinatawa lang nya.

"Pakuha na lang ako ng tubig. Yung malamig ha, lagyan mo na rin ng yelo."

"Kumuha ka mag isa mo. Hayun ang water dispenser o! May yelo dun sa cooler kumuha ka. Doble na ang presyo nyang kinakain mo ha dahil inistorbo mo ko."

"Dodoblehin ko ang presyo nito basta ikuha mo ko ng tubig."

"Neknek mo! Saksakin pa kita ng tinidor sa lalamunan eh! Dyan ka na nga!"

Iniwan na ni Crizelda si Kester na ngingisi ngisi. Nagtagumpay na naman ang kaibigan ko sa pambubwisit nya sa babae.

Hinarap naman ni Crizelda ang iba pang mga customer na kapapasok lang. Alas tres na ng hapon at oras na ng meryenda ng mga tao. Kahit sa mga ganitong oras ay marami pa ring kumakain dito sa eatery ni Crizelda. Marami kasing pwedeng kainin bukod pa sa masarap ay abot kaya pa ang presyo at sulit na sulit. Kahit sya ang may ari ay hands on pa rin sya sa pag eestima ng mga customer.

Tinapik ko sa balikat si Kester. Napapitlag sya sa gulat at nahulog ang pansit na akmang isusubo na nya. Salubong ang kilay na lumingon sya sa akin.

"Putangna ikaw lang pala akala ko kung sino na."

Ngumisi ako. "Nerbyoso ko naman masyado pare. Bawas bawasan mo na ang pagkakape."

"Gago. Akala ko si Crizelda ka eh. Kinakabahan ako baka bigla syang bumalik at saksakin ako ng tinidor sa lalamunan. Alam mo naman yun kung ano ang sinabi ginagawa. Nakakatakot talaga sya." Sumubo ulit sya ng pansit.

"Ikaw lang naman ang natatakot sa kanya. At kung natatakot ka pala bakit pabalik balik ka pa dito?" Makahulugang tanong ko.

Ewan ko ba naman dito sa kaibigan ko. Marami namang kainan sa labas ng building ng kumpanya nya. May mga high end restaurants pa. Pero dito talaga sya kumakain sa eatery ni Crizel na halos trenta minuto ang byahe mula sa kumpanya nya sa Taguig.

Ngumisi sya. "Masarap ang pagkain dito eh saka mura pa."

"At kelan ka pa nagtipid?"

"Bakit ba ang dami mong tanong? Kumain ka na nga lang."

"Hindi ako kakain. Kukunin ko lang ang order ni Jolene na palabok."

"Eh di kunin mo na bago pa lumamig yun."  Aniya at sunod sunod ng sumubo ng sahog na kikiam.

Tinapik ko sya sa balikat. "Hinay hinay sa pagsubo pare baka mabulunan ka sa kikiam ni Crizel."

Naubo sya sa sinabi ko. "Gagu." Nakangising sabi nya at tumayo para kumuha ng tubig.

Iniwanan ko na sya at lumapit na sa counter.

"Ay good afternoon po Ser Atlas." Magiliw na bati sa akin ng maliit na babae na medyo kayumanggi. Ngiting ngiti pa sya at titig na titig sa akin. Natatawa na lang ako. Hindi nya yata kasama ngayon ang isang binabaeng tauhan din.

"Good afternoon. Kukunin ko na ang order na palabok ng asawa ko."

"Ay wait lang po, kukunin ko lang po sa kusina." Agad namang tumalima ang babae at pumasok sa kusina.

Hindi naman nagtagal ay lumabas din sya bitbit ang bilao na may takip ng foil at tali ng straw. Kasunod nya si Crizel na nagpupunas ng kamay sa hawak na basahang malinis. Sya rin ang cook dito sa eatery nya.

"Kararating mo lang?" Tanong ni Crizel.

Ngumisi ako. "Tama lang na nasaksihan ko pa ang bardagulan nyo ni Kester."

Umikot ang mata nya. "Ewan ko ba dyan sa kaibigan mo. Ang lakas ng amats. Parang nakainom ng panis na gatas noong baby pa. O dinamihan ko na ang toppings nyan. Lalo na yung chicharon na galing Bulacan pa. Siguradong maglalaway nyan si Jolene."

"Salamat." Inabot ko na ang bayad.

Nagkakilala na sila ni Jolene noong nagcrave ang asawa ko ng palabok at dito ko sya dinala. Nagustuhan nya ang palabok kaya palagi na kaming bumibili o kaya umo-order dito. Naging magkaibigan na rin sila ni Crizel at naimbitahan pa sa kasal namin.

"Hindi pa ba nanganganak si Jolene?"

"Hindi pa. Pero malapit na. Kabuwanan na nya ngayon pero nagkicrave pa rin sa palabok."

Tumango tango sya at ngumisi. "Masarap naman talaga ang palabok ko. Kahit hindi nagkicrave babalik balikan talaga yan. Kita mo naman ang mga customer ko."

Ngumisi ako. "Yeah I know, kahit nga si Kester balik ng balik dito eh. Sarap na sarap sa mga putahe mo."

Umingos sya. "Gago lang talaga yang kaibigan mo. Kakain lang dito para mambwisit. Huwag lang nya akong pipikunin dahil sa susunod lalagyan ko ng bubog ang pagkain nya." Mahinang sabi nya.

Tumawa lang ako. Tiningnan ko ang kaibigan na abala na sa pagkain.

"Sige ikaw na ang bahala sa kanya Crizel, mauna na ko."

"Hmp! Pakialam ko dyan. Sige na, pakamusta na lang ako sa asawa mo. Pasensya na kamo hindi masyadong nakakapag reply sa chat. Busy lang."

"Ok, no problem."

Binitbit ko na ang bilao ng palabok. Tinapik ko sa braso si Kester ng madaanan ko.

"Mauna na ko pare, pagbutihan mo yang ginagawa mo." Nakangising turan ko.

Tumango naman sya habang ngumunguya. "Ingat pare."

Lumabas na ako ng eatery at sumakay ng sasakyan. Nilapag ko ang bilao sa front seat. Kahit may takip pa ng foil ay naaamoy ko na ang halimuyak nito. Siguradong matutuwa si sugar nito.

Binuhay ko na ang sasakyan at pinausad na.

Excited na akong manganak si Jolene. Anytime pwede na syang manganak at babae ang anak namin. Sabik na akong mahawakan sya at makarga. Sana kamukha sya ni Jolene. Siguradong maganda din sya.

-

"Wow! Hindi pa ako nakakapasok dito sa komedor pero amoy amoy ko na ang bango ng palabok. Hmm! Amoy pa lang talaga masarap na. The best talaga ang palabok ni Crizel." Tuwang tuwa na sabi ni Jolene at humila ng upuan.

Inalalayan ko naman syang maupo. Hinawakan ko pa ang malaking tiyan nya para di mabunggo ng gilid ng mesa. Bilog na bilog ang tiyan nya na para syang nakalunok ng pakwan. Lagi ko nga itong hinihimas lalo na sa gabi.

"Marami daw toppings yan sabi ni Crizel." Sabi ko habang tinatanggal ang takip na foil.

Inutusan ko naman ang mga kasambahay na kumuha ng mga plato at tinidor.

"Wow! Ang dami ngang toppings! Lalo na tong chicharon." Bulalas ni Jolene at dumampot ng durog na chicharon at sinubo.

"Hmm ang sarap sarap talaga ng chicharon hon. Galing Bulacan ba ito?"

"Oo sabi ni Crizel galing Bulacan daw yan." Kumuha ako ng plato at akmang sasandukan sya pero sya na raw ang magsasandok.

"Masarap talaga ang chicharon sa Bulacan. Naku, noong nandon pa ako madalas yan ang ulam ko. Nilalagay ko din yan sa munggo. Pero madalas pinapapak ko lang yan at sinasawsaw sa sukang paombong na may sili. Kuh, pagka sarap sarap." Sambit ni Mama Jona na sumasandok na rin ng palabok.

"Talaga ma?"

"Oo anak. Lahat ng tindahan doon may tindang chicharon."

Bumaling sa akin si Jolene. "Hon, baka pwedeng ibili mo rin ako ng chicharon sa Bulacan at saka suka.. Anong suka nga yun ma?"

"Sukang paombong."

"Yun! Sukang paombong. Sige na hon bili mo ko." Ungot nya sa akin.

Natawa naman ako. Gustong gusto ko kapag ganitong naglalambing sa akin ng mga gusto nya. Masarap sa pakiramdam na nakadepende sya sa akin. At ibibigay ko ang lahat ng gusto nya. Kahit saang lupalop pa ako ng Pilipinas pumunta.

"No problem sugar, ibibili kita ng chicharon at sukang paombong."

Tuwang tuwa naman sya at nilantakan na ang palabok. Bahagya syang nagkalaman dahil kain sya ng kain. Yung pisngi nyang namumula ay humahabol na sa katambukan ng pisngi ni Jeremiah. Pinanggigigilan ko tuloy sya na ikinaiinis nya.

Pumasok si Jeremiah sa komedor at lumapit sa amin. Napawow din sya ng makita ang palabok. Naging paborito na rin nya ito. Pinaghila ko sya ng upuan at sinandukan sa plato.

Masaya naming pinagsaluhan ang isang bilaong palabok kasalo ang mga kasambahay. Nakaleave ako ngayon sa trabaho dahil hands on ako sa pag aalaga kay Jolene lalo na at kabuwanan na nya.

-

Mataman kong pinagmamasdan ang maamong mukha ni Jolene. Nakatagilid sya ng higa at nakaunan sa braso ko. Nakapikit sya at banayad ang paghinga. Mukhang mahimbing na ang tulog. Minsan ay may gabing hindi sya makatulog lalo na kapag naglilikot si baby sa tiyan nya. Naaawa ako sa kanya pero wala naman akong magawa. Hinihimas ko na lang ang tiyan nya para maging komportable sya. Yun kasi ang gusto nya.

Hinalik halikan ko ang buhok nya habang hinihimas himas ang kanyang tiyan. Minsan ay nararamdaman ko ang paggalaw ni baby sa loob. Masarap sa pakiramdam na madama sya ng kamay ko lalo na siguro kapag nahawakan ko na sya.

'Cant wait to hold you my little princess. Sana ay lumabas ka na.'

Pumikit na ako at niyakap si Jolene..

"Hon.. Atlas gising.. hon.. hon.."

Naalimpungatan ako sa mga tapik sa pisngi ko.

"Atlas.. hon. Gising.."

"Hmm.." Dinilat ko ang mata ng marinig ang boses ni Jolene. Kumurap kurap pa ako.

"Sugar bakit gising ka na, gabi pa. Tulog ka pa." Inaantok na sabi ko.

Ngumiwi sya. "Hindi na ako makatulog ang sakit ng tiyan ko. Manganganak na yata ako."

Napabalikwas ako ng bangon at tuluyang nagising.

"Manganganak ka na?"

Tumango tango sya habang nangingiwi. Sapo sapo nya ang malaking tiyan. Napansin ko ang tigbi tigbi nyang pawis sa noo.

Malutong akong napamura at tumayo na. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba at excitement.

"Dadalhin na kita sa hospital sugar. Teka yung mga gamit nyo pala ni baby." Natatarantang nilapitan ko ang malaking bag na nasa gilid ng kama.

"Atlas ahh! Ang saket na ng tiyan ko!"

Binitawan ko ang bag at nilapitan si Jolene na dumadaing na. Akmang bubuhatin ko sya pero pinigilan nya ako.

"G-Gisingin mo muna si mama para may kasama tayo -- ahh!"

"O-Oo oo gigisingin ko na!" Tumalikod na ako para lumabas ng kwarto pero agad din  akong bumalik sa tabi ni Jolene ng humiyaw sya pero tinaboy lang nya ako.

"Gisingin mo nga muna si mama bilisan mo!" Pasigaw na nyang utos.

"O-Oo gigisingin na! Mabilis lang ako sugar."

Halos tumakbo na ako palabas ng kwartp at tinungo ang kwarto ni Mama Jona. Sunod sunod akong kumatok. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at sumungaw si Mama Jona na antok na antok pa ang hitsura.

"O Atlas bakit?"

"Ma, manganganak na ho si Jolene."

Namilog ang mata nya at tila nawala ang antok.

"Manganganak na si Jolene?"

"Oho ma --"

"Atlas!"

"Shit!"

Patakbo akong bumalik sa kwarto namin. Sumunod na rin sa akin si Mama Jona.

"Sugar!" Nakita ko syang nakatayo at sapo ang tiyan.

Binuksan ko ang ilaw at bumaha ang liwanang. Namilog ang mata ko ng makitang may naglalandas na tubig sa mga hita nya. Naihi na yata sya.

"Jusko! Pumutok na ang panubigan ni Jolene. Manganganak na nga sya. Dalhin na natin sya sa hospital Atals." Utos ni Mama Jona na tinungo ang malaking bag at binitbit na.

Ako naman ay nilapitan na si Jolene at maingat na binuhat. Kinawit nya ang isang braso sa leeg ko habang ang isang kamay naman ay sapo ang tiyan. Halos hindi maipinta ang kanyang mukha sa sakit. Tagaktak na rin ang pawis nya.

"Hold on sugar. Dadalhin na kita sa hospital.

Para akong asong di maihi sa kakalakad sa harap ng operating room. Mabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako dahil baka kung mapano ang mag ina ko. Awang awa ako kay Jolene dahil hirap na hirap sya at umiiyak na sa sakit. Parang dinudurog ang puso ko. Gusto kong pumasok sa loob pero hindi ako pinapayagan ng doctor.

"Atlas pumirme ka nga! Ako'y kanina pa nahihilo sa kakalakad mo dyan." Sita sa akin ni mommy.

Tinawagan ko rin sya kanina at sinabing manganganak na si Jolene. Agad naman syang pumunta kasama si Ava na nakapajama pa.

"Oo nga, para kang engeng dyan kuya. Chillax ka lang magiging ok din si Jolene." Sabat ni Ava.

"How can I relax? Hirap na hirap ang asawa ko sa loob." Naiinis ng sabi ko.

"Eh di palitan mo sya sa loob. Ikaw ang manganak."

"Ava!" Sinamaan ko ng tingin ang kapatid.

Sumiksik naman sya kay mommy.

"Mommy o, si kuya." Sumbong nya.

"Ikaw naman kasi, tumahimik ka na lang. Alam mo namang kabado bente yang kuya mo inaasar mo pa." Saway ni mommy kay Ava bago bumaling sa akin.

"Ikaw naman, ayaw mo palang nahihirapan ang asawa mo eh di sana hindi mo na lang sya binuntis."

"Mommy pati ba naman kayo." Napakamot na lang ako sa ulo.

"Hay naku, kumalma ka lang kasi anak. Baka himatayin ka pa nyan sa nerbyos eh. Ayos lang si Jolene. Kayang kaya nya yan."

"Oo nga iho, yun ngang panganay nyo nakayanan nya mag isa na wala tayo ngayon pa kaya." Ani Mama Jona.

Para tuloy may kumurot sa puso ko ng sumagi sa isip ko noong nanganak si Jolene kay Jeremiah. Mag isa lang sya noon at si Leah lang ang kasama. Hindi ko maimagine ang hirap na pinagdaanan nya noon. Lagi kong sinisisi ang sarili ko. Pero nangyari na yun. Kaya pinapangako ko talaga hindi na sya makakaramdam ng hirap ngayon sa piling ko.

Ilang minuto pa kami naghintay sa labas ng operating room. Maya maya pa ay lumabas na sa operating room ang babaeng doctor na nagpaanak kay Jolene. Agad akong lumapit sa kanya.

"Doc kamusta na ang asawa ko at ang anak ko?"

Binaba ng doctor ng facemask nya at ngumiti.

"They're both ok. Healthy si baby girl at stable naman ang lagay ni misis. Dadalhin na sa room nya si misis at si baby naman ay sa nursery room."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng doctor. Kaunting tiis na lang makikita ko na ang mag ina ko.

-

Halo halo ang nararamdaman ko ng makita ko si Jolene at ang baby girl namin na nasa bisig nya. May malay na sya at kinakausap ang anak namin. Tumingin sya sa akin. May luha sa kanyang mga mata. Ngumiti sya at pinapalapit ako.

Nangangatog ang mga tuhod ko ng makalapit ako sa kanila. Hindi ko maalis ang tingin ko sa bagong silang naming anak. Ang liit liit nya pero malusog. Nakapikit pa ang kanyang mga mata.

Mabilis kong pinahid ang luha ko sa pisngi na hindi ko namalayang pumatak. Parang may mainit na bagay ang dumampi sa dibdib ko habang tinititigan ko ang prinsesa ko. Sabik na sabik na akong kargahin sya pero natatakot ako dahil ang liit nya.

Tumingin ako kay Jolene. Nakaguhit ang kasiyahan at pagod sa kanyang mukha. Tinaas ko ang kamay at hinaplos ang kanyang pisngi. Yumuko ako at hinalikan sya sa noo, ilong at labi.

"Thank you sugar.. Thank you.. I love you.." Paulit ulit kong bulong sa kanya.

Hindi ako magsasawang paulit ulit na sabihin ang mga salitang yun sa kanya hanggang sa pagtanda namin. Ng dahil sa kanya at sa mga anak namin ay nagkaroon ulit ng kabuluhan ang buhay ko.

"I love you too Atlas.. mahal na mahal ka namin ng mga anak mo." Ngumiti sya at hinaplos ang pisngi ko.

Pumikit naman ako at dinama ang init ng kanyang palad.

Natigilan lang kami ng bumukas ang pinto at narinig namin ang boses nila mommy at Ava. Kasama nila si Leah at Jeremiah na bagong dating. Lumapit sa amin si Jeremiah at tuwang tuwa na makita ang kapatid. Mukhang tanggap naman nya na babae ang kapatid nya at hindi lalaki na syang gusto nya. Gusto nga nyang buhatin si baby pero hindi pa pwede. Kinandong ko na lang sya. Binibiro pa nga sya ni Ava na hindi na sya ang baby. Tanggap naman nya yun dahil kuya na daw sya.

Napakasaya ko sa sandaling ito. Ramdam kong kumpleto ako at kuntento. Tumingin ako kay Jolene na masayang nakikipag kwentuhan kanila mommy. Hinding hindi ko na sya pakakawalan at magsasama kami habang buhay.

WAKAS

*****

Maraming salamat sa lahat ng sumubaybay at hindi bumitaw sa story ni Atlas at ni Jolene. 🤗

Dahil isang kwento na naman ang nagwakas may bagong kwento naman ang magbubukas.

Upnext! Kester Belleza and Crizelda Romina Sales story. Abangan!


Продовжити читання

Вам також сподобається

The Price Of Love Від Rain Gastelier

Сучасна проза

3.8M 141K 28
Yuka wants nothing in the world more than a good old rags-to-riches kind of story. She's dealt with the rags part of it and trying to get to the rich...
ORGÁNOSI I: Broken Mask Від C.C.

Сучасна проза

500K 36.2K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
Rainbows After The Rain Від riesse

Сучасна проза

51.6K 1.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...