Pepay Meets Future Papa

By YourWriterNextDoor

138 34 4

Ultimate kamalasan ang inabot ni Pepay after syang lokohin ng lalaking akala nya ay ang one-true-love nya. No... More

Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9

Episode 1

35 5 1
By YourWriterNextDoor

"Bike lane!" Sigaw ko sa motor sa unahan na sinabayan ko pa ng busina ng bisikletang minamaneho ko. Umiinit na naman ang ulo ko sa dami ng kamote sa kalsada. Halos mapatid na ang ugat ko sa sentido sa titimpi.

Isang pulang kotse pa na feeling racer ang gumitgit sa akin papuntang sidewalk kaya nagpagewang-gewang ang manibela ko.

Kaa-attend ko lang ng anger management seminar kanina pero heto na naman at umuusok na naman ang ilong ko.

"Hoy!" Duro ko sa kanya.

Binaba nya ang bintana ng kotse at nag-dirty finger sign sa akin ang kalbong driver.

Binilisan ko ang pagpedal para habulin sya, parang fast and the furious, hinahabol ko si Vin Diesel. Inunahan ko sya at nagpreno sa harap ng kotse nya. Napapreno rin sya bigla.

Padabog syang bumaba ng kotse. Matabang lalaki na halos nasa kuwarenta anyos, kunot ang nguso nya sa inis at idinuro ako. "Hoy! Siraulo ka! Magpapakamatay ka ba?"

Hinubad ko ang helmet ko at ibinaba ang suot kong shades. "Ikaw nga tong mananagasa, e! Ano?!" Amba ko ng helmet sa kanya.

Nag-iba yung ekspresyon ng mukha nya. "Ay, babae pala. S-Sorry."

"Anong sorry? E, ano kung babae ako? Reckless driving ka! Amina lisensya mo!"

Halatang kinabahan sya.

Ako si Pepita Masungkil. Pepay for short. Isa akong Pulis Woman. Well, technically, bago ako na-demote as a traffic enforcer dahil sa nakakahiyang eskandalong kinasangkutan ko two weeks ago.

"Ma'am, baka naman." Ngumisi ang matabang lalaki at isiniksik sa kamay ko ang maliit na papel.

Binuklat ko at itinapat sa mukha ko. Naningkit ang mga mata ko. "Sinusuhulan mo ba ako... ng bente?"

Binulungan nya ako. "Kuwarenta yan, ma'am." Kindat pa nya.

Tinuktok ko sa ulo nya ang helmet ko. "Lisensya!"

***

Ipinadlock ko ang bike ko sa parking at naglakad papasok sa loob ng opisina.

"Oy, P. Sambakol na naman yang mukha mo." Maarteng salubong sa akin ni Kara.

"Hay nako, Kardo. Masama ang gising ko. Naubusan ako ng asukal kaya mapait ang kapeng nainom ko."

"Maka 'Kardo' naman." Simangot nya.

Kinuha ko sa bulsa ng belt bag ko ang isang driver's license at iniabot sa kanya. "O, ayan. 'Kara'," malambing kong abot sa kanya. "Paki-run sa system, reckless driving."

Kinuha nya yon. Nauna na akong naglakad papunta sa desk ko at sumunod naman sya sakin. "E, bakit ba mainit na naman ang ulo ng beshy ko?"

"Hindi ko rin alam. Mabilis talaga ako maasar nitong mga nakaraan."

"Dahil ba don sa video—"

"Op!" Lapat ko ng chapa ko sa nguso nya. "Ayokong maalala yan. Nakalimutan ko na yan." Huminga ako ng malalim. "Positive, positive."

"Masungkil!" Biglang tawag sakin ng payat na matanda—si Hepe pala.

"Sir!" Tango ko.

"Lika nga sandali." Masungit nyang sabi bago bumalik sa loob ng opisina nya.

Nagpamewang si Kara. "Naku, ayan pa isang mainit ang ulo. Good luck sa inyong dalawa," malandi pa nyang kembot bago naglabas ng lisptick at idinuldol sa nguso nya.

Napabuntung hininga na lang ako.

***

Tatlong katok bago ko binuksan ang pinto at sumilip. "Sir?"

Nakatingin lang sya sa computer nya. "Pasok."

Pumasok ako at tumayo sandali sa harap nya bago sumaludo.

Sumaludo rin sya. "Sit down."

Umupo ako sa upuan sa harap ng mesa nya. Napatingin ako sa baso na may tubig na nakapatong sa mesa. May pustisong nakalutang sa loob.

Nahuli nya akong nakatingin sa baso. Napangiti ako ng pilit. "Teeth collection, sir?"

Naniningkit ang mga mata nya. "Puro alikabok yang CR. Pagbahing ko, nahulog. Buti di na-shoot sa inidoro."

Kinuha nya ang pustiso at sinalpak sa bibig nya. "May complaint ka."

Nagulat ako. "Ho?"

"Yung J6 na plaka na hinuli mo dyan sa McKinley kanina, tumawag, tinuktukan mo raw."

Napakamot ako ng ulo. "E, sir, reckless driving tapos nanuhol pa."

"Kano?"

"Kuwarenta."

Natawa sya. "Parehong pareho kayo ni Peping. Mainit ang ulo pero may prinsipyo. Nakaka-miss talaga yung tatay mo na yon. Kaya hindi kita mapabayan dahil alam kong magagalit yon sa langit pag napahamak ka sa poder ko."

Nagkagat lang ako ng labi at nagbaba ng tingin.

Ipinatong nya ang magkabilang siko sa mesa. "Pepay, hindi sa lahat ng oras, nandito ako. Kailangan mong maging responsable sa mga desisyon mo. Iisipin mo lagi yung resulta ng mga aksyon at desisyon mo."

"Opo, Ninong. Sorry po."

Huminga sya ng malalim at sumandal sa swivel chair nya. "Anong sabi sa stress therapy mo?"

"Isa pa po yun. Hindi ko na po yun kailangan. Abala lang po yun."

"Oh, e ang usapan natin, papasok ka kung tatapusin mo yung isang linggong session. Nakaka-dalawa ka pa lang."

"E, sir, di ko naman kailangan nun, okay lang talaga ako."

Nagpilantik sya ng dila at umiling. "Tapusin mo."

"Opo, sir." Ngumiti ako.

Napatingin ako sa kabinet sa tabi ng desk. "Hindi pa rin po pumapasok yung Janitor, sir?"

"Hindi pa. E, uuwi raw sila ng probinsya pagkatapos mag-labor ng asawa."

Sinalat ko ng hintuturo ang ibabaw. "Puro alikabok na rito."

Nagliparan ang alikabok. Nabahin siya at lumipad ang pustiso nya pabalik sa basong may tubig.

***

Rumadyo sa akin si Kara. "Clear na, P."

Sumagot ako sa radyo sa kaliwang balikat ko. "Copy."

Sinenyasan ko na mag-go ang mga sasakyan sa kaliwang side ng intersection.

"Dinala ni Jacob yung fiance nya kahapon sa prisinto." Biglang usap ni Kara sa radyo.

"Oh, bakit? Ipapakulong ba nya?" medyo irita kong sagot.

"Gaga, pinakilala lang. Nawala ka kasi kahapon kaya di mo nakita."

Actually, nandon ako. Tumago ako sa loob ng selda, kasama nung limang GRO. Limang GRO pa yung comomfort sa akin habang humahagulgol ako. Yung gagong Jacob na yon. Kapal ng mukha nya. Matapos nyang makuha ang lahat sa akin, bigla na lang nya akong iiwan? Well, iba naman yung nakuha nya sa akin. Binoka-boka ko lang naman sya kay Ninong para ma-promote, at nong na-promote ang gago, iniwan na lang ako sa ere. Pinaasa. Ganern. Two months na kaming hindi nagpapansinan sa prisinto. Tapos nagdala ng fiance? Gago talaga. Tiniis ko yung amoy singit sa loob ng selda at para saan? Para sa isang walang kwentang lalaki.

"Uy, P, go na! Over."

Biglang bumalik ang lumilipad kong diwa at sinenyasan ang padiretsong mga sasakyan.

"Kumain ka kaya muna. Kanina ka pa di kumakain," radyo ulit ni Kara.

***

Pumasok ako sa loob ng karinderya. May iilang taong kumakain. Dalawang estudyanteng naglalampungan sa isang sulok. Isang lalaki at babaeng rider na malapit sa pinto na nagtatawanan habang nanonood sa cellphone. Hays. Wala akong pake. E, ano kung wala pa rin akong jowa? E ano kung trenta na ako? E ano kung tumanda akong dalaga? Sus.

"Anu sayo, ma'am?" nakangiting tanong ng manong na naka-apron.

"Mapait ba tong ampalaya nyo?"

Medyo nagulat si Manong. "Um, hindi naman po masyado."

"Next time, paitan nyo."

"Ho?"

"Wala. Ampalaya, kalahati tsaka kape, black. No sugar." Yan, para sa mapait kong lovelife.

"Rice, ma'am?"

Inilabas ko ang baunan ko sa bag. "May dala ako."

Nilagay nya lahat sa tray, binayaran ko, dinampot ko ang tray at dumiretso na ako sa isang sulok.

Tinuhog ko ng tinidor ang ampalaya sa platito at isinubo.

Sanay naman akong mag-isa. Matapos ang isang dosenang lalaki na nanloko sakin since high school, wala na akong tiwala sa happy ending. It's either kalokohan lang yan o talagang wala lang talagang lalaking hinulog ng langit para sa akin. Wala.

Nakarinig ako ng malakas na kalabog galing sa itaas. Napatingala ako sa kisame. Nakita kong nabiyak ang kisame at nahulog mula sa bubong ang isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko habang pabagsak sa akin ang isang lalaking naka-Michael Jackson outfit. What a thrilling moment.

Continue Reading

You'll Also Like

945K 32.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
168K 3K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
122K 2.5K 21
Duke & Izza