Her Last Hope (Vista Alegre S...

By WhiteGelPen

2.5K 386 72

Sky Demeter Illarionova, a girl who was diagnosed with cancer, has to pretend and makes her friends and other... More

Disclaimer
Synopsis
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15

Chapter 16

93 6 0
By WhiteGelPen


“ANO BA— Bitawan mo nga ako!”

Nagpumiglas siya ng malakas habang pinupukol ng masamang tingin ang lalaking humihila sa kanya. Saan ba siya dadalhin nito? Muli siyang nagpumiglas.

Binitawan naman siya nito. Napaatras naman siya ng humarap ito sa kanya habang walang kahit anong emosyon sa mga mata nito. Bigla naman siyang napaiwas ng tingin.

“We need to talk, Illarionova...” mahina subalit mariin na saad nito sa kanya.

Nagtatakang tinapunan naman ito ng tingin ni Sky. “Wala tayong dapat pag-usapan—”

He cut her off. “Meron.”

“Wala nga—”

“Bakit ba ang kulit mo?” iritang tanong nito. Naaparko naman ang kilay niya. Aba! Siya pa talaga ang matigas ang ulo ngayon?

“Bakit ba ang kapal ng mukha mo? At para saan ba ang paghila mo sa akin dito? Masyado ka talagang epal kahit kailan noh? Edi sana nakasakay na ako sa bus at kanina pa ako nakauwi!” naiinis na sabi niya.

Hindi mapakali si Sky. Ramdam na ramdam na naman niya ang pagwawala ng puso niya. Hindi rin siya makatingin ng diretso sa lalaki dahil baka mawala na naman siya sa kanyang sarili. Shete talaga!

Napahawak naman ito sa noo na para bang nawawalan na ng pasensiya sa kanya. Doon lamang siya natahimik at lihim na nakagat ang dila niya.

“About what happened earlier—”

Agad niya namang pinutol ang dapat na sasabihin nito. “Wala akong matandaan” aniya dito.

Nakita naman niya ang pagtaas ng kilay nito kapagkuwan ay napabuntong-hininga ng malalim.

“Like what I've said, I'm sorry about earlier—”

“Wala nga akong matandaan” pagde-deny niya. “At isa pa, bakit ka ba nagso-sorry? Sa ate Skylla ko ikaw dapat mag-sorry!” sigaw niya sa lalaki. Halatang nagulat naman ito.

Nag-iwas siya ng tingin at tumalikod na sa lalaki. Ito lang ba ang dahilan kung bakit siya hinila nito? Para humingi ng sorry? What's the point of him saying sorry to her? Last time she checked, wala namang nangyaring masama kanina, except sa fact na tino-two time nito ang ate niya at ang kaibigan nito.

O baka naman nag-guilty ito dahil nakita niya itong kasama ang kaibigan ng ate niya?

She looked at him again. “At pwede ba? Huwag mong pagsabayin ang ate ko pati ang kaibigan niya. Two timer ka! Feelingero hindi naman gwapo...” pahabol niya pang singhal dito.

Liar! Hindi gwapo pero hindi mawala-wala sa isip mo, Sky?

Natigilan naman si Sky ng matawa lamang ito sa sinabi niya. Napaarko naman ang kilay niya. “What's funny, huh?” tanong niya pa.

As she looks at him, amusement is written in his eyes. Tila ba natutuwa ito sa inaakto niya ngayon. Lihim naman siyang napasimangot.

“Wait— Do you really think that we're in a relationship?” he chuckled. Mas lalo namang naguluhan si Sky.

“W-What do you m-mean?” utal niyang tanong.

Napailing naman ito at amused na tumingin sa kanya. “Wala kaming relasyon ng ate Skylla mo. Always remember that, kid...” natatawang sabi pa nito.

Muli na namang natigilan si Sky. Hindi dahil sa nalaman niyang wala itong relasyon sa ate Skylla niya, kundi sa itinawag nito sa kanya.

Kid?

“Hey! Are you okay?” kapagkuwan ay biglang tanong nito nang mapansing natigilan siya. Napaiwas ng tingin si Sky dito. Is she really looks like a kid to him? Hindi niya alam pero masyadong big deal ang bagay na iyon kay Sky.

“E-Ewan ko sayo!” Iyon lamang ang tanging nasabi niya at mabilis na tinalikuran si Kliev. Hindi na niya narinig pa ang sinabi nito dahil tumakbo na siya palayo sa lalaki.

Mabilis na pumara ng tricycle si Sky. Nakaalis na kasi ang bus no'ng muli siyang bumalik sa station. “Sa Central Ville po, manong.”

Paulit-ulit na nag-replay sa isip ni Sky ang mga kaganapan kanina. Ngayon lang niya masyadong binig-deal ang isang nonsense na bagay.

Parang dati, wala naman siyang pakialam kahit sabihan pa siyang mukhang bata, because of her baby face. Pero iba talaga ang dating no'ng si Kliev na mismo ang tumawag no'n sa kanya. It seems like he only see her as a kid.

“Hindi na ako bata, di ba? I'm already 18 years old, turning 19 this year...” mahinang bulong niya sa sarili.

“Sinong kausap mo, hija?”

Napatingin naman siya kay manong ng bigla itong magsalita. “Po?”

“Para kasing may kausap ka. Kanina ka pa salita ng salita d'yan...” nangingiting saad nito.

Nahihiyang nag-iwas nalang siya ng tingin kay manong. Ghad. Nababaliw ka na naman, Sky!

After few minutes, nakarating na sila sa Central Ville. Agad naman siyang nagbayad at nagpasalamat kay manong driver pagkatapos ay bumaba na siya ng tricycle. Lakad-takbo ang ginawa niya papasok sa main gate ng bahay nila.

As usual, sobrang tahimik na naman. Kailan ba umingay ang bahay nila? Kahit noong bata pa siya, sobrang tahimik na talaga ng bahay nila, para bang walang ibang taong nakatira.

That's the disadvantage of having a very strict and serious parents. They don't have any  freedom to do everything. It seems like they're only born to obey rules from their parents.

Tahimik na pumasok si Sky sa loob. Bukas ang mga ilaw pero mukhang walang ibang tao. Nagtatakang inilibot niya ang tingin sa buong sala. Maraming gamit ang nakakalat do'n. Nakauwi na siguro ang mom and dad nila.

“Kuya?” she called her kuya Skyde. Muli niya sana itong tatawagin ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha sa bulsa ng skirt niya upang tingnan kung sino ang tumatawag.

Kuya Skyde calling...

“Hello?”

“Thanks God you answered! Nasa bahay ka na ba? We're here at the hospital now, Sky...” sunod-sunod na saad nito sa kabilang linya.

Nagtaka naman siya. Hospital? Bakit?

“Bakit nasa hospital kayo? Sinong dinala d'yan?” she asked. Agad namang binalot ng kaba ang puso ni Sky habang hinihintay ang susunod na isasagot ng kapatid niya.

She heard him sighed deeply before answering her. “Isinugod sa hospital si dad, Sky. May malala na siyang sakit sa bato. He needs a kidney donor but until now, wala pa rin kaming mahanap...”

Natigilan naman siya sa narinig. May sakit ang dad nila sa bato? Kidney donor? Ghad! Bakit ba hindi sila magawang lubayan ng problema?

“SKY!”

Mabilis siyang nilapitan ng kuya Skyde niya at hinila papasok sa isang room ng SNTJ hospital. Kadarating niya lang at kanina pa siya pabalik-balik sa lobby ng hospital dahil hindi niya alam kung saan ang room ng dad nila.

Napatingin siya sa mom niyang tulog na tulog sa gilid ng kama ng dad nila. Napatong lang ang ulo nito sa dalawang braso. Samantala ang ate Skylla niya naman ay tahimik na nagce-cellphone sa may sofa, tila hindi man lang natinag sa pagpasok nila.

Iniiwas nalang ni Sky ang tingin sa ate niya at binalingan ang dad nilang nakaratay sa hospital bed. Lumapit siya sa higaan nito at tahimik na pinagmasdan ang natutulog nilang ama.

All of her life, hindi niya magawang magalit dito. Tahimik siyang umupo sa maliit na space sa gilid nito at kinuha ang isang kamay ng dad nila. Hinaplos niya iyon.

“Why, dad?” she whispered.

Bakit hindi man lang nito sinabi sa kanila na may sakit pala ito? Or maybe their mom knew it already but she chose not to tell it to them.

“We need to find his kidney donor as early as possible. Unfortunately, wala pa rin kaming mahanap na willing maging donor niya...” her kuya Skyde explained to her.

Hindi na niya ito nagawang lingunin pa dahil nakatuon lamang ang buong atensiyon niya sa dad nila. She never imagined it to happen. Mas kilala niya ang isang Sebastian Illarionova as a strong and strict person. Pero sadyang hindi talaga hawak ng tao ang kapalaran nila.

No matter how strong you are, there's a big possibility for you to fail and to feel hopeless.

Hindi namalayan ni Sky na umiiyak na pala siya habang walang imik na nakatitig lamang sa nakaratay nilang ama. Natigil lamang siya sa pag-iyak nang marinig ang naiiritang boses ng ate Skylla niya.

“My gosh! Hindi pa patay si dad kaya huwag kang mag-drama d'yan. Napaka-oa mo talaga kahit kailan...” komento nito. Mabilis naman siyang nagpunas ng luha sa mata.

Sometimes, she can't help but to felt offended by her ate Skylla's words. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng kapatid niya, para bang napakalaki ng kasalanan niya dito. Tila may pinanghuhugutan ito ng galit sa kanya kaya gano'n nalang ito ka-mean sa kanya.

“Watch your words, Skylla Denice! Don't talk to your sister like that!” suway ng kuya Skyde nila dito.

Tsaka lamang niya ito nagawang lingunin. Pilit na itinatago ni Sky ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha para ipakita dito na hindi siya apektado. Magsasalita na sana siya pero naunahan na naman siya nito.

“No! She's not my sister, kuya Skyde! Anak siya ni papa sa la—”

“SHUT UP!”

Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Muntik pa nga siyang mabuwal sa kinauupuan ng umalingawngaw sa buong silid ang malakas na sigaw ng kuya Skyde nila. Hindi magawang gumalaw ni Sky at tila bigla na-blanko ang isip niya sa mga narinig. Ramdam na naman niya ang pakiramdam na para bang pinagkakaisahan siya ng mundo.

Dahan-dahan niyang nilingon ang ate Skylla niya. Wala na ang galit na mukha nito. Napalitan na iyon ng namumutlang ekspresiyon.

“What the heck is going on here?” Halos sabay-sabay pa silang napatingin sa direksiyon ng mom nila nang bigla itong magsalita.
   



A/N: Another update, arkiess! Sorry sa slow update^^

Continue Reading

You'll Also Like

242K 1.1K 36
Warning - Extremely erotic and sexual. People below 18 might find it disturbing. Suggestion to my readers - Visualize everything! Description - I am...
1.8M 140K 63
"ရှင်သန်ခြင်းနဲ့သေဆုံးခြင်းကြား အလွှာပါးပါးလေးကိုဖြတ်ကျော်ခါနီးမှာမှ ငါမောင့်ကိုစွန့်လွှတ်တတ်ဖို့ သင်ယူနိုင်ခဲ့တယ်၊ လူတွေက သံသရာမှာ ရေစက်ရယ်၊ဝဋ်ကြွေး...
253K 19.2K 39
- Keya x Shivansh Keya Mathur (25yrs old) one of the most youngest and leading wedding planners of India. Shivansh Singh Rawat (27yrs old) the rulin...
3M 192K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...