SERENDIPITY

By nctwayzenkei

43 2 0

In this story, there are twins named Ingrid and Yves. They both had a hard time admitting that they liked som... More

CASTS
02
03
04

01

13 1 0
By nctwayzenkei

"Eww epal." Binaba ni Ingrid ang kanyang phone at kumuha ng maruming tissue saka binato sa kambal nyang tawang-tawa sa harapan nya ngayon.

"Kadiri naman 'to!" Ngumiwi si Yves at diring diri na tinanggal yung tissue na binato ni Ingrid na nakapatong sa kamay nya. "Post ka pa kasi! Sabihin pa nyang bff mo di ka pa nagmomove on."

"Di ko na sya bff, tanga ka ba?"

Ingrid rolled her eyes at binalik ang tingin nya sa kanyang phone kung saan, nasa screen pa din nito ang post ng dati nyang ka-m.u.

The name is Jovan Durango.

He used to be her suitor at pareho silang nagkakamabutihan na. Nakilala nya ito bago mag-Christmas break noon through Nicole, iyong nagpost sa social media nga.

They used to be friends with Nicole and yun nga, Ingrid met Jovan through her since lagi naman nyang kasama. He's shy at first at hindi pa makatingin kay Ingrid ng diretso kaya she finds him cute that time at medyo naging crush pa nya.

Ang pogi naman kasi. Plus nakasalamin pa eh gustong-gusto ni Ingrid yung ganon.

Since nagkakilanlan na nga si Ingrid at Jovan that time, umamin kaagad ito sa kanya nang walang patumpik-tumpik, that he likes her so much at nakiusap pa daw talaga sya kay Nicole na ipakilala sya dito. She clearly remembers that night, it's Christmas eve.

Jovan confessed and it feels magical.

So he started courting her.

"At may pahabol oh! Nakita ata tweet mo bal eh."

"Tigas talaga ng mukha ni gaga. Halos alam ng lahat na inagaw nya yan, wala lang sa kanya."

Yun nga lang, something changed with Nicole when they announced na Jovan's courting Ingrid already. Para bang hindi ito makapaniwala.

It's like, hindi nya gusto ang nangyayari.

She got mad, especially kay Jovan kasi bakit daw hindi sa kanya sinabi agad? Na dapat daw sya ang unang makakaalam kasi she's his best friend.

Oo nga pala, they were childhood friends at sila na ang magkasama hanggang sa lumaki sila at hanggang sa makilala ni Jovan si Ingrid.

At first Ingrid couldn't understand why she was acting like that eh best friend lang naman sya? But since Nicole is also her friend, of course she tried to understand her.

Hindi sya pinansin ni Nicole and again, she tried to understand her. Pero madalas itong magpost sa social media at stories nya na she's always with someone so she thought, na she's busy dating kaya di nagpapakita.

But as time passes by, medyo namumukaan nya yung lalaki sa stories nito and it turns out na si Jovan pala lahat ng iyon.

Ayos lang naman kung magkasama sila eh. She won't mind since magkaibigan sila.

Ang hindi maintindihan ni Ingrid ay bakit kailangang itago? Alam din naman ni Nicole na nakikita na nya ang stories nito at noon pa man at lumalabas naman sya always with Jovan, pero ngayon tinatago nya?

Unless may ginagawa silang hindi nya dapat makita?

Umamin naman si Jovan sa kanya na sya nga iyon. He also said na sinusuyo nga daw kuno nya ito dahil nagtatampo pa din sa kanya si Nicole.

And again, Ingrid tried to understand.

Hindi pa naman sila ni Jovan pero bakit parang may mali? At ganoon pa nga ang nangyayari sa kanila.

Pero bakit naman ang tagal? Sa mga pictures nya mukha naman syang hindi nagtatampo eh.

Ang dalas pa nilang lumabas kumpara noon, mas napadalas nga nung malaman nyang nanliligaw si Jovan eh.

At isa pang nakakapagtaka eh minsan nalang magtext si Jovan sa kanya at hindi na din nagpapakita.

Para bang nag-mia ito.

Pero ang madalas naman kasama eh si Nicole? What's happening?

At doon na sya kinutuban.

Si Nicole hindi pa din sya pinapansin.

At yun nga, one of her blockmates told her na nakita nga daw nya si Nicole at Jovan sa isang bar malapit lang sa condo kung saan nakatira si Jovan.

And there, Ingrid saw them kissing.

Yung halikang akala mo wala nang bukas?

Doon din nya nalaman na matagal na palang may gusto si Nicole sa best friend nya at hindi nya matanggap na sa tagal nilang magkasama, kay Ingrid ito nagkagusto kesa sa kanya.

Nalaman din nya na bata pa nga lang daw sila eh pinangakuan na nitong si Jovan si Nicole na pakakasalan nya ito hanggang pagtanda. And yes, pinanghahawakan pa iyon ni Nicole kaya nung nalaman nito na nililigawan ni Jovan si Ingrid ay ganoon na lamang ang galit nito.

She felt betrayed daw.

Edi wow. Sya pa ang may gana?

Kaya sa mga oras na Jovan's always with Nicole, tinatrabaho nya na ito.

And there, friendship is over.

Pati si Trixie tinakwil na si Nicole.

"Akina kasi Yves! Tangina naman eh!" Sigaw ni Trixie at kinuha yung pouch nyang na may mga make up nya.

"Bunganga mo nasa harap ka ng pagkain oh."

"Lakompake kahit anak pa yan ng presidente."

"Ingay nyo. Mahiya naman kayo sa nagrerelapse oh." Singit ni Ethan sa kanila kaya natigilan yung dalawa at tiningnan si Ingrid.

"Next time na tatanggap ka ng manliligaw, yung walang girl best friend ha. Akala ko naman gawa-gawa lang yung ganoon. Hayop nangyayari pala talaga na some of them ay nang-aagaw. Di na nahiya sa girlfriend yayks." Sabi ni Trixie at umiling-iling.

"Di kase, nanghihinayang sya at ang pogi nga daw ni Durango tapos naagaw pa ng kaibigan nyo." Sabi naman ni Yves.

"Tangina naman bal hindi ako ganoon kahibang noh? Igaya mo pa ako sayo."

"Asan na pala tong dalawang to?" Trixie asked matapos nyang makita yung quote retweet ni Jake from Ingrid's post. "Di ba sila kakain?"

"Di ka ba nainform na hindi sila makakasabay satin ngayon?" Sagot ni Ethan sa kanya. "Maawa ka naman, nasa kabilang uni pa yan. Paano kung gumagawa pa yan ng plates?"

"Nagtatanong lang damuho ka akala mo kung sinong gwapo eh sunod-sunuran ka lang naman kay Jovan kapag nalilibre ka ng kape eh."

"Anong sunod-sunuran? Kapal naman ng mukha mo eh mas gwapo nga ako don bakit ako susunod sa kanya?"

"Malay ko sayo. Alipin ka ng salapi eh!"

At doon na nga nagsimula ang sagutan nilang tatlo. Ganito naman lagi ang set up nila kaya sanay na sanay na si Ingrid sa ganitong ingay. Pero kahit nagbabangayan yang mga yan, mga maaasahan naman pagdating ng problema.

Si Nicole lang talaga ang naligaw sa kanila.

Well, nakilala lang naman nila iyon dahil nga sunod ng sunod kay Yves. Akala nga nila si Nicole na ang magiging sagot sa problema ni Yves dahil baka nga sya na ang the one kuno, buti nalang hindi.

Buti nalang talaga.

At sa kalagitnaan ng kanilang tanghalian na puno ng chismis, sandaling umingay ang kanilang paligid kaya naman napukaw ng nito ang kanilang atensyon at natigilan sa pagkain.

Since malayo sa building nila yung pinakang main cafeteria nila, nagdecide sila na doon nalang sa isang kainan sa may kabilang gate sila kumain, kung saan malapit lang sa dept nila. Malaki kasi yung university nila at may dalawang gate ito sa magkabilang dulo.

Madalas nilang hindi nakakasabay ni Jake at Cyrus na mga kaibigan din nila dahil sa ibang university sila pumapasok at medyo malayo.

Parehong BSN ang course ni Trixie at Ethan, BFA naman si Yves at tourism naman kay Ingrid.

Yung mga bagong dating naman na medyo pinag-uusapan ngayon eh same course lang ni Ingrid.

Bakit sila pinag-uusapan?

Minsan silang naging representative ng dept nila panlaban sa search at parehong nanalo.

And people think that they look good together.

Kaya mula din nung araw na iyon, they started shipping them together without knowing na may jowa yung babae.

Matapos nilang makita kung sino iyon, sabay-sabay silang napatingin kay Yves.

And yes, ex ni Yves yung girl at yung lalaki naman ay dating kaibigan din ni Yves.

Si Yves lang, kasi kumukulo ang dugo ni Ingrid kapag nakikita nya yung guy. Mas lalo lang syang nainis mula nung nagstart yang shipping na yan at feel na feel pa nya. Walang pakiramdam.

Kambal nga sila.

Pareho silang naagawan eh.

"Wala na, back to zero na ulit." Ingrid teased him at tumawa.

"Olats. Di na to makakamove-on." Natatawang sabi ni Ethan at inakbayan pa nito si Yves.

Sinamaan ng tingin ni Yves ang kakambal nyang halos kapusin na ng hininga sa pagtawa.

"Ang saya mo ah. Ano nanaman to?" Yves asked her.

"Yiee, ganda ba ni Sachi pre?" Pang-aasar din naman ni Ethan kay Yves kaya naman tinulak nya lang ang braso nito.

"Manahimik nga kayo, kita nyong kumakain eh."

"Hala Xy! Nakatingin si Sachi sayo oh." Tinapik sya ni Trixie.

Mabilis namang pinadaanan ni Yves ng tingin ito at tama nga sila, nakatingin si Sachi sa kanya.

Kaya iyon ang naging dahilan kung bakit lahat ng kinain nya ay parang napunta sa ulo nya at sya ay nabulunan.

"Gago ka!"

"Hahaha bal tubig oh!"

Matapos nilang kumain ng lunch saka sila naghiwa-hiwalay at tuloy pa din sila sa pang-aasar kay Yves.

Ingrid knows it's weird pero pakiramdam nya ay mahal pa din naman ni Sachi ang kakambal nya?

Kapag kasi sinusundo sya ni Yves, madalas nyang nakikita na nakatingin ito sa kambal nya at nandoon pa din yung lungkot sa mga mata nya. She doesn't know what really happened, ayaw naman magkwento ni Yves at gusto nalang daw nyang kalimutan and she respected it.

Mabait naman si Sachi eh, close nga sila ni Ingrid pero dahil sa break up nila ni Yves, dumistansya itong si Sachi sa kanila.

At feeling naman nya wala itong gusto kay Alas?

Si Alas nga pala yung shiniship kay Sachi. Madalas din silang magkasama and always na napapartner sa isa't isa. May mga times na mapapansin nga ni Ingrid na uncomfortable si Sachi pero dahil mabait nga ito, she just goes along.

Hayy..

Ano bang nangyari talaga?

"Hayy nako kambal." Ingrid shakes her head saka nya tinago ang phone nya at pumasok na sa kanilang leacture room.

Continue Reading

You'll Also Like

227K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
186K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
10.7K 379 69
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...