The Naked Ruth

HeartYngrid tarafından

34.8K 1.5K 102

Desperate Ruth decided to seduce her first love by getting naked in front of him. Only to realize later that... Daha Fazla

Blurb
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28

Part 30

723 13 2
HeartYngrid tarafından

NARAMDAMAN ni Ruth ang pagbitiw ni Romeo sa kamay niya nang makalayo na sila sa kinaroroonan ng mga magulang sa station one ng Boracay beach. Hanggang sa pagpapanggap na lang niya mararanasang maka-holding hands ito. Kapag kaharap lang ang ama nito saka lang siya titingnan nito nang may puso sa mga mata.

Well, tanggap na niya. Na-realize na ni Ruth na kailangan na lang niyang i-give up ang planong gawing tulad ni Ramoncito si Romeo. Tanggap na niyang hindi mapapasakanya ang first love. Tanggap na niyang hindi na ito magiging straight pa kahit kailan.

Hindi alam ni Ruth kung dapat siyang magpasalamat sa ginawa ni Travis noong gabing nagprisinta itong maging "third wheel" sa kanila ni Romeo. Nalaman niya ang reaksiyon ng beki sa sitwasyon niya. Pagkaalis kasi ni Travis nang gabing iyon ay napag-usapan nila ni Romeo ang tungkol sa babaeng tinutukoy ng pinsan na na-in love sa isang bakla at hanggang sa umuwi siya ng bahay ay paulit-ulit na nag-replay sa isip niya ang sinabi ng beki.

"Narinig mo ba 'yong sinabi ni Travis kanina tungkol sa luka-lukang babaeng bet niya? Kaloka. Meron ding mga babaeng lumalandi sa 'kin pero hindi nila alam na mermaid ako kaya sila nagkakagusto sa 'kin. Pero 'yong girl na sinabi ni Travis, alam niyang bakla, nagkagusto pa rin siya? Why? Kahit pa borta 'yon, alam niyang etits din ang gusto. How dare her try to turn the gay into being straight just for own benefit? Ba't 'di na lang niya igalang 'yong sexual preference n'ong beki? She's just wasting her time. Hinding-hindi siya pagnanasaan ng bading na 'yon. Walang baklang nagiging straight. That's bull. 'Yong mga nagsasabi na dati silang homosexual pero naging straight, nagpapanggap lang sila. Niloloko lang nila ang mga sarili nila."

At the back of her mind, alam naman ni Ruth na kalokohan ang gusto niyang gawin and at some point ay gusto na niyang itigil ang pag-asam kaya lang ay na-challenge siya sa pangdi-discourage ni Travis kaya sumubok pa rin siya.

Tanggap na niyang hanggang mag-beshie na lang sila ni Romeo. Gusto na niyang suportahan nang buong-buo ang pagiging miyembro nito ng LGBT. Kung sa etits ito masaya ay hahayaan na niya ito.

Mas magaan na ang dibdib ni Ruth ngayon. Nasaktan siya sa pag-let go kay Romeo pero sandali lang. Baka tama si Jonna. Puwedeng obsession lang para sa kanya ang makuha ang beki dahil alam niyang mahihirapan siyang makamtan ito. Baka sadyang malapit lang ito sa puso niya dahil ito ang kauna-unahang naging knight in shining armour niya na later on na lang niyang nalamang isa rin palang damsel in distress. Pero hindi talaga iyon tunay na pag-ibig. Maybe it was only deep fondness that she mistook for love.

"Ano'ng ibig sabihin ng pabuntunghininga mo, beshie?" tanong ni Romeo habang naglalakad sila sa shore.

Napabaling si Ruth sa kaagapay sa paglalakad. Hindi niya napansin na bumuntong-hininga pala siya habang nakatanaw sa araw na nagsisimula nang maghanda sa paglubog.

"Are you starting to get burdened? Sorry na, beshie. Siguro nga, mahirap para sa 'yo 'tong ipinapagawa ko sa 'yo. I'm so selfish. Sarili ko lang ang iniisip ko. Then and now, I'm such a burden to you."

"Ano ba'ng sinasabi mo? I'm not burdened at all. Gamitin mo lang ako. Walang kaso sa 'kin 'to. Use me para hindi ka ireto ng daddy mo sa babae at hanggang sa magkaroon ka na ng lakas ng loob na umamin."

Si Romeo naman ang bumuntong-hininga. Nakita niya ang pinagsamang lungkot at takot sa mga mata nito. "Do you think I'll be able to muster the courage to reveal my true self soon?"

"Gusto mong maging malaya, 'di ba?"

"Yes!" determinadong sagot ng beki.

"Gusto mong maging isang maybahay soon?"

"Yes na yes!"

"Gusto mong maging totoong masaya?"

"Yes, yes, yes!"

"Kung gano'n, palayain mo ang sarili mo sa pinagkulungan mo sa sarili mo. Palabasin mo na si Barbie sa pinagtataguan niyang mga maskels. The truth shall set you free. Nakakatakot pero wala ka namang choice kaya kailangan mong lakasan ang loob mo. Pero kailangan mo ring tantiyahin kung kailan ka magka-come out. Kailangan mong humanap ng perfect timing para i-reveal 'yang pagkatao mo. At saka kailangan, tanggapin mo rin 'yong magiging possible consequences ng pagtatapat mo. Pero ano at anuman ang mangyari, tanggapin ka man ng daddy mo o hindi, lagi mong iisipin na buhay mo 'yan at walang karapatan ang kahit sino na humadlang sa gusto mong gawin sa buhay mo kahit pa parents mo."

Lalo na ako, sabi niya sa isip. Wala akong karapatang humadlang sa ikasasaya mo. At tanggap na kita ngayon. Tanggap ko nang isa kang vakla from head to toe.

Halatang pinipigilan lang ni Romeo ang mapasibi at mag-contort ng mukha sa pagka-move sa sinabi niya dahil kailangan nitong umastang maton. Kumapit ito sa braso niya. "Thank you, beshie. Salamat sa words of encouragement at sa help. Happy ako na bumalik ka sa buhay ko."

Hindi napigilan ni Ruth ang pamamasa ng mga mata. "Happy din ako na bumalik ka sa buhay ko. 'Wag ka nang mawawala uli, ha. O kung lalayo ka man para magtanan kung sakali, 'wag mo nang putulin 'yong communication natin. Stay in touch pa rin, ha. I want to be your friend forever."

"Ako din. Promise 'yan, ha."

Ngumiti siya. "Promise."

Nang ibalik ni Ruth ang tingin sa harapan ay kumunot ang noo niya nang matanaw ang isang lalaking kamukha ni Travis na papasalubong sa kanila. Nakasuot ito ng shades, floral polo shirt at board shorts. Nang ngumiti ang lalaki ay nasiguro niyang si Travis nga ito. Bumilis ang pagtibok ng puso niya.

Ano ang ginagawa ng lalaking ito roon? Hindi naman nila ito kasama sa eroplano kaninang umaga.

Nang bumaling siya kay Romeo na nakakapit pa rin sa braso niya ay mukhang nakatingin na rin ito sa bagong dating. "Nandito na pala si Travis." Kumaway ito sa pinsan.

"B-bakit nandito siya?"

Tumingin sa kanya si Romeo. "Bakit hindi? He's family. Buti nga sumama siya ngayon. Ilang beses na namin siyang niyaya noon sa family outings, hindi siya sumasama."

Naalala ni Ruth na nabanggit ni Tito Dan na namatay na ang daddy ni Travis. Dati pa niya alam na wala nang ina ito. Mukhang wala ring kapatid, otherwise ay mababanggit iyon ni Romeo. Ibig sabihin pala ay mag-isa na lang sa buhay si Travis? Wala na itong mga magulang at wala ring kapatid. Wala na itong pamilya. He was practically alone. Suddenly, she felt bad for him.

"Ang sweet n'yo naman," nakangising puna ni Travis nang tuluyang makalapit.

"Sobrang late mo yata," sabi ni Romeo.

"Na-delay 'yong paglapag namin sa NAIA kanina. Runway congestion. Then we had to do some routine inspections sa eroplano bago ako makapag-clock out. Pero since dala ko na 'yong bagahe ko, dumiretso na agad ako ng sakay pa-Caticlan."

It must be cool being a pilot. Pinangarap ni Ruth na maging flight stewardess dati pero nauwi siya sa pagiging common office girl na inalisan din niya more than a year ago. Nag-resign siya sa kompanyang pinagtatrabahuhan dahil ang ex niya ang kanyang boss bilang ito ang head ng sales department doon. Ang modeling na dati ay part-time job lang niya ang pansamantala niyang full-time career sa kasalukuyan.

"So," patuloy ni Travis habang nakatingin sa kanya, "you're like part of the family now, huh?"

Ngumiti na lang nang pilit si Ruth. Kung dating hindi sumasama sa outing ng pamilya ng kapatid ng ama, bakit sumama ngayon si Travis? Dahil ba nalaman nitong kasama siya?

Naalala niya ang isinagot nito kay Romeo nang magtanong ang pinsan kung bakit hindi na ito nambababae sa kasalukuyan...

"Because I'm only interested in one woman now."

Kung totoo iyon, bakit? Siya lang ba ang kauna-unahang babaeng tumanggi kay Travis kaya parang na-obsess ito na makuha siya? Tulad din ba ng obsession niya na makuha si Romeo dahil alam niyang mahihirapan siyang mapasakanya ang beki? Natsa-challenge lang ito sa kanya.

Dapat ba siyang kiligin na nagawa niyang makuha nang buo ang atensiyon ng isang tulad ni Travis Barrera? Na bigla-bigla ay wala na itong pakialam sa ibang babae dahil nasa kanya lang ang interes nito? Sa ngayon siguro ay ganoon ang nararamdaman nito dahil matindi pa ang paghahangad sa kanya. Kapag pinatulan niya ang lalaki ay unti-unti ring mawawala ang interes nito sa kanya.

Ganoon mag-operate ang mga playboy. Fortunately, alerto siya sa mga tulad ni Travis. Hinding-hindi siya magpapa-onse sa mga lalaking kauri ng tatay niya.

Inalis ni Ruth ang kamay ni Romeo sa braso niya para makayakap siya sa beki mula sa tagiliran nito at ipakita iyon kay Travis. "And I feel so welcomed."

Hindi puwedeng malaman nito ang desisyon niyang putulin na ang pag-asam pa kay Romeo. Kapag nalaman nito iyon ay masisiyahan ito at maiisip na mas madali na siyang makukuha. Gagamitin niyang shield laban dito ang paniniwalang gumagawa pa rin siya ng paraan para maging straight ang pinsan nito.

Ramdam ni Ruth ang pagkaalibadbad ni Romeo at malamang ay gusto na siyang itulak nito pero hindi magawa dahil nasa harapan nila ang pinsan nito.

"I'm jealous," sabi ni Travis habang nakatingin sa kanya.

Nabawasan ang ngiti ni Ruth. Nagseselos ito kay Romeo kahit alam nitong bading ang pinsan? Did he really like her that much?

"Sana all may yumayakap nang ganyan." Tinapunan nito ng tingin ang dibdib niyang nakadikit nang husto kay Romeo.

Parang gusto niyang mapailing-iling. Naiinggit lang pala si Travis dahil sa boobs niyang nakadikit sa pinsan nito. Pervert.

Tumawa si Romeo. "For sure, maraming magiging willing yumakap sa 'yo mayamaya. Lalo na kapag nagtanggal ka ng shirt."

Travis smiled faintly. "I don't like other girls... I only want her."

Nakatingin ito kay Romeo pero alam ni Ruth na siya ang tinutukoy nito. Hindi niya alam kung bakit kailangang bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi ni Travis. Bakit kailangan niyang maapektuhan sa mga ganoong banat ng lalaking ito?

"Ah," sabi ni Romeo, "that weird woman you mentioned a few days ago..." Bumaling ito sa kanya. "Nasobrahan ka ba sa kape, honeybunch?"

"Huh?"

"Parang nag-palpitate ka yata bigla."

Mabilis na bumitiw si Ruth kay Romeo. Naramdaman nito ang nangyayari sa puso niya. Sana ay huwag magkaideya si Travis na dahil dito kaya lumakas ang kabog ng dibdib niya.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...