NANG ANG BULAK AY NABASA
Nang ang bulak ay nabasa
Naglaho ang mga tanikala
Nang ito'y piniga
Walang nagbago sa sistema
Bakit humantong sa labis?
Bakit ang bulak sa kamay ay dumamplis?
Magaan naman ito at madaling hawakan
Subalit tuluyan pa rin itong nabitawan.
Nang ang bulak ay nabasa
May isang bagay na tumalima
Napagtanto na hindi lang mabigat ang binibitawan
Kundi kaya rin palang bitawan kahit mga bagay na magaan.
miss_reminisce