ANG PAG-IBIG
Sa dalampasigan kita nakilala
Ang puso ko'y iyong agad nakuha
Bugso nito'y ayaw magpaawat
Hanggang ang mata ko'y iyong nasalat
Sa bukana ng pinto kita pinatuloy
Binuksan ko ang pag-ibig kong nag-aapoy
Mga ngiti ay nababasa ng kalangitan
Mga panalangi'y dinidinig ng kapalaran
Hanggang sa dumaan ang isang gabi
Nadatnan kong yakap-yakap ang aking sarili.
Unti-unting nalulusaw ang kandila sa aking tabi.
Ang silid ay binalot ng mga hikbi
Naalala ang nakaraan,
At ang kasalukuyan ay hindi tumatahan
Pinatuloy kita sa'ming pintuan.
Subalit sa bintana na lamang kita pinagmamasdan.
miss_reminisce