1. Sold to CEO (R-18)

By Sha_sha0808

868K 20.7K 1.5K

It was a rainy night nang may nag-alok sa kanyang virginity para sa isang gabing kaligayahan. Bago pa man nag... More

Sypnosis
1
2
3
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35...
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Ending

4

19.2K 377 15
By Sha_sha0808











Unedited....










"Aalis ako, hindi ako matutulog dito mamaya," ani Chris. Kanina lang natapos ang kasal nila pero aalis na ito agad.

"Sige, ingat ka," sagot ni Anika. As if na may masabi pa siya. Feeling niya kahit na ano ang gawin ni Chris, ito rin naman ang masusunod kahit na tumutol pa siya.

"May laman pa naman ang ref natin. Kapag wala na at may gusto kang kainin, mag-order ka online. Nasa sa 'yo naman ang isang credit card ko o 'di kaya'y tawagan mo si Rino para magpabili ka."

"Sapat pa naman ang pagkain sa ref," aniya.

"Okay, good. Wag kang magpapasok kahit nakailang bell na ha. Remember, ako lang ang nakatira dito. I have a key kaya hindi ako mag-doorbell."

Tumango ang dalaga. Lumapit si Chris at hinalikan siya sa mga labi.

"Bye." ani Chris at lumabas na ng unit.

"Saan ba tayo, sir?" tanong ni Rino.

"Surigao," sagot ni Chris kaya dumiretso sila sa airport. "Nakapag-book ka na ba?"

"Ha? Magbo-book ba?"

"Damn!" ani Chris na nakalimutang magpa-book.

"Tingnan mo kung alin ang may available flight pa Surigao."

"Wait, tawagan ko lang ho si Jessie," ani Rino na ang tinutukoy ay ang girlfriend niyang overall secretary ng company. Marami silang connection kaya bago pa sila makarating sa airport, naka-book na sila ng business class ticket.

Paglapag sa Surigao, dumiretso sila sa hotel.

"Mamayang gabi pa ang meeting kaya magpahinga ka muna sa room mo," sabi ni Chris.

"Sige, boss." Ipinasok ni Rino ang gamit ni Chris saka pumunta sa sariling kwarto.

Nahiga muna si Chris at pinanood ang CCTV ng condo unit niya. Ini-zoom niya ang ginagawa ni Anika sa sala. Kagaya ng nakagawian, gumuguhit na naman ito.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Rino.

"Bumili ka ng maliit na sewing machine."

"Boss, marami pa naman tayong sewing machine at kakabili lang natin last month."

"Isa lang ang kailangan ko na pambahay."

"Oh, sure," ani Rino kaya tinapos na ni Chris ang usapan nila at sinubukang makaidlip muna.

Nang tumunog ang alarm clock, agad na bumangon si Chris at nagpalit ng damit at tumungo sa business meeting nila ni Mr.Tan.

Naging maayos ang usapan at pagkatapos ng dinner, tunungo sila sa company building nito para makita ang sample ng ginto mula sa pinagminahan nila.

"We have different stones din," ani Mr.Tan sabay pakita ng sample stones nila. Sila ang may hawak ng mining industry dito sa Surigao.

Satisfied naman si Chris sa nakita.

"Okay, Mr.Tan. I'm gonna sign our contract pero gusto ko munang makita bukas ang mining site ninyo," aniya. Ito na ang maging main supplier nila.

"I'm happy to hear that," sabi ni Mr.Tan. "Bukas ito-tour kita."







-------------------------




Wala na siyang magawa kaya niligpit niya ang kalat sa mesa at nanood ng Netflix. Tatlong araw nang hindi umuwi si Chris pero ni tawag ay hindi naman nito ginawa.

Nakaramdam siya ng lungkot nang wala man lang nag-text o tumawag sa kanya. Sanay naman siyang walang kaibigan at pamilya pero mas lalo niyang napatunayan na wala talaga siyang halaga sa pamilya. Ni kamusta sa ama ay wala siyang natanggap.

"Bakit ganyan ang mukha mo?"

Napalingon siya kay Chris na naghuhubad ng sapatos.

"Oh, hi. Bumalik ka na," aniya.

"Yep. Miss me?" biro ng binata pero hindi sumagot si Anika. "Maliligo lang ako, magpalit ka ng damit, aalis tayo."

"Saan?"

"Basta," sagot ni Chris at dumiretso sa shower dahil nanlalagkit na siya. Nagpalit ng damit si Anika at nang matapos si Chris ay umalis na sila patungo sa Guadalupe.

Nang makapasok, namangha si Anika sa nakita. Patahian ito at ang daming mananahi sa loob.

"Halika," yaya ng binata saka hinila siya sa elevator at pinindot ang basement. Paglabas, bumulaga sa mga mata ni Anika ang iba't ibang klase at kulay ng tela.

"Wow! Ang dami!" halos mapatili siya sa saya.

"Mamili ka ng tela."

"P—Pwede ba?"

"Oo naman. Kunin mo ang lahat ng gusto mo. Di ba mahilig kang mag-sketch so I assume na marunong ka rin manahi."

"Wow! Oh my ghad!" hindi niya matago ang kasiyahan. Ito ang pangarap niya mula bata pa, ang makapagpatayo ng sariling patahian pero malabo na dahil wala namang suporta mula sa ama.

"Gawan mo ako ng tuxedo at pants kaya mamili ka ng tela na gagamitin."

"Ha?" kinabahan siya sa narinig.

"I'm your first client," ani Chris.

"P—Pero," napakagat siya sa ibabang labi. "H—Hindi ako magaling at never pa ako nakagawa ng damit." Oo nga at may maliit na sewing machine sila sa bahay pero ang mga ginagawa niya ay pang manika na damit lang.

"Then it's time na gumawa ka."

"P—Pero paano kung pangit?" napakagat ulit siya sa ibabang labi.

"Ako ang manghuhusga," ani Chris at hinawakan siya sa baba saka itinaas ang mukha niya. "Let me bite your lip for you," ani Chris at mariing hinalikan siya sa mga labi at banayad na kinagat ang lower lip niya.

Mabilis na tinulak niya si Chris nang marinig ang yapak na palapit sa kanila.

"T—Titingin na ako sa tela," aniya at iniwanan ang asawa. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya sa kaba na baka may makakita sa kanila.

"Kuya, pakibigay ho ng mga kailanganin niya. Sa labas lang ako maghihintay," bilin ni Chris para magkaroon ng freedom si Anika na mamili ng gusto niya.

Pagkatapos ng kalahating oras, lumabas na si Anika bitbit ang telang napili niya.

"Do you have everything na kailangan mo?"

"I think so," sagot niya saka nginitian si Chris.

"Tara, let's go home."

Pagdating sa bahay, nanlaki ang mga mata ni Anika nang makita ang sewing machine sa loob ng bahay.

"Oh my! Saan galing 'to?"

"Dinala 'yan ni Rino kanina habang nasa factory tayo," sagot ni Chris. "Do you like it?"

"Yes!" agad na tugon niya.

"Good. Now, you can make me my tuxedo."

"I can't promise na magaling ako but I'll try my best."

"May sketch ka?"

"Ahm... may mga naiguhit na ako noon pero hindi ko alam kung magugustuhan mo."

"Pipili ako. Asan na ang sample mo?"

Mabilis na tumalima si Anika at kinuha ang matagal na niyang iginuhit.

"Here. Mayroon akong apat na sample pero kung wala kang matitipuhan, gagawa ako ulit. Ano ba ang gusto mo?"

"No need na. Try mo 'tong isa. Gusto ko white lang."

"Sure. Susubukan ko but first, kailangan ko ng measurement mo." Nakita niyang kumpleto ang gamit sa sewing machine.

"Sure."

Kinuha niya ang tape measure at nagsimulang sukatan ang binata.

"Taas mo 'yong kamay mo, kunin ko lang ang waistline mo." Mula sa likuran halos payakap na siya para makuha ang waistline ng asawa dahil ang lapad ng katawan nito. Nasisinghot niya ang bango ni Chris kaya napangiti siya. Sino ang mag-aakalang matutupad na niya ang pangarap niyang makagawa ng damit?

Lumipat siya sa harapan ni Chris at sinukat ang balikat nito pero hinapit siya ni Chris sa bewang.

"Susukatan pa kita."

"I'm not in the mood na nakatayo rito doing nothing," wika ni Chris.

"Sinusukatan kita kaya wag kang gumalaw."

"We can do it later," ani Chris sabay buhat sa asawa.

"Hey, hindi pa ako tapos!" reklamo ni Anika. "Baba mo muna ako."

"Hindi pa rin naman tayo tapos sa honeymoon natin kaya mamaya na 'yan. Ibang bagay muna ang sukatin mo," pilyong sabi ni Chris sabay lapag sa asawa sa malambot na kama. "Mag-honeymoon muna tayo."

Walang nagawa si Anika nang naglaro na ang mga labi ng asawa sa iba't ibang parte ng katawan niya.












------------------








"Rino, di ba hiring tayo ngayon?" tanong niya matapos ilapag ni Rino ang kape niya at naupo sa harapan niya para tulungan siya sa gagawin.

"Yes boss. Ipapasok mo ba si Madam Anika?" nakangiting tanong niya.

"Magaling ka ring magbasa ng isip, ano?"

"Feel ko lang," napakamot siya sa ulo. "Syempre nagpabili ka ng gamit niya sa pananahi so feeling ko yun din ang iniisip mo."

"Ilan ang kailangan nila?"

"Na mananahi? Siguro mag-hire pa sila ng bente, sir."

"I mean designer," sagot ni Chris.

"Oh. Hindi ko alam pero kaunti lang. Ang dami nga ring nag-aabang na mag-apply. Interview na ata today."

"I see. Bigyan mo ng slot si Anika."

"Sir, okay lang ba na malaman nilang may asawa ka na?"

"Walang makakaalam na asawa ko siya."

"Pero sir gamit na niya ang apelyido mo. Ah, sa pagkadalaga pala ang gagamitin niya. Pwede rin," sabi ni Rino. Tiyak marami ang magugulat kapag malamang kasal na ang CEO nila.

"Kapag may makalabas na kasal na kami, ikaw ang malalagot!" pagbabanta ni Chris dahil ito lang naman ang witness nila at ang mayor.

"Pero boss, di ba maalarma ang mga nandito kapag malamang ama niya si Armando? Alam mo namang mainit ang pangalan ng tatay niya sa mga empleyado. Alam ata nila na kaya sya pinaalis dahil sa pagnanakaw e." paalala ni Rino.

"Middle name niya ang gagamitin niya rito. Hindi naman nila alam na siya ang anak ni Armando dahil si Ana lang ang pinapakilala nito," sagot ni Chris.

"Sir, paano kung may magtanong? Kailangan sa credentials niya ang—"

"Hindi siya dadaan sa kanila. I-direct hiring mo siya pero kay Jessie mo siya padaanin. Sabihin mong highly recommend siya since malapit ka sa akin. Walang magtatanong," ani Chris.

"Copy, boss." nakangiting sabi ni Rino. Wala namang siyang masabi basta ang boss ang nag-utos pero masyadong biglaan ang mga desisyon ng boss niya lately. Nagulat siya nang isama nito si Anika sa bahay at biglang nagpakasal pa. Ni hindi nga niya alam kung paano nagkakilala ang dalawa. "Pero saang team natin siya ipapasok?"

May apat na team sila at everyweek ay kailangan nilang magpasa ng mga bago at trend na designs. Kung sino ang may malaking sales pagkatapos ng buwan, may bonus din. It's a healthy competition kasi alam niyang hindi magkakasundo ang designer nila kapag iisang team lang. Malaya silang lumipat o mamili ng makakasama.

"Kina Elisa mo siya isama," sabi ni Rino.

"P—Pero hindi naman sa pang-aano, sila ang team na mahina, boss." alanganing wika ni Rino. Never pa nag-top sale ang mga gawa nila at madalas na may kapalpakan kapag gawin na ang desinyo.

"Kaya nga sa kanila mo siya isama. Gumawa man siya ng kapalpakan at least hindi na bago sa team," sabi ni Chris. Kung sa top designer niya isalang si Anika, baka magtanong ang mga ito kung paano nakapasok at kaunting mali lang ay mapuna nila.

"Sure ka?"

"Yes," sagot ni Chris. "Make sure na walang makakaalam ng background niya lalo na't wala pa siyang experience."
















Continue Reading

You'll Also Like

357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
138K 2.2K 22
[COMPLETED] MANY MANY THANKS FOR READING MY FIRST STORY. FOR SUPPORTING THIS CLICHÉ STORY OF MINE. 😘 HIS FRAGILE WIFE signing off.
100K 1.5K 29
The friendship that started in a one night stand.