Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 24

102K 5.2K 555
By Yanalovesyouu

Tinignan ko ang hawak kong schedule at saka inilipat ang tingin sa label na nasa itaas ng pinto ng classroom. Potion-making 101

So dito nga ako dapat mag-umpisa?

Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa malaking pinto na made out of wood. I was about to knock at the door nung kusa syang bumukas ng dahan-dahan. Okay, nakalimutan kong wala ako sa mundo ng mga tao. Kaya everything here is different.

"Uhmm excuse me, kayo po si uhmm..." Binasa ko ulit ang schedule na nasa papel para tignan ang name niya. "...Seamus Brock?" Ghad! Bakit ba kinakabahan ako eh hindi ko naman first time papasok sa school. Tumingin sa direksyon ko ang propesor na nasa harap pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin niya sa beaker na may lamang liquid na kulay red. "Nice talking" I whispered sarcastically.

"Oh shit!" napahiyaw ako nung biglang may mabilis na liwanag na dumaan sa harap ko at sumabog sa pader na tinamaan. I shifted my glance quickly sa propesor na nasa harap. Matalim ang tingin niya sa'kin. Bigla akong kinilabutan. Ugh! Bakit ba kasi nakakalimutan kong iba ang mga nilalang dito kaya dapat mag-ingat ako sa mga sinasabi ko. "Sorry" nag-peace sign pa ako para naman mas mukhang sincere.

'Yung dalawang estudyante dito sa loob nakatingin sa'kin. 'Yung isa naman walang pakialam. Yes that's right, sa sobrang laki nitong room pwede kaming magkanya-kanyang laro ng sports na gusto namin. Dahil apat lang naman kaming estudyante.

I scanned all the long tables na punung-puno ng iba't-ibang kulay ng mga liquids at saka naghanap ng magandang pwesto. May mga halaman din na nasa mga nasa paso sa pinakadulo nitong classroom. Nangalumbaba ako at saka ko ibinalik ang tingin sa propesor na nasa harap para maghintay ng discussion.

Unang tingin pa lang kanina alam ko ng hindi bampira ang propesor namin, kung hindi isang wizard. Kahit saglit pa lang ako dito madali ko ng nade-determine kung sino ang bampira at wizard. Inilipat ko ang tingin sa tatlo kong kaklaseng bampira na busyng-busy sa mga ginagawa nilang pagsasalin ng liquids. Pagdidikdik ng halaman at kung anu-ano pa.

Maya-maya pa ay naglakad si Professor Seamus at tinignan ang ginagawa nung isang bampira. Teka, you mean hindi na talaga sya magdidiscuss? Shit! Hintay pa naman ako ng hintay na magdiscuss.

Lumingon ako sa kaliwa't kanan at nagtingin kung may workbook na pwedeng pagtinginan ng mga gagawing experiment tulad ng sa physics, biology, at chemistry subject ko noon. I saw a piece of paper na nakapatong sa dulo nitong mahabang table.

Love Potion

Shit! Ang pangarap ng lahat ng kababaihan sa mundo ng mga tao. I smirked.

Kasi kung maiisipan kong bumalik doon, meron na akong mapagkakakitaan. Pwede akong magbenta ng mga love potion para magkapera. Nice! Ayos 'to!

20 patak ng luha ng mga diwata ng Atwood

Dinikdik na bulaklak ng singing tree

2 hibla ng buhok ng unicorn

3 piraso ng mula sa

1 ugat ng puno ng halusinasyon mula sa Atwood

Katas ng bulaklak na mula sa tuktok Mt. Sepia sa Avengarth

Okay.

Tinignan ko ulit ang mahabang lamesa at saka hinanap ang mga ingredients na nakalagay. Buti naman at lahat ng kailangan ay nandito na. Ang akala ko kailangan ko pang sakalin 'yung tatlong lamok para lang umiyak sila.

Dikdik dito, dikdik doon. Pakulo dito, pakulo doon.

Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko kasi wala namang procedure dito sa papel. Basta sinunod ko lang kung anu-ano ang mga ingredients.

Binalingan ko ang isang bampira na inis na inis na dahil knina pa umaapaw ang potion na ginagawa niya. Ano kayang problema?

I was about to walk para sana lapitan sya pero tumikhim si Professor Seamus kaya hindi na ako umalis sa pwesto ko. Nangalumbaba ako sa harap ng pinapakuluan ko hanggang sa mapatingin ako sa ibang ingredients na nakalagay sa iba't-ibang garapon.

Since mukhang matagal-tagal pa naman bago ako lapitan ni Professor Seamus, ay napagdesisyunan kong gumawa ng iba pang potion. Tinginan ko ang description ng mga ingredients na nasa garapon at saka nag-experiment.

Isinet aside ko muna ang ginawa ko kaninang love potion dahil hindi pa naman tapos ang mga kaklase ko.

There are some things, na feeling ko nagawa ko na dati. Tulad nitong ginagawa ko ngayon. Kahit first time ko lang gagawin, parang sanay na sanay na ako. Kinuha ko sa garapon ang isang black pearl at saka inilagay sa mortar para dikdikin. Sunod kong dinikdik ang mga halaman na pinili ko kanina para dito sa gagawin ko. Nagpakulo din ako ng mga ugat ng puno.

And para mabango ang amoy, pumili ako ng mga bulaklak na may kaaya-ayang amoy.

"Ang bangooo" I whispered, habang inaamoy ko ang pinapakuluan ko. Naghahalo ang amoy ng bulaklak at iba pang halaman kaya ang refreshing ng amoy. Pumunta ako sa likod ng classroom na mas marami ang halaman at bulaklak na pagpipilian. Kumuha ako ng ilang halaman, ugat at bulaklak para sana isama sa ginagawa kong experiment.

"Binibining Salvador, sumunod ka sa akin"

My heart jumped nung madinig kong magsalita si Professor Seamus na nasa tabi ko na ngayon. "O-opo" I stuttered. Ikinumpas niya ang kamay niya kaya sumabog ang lamesa na pinagggagawan ko ng potion kanina. Shit! Sayang naman 'yung ginawa kong love potion pati 'yung pinag-e-experimentuhan ko.

**

"Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang iyong ginawa kanina?"

I am standing in front Professor Seamus habang nakatungo. Sya naman ay nakatalikod sa akin at nakaharap sa table. Tumingin ako sa isang table sa kaliwa dahil nadidistract ako. Wala naman akong nakikitang nandoon pero patuloy na may gumagawa ng potion.

"TINATANONG KITA, BINIBINI!"

Malakas ang pagkakahiyaw niya na may kasama pang pagsabog ng ilang tasa na nakapatong sa center table kaya sobra akong nabigla. "P-po? O-opo!" mabilis na sagot ko. Leche! Para saan 'yung po at opo na sinabi ko?

It's obvious na nagpipigil sya ng galit kaya tumungo ulit ako. Ghad! Ano bang problema? First day ng klase ko tapos ganito ang nangyari. "M-may mali po ba sa ginawa ko?" Nauutal na tanong ko. My heart is pounding at madaming nagpa-pop sa utak ko na possibilities. Na baka masipa agad ako palabas dito sa Rivrantine. At kapag nangyari 'yun mas mahihirapan akong maalala lahat.

Tumunghay ako para tingnan sya dahil hindi niya ako sinasagot. Nakatingin ng diretso sa akin si Professor Seamus at mukhang malalim ang iniisip. "Saan mo natutunan ang iyong ginagawang potion kanina?" Nagtatakha ako kung bakit niya tinatanong. Eh kung ano lang naman ang matripan kong kunin at tingin kong bagay ayun lang inilalagay ko.

"Pasensya na po. Akala ko po kasi pwedeng pag-eksperimentuhan ang lahat ng nasa table since tapos na rin naman po ako sa ginagawang love potion" I explained my side pero mas lalo lang nainis si Professor Seamus. What the hell is wrong? Kung hindi naman pala pwedeng mag-experiment, sana hindi nila nilagay ang mga 'yun doon sa table.

Lumabas saglit si Professor Seamus. Pagkatapos ay nagmamadali syang pumasok dito sa loob. May mga binanggit syang salita, pagkatapos ay napalibutan ng puting ilaw ang buong kwarto. As if we have a shield. I frowned as I shifted my glance at him. "Sabihin mo sa'kin kung sino ang nagturo sa'yo ng ginawa mong potion"

I guess this is a misunderstanding, dahil wala naman akong alam sa ginagawa ko kanina. "Kung ano lang po 'yung mga nakita ko sa ibabaw ng lamesa ng feel kong gamitin. 'Yun lang po ginmit ko. Wala pong nagtuturo sa'kin nun" I explained myself once more pero parang mas lalo syang nagduda. "Huwag mo akong linlangin. Ano ang iyong plano at pumasok ka dito sa Rivrantine?" Aba hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi nitong propesor na 'to ha. Nung una pinasabog niya ginagawa ko, pangalawa pagbibintingan niya ako. Pangatlo ano? Isusumbong niya ako sa principal tapos palalayasin ako ng Rivrantine?

"Nagsasabi po ako ng totoo. At kung ayaw nyo maniwala, aalis na po ako" Tinalikuran ko sya para mag-umpisang maglakad palabas nitong kwarto bago pa ako tuluyang maubusan ng pasensya. "Ang ginagawa mong potion kanina ay hindi alam ng pangkaraniwang wizard. O maging ng mga bampira" Tumigil ako sa paglalakad at saka mabilis na humarap sa kanya.

"Hindi rin itinuturo dito sa Rivrantine ang ginagawa mo kanina. Dahil walang mas mababa sa isang Mystic Theurage ang nakakaalam ng mga ganyang bagay. At ang lahat ng Mystic theurage dito sa kabilang mundo ay nandito na sa Rivrantine at nagtuturo. Kung kaya't nais kong malaman kung sino ang nagturo sa'yo at ng sa ganun ay matunton ko kung may iba pang katulad namin ang wala dito"

I waited for 10 seconds para intindihin at i-digest lahat ng sinabi niya dahil sa sobrang haba wala akong naintindihan kung hindi 'yung last word na 'dito'. "Ano po 'yung mystic theurage?" Tanong ko. If he want something from me, siguro naman fair enough na may malaman din akong mga bagay-bagay sa kanya in exchange diba?

"Hindi moa lam kung ano ang ibig sabihin nun?" Kulang nalang ipamukha niya sa'kin kung gaano ako kabobo sa tono ng pananalita niya. Psh.

"Hindi po" mabilis na sagot ko. Huminga sya ng malalim bago sya nag-umpisang mag-explain. "Ang wizards ay bibuo ng mga sumusunod. Una, ang Ultimate Magus. Sya ang nagtataglay ng pinakamataas na antas ng kapangyarihan. Walang sinuman dito sa kabilang mundo ang pwedeng magpawalang-bisa ng mga gagawin niya. Ang sumunod ay ang mga Mystic Theurage, ito ang nagsisilbing council ng mga wizards. Sila ang gumagawa ng mga batas ng mga wizards at humahalili kapag walang ultimate magus" Ahhh, astig. Pati pala wizards may hierarchy din!

"Sunod ay ang mga high wizards, hindi sila kasing lakas ng mga mystic theurage. Pero mas malakas sila kumpara sa isang ordinaryong wizard. Hindi ko alam kung anong lebel mo ngayon. Maaari mo bang sabihin sa'kin kung ano?"

Wait shit! Hindi ako prepared sa mga ganitong tanong. Hindi ko alam kung ano ang level ko. "Uhm, I think I am just a plain wizard. Kasi wala pa po akong alam sa spells, potions at kung anu-ano pa" He frowned at mukhang hindi ka naniniwala.

"Lubos akong nagtatakha sa iyong mga sinasabi. Pagka-silang pa lamang ng isang wizard ay isa na itong ganap na sage, pagkatapos ay tataas ang antas nito base sa taas ng kanyang inaral upang maging mage. Kapag lumampas ka sa mage at saka ka pa lang magiging ganap na Wizard"

"Ahh. Tingin ko po nasa wizard po ako" Umiwas ako ng tingin dahil hindi ako ganoon kasigurado sa isinagot ko. Marunong naman akong mag pallium at explico kaya huwag niyang sabihin na ang utak ko pang sage pa lang. Aba sobra-sobrang sampal na 'yun sa'kin.

"Hindi mo ako lubos na nauunawaan, Binibini. Nagtatakha ako kung bakit sa Icrolux de vil ka napapunta, gayong ang ginagawa mong potion kanina ay tanging mga Mystic Theurage at Ultimate Magus lang ang may alam"

Ibinalik ko kaagad ang tingin ko sa kanya. Syempre nagulat ako eh. Kahit naman alam ko naman na ako tagapagmana. Nakakagulat pa rin na alam kong gawin 'yung mga 'yun. "P-po?"

"Ngayon sabihin mo sa'kin kung sino ang nagturo sa iyo non" 'Yung way ng pagkakatanong niya sa'kin ngayon mas ma-awtoridad na.

Now I get it. "So ang ibig niyo pong sabihin, kaya nyo ako tinatanong dahil inaakala nyo na may mystic theurage na nagturo sa'kin ng paggawa ng potion?" Tanong ko. Malinaw na sa'kin lahat ngayon kung bakit niya inaalam. I think gusto niyang lipunin lahat ng mustic theurage. Pero bakit naman kaya?

"Oo" Sagot niya.

Kumunot ang noo ko but afterwards, straight ko syang tinignan sa mga mata ang throw a question. "Bakit nyo po gustong malaman kung sino nagturo sa'kin? Big deal po ban a magkaroon ng mystic theurage sa labas nitong Rivrantine?"

I saw his facial expression na mukhang na-offend sa tanong ko. Oh well sorry, it's not my intention. Gusto ko lang naman malaman kung bakit.

"Sagutin mo ang tanong ko. Sino ang nagturo sa'yo?" Nabigla ako dahil nabasag ang mga garapon sa table sa kaliwa ko na gawaan ng mga potion. What the fuck is his problem? "Wala ngang nagturo sa'kin! Bakit ba ang kulit mo?!" He motioned his hand and threw a dark light against me. I don't know what to do so I waved my hand and imagined a storm.

"Repente flatus tempestate!" I unconsciously said at the back of my head kasabay ng kumpas ng kamay ko. A storm gust appeared and blew the dark light back at him na doble ang bilis, halos masira ang lahat ng kagamitan dito sa loob ng kwarto. And before he could even react ay tumama na 'yung dark light sa kanya and put him in an unconscious state.

Nawala ang puting ilaw na kanina ay nakapalibot dito sa buong kwarto kasabay ng pagbagsak ni Professor Seamus kaya mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. "Shit ano gagawin ko?" Tarantang tanong ko, habang chini-check kung buhay pa ba sya. O baka natuluyan ko na. Oh ghad! Huwag naman sana!

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
24.2M 983K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
31.8M 813K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...