FRIENDZONE

De SiGirlHardcore

304 13 0

Storya ni Joey Castillo na nagmahal ng matalik na kaibigan. Magiging magkaibigan nalang ba sila o mag-kaibiga... Mais

FRIENDZONE

304 13 0
De SiGirlHardcore

 COPYRIGHT (c) 2013 By SiGirlHardcore

ALL RIGHT RESERVED. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by means, electronic, mechanical, photo copying, or other wise, without prior written permission of the author, except permitted by law.

"Matthew! Hintay!" sigaw ko kay Matt. Bestfriend ko, na palihim kong minamahal...

"Nako naman Joey! Ang bagal mong maglakad!!" hindi siya tumitingin sa akin, tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, "Baka hindi na natin maabutan si Iya niyan eh!!"

Si Iya nanaman... Puro nalang "Iya" ang naririnig ko sakanya. Simula nang magtransfer kami ng school nung grade 7 kame crush na niya yan si Iya Lopez. Grade 10 na kaya kame!! Ilang taon na niyang sinusundan yan, ilang taon na siyang nagpapakatanga. Sikat kasi si Iya sa school namin. Halos lahat ng lalaki siya ang gustong ligawan. Pero wala ata siyang boyfriend? At dahil bestfriend ko tong si Matt, lagi ko siyang sinasamahan kapag dumadamoves siya kay Iya. Kahit pa labag sa akin na makita kong sinusuyo niya si Iya sa harapan ko, okay lang. Ayako iwan ang bestfriend ko sa ere. Hindi naman kasi niya alam na gusto ko siya. Understatement pala ang "gusto" dapat pala "mahal na mahal." Madalas inaabangan namin si Iya sa gate ng school tuwing uwian para ihatid. At eto nanaman, tumatakbo nanaman kami papunta sa gate, nag-aalala kung maabutan pa namin si Iya...

"Joey! Wala ka na bang ibibilis?!" sigaw niya. Dinig ko yung inis sa tono niya...

"Joey naman!! Dalian mo!! Habol dali! HABOL!"

Binilisan ko ang takbo ko kahit pa pagod na pagod na ako. Ayokong iwan niya ako no...

"Iya!" hingal na sabi ni Matt, naabutan pa naman namin si Iya.

"Oh, Matt? Bakit ka hinihingal?" tanong ni Iya sa kanya. Halata namang kinikilig si Matt.

"Tumakbo kasi kami eh..." napabuntong hininga siya, "buti nga naabutan ka namin." sabi ni Matt.

"I-iyaa.." 

"Nako, Joey! Pati ikaw?" bati niya sakin.

"Ah, oo. He he, si Matt kasi eh. Masyadong takot na maunahan..." sabi ko habang naghahabol ng hininga. Ganyan ako araw-araw... Palaging supportive kay bestfriend kahit masakit.

"Ah ganun ba? Ha ha, bat mo naman sinama si Joey, Matt? Kawawa tuloy." pacute niyang sabi tapos hinampas niya pa ng mahina si Matt sa braso.

Kitang-kita ng dalawa kong mata yung pamumula at malaking ngiti niya. Si Iya... siya pa lang ang nakakapagpangiti ng ganyan kay Matt.

I faked a smile.

"H-hindi ka pa nasanay jan, Iya. Lagi naman akong hatak niyan." pabiro kong sabi.

"Kaya nga eh... Nagseselos tuloy ako. He he." 

Nagulat si Matt sa sinabi ni Iya.

"Ano tara na? Late na oh." iniba ko ang usapan. Ayoko namang masira ang mood ko.

Tulad ng dati, naglakad kami papunta sa condo nila Iya. Walking distance ang tawag nila dun, pero malayo talaga!! Si Matt kasi gusto niyang makasama at makausap ng mas matagal si Iya. Sa school kasi hindi siya makalapit, dahil dagsa ang mga admirers-slash-manliligaw-stalker ni Iya dun.

Magkatabi sila habang naglalakad. Dala ni Matt yung bag ni Iya, and to mention, its a shoulder bag. As in nakasukbit sa balikat niya. Haaayyy. Yung dalang paper bag ni Matt?! Ayun, hawak ko. Bodyguard at alalay lang naman ang role ko dito eh.

Natigil ang tawanan nilang dalawa... "Iya, may maisasagot ka na ba ngayon?" dinig kong seryosong sabi ni Matt. Kahit pa malayo-layo ako, dinig ko, at kitang-kita ko na seryoso si Matt. Mejo binilisan kong maglakad para makalapit at makinig...

Lumingon sa akin si Iya at nginitian ako tapos bumulong siya kay Matt. Lumingon sa akin si Matt, at maya-maya tumabi siya sakin. Hinawakan niya ako sa kamay...

INTERWINED FINGERS.

Uminit ang pakiramdam ko... Umakyat lahat ng dugo ko... Ang ganda ng ngiti niya... Ang sarap nung feeling na nginingitian niya ako habang nakahawak sa kamay ko. Naramdaman ko yung mga paru-paro sa tiyan ko.

'Matt, wag ka na sanang bumitaw..' sabi ko sa isip ko.

"Uhmm... Joey."

"B-bakit?" nauutal kong sabi...

"Pwede bang mauna ka na?" lalong lumawak ang mga ngiti sa labi niya, lumapit siya sa tenga ko. Dama ko na ang paghinga niya, "Sasagutin na kasi ni Iya yung tanong ko sakanya..." bulong niya sakin.

Bigla akong napabitaw sa kamay niya... Nawala yung ngiti ko... Lahat ng saya na nararamdaman ko kanina, napalitan ng inggit, galit, at selos. Tumingin ako sakanya at ngumiti.

"Sige, basta sabi mo..." niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Salamat talaga BEST FRIEND."

Kumawala ako sa pagkakayakap ko at pumunta kay Iya.

"Iya, sana wala akong mabalitaan na nagpakamatay siya ah..." she chuckled.

"Sige, Joey. I promise he won't kill himself."

"Well, that's good to hear. Alis na ako ah, alagaan mo yan."

She smiled.

Nagmadali akong tumakbo bago pa magsibagsak ang luha ko. Malamang bukas pagpasok ko sila na... Ano ang dapat kong i-react?! Wala akong maramdaman bukod sa sakit... Bakit kasi si Matt pa?

Ilang beses akong nadapa dahil sobrang labo na ng paningin ko. Kainis 'tong luha na to eh!!!! Nakakainis!!! At sa pangpitong pagkakataon, nadapa nanaman ako... Hirap na akong tumayo. Umuulan na... Pagod na ako... hindi ko na kayang bumangon pa.

Tuloy lang ang buhos ng ulan... Mukha lang akong tanga dito na naka-upo sa lupa. Nasa park na pala ako ng subdivision namin. Hindi ko na pinansin ang paligid ko... Iniyak ko na lahat...

"Bakit kasi ang tanga ko?! Alam ko namang gusto ni Matt si Iya, bat pa ako umasa?!" hikbi ako ng hikbi, "Bakit kasi hindi pa mutual ang feelings namin?! Bakit?!" kumulog ng malakas. Inub-ob ko lang ang mukha ko sa kamay ko. Takot talaga ako sa  kulog eh. 

Maya-maya, biglang tumigil yung ulan, pero may kulog padin.

"Joey Castillo?" inangat ko ang ulo ko.

"J-jeric?" Si Jeric Ramirez. Yung hearth throb sa school namin, na lagi akong inaasar simula nung nasa 4th grade palang kame.

'Anong ginagawa mo jan? Bakit ka nakaupo sa lupa? Uso ba yan ngayon?' yan ang ineexpect kong sagot niya... lagi niya kasi akong inaasar eh. Pero iba ang lumabas sa bibig niya.

"Joey, bakit ka nakaupo sa lupa? Wag ka ngang magpaulan!! Magkakasakit ka niyan eh. Tumayo ka na nga, halika." inabot niya yung kamay niya sakin... Sincere siya sa pagkakadinig ko.

Hindi ko siya pinansin... umiyak lang ako ulit. Kaya pala tumigil yung ulan kasi pinayungan niya ako.

"Joey naman eh! Kapag may nakakita sayo dito ano nalang sasabihin? Tumayo ka na jan dali!"

"Hoy! Ano ba kasing problema? Tumayo ka jan, umuwi ka na. Basang-basa ka ng ulan oh!"

"Please naman Joey... tumayo ka na jan. Hindi ko masikmura na mukha kang ewan jan eh. Tara na, please?" sunod-sunod niyang sabi. Inabot nanaman niya yung kamay niya sakin para tulungan akong tumayo.

"Walang mangyayari sayo kung iiyak ka jan mag-isa... Pwede mo akong iyakan, basta tumayo ka muna jan." napatingin ako sakanya... seryoso siya ngayon... Ibang-iba sa Jeric na nakilala ko na palagi akong pinagtitripan... Inabot ko ang kamay niya at dahan-dahang tumayo.

" Okay lang ako..." sabi ko.

Pagkatayo ko, hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko... At hinigit niya ako papunta sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit...

"Alam kong hindi ka okay. Wag ka ngang plastik..." hinawakan niya ako sa ulo... at hinalikan sa noo.

"B-bitawan mo nga ako!!" pagpupumiglas ko.

"Joey, hindi ko alam kung anong nangyayari sayo... Pero sigurado ako na nasasaktan ako na makita kang ganyan..."

"Jeric ano ba!! Bitawan mo nga ako! Basa ka na oh!" wala nang payong na hawak niya. Binitawan niya nung niyakap niya ako.

"Joey... si Matt ba ang dahilan?" natigilan ako sa sinabi niya... at biglang nanlambot. Naiyak nanaman ako.

"Joey... ano ba kasing problema?" hindi parin siya bumibitiw sa pagkakayakap sakin.

"Ang sakit, Jeric!! Sobrang sakit!!" daing ko habang pinapalo-palo ang dibdib ni Jeric. Hindi ko na napigilan ang sarili ko... Ayokong mabaliw dahil sa pagkimkim ng sarili kong nararamdaman.

"Ano ba kasing nangyari? Joey naman kasi eh. Tumahan ka na muna... natataranta ako kapag umiiyak ka eh!"

"Ang sakit kasi na kaibigan lang ang tingin niya sakin... Bakit kasi si Iya pa ang lagi niyang pinagtutuunan ng pansin?! Bakit best friend lang ang tingin niya sakin?! Hindi na ba pwedeng humigit pa yun bukod dun?" iyak lang ako ng iyak, kasabay ng buhos ng ulan...

"Joey, ganun talaga... May mga taong hanggang kaibigan lang ang turingan.." seryosong sabi niya.

"Anong ganun talaga?!" sigaw ko, bumitaw ako sa pagkakayakap ko sakanya... "Diba kung ganun talaga dapat fair?! ANG UNFAIR NG TADHANA, JERIC!! Bakit ako pa ang na-friendzoned?! Bakit ako pa na sobrang nagmamahal?! Bakit?" nanlambot nanaman ako... Niyakap nanaman niya ako...

I FELT COMFORTABLE WITH HIM.

"Joey... masakit makipaglaro sa tadhana. Hindi lang ikaw ang nasasaktan... Alam mo ba yun?!" bumitaw siya sa akin at hinawakan ako sa mukha. Pinunasan niya yung mga luha ko... "Ako din Joey... sobrang nasasaktan din ako sa tuwing makikita kitang nagkakaganyan..."

"A-anong ibig mong sabihin, Jeric?!" gulat kong tanong.

"Joey... ako din. Tao din ako... nasasaktan din ako... Naiinggit din ako sa ibang lalaki... Nasasaktan din ako ng taong gusto ko nang hindi niya nalalaman... Na-friendzoned din ako Joey." nagulat ako sa mga sinabi niya... nakita ko yung luha na galing sa mata niya.

"J-jer--"

"Nararamdaman ko din ang nararamdaman mo, Joey." napayuko siya, "Ngayon tatanungin kita... Bakit ba kaibigan lang ang tingin mo sa akin? Bakit hanggang dun nalang yun?! Hindi ba pwedeng humigit pa don?"

"Wag ka ngang magloko ngayon!!"

"Yan ang hirap sayo Joey eh... Sinasarado mo ang mga mata mo sa ibang bagay... Masyado kang nagfofocus kay Matt. Naiinis ka kasi kung bakit hindi ka mapansin ni Matt kahit na ikaw ang laging nasa tabi niya... tama ba?" he chuckled. "Eh kung ikaw nga mismo na hindi tumitingin sa ibang tao hindi mo magawa yun eh, si Matt pa kaya sayo?" naguguluhan na ako sa mga pinagsasabi ni Jeric. "Ang hirap sayo hindi ka nakakapansin ng taong nageeffort para makalapit sayo. Hindi mo napapansin na nandito lang naman ako sa tabi mo..."

"A-ano bang pinagsasabi mo? Eh wala ka ngang ginawa kundi asarin ako eh!!" angal ko.

"Ginagawa ko ang lahat ng yun para mapansin mo ako. Yung mga pang-aasar, pangungulit, at pagpapatawa? Lahat yun paraan ko lang para mapangiti kita.. Pero nabigo ako, kasi si Matt lang ang nakakapagbigay nung kakaibang ngiti sayo." napa-isip ako... Palagi ko siyang nahuhuli na nakatingin sa amin ni Matt dati.

"Nakakatawa no? Ha ha ha. Lagi ko nga kayong sinusundan tuwing uwian eh. Ang akala ko kasi magdadate kayo... ihahatid niyo lang pala si Iya. Lakas talaga ng tama ni Matt sa pinsan ko no?" oo nga pala, pinsan ni Jeric si Iya. "Palagi ko kayong sinusundan pauwi. Lagi ka ngang nasa likod nila diba?" tumawa siya...

"Nang-aasar ka ba?!??" iritado kong tanong.

"Alam mo ba na gusto kitang tabihan maglakad nun?! Kaso nahihiya ako... Tapos kanina kung kailan naman ako nakapag-ipon ng lakas ng loob, biglang tumabi sayo si Matt. Hinawakan ka pa niya sa kamay..." nagbuntong hininga siya, "Selos at galit ang naramdaman ko kanina... Malalapitan na sana kita... Kaso naudlot pa. He he. Kaya nung tumakbo ka, sinundan agad kita para bumawi... Kitang-kita kong nasasaktan ka."

Hinawakan niya ako sa kamay, "Joey, gusto kong maging sandalan mo sa tuwing iiyak ka... Kaso nahihiya ako na baka sungitan mo ako. Sorry kung lagi kitang inaasar ah? Wala na talaga akong maisip na paraan para mapansin mo ako eh. Joey Castillo... mahal na mahal kita."

"J-jeric..."

Ngumiti siya, pero walang saya, "Alam ko namang hindi mutual ang feelings natin eh. Okay lang sakin kahit na forever friendzoned ako sayo..."

Tumayo siya at naglakad papalayo...

"HOY RAMIREZ!!! YOU'RE SUCH A JERK!! IIWAN MO NALANG AKO DITO?!" sigaw ko.

Nakita kong natawa siya, lumakad siya palapit sakin.

"Sorry..." pinasan niya ako.

"Jeric..."

"Bakit Joey?"

"Pagod na ako sa kakahabol kay Matt.." sabi ko

"Anong plano mo?"

"Wala... Jeric..."

"Hmm?"

"Mapapagod ka din ba sa kakahabol sa akin?"

"Hindi Joey... Hinding-hindi."

"Babagalan kong maglakad para sayo... Kasi wala na akong hahabulin pa."

"T-talaga Joey?"

"Oo naman. Basta bigyan mo lang ako ng oras para mas mapalapit pa sayo."

"Gagawin ko ang lahat para lang mahulog ka sa akin."

"Salamat, Jeric. Kung hindi dahil siguro sayo umaasa parin ako hanggang ngayon."

"Wala namang masamang umasa eh. Basta pipiliin mo lang ang aasahan mo." he chuckled. "Tingnan mo ako, kung sumuko ako edi sana hindi ko naabutan to? Package deal ng pagasa ang masaktan. Tandaan mo yan Joey. Pero hinding-hindi kita sasaktan." hinawakan niya ako sa kamay ng mahigpit, na parang ayaw na niya akong pakawalan...

"Buti nalang nafriendzoned ako kay Matt, kung hindi, baka hindi na kita napansin. Baka hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang lalaking para sa akin."

"Mahal na mahal kita Joey."

"I'll try my best to love you back."

"ANONG SABI MO?!" binaba niya ako sa lupa.

"Sabihin mong mahal mo ako! Straight dapat!!" ayan nanaman si Jeric na pilyo. Pahiran ko nga ng putik sa mukha.

"Hooyy Joeeyyyyyy!!!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" at naghabulan na lang kami sa park habang bumubuhos ang ulan.

Ang buong akala ko buong buhay nalang akong maghahabol sa taong kaibigan lang ang tingin sa akin... Ayun pala may ibang naghahangad ng atensyon ko. Masaya ako kasi alam ko na hindi lang ako ang ganun. Akala ko unfair ang tadhana. Pero salamat sa pagiging manhid ni Matt, at napansin ko din si Jeric na nafriendzoned ko lang din pala. Kailangan ko munang gawin sa sarili ko ang gusto kong gawin ng iba... Nagpapasalamat ako kasi kahit hindi ko man siya naabutan, natuto naman ako na maghintay para sa ibang tao. Kailangan mong magparaya sa isang tao para magkaroon ng pag-asa ang iba. Kailangan mong mapagiwanan muna, dahil dadating din ang panahon na may isang taong sasabay sayo... Gano man katagal. Kung para talaga kayo sa isa't-isa, maghihintayan kayo, kasi kayo talaga. Sa wakas... akala ko ako ang naghahabol sa lalaking tama para sakin, pero ako pala ang hinahabol niya. Salamat Jeric at hindi mo ako sinukuan... Gagawin ko ang lahat para masuklian lahat ng pagmamahal mo. Promise ko yan. :)

AN: Lol, sorry ang corny ata. Natripan ko lang magtype hehe =))) Vote please! :D ♥

Continue lendo

Você também vai gostar

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
393K 25.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
8M 480K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
33.4K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...