Your Guardian Angel

By Ellisire

311 8 0

More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22

12

11 0 0
By Ellisire

Mackenzie's POV

"May tissue ka pa?" Naluluhang tanong ni Eli sakin paglabas namin ng classroom.

"Bobo kasi eh," pagsusungit ko sa kanya at inirapan naman niya ako sabay hablot ng tissue sa kamay ko.

Bakit dumudugo ilong? Bobo nga kasi. Hindi alam mga tanong sa exam. Naputukan na ata to ng ugat.

"Salbahe mo. Mas pinili kasi namin damayan kaibigan namin kesa mag-aral. True friend here," pambabasag niya sakin at umirap ako.

"Kaya nga. Hindi ba kabobohan yon?" Tanong ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"Edi wow. Sunugin ko papel mo eh," sabi niya at tumawa naman ako.

"Ano sagot niyo sa essay sa likod?" Tanong ni Oli.

"Tangina tigilan niyo ko ah. Wala namang likod!" Galit na sigaw ni Eli.

"Ay," mahina kong sabi at pinagtinginan namin si Eli na ngayon ay gulong gulo na.

"Meron ba?!" Sigaw niya at tumango kami bago siya mapapikit nang mariin.

"Bwisit na buhay naman 'to!" Pagdadabog niya habang tuloy sa pagpunas ng dugo ng ilong niya.

"Okay lang 'yan pre. MVP ka naman non sa tourna niyo. Papasa ka," sabi sa kanya ni Ady at tumawa naman ako.

"Tawang tawa ka talaga kapag ikaw pinanggigilan ko bali leeg mo," sabi niya sa akin at mas lumakas ang tawa ko.

"'Bobo ka na makukulong ka pa?" Pang-aasar ko at pinitik niya ako sa ilong.

"Ilayo niyo sakin yan. Di nakakatulong sakin si bansot," sabi niya at nanglaki ang mata ko bago siya mahampas.

"Bansot ka pala eh," bulong sakin ni Ady.

"Oh baket? Umuusap ka dyan mas matangkad pa sayo si Kai," masungit kong sabi sa kanya at nagtawanan naman silang lahat.

"Speaking of Kai, di pa tapos sa practice?" Tanong ni Oli.

"Hindi pa. Gagabihin daw sila eh," sagot ko at tumango maman sila.

Pagkapasok namin sa cafeteria ay kaunti lang naman ang tao. Umupo kami sa usual table namin at bumili na sila Eli at Ady ng pagkain namin.

"Turuan mo ko rito. Di ko magets to," sabi ni Oli habang inilalabas ng libro niya.

Tinignan ko siya at ang librong inilalabas niya.

"Tapos na tayo dyan eh," sabi ko at natigilan naman siya.

"Bwisit ka. Edi hindi lumabas sa exam yon no?" Nakangiti niyang tanong.

"Wag mo na sagutin. Basta para sakin hindi lumabas sa exam," tumatango niya pang sabi at tumawa na lang ako sa kanya.

"Mahaaaaaal," narinig kong mahinang tawag sa akin ni Kai habang nananakbo at napalingon naman ako sa kanya.

"Sabay tayo ng luuuuunch!!" Sabi niya with baby talk at natawa naman ako.

"Ang sakit sa mata," narinig kong sabi ng isang kaibigan nila Kai. Katabi naman nito si Claire na nakahawak sa kamay ni Jay.

Aba. Oks na ata sila ah.

"Ay, bahala kayo dyan. Kayo na bumili ng pagkain niyo ang kukupad niyo," padabog na sabi ni Ady habang inilalapag ang pagkain na binili nila.

Umupo si Kai sa tabi ko at agad ko namang ikinawit ang hita ko sa hita hiya. Automatic rin naman na pumatong ang kamay niya sa hita ko.

"Tapos na kayo sa exam?" Tanong niya sa akin.

"Dalawa pa tapos all done na," Nakangiti kong sabi at pumalakpak naman siya.

"Sana all pinapalakpakan," bulong ni Oli sa tabi ko.

"Papalakpakan din kita donchuwori," pang-aasar ko sa kanya at umirap siya.

"Anong oras next exam niyo?" Tanong ni Claire pero walang sumagot sa kanila at tinignan naman ako ni Jay.

"In 30 minutes," pagsagot ko at ngumiti naman si Claire.

"You tired na?" Tanong ni Kai at umiling naman ako bago isandal ang ulo ko sa balikat niya.

"YEEES!!" Biglang sigaw ni Eli habang nagsasayaw kaya natahimik ang buong cafeteria.

"Minove ng dalawang prof yung exam sa January," sabi niya at pumalakpak naman kami.

Nakakatamad na rin mag-exam eh.

"Hanggang anong oras pa practice mo?" Tanong ko kay Kai.

"Until 7," sabi niya na parang nalulungkot.

"Can we watch?" Tanong ni Oli at napatingin naman ako sa kanya.

"Pwede naman, but you guys might get bored," sabi ni Kai at pumalakpak si Oli.

"Bakit ako mabobored e andon crush ko?" Sagot niya at napalingon kami sa kanya.

"Si Faye?" Tanong ni Ady at namula naman ang tenga ni Oli.

"Ay may crush kay Kai yon diba?" Biglang singit ni Che-che. Oh diba. Unti-unti ko na silang nakikilala.

"Oo, yun palagi nagpapapansin kay Kai," sagot naman ni Suzy at tumingin sila sakin.

"Sana masaya ka na sa ilang taong pagsilay mo kay Faye dahil huling araw na niya sa mundo," pagbibiro ko at nagtawanan naman sila.

"You're cute," nakangiting sabi sa akin ni Kai at hinalik halikan ako sa pisngi.

Paano ka mabobother sa mga nagpapapansin kung sayo nagpapapansin, diba? Nako naman. Ako na 'to.

Kumain lang kami tapos ay nagyaya na si Kai sa studio nila. Akala ko nga sa field ulit yung practice nila.

"Kumpleto na?" Tanong ni Kai pagpasok niya sa loob at umiling naman yung iba.

"Naks, may watchers," sabi ni Kuya Psy. Siya ang pinakang coordinator/choreo ng dance troupe ng school pero ang alam ko mostly sa mga executives and costumes na ang hawak niya. Si Kai na talaga ang mismong lead ng choreo.

"Aba, andito pala yung dalawang nakalimot," Sabi niya pa at tinignan kami ni Oli kaya naman napatingin din ang ibang tao sa amin.

"Wag na 'yan! Mga nang-iiwan naamn yan," Pang-aasar ni Spencer.

"Balik na ba ako? Baka miss niyo na ako," sagot naman ni Oli sa kanila.

"You were a member before?" Tanong ni Kai sa akin at tumango naman ako.

"Hindi ko ba nasabi sayo?" Tanong ko at natatawa naman siyang umiling.

"You still never fail to surprise me," nakangiti niyang sabi sa akin.

"Mackenzie Blancheeeeee!!!!!" Tili ng isang babae at agad naman akong napalingon.

"Crisel Jennicaaaaaa!!!" Tili ko rin at nanakbo papunta sa kanya para yumakap.

"Ano na! Bwisit ka! Sabi mo babalik ka?" Tanong niya sabay hampas sa akin at tinawanan ko naman siya.

"Sorry. Di kasya sa schedule ko eh. Busy na ako mag-inom," sabi mo at tinawanan naman niya ako.

"Ganyan yan, nangangalimot," sabi naman ng sumulpot na si Kenjie.

"Sino ka ba kasi?" Tanong ko rito at nag-walk out naman siya while flipping his imaginary hair.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya at naglakad na kami pabalik sa kanila.

Tinuro ko naman si Kai na nakatingin sa amin.

"Ah! Ikaw girlfriend ni Kai?!" Sigaw niya at nagtinginan naman ang mga tao sa amin.

"Wala na bang ilalakas yan?" Nabibingi kong tanong sa kanya at napatakip naman siya sa bibig niya.

"Nako ate. Better watch out a bagong member dito. Habol na habol kay Kai," sabi niya at sinaway naman siya ni Kai.

"Kayo. Pinag-ooverthink niyo pa yung tao," sabi ni Kai at tumawa naman si Crisel.

"Joke lang 'to naman," sagot niya pero may biglang sumulpot sa likod ni Kai at kinuha ang cap na suot nito.

"Pahiram ah!" Sabi nito sabay nanakbo palayo sa amin.

"Oh. Ayan ang Faye mo," bulong sa akin ni Crisel at tumawa ako.

"Bakit ako magseselos? Nauupuan niya ba mukha ni Kai?" Tanong ko at pinaghahampas naman ako nito sa balikat.

"Si Oli ang kamustahin mo, may gusto kay Faye yon eh," natatawa kong sabi at agad naman niya akong pinagpalit kay Oli.

"Ang liit talaga ng mundo niyo, no? Halos lahat talaga kayo magkakakilala na," sabi niya at tumango naman ako.

"Dito na kami lumaki eh. From pre-school to college.  So magkakakilala na talaga kami," sagot ko sa kanya at pinaupo naman niya ako sa tabi niya.

"Is it true? May gusto raw sayo si Faye?" Tanong ko sa kanya and she looked at Faye with irritation in her eyes.

"I don't know, Mahal. Wala naman siyang sinasabi but she is papansin," sagot niya at tumango naman ako sa kanya.

"Are you jealous?" Tanong niya at umiling ako.

"Honestly? No. I've never been at peace in my life, until you. I know I don't need to worry," sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya bago ako halikan sa noo.

"You shouldn't. I'm handling it," sabi niya pa.

"You're handling it? She's wearing your cap," kunwaring glit kong sabi sa kanya at tinawanan naman niya ako.

"It's not mine. Hiniram ko lang kay Kenjie," tumatawa niya pang sabi at inirapan ko naman siya.

"She can take all of it. 'Wag lang 'to." Sabi niya at pinakita ang hair tie na nasa wrist niya.

"It's yours. I always wear it for good luck," nakangiti niyang sabi sa akin at ngumiti rin naman ako sa kanya.

"Talaga lang ah?" Pang-aasar ko sa kanya and she nodded.

"Swear. Nung una I would wear your clothes. Eh hindi ako comfortable, maliit sakin eh. Kaya ito na lang. Tapos ever since sobrang dalang ko na masaktan during practice. Walang injury, walang pasa. You're like my guardian angel," sabi naman niya at tumawa ako.

"No. Ikaw guardian angel ko eh. Wag ka magulo," sagot ko pa at hinalikan niya ako.

"Start na! Kumpleto na!" Sigaw ni Kuya Psy at nagpaalam muna si Kai sa akin bago tumayo at nagsimulang magturo.

"Ang saya talaga kapag in love ka. May sariling mundo," sabi ni Oli nang umurong ako papalapit sa kanila.

"Mag hunting ka na rin kasi rito," sabi ko sa kanya at tinawanan naman niya ako.

"Wala nga ako magustuhan eh. Ewan ko ba. After ni Serena di na ako nagmahal," madrama niyang sabi at tinawanan ko naman siya.

"Pero di nga? Naka move on ka na ba?" Tanong ko at ngumiti siya.

"It's easy to say yes. Especially when I'm not looking at her. When she's not smiling at me, when I haven't been around her for years. But I don't know what would happen if she ever shows up in front of me in this life. Baka maging misirable lang ako ulit," sagot niya and I felt bad.

I shouldn't have asked. Parehas pa yata kaming iiyak dito sa studio.

"Now I remember why we left here," sabi ko at inikot ang paningin ko sa studio.

The memories just came running back.

"Kaya nga eh. I don't know what I was thinking. Asking to watch," natatawa niyang sabi at ngumiti rin naman ako sa kanya.

Habang nanonood kami ng practice ay tumabi sa amin si Kuya Psy.

"See you sa January," bulong niya at naguluhan naman ako.

"Di niyo pa alam? May pageant na naman sa school. For sure ibabato ka na naman nila," sabi niya sa akin at napapikit naman ako nang mariin.

"What if mag-drop ako?" Sabi ko at tinawanan naman niya ako.

"Puro usap, di naman kaya." Sabat ni Oli sa gilid ko.

"Ay sus. Ikaw rin naman. Puro ka amba kay Serena tapos ngayon wala na. Nasa France na," pang-aaway sa kanya ni Kuya Psy at natawa naman kami.

"Pero nagulat ako girlfriend mo pala si Kai. Ang alam ko lang may girlfriend. Di naman ako na-inform," sabi ulit ni Kuya Psy.

"Bakit? Di ba nagpapakita ng pictures si Kai?" Tanong naman ni Oli.

"Nako, hindi. Napaka-private na tao. Madaldal to the point na akala mo madami ka alam sa kanya, pero kung babalikan mo mga sinabi niya hindi mo talaga pala kilala," sagot nito.

"Pansin ko rin yon. Alam mo yung mga kwento niya tungkol pala sa ibang tao. O kaya kung ano lang experience niya don sa taong yon or bagay na yon," natatawang sagot ni Oli at tahimik lang naman akong nakikinig sa kanila habang pinapanood si Kai.

Hindi ako maka ambag. Hindi naman ganon yung Kai na kilala ko eh. Yung Kai na kilala ko sinasabi lahat sakin.

Lahat ng gusto, ayaw, paborito, sinasabi sakin. Lahat ng takot, sakit, saya, alam ko.

"Kilig na naman yan, napunta na naman sa sarili niyang mundo," sita naman sa akin ni Oli.

"Wala ka bang kaagaw dyan?" Tanong sa akin ni Kuya Psy.

"Balita ko si Faye," sagot ko at tumawa naman siya.

"Nako. Hindi lang si Faye. Maski yung kaibigan niya. Si Suzy? Panay rin ang buntot," sabi niya at tumango ako. Hindi na rin ako bothered kay Suzy eh.

Ewan ko ba. Para akong namulat. Nakita ko kung gaano kaiba sa kanila si Kai eh. Kung sa paningin ng ibang tao, pareho lang. Sakin hindi.

"Baka nga mas madami pa kaagaw si Kai dito," sabat naman ni Oli at tumango si Kuya Psy.

"Nako, di na bagong balita sakin yan. Don pa lang sa away ni Andrei at Raph non, diba? Nung elementary kayo," sabi ni Kuya Psy at nanglaki ang mata ko.

"Hala! Nakalimutan ko na yong mga yon," sabi ko at ngumiti siya.

"Ang dami na nagdaan sakin. Ilang grade 3 na dumaan sakin. Ilang Kenzie na nahawakan ko," sabi niya looking at the studio.

"Kayo? Bakit ba kayo umalis dito?" Tanong niya pa and I looked at Oli.

"Ako kasi kuya Psy, dati nung pumasok ako masaya. Excited ako. Parang naglalaro ako. Tapos nung matagal, para na siyang trabaho. Na pupunta lang ako just to get it over with," paliwanag ni Oli sa kanya at sakin naman siya tumingin.

"Ako po nawalan na lang ko ng gana gumawa ng kahit ano. So pinakawalan ko lahat. Pinabayaan ko," pagpapaliwanag ko.

"Ako parang gusto ko na rin umalis eh. Di naman dahil sa wala na akong passion. Or wala na akong gana. Pakiramdam ko lang oras na. Na parang well established na yung team. Pwede ko na pakawalan. Lalo na nandito na si Kai? Nakampante na ako," sabi niya at tumango naman kami ni Oli sa kanya.

Makalipas ang ilang oras ay tapos na ang practice nila. Ngayon ay gagawa na lang sila ng video with separate groups dancing.

My Kai's up first.

"Mahaaaaaal, pagod na ko!" Sabi niya at sumalampak sa tabi ko. They're given 5 minutes muna bago sila mag-video.

"Asaan bimpo mo?" Tanong ko sa kanya nung yung jacket niya ang pinangpunas niya ng pawis.

"Ih. Ayaw ko na tumayo katabi na kita eh," nakasimangot niyang sabi at tumawa naman ako sa kanya.

"Kala mo hindi ko kita kanina inaaral mo rin yung sinasayaw namin?" Tumatawang sabi niya.

"Galing nga Choreo ng Mahal ko e," nakangiti kong sagot.

"Why didn't you tell me na you used to be a member?" Tanong niya sa akin.

"Plano ko sana surprise na lang kita bigla ako magsasayaw sa harap mo," pagbibiro ko.

"Seriously, can I know why?" Tanong niya.

"It's nothing serious. I just really forgot to mention it. Sobrang daming club ko rin sinalihan dati. I was in badminton, photography, I even joined like the instrumental kineme program," sabi ko and her eyes widened.

"What? You've done lots of things!" Sabi niya and I chuckled.

"Guilty tuloy ako kasi all I wanna do is have sex with you," sabi niya at napalakas ang tawa ko.

"Kai!" Saway ko sa kanya.

"It's true. But I guess we could have sex while doing other things," mahina niyang sabi at hinalikan ako sa pisngi nang marahan.

Kupal talaga to. Kung may etits ako galit na.

"Team, let's go na!" Tawag ni Kuya Psy at kinindatan naman ako ni Kai bago maglakad papuntang gitna.

"Palo, Kai!" Sigaw nila Crisel at tumabi sa akin.

"Yari ka," bulong niya at napalingon naman ako.

"Why?" Tanong ko pero umiling lang naman siya.

Hindi ko na siya pinansin dahil nagsimula nang pumwesto sila Kai.

"Go, Kaiiii!" Sigaw ko at nagtatalon. Nginitian niya naamn ako bago kumindat.

"Mhm. Basa ang pepe," sabi sa akin ni Crisel at hinampas ko siya.


"YEEEES!!" Tumatalon kong sigaw nant matapos si Kai sumayaw.

"Ang shala ng turo sa You got it, ha! Ang lalandi!" Saway ni Kenjie sa amin at nginitian ko naman siya.

"Ang galing, Mahal!" Manghang sabi ko sa kanya at niyakap naman niya ako.

"Nahihiya ako, Mahal. Stop," sabi niya habang nagtatago sa leeg ko.

"Up next! Yung bata kong anim!" Sigaw ni Kuya Psy at napalingon naman ako.

"Ayoko!" Sigaw ko kaagad nang makitang papunta na sila para hilahin ako sa gitna.

Magtatago na dapat ako sa likod ni Kai pero ang nangyari siya pa nag-abot sakin. Taksil!

"Dahil ikaw ng star ng pasko, ikaw ng gita," sabi ni Kuya Psy at tinignan ko naman siyang nagmamakaawa.

"Di mo ko madadaan sa ganyan mo," pagsusungit niya at pinagtawanan naman nila ako.

"Hatawin mo, Kenzie!" Sigaw nila Jay at inirapan ko naman sila.

Nagsimula na yung tugtog at agad hinanap ng mata ko si Kai na nakatingin din sakin habang sobrang laki ng ngiti.

"You got it, Mahal!" She screamed at nagtawanan ang mga tao dahil sa lakas ng sigaw niya.

We started to dance. I was so busy remembering the steps I didn't know na tapos na. Kinabahan pa nga ako dahil hindi ko maalala kung ano ang kasunod.

"Kaya mahal na mahal ko 'to eh. Hindi nag-practice pero mas magaling pa sakin!" Sigaw ni Crisel habang niyayakap ako at nakiyakap na ang iba sa amin.

After, I looked at Kai and she was smiling at me, proudly.

"Ang galing galing naman ng mahal ko," mahina niyang bulong sa akin nang may nangingilid na luha sa mata niya.

"What's wrong?" Tanong ko sa kanya habang papunta kami sa sulok ng studio.

"Wala, Mahal. Ang saya-saya ko makita kang kumikilos ng nakangiti talaga," sabi niya at nagpunas ng luha.

"Alam mo yon? Kasi, oo. Napapatawa kita kapag kausap kita. Pero while driving, I know you don't enjoy it kasi hindi ka nakangiti. While studying, I know you dread doing it. I don't see you smiling often at the world, so to see you smile this big while doing something that also made me smile, grabe. Punong puno puso ko. I'm so happy for you," emotional niyang sabi at naluha rin naman ako.

I didn't even know that she notices this. This is the first time I've heard her say this.

"Kai," mahina kong sabi and she smiled.

"I love you and I'll do anything to keep that smile on your face," sabi niya at hinalikan ang pisngi ko.

"Ang lalandi talaga!" Sigaw nila sa amin at pinagtawanan lang namin sila ni Kai.

Pagtingin ko kay Faye ay iniirapan niya ako.

Sama ng ugali di naman magaling sumayaw.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 220 27
really random short stories note: don't read if you're uncomfy this is purely from imagination don't take it seriously
7.4K 425 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
131K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
3.3K 162 12
Ian and Lea grew up together as best friends which means that nobody can tolerate his philanderings and asshole tendencies except her (she's not shy...