DG Series #3: Never Gonna Let...

By lhiamaya

796K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... More

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
END
Special Chapter

Chapter 41

16.6K 554 40
By lhiamaya

Jolene

"HUWAG kayong lalapit! Babalian ko ng leeg ang babaeng to!" Asik ni Norman na namumula pa ang mata. Hubad baro pa sya. Halatang lango sya sa alak at mukhang hindi lang sya nasa ilalim ng alak kundi nasa ilalim din ng pinagbabawal na gamot.

"Hayup ka Norman! Bitiwan mo ang nanay ko!" Sigaw ko sa kanya.

Gusto ko syang sugurin pero hindi ko magawa dahil nakaharang ang malaking braso ni Atlas.

"J-Jolene anak.." Umiiyak na tawag sa akin ni mama.

Awang awa ako sa kalagayan nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito na walang kalaban laban. Noong nabubuhay pa si papa ay hindi sya sinasaktan nito o ang sigawan. Pero ang lalaking ito na pinili nyang pakisamahan kesa sa akin ganito lang ang ginagawa sa kanya. Bakit ba nagkaganito si mama?

"Ma, nandito na ako. Kukunin kita sa hayop na yan."

"Hindi! Hindi mo makukuha sa akin si Jona? Bakit nagpakita ka pa ha? Pinalayas ka na di ba? Dahil wala kang kwentang anak! Malandi! Pokpok!" Tila wala sa sariling sambit ni Norman.

Akmang susugurin ni Atlas si Norman pero niyakap ko ang braso nya para pigilan sya. Madilim na madilim na ang kanyang mukha, umiigting ang panga at nanlilisik na rin ang mga mata sa galit.

"H-Huwag Atlas. Baka tuluyan nyang diinan ang sakal kay mama." Nag aalalang sabi ko.

"O ano sige! Lumapit kayo ng tuluyan ko na ang babaeng to." Nakangising banta ni Norman.

"A-Ack! N-Norman di na ako makahinga!" Daing ni mama.

"Mama!"

"Tumahimik ka! Talagang tutuluyan kita!" Asik ni Norman kay mama sabay bunot ng balisong sa bulsa ng likurang pantalon.

Lalo naman akong nagpanic pati na rin ang mga taong naroon.

"Tumawag na kayo ng baranggay dali!"

"Anong baranggay? Pulis na ang tawagan nyo."

"Sige! Tawagin nyo na ang kahit sino! Hindi ako natatakot! Mga pakialamero kayo!" Sigaw sa amin ni Norman. Lalo pang nanlisik ang kanyang mga mata.

"Norman parang awa mo na please! Pakawalan mo na si mama." Naiiyak na pakiusap ko na sa kanya.

Pero dinuro lang nya ako ng balisong na hawak nya.

"Isa ka pa! Tumahimik ka! Kung ayaw mong idamay kita!"

Tuluyan na akong naiyak sa takot at pagaalala kay mama. Humarap si Atlas at hinarang ang malaking katawan sa akin at marahan nya akong tinulak paatras.

"A-Atlas si mama." Umiiyak na sabi ko.

Hinawakan nya ang pisngi ko at hinaplos. "Ako ng bahala dito sugar. Doon ka muna sa bandang malayo baka mapano ka pa -- ugh!"

Namilog ang mata ko ng makita si Norman sa likuran ni Atlas. Nakadikit ang kamay nyang may hawak na balisong sa tagiliran ni Atlas. Tila sinaksak din ang puso ko.

Tumingin ako kay Atlas. Nakatiim bagang sya.

"Pakialamero! Yan ang bagay sayo!"

Kitang kita ko ng hugutin ni Norman ang balisong sa tagiliran ni Atlas. Nanlamig ang buong katawan ko ng makitang may bahid na ng dugo ang matalim na punyal. Akmang ibabaon nya ulit ito sa katawan ni Atlas pero mabilis sya nitong siniko sa mukha. Napaataras si Norman. Kinuha naman iyong pagkakataon ni Atlas at hinawakan ang braso ni Norman na may hawak na balisong. Pinilipit nya ang kamay nito na ikinadaing nito. Nabitawan nito ang balisong. Sinipa naman iyon ni Atlas palayo.

Natuptop ko ang bibig ng makitang umaagos ang dugo sa tagiliran ni Atlas.

"A-Atlas -- "

"Lumayo ka muna Jolene!" Utos nya sa akin. In-arm locked na nya ngayon si Norman na hindi na makagalaw.

"P-Pero may saksak ka." Naiiyak na sabi ko.

"Sinabi ng lumayo ka muna!"

"Sundin mo na lang ang nobyo mo ineng. Baka madamay ka pa dyan." Hinila na ako ng isang matandang babae papalayo kanila Atlas.

Wala na akong nagawa kundi panoorin na lang ang mga nangyayari. Pero abot abot ang kaba ko sa pagaalala kay Atlas lalo na at tumutulo na ang dugo sa tagiliran nya.

Nilabas ni Atlas si Norman at doon ay lumapit na ang ilang lalaki. Nagwawala si Norman pero hindi sya makaporma dahil marami ng pumipigil sa kanya. May isa pa nga na sinuntok sya sa mukha.

"Itali nyo yan at tumawag kayo ng pulis at issurender yan!" Sabi ni Atlas.

"Nakatawag na kami ng pulis. Parating na sila." Anang isang ale na may hawak na cellphone.

"Eh adik pa yata itong si Mang Norman. Pulang pula ang mata o!"

"Adik talaga yan! Kaya dapat dyan makulong!"

Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid. Tumakbo ako palapit kay Atlas. Nanginginig pa ang mga kamay ko.

"A-Atlas umaagos na yung dugo sa tagiliran mo. P-Pumunta na tayo sa hospital." Natataranta at naiiyak na sabi ko.

Niyakap naman nya ako. "Shh.. calm down sugar. Mababaw lang ang saksak nya."

"K-Kahit na. M-Magpapaospital na tayo baka maubusan ka na ng dugo."

Ngumiti lang sya at hinalikan ako sa noo. "Masyado namang nag aalala ang future misis ko."

Pinalo ko sya sa dibdib sa inis ko. Parang balewala lang kasi sa kanya ang mga sinasabi ko. Halos hindi na nga ako makahinga sa sobrang pag aalala.

"Ay jusko Mareng Jona! Ano na ba yang hitsura mo?"

Namilog ang mata ko ng marinig ang pangalan ni mama. Oo nga pala si mama!

Humiwalay ako kay Atlas at nilingon si mama. Nakalabas na sya ng bahay akay ng dalawang ale. Hinang hina ang hitsura nya at inuubo pa.

"Ma!" Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kanya. Sumunod naman si Atlas.

Mangiyak ngiyak na tumingin sa akin si mama.

"J-Jolene anak..."

"Ma.." Naiiyak na niyakap ko si mama. Yumakap din sya sa akin ng mahigpit at nagiyakan na kaming dalawa.

Miss na miss ko sya at naglaho na ang tampo ko sa kanya.

"I-I'm sorry anak.. patawarin mo k-ko.. P-Patawarin mo ko sa nagawa ko sayo noon.." Umiiyak na sabi nya.

"Wala na po yun ma.. napatawad ko na po kayo. Importante ligtas po kayo sa hayop na Norman na yun."

"Ineng ang mabuti pa pumunta na kayo ng mama mo at nobyo mo sa hospital para malunasan na sila. Lalo na tong nobyo mo." Suhestiyon ng matandang babae.

Tumingin si mama kay Atlas.

"Nobyo mo sya?" Tanong ni mama.

"Opo ma, sya ang ama ng pinagbubuntis ko noon. Malaki na ang anak ko ma. Malaki na ang apo nyo."

"Kamusta ho ma'am. Atlas Montecillo ho. Nakakalungkot man na sa ganitong pagkakataon tayo nagkakilala pero masaya ho ako na makilala kayo." Nilahad ni Atlas ang kamay sa harap ni mama.

Kinabahan naman ako dahil walang imik si mama at nakatingin lang kay Atlas at sa akin. Pero mayamaya lang ngumiti sya at tinanggap ang kamay ni Atlas.

"Jonalyn Briones iho, kinagagalak din kitang makilala."

Nakahinga ako ng maluwag at napangiti. Akala ko ay magpoprotesta pa si mama.

May isang lalaki na nagpresinta na samahan kami sa hospital. May taxi daw sya at ihahatid kami. Pero dahil may sasakyan kaming dala ni Atlas ay pinakiusapan na lang ito ni Atlas na ipag-drive kami.

Saktong papaalis kami ay dumating naman ang mga pulis. Inaresto na nila si Norman. Kailangan din daw naming magbigay ng statement pagkatapos naming magpagamot sa hospital.

-

Awang awa akong pinagmamasdan si mama na ginagamot ng nurse. Nakita ko kasing bukod sa mga bago nyang pasa ay may mga luma pa sya. Mukhang ginagawa syang punching bag ni Norman. Nakakainis lang bakit hinahayaan lang nya. Gaano na ba sya katagal binubugbog ni Norman? Bakit hindi nya ito magawang iwan? Ganun na ba nya ito kamahal?

Bumuntong hininga ako at nilingon si Atlas na nasa labas na ng emergency room at kausap si Tita Anita sa cellphone. Tapos na syang gamutin. Mababaw lang daw ang saksak sa kanya. Niresetahan na rin sya ng doctor ng gamot.

"Heto na po ang reseta ng pasyente ma'am."

Binalingan ko ang nurse na inaabot sa akin ang reseta ni mama.

"Salamat miss." Nakangiting sabi ko at nilapitan na si mama. May hawak syang cold compress na nakalapat sa cheek bone nya na may pasa.

"Kamusta na ang pakiramdam mo ma?"

Ngumiti sya pero agad ding napangiwi ng mabanat ang sugat nya sa gilid ng labi.

"Ayos lang ako anak. Masakit lang ang katawan ko lalo na itong kaliwang braso ko."

Tumingin ako sa kaliwang braso nya na may malaking pasa. Hindi ko alam kung pinilipit sya o sinuntok doon ng hayop na si Norman. Pati nga ang leeg nya ay namumula din at may marka ng kamay.

"Gaano katagal na kayong sinasaktan ni Norman ma? Matagal na ba? Palagi nya po ba kayong sinasaktan? Bakit hindi nyo pa sya iniiwan?" Sunod sunod na tanong ko.

Lumungkot ang mukha ni mama at may tumulong luha sa kanyang mata.

"Akala ko kagaya sya ng papa mo. Nagkamali ako.."

Umikot ang mata ko. "Ang layo layo nya po kay papa ma. Si papa hindi nya kayo sinaktan kahit kelan."

Hindi na sya nakaimik at malungkot lang na ngumiti.

"Kakasuhan natin si Norman ma."

Tumingin sya sa akin. Gumuhit ang pagaalala sa kanyang mukha.

"Huwag na anak. Hayaan na lang natin sya. Lalayo na lang ako sa kanya."

Marahas akong bumuntong hininga. Nakaramdam ako ng inis sa kanya. Mahal na mahal talaga nya ang lalaking yun.

"Ano ba naman ma? Ganun mo ba kamahal ang lalaking yun at hahayaan mo na lang sya? Kapag hinayaan lang natin sya ay siguradong guguluhin ka ulit nya."

"Hindi ko na sya mahal. Natatakot lang ako na baka gantihan tayo ng pamilya nya anak. Mapera ang pamilya nya at nagbabayad ng tao para pumatay. Ayokong madamay ka. Kayo ng nobyo mo."

Umawang ang labi ko. May lahi palang kriminal ang lalaking yun kaya pala walang pagdadalawang isip na sinaksak si Atlas.

"Kahit hindi nyo ho sya kasuhan ay kakasuhan ko din sya at ipapakulong. Hindi ko ho mapapalampas ang ginawa nya."

Sabay naming nilingon si Atlas na tapos ng makipag usap kay Tita Anita.

"Hindi mo kilala ang pamilya ni Norman Atlas. Delikado ang pamilya nila. Gumaganti sila."

"Hindi ho ako natatakot Tita Jona. Hindi nila ako kakayanin." Ani Atlas at umakbay sa akin.

Bumuntong hininga si mama. "Ikaw ang bahala. Mukhang hindi ka naman ordinaryong tao lang." Nagpalinga linga sya. "Ok na ba tayo? Pwede na ba tayong umuwi? Gusto ko ng magpahinga. Wala pa akong tulog mula kagabi."

Tila kinurot ang puso ko sa sinabi nya.

"Oo ma, ok na po ang lahat at pwede na tayong umuwi. Pero hindi ka na po uuwi sa bahay nyo ni Norman."

Kumunot ang noo nya. "Eh saan ako uuwi? Wala na akong uuwian. Hindi naman ako pwedeng umuwi sa Zambales. Malaki ang pagkakautang ko kay Emie. Hindi pa ako pwedeng umuwi doon."

"Pwedeng pwede na kayong umuwi doon ma. Wala na sila Tita Emie doon."

"Anong ibig mong sabihin anak?"

"Pinaalis ko na po sila ma. Tama na yung ilang taong naghariharian sila sa bahay."

"Ano? Bakit mo ginawa yun anak? Malaki ang utang ko sa Tita Emie mo."

"Mas malaki po ba sa naitulong nyo sa kanila ma?"

Hindi nakaimik si mama.

"Yung utang nyo sa kanila parang bayad na nila yun sa mga naitulong nyo sa kanila."

Tumingin sa akin si mama. "Pero paano na sila anak? Saan sila pupunta?"

Parang gustong bumalik ng tampo ko sa kanya. Talagang mas iniisip pa nya ang mga kapatid nya.

"Ma naman! Malalaki na ang mga kapatid nyo. May sarili na silang pamilya. Kaya na nila ang mga sarili nila. Bakit ba laging sila ang iniisip nyo? Samantalang ako noong pinalayas nyo ni hindi nyo man lang inisip kung saan ako pupunta. Lagi na lang sila ang inuuna nyo. Baka pwedeng ngayon ako naman ma." May hinanakit at punong puno ng pait na sabi ko.

Gumuhit naman ang lungkot sa mga mata ni mama. Nagbaba sya ng tingin.

"I'm sorry anak. Pinagsisishan ko rin ang ginawa ko na iyon sa iyo."

"Pinagsisihan nyo pero ni hindi nyo man lang ako kinontak at kinausap. Alam nyong nasa Manila lang ako pero ni hindi nyo man lang ako pinuntahan." Tumulo na ang luha ko. Mabilis ko yung pinalis ng kamay.

Sinabi ko ang lahat ng sama ng loob ko kay mama. Panay naman ang hingi nya ng sorry. Nahihiya na raw kasi syang harapin ako lalo noong panahong lubog na lubog sya. Idagdag pa na pinagbabawalan sya ni Norman na kumontak sa mga kaanakan nya. Pinagbabantaan sya nito.

"Pangako anak.. bigyan mo lang ako ng pagkakataon itatama ko ang lahat ng mga mali ko sayo. Gusto ko lang na patawarin mo ako." Naiiyak na sambit ni mama.

Niyakap ko naman sya. Pagkatapos kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya ay tila nakawala na rin ako sa pangit na nakaraan. Ayoko ng magdamdam sa kanya. Gusto ko na lang syang makasama sa buhay at maramdaman uli ang pagmamahal ng isang ina.

Ng makalabas na kami ng hospital ay dumiretso kami ng presinto para magbigay ng statement at pormal na magsampa ng kaso laban kay Norman. Nagdadalawang isip pa si mama dahil natatakot pa sya. Ayaw na rin nyang makaharap si Norman. Pero si Atlas ay buo na ang desisyon. Kinasuhan nya si Norman at tuluyan na nya itong pinakulong.

Bumalik kami sa apartment na inuupahan ni mama para kunin ang mga gamit nya. Nagpaalam na rin sya sa mga kapitbahay nya roon na naging mga kaibigan rin nya. Pagkatapos ay bumiyahe na kami pabalik ng Manila. Doon na sya sa amin titira.

*****



Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
46.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
135K 6.3K 43
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...