TRANS SERIES ll: Ikaw at Ikaw...

By yuriiiverse

3.3K 392 25

HR: #1pag-ibig HR: #5pinoystories Paano kung ang ang lalaking mamahalin mo eh siya pala ang sumira ng buhay m... More

●Authors Note●
Uno
Dos
Tres
Kwatro
Sais
Syete
Otso
Nwebe
Dyes
Onse
Dose
Trese
Katorse
Kinse
Disisais
Disisyete
Disiotso
Disinuwebe

Singko

189 27 2
By yuriiiverse

Klay's POV 

"That's all, thank you" sabi ni Prof Jhon.

Ngayon tapos na klase namin kaya naman napag isipan ni Jp na mag tungo kami sa Library dahil gagawa raw siya ng assignment niya. Ewan ko bakit hindi niya kasi ginawa. Kung kelan pasahan na mamaya tsaka pa siya gagawa. Ang haba haba na nga ng binigay na palugit sa amin eh.

"Nga pala Klay malapit na Birthday mo ah anong balak mo?" tanong ni Jp sa akin.

"Wala akong balak alam mo naman na no kada kaarawan ko e parang normal days lang ganun ba tsaka ayoko sa mga party party kineme alam mo naman na ako 'di ba? ayoko sa ingrande gusto ko lang ng simple" sabi ko kay Jp habang papasok na sa library dahil nakarating na kami.

Hindi naman sa hindi ko gusto ang mga bagay na mamahalin sadyang ayoko lang ganun ba? hindi ko kasi tipo ang mga bagay na alam kong hindi babagay sa akibn ganun lang simple lang naman akong tao.

Naupo na kami sa isang bakante na upuan sa may tabi ng aircon si Jp inilabas niya na ang gagawin niya habang ako ay napag isipan na mag ikot ikit baka sakaling may mahanap akong libro na mababasa ko. Napadpad ako sa dulo kung saan ang shelf ng mga hindi pa na o-organize na ma libro. Pumukaw sa mata ko 'yung isang kulay lupa na libro kaya naman kinuha ko ito sa pinaka baba dahil nasa sahig ito. Nang madampit ko na e ayun nauntog pa ako sa matigas na bagay.

"Aray!" reaksyon ko

"S-sorry" pamilyar na boses ang narinig ko.

Kaya naman tinignan ko kung sino si Ivan pala. Shems sa belt pa niya ako na untog. Kaya naman inalalayan niya na ako tumayo at pinagpag ko ang palda ko dahil naapakan niya ito.

"Pasensya hindi kita nakita naka tingin kasi ako sa taas ng shelf" pwera niya.

"Ayos lang, sige mauna na ako baka hinahanap na ako ni Jp" sinabi ko nalang agad kasi naman nakakahiya sabihin na nating oo childhood bestfriend ko siya pero nung bata pa kami nun hindi na kami close noon kesa ngayon at tsaka nahihiya pa rin akong i approach siya.

Kaya naman nag mamadali na akong mag lakad papunta kung saan kami naka pwesto ni Jp pero pagdating ko wala naman siya. Nag vibrate ang phone ko nag text pala. 'Klay, emergency lang excuse mo muna ako.' kaya naman nag reply nalang ako sa kanya pagkatapos nag chat sa gc namin si Prof Myca na sabi hindi niya kami ma me-meet today dahil may meeting sila ngayon kaya naman dahil siya nalang ang last sub namin ay tumambay na muna ako sa Library. Nag pahinga lang sandali dahil sa kaninang subject namin na halos mapiga na ang utak ko dahil sa debate na naganap kanina. Ewan ko magagamit ko ba ang debate sa pag hahanap ko o sa ipapatayo kong negosyo soon?.

"May i sit here?" Pamilyar nanaman na boses hindi na ako mag tataka kung si Ivan 'to

"Yeah, wala namang naka upo e kaya feel free to sit" sabi ko kaya naman na upo na siya. Ewan ko pero na aw-awkward-an ako sa sitwasyon ko ngayon HAAHAHA

"Nilalamig ka?" tanong nito sa akin

"Kinda" ikli ko nalang na batid.

Kaya naman hinubad niya 'yung parang o varsity jacket na siuot niya. Sabay tumayo at isinuot sa akin.

"Next time 'wag kang uupo malapit sa may aircon at baka sipunin ka pa tapos ganiyan pa ang suot mo" wika nito sa akin

Teka pinag sasabihan ba niya ako? Eh sa ganito ako manamit eh. Biglang nag Vibrate ang phone ko nakita ko text ni mama na sunduin ko raw si Ann sa Day Care school kasi hindi maharap ni mama dahil busy siya sa Barangay dahil may nag aaway raw si mama kasi isang Barangay Captain sa amin kaya ayun. Nireplyan ko naman si mama na 'Sige'. 10:30 na pala saktong uwian nila ng 11:00 kaya naman nag retouch na muna ako sandali at inayos na rin ang mga gamit ko sabay tayo.

"Saan ka pupunta?" Jp asked

"Susunduin si Ann sa Day Care kasi hindi ma susundo ni mama" sagot ko

"Can i come?" tanong niya.

Eh? Seryoso ba siya?

"S-sige" utal ko na wika

Kaya naman kahit no choice ako ayoko sana isama kaso ayoko rin naman na iwan siyang mag isa kaya isinama ko nalang ngayon ay lumabas na kami sa library at nag lakad na pababa ng building. Siya na rin nag aya na sa sasakyan niya nalang kami sasakay kaya naman pumayag na rin ako para naman hindi ako maka gastos ng pamasahe. Medjo malapit lang sa Parke ang Day Care Center na pinapasukan ni Ann. Nakarating na rin kami at saktong dismissal na nila kaya naman pinark ni Ivan ang sasakyan niya sa labas at sabay na rin kaming lumabas sa sasakyan nito. Pumasok na rin kami sa loob at nakita ko si Ann na nag aayos ng gamit niya kaya naman pumasok ako sa loob para tulungan ito. Pwede naman kaming pumasok eh pero so Ivan nanatili sa labas.

"Ayaaa!" masayang bati sa akin ni Ann

Kay naman lumuhod ako at niyakap ko siya.  Pagkatapos eh inayos na namin ng gamit niya atsaka nag paalam sa teacher niya sabay lumabas na rin ng room. Nakita niya si Ivan sa labas kaya naman lumapit ito sa kanya.

"Kuya Ivan hello po" sabi ni Ann

Kaya naman binuhat ni Ivan si Ann sabay inilagay niya sa balikat niya. Alam niyo 'yung pina-upo siya sa balikat niya ganun. Dala ko ang bag ni Ann at nakarating na kami sa sasakyan ni Ivan at ito namang si Ann nag aya pa na mag punta na Parke para makapag laro. Kaya naman pumayag ako hindi naman sa ini-spoil ko si Ann na pumayag sa lahat ng gusto niya ang akin lang gusto ko ma-enjoy ang pagka bata niya ako nga walang mataandaan ng mga memorya ko ng pagkabata ko eh. Pag sakay naman sa sasakyan ni Ivan ay pina andar niya na ito at kumanan lang kami sa kanto at ayun nasa Parke na kami ganun lang kalapit. Nag mamadali na lumabas si Ann sa sasakyan at agad na nag tungo sa slides samantalang ako lumabas na rin at si Ivan naman ay nag hahanap ng pag paparkingan niya. Naupo na muna ako sa isang Bench sa gilid habang tinitignan si Ann baka kasi mawala sa paningin ko mahirap na.

Ilang sandali pa nakita ko na nag lalakad na si Ivan patungo sa gawi ko at mau dalang paper bag ng 7/11. Naupo na siya sa tabi ko.

"Oum, tubig" pag abot nito sa akin pero bago niya iabot eh binuksan niya ito. Nang bigla siyang mag open up.

"Nakaka miss maging bata ano?" sabi nito

"Siguro" hindi ko alam isasagot ko sa kanya

"What do you mean siguro? wala kang matandaan sa pagkabata mo?" tanong nito sa akin sabay tingin.

"Well, wala as in wala, talaga ang natatandaan ko lang naka higa ako sa hospital bed tapos nagising ako sa isang kwarto na kulay puti ang paligid tapos sila Mama, Doktor tapos isang nars ang nasa tabi ko. Hindi ko ma recall ang lahat nang nangyari ni kung sino ang Papa ko bakit ako nasa Hospital ewan ko ba then ayun kada nag tatanong ako kay Mama about sa nangyari sa akin hindi niya sinasagot o iniibahan niya ang usapan. Hanggang sa makapag asawa si Mama kay Papa Rey na ngayon e matagal ng patay. Ayon simula noon hindi na ako nag tatangkang mag tanong kay mama sa mga nangyari sa akin." Ewan ko ba bakit kinuwento ko sa kanya lahat.

"Hayaan mo ipapaalala ko sa'yo lahat ng nangyari nung kabataa natin" Sagot nito. Ano raw? ipapaalala niya sa akin? Huh?!

"Tara na puntahan na natin si Ann at umuwi na pasado 11:30 na mainit at lunch time na" Wika nito sabay niligpit ang kinain niya kanina.

Kaya naman tiawag na namin si Ann at pinunasan ko na siya ng pawis at pumunta na rin kami sa pinag park-an ni Ivan.

"Ann, what do you want for lunch?" tanong ni Ivan kay Ann.

"Uuwi nalang kami baka naka uwi na rin si Mama eh" sabi ko ng biglang mag vibrate ang phone ko nakita ko si mama natawag.

"Hello Klay, hindi ako makaka uwi at makakapag luto ng ulam ngayon ikaw nalang muna mag luto dahil jusko ang hirap unawain ang mga nag baranggayan dito sige na ikaw na bahala kay Ann mag ingat kayo love you." saad ni mama sa tawag.

"So i guess hindi makaka uwi si tita. Ann saan mo gusto mag lunch your Kuya Pogi gonna treat you, saan ba McDo, Jollibbee, KFC, CHOWKING, saan mo gusto baby girl" sabi ni Ivan. Kuya Pogi amp. Pinigilan ko lang tawa ko.

"Nakaka hiya naman Ivan hindi na. Ang mahal kaya tsaka mag luluto nalang ako mas ok pa." saad ko

"Mag luto nalang po si Aya Kuya Pogi, Masarap mag luto si Aya" pabor ma sabi ni Ann

"Sige, so may mga bibilhin ka ba or wala na?" tanong nito

"Pumunta tayo ng palengke dahil bibili tayo." saad ko

Kaya naman umandar na ang sasakyan at pumuntana kami sa Palengke para bumili ng mga rekados. Tsaka mag gro-grocery na rin ako para may stocks sa bahay paubos na rin kasi. Nag park na si Ivan sa gilid at ngayon papasok na kami sa loob para mamili na ng bibilhin. Nag simula na muna kaming bumili ng mga gulay para may stock kami bumili lang ako ng dalawang goma ng sitaw, two and a half ng kalabasa tapos talong. Nag bayad na rin ako sabay kinuha ko na ang mga gulay.

"Saan next?" tanong ni Ivan

"Sa mga Karne at Isda tayo next" saad ko

Kaya naman nagawi na kami roon at binuhat na ni Ivan si Ann dahil sa madulas ang sahig. Nag punta na kami sa kung saan e suki ako Kay aling Jessy.

"Klay, iha lalo ka atang gumaganda ngayon ah" bolang sabi ni Aling Jessy

"Sus kayo talaga lagi niyo akong niloloko" sabi ko

"Totoo naman gumaganda ka lalo" singit na saad ni Ivan sa gilid

"Huh?!" reaksyon ko

"Sabi lang ni Ann" palusot nito. Eh si Ann nanonood sa selpon ko e

"Sino naman ang poging chinito na ito aber? boyfriend mo?!" sabi ni aling Jessy

"Hala, hindi po mag kaibigan po kami na mag kababata kunno" saad ko

"Ganun ba, sige ano bang bibilhin mo 'yung dati lang din ba?" tanong nito

"Opo, pero 'yung Baboy po pa cut na po ng pa Kare-Kare size cut" saad ko

Kaya naman ginawa na ni Aling Jessy ang pina-ano ko. Walang bangus na tinda si Aling Jessy kaya naman sa tabi niya akong tindera na bumili. Naka bili na rin ako at saktong tapos na si Aling Jessy kaya naman nag pasalamat at nag bayad na rin ako. Ang next naman ay sa grocery. Kaya nag tungo kami sa Super 10 para mag grocery.

Kumuha na ako ang push Cart at isinakay na si Ann sa upuan pambata sa cart. Si Ivan na rin ang nag presinta na mag tulak at ako nalang ng taga dampot ng mga bibilhin.

"Kuya Pogi sa bahay ka po ba kakain?" tanong ni Ann kay Ivan

Luh!?

"Kung gusto ni Aya mo na sa inyo ako kakain edi roon ako kakain" saad ni Ivan

"Aya?" tanong ni Ann

"Sige, basta 'wag mong pag tatawanan ang lasa ng lulutuin ko" Pwera ko sabay dampot ng tatlong soy sauce

"Bakit ko naman pag tatawanan, eh sabi na mismo ni Ann na masarap ka mag luto eh" saad nito

"Kahit na ano" wika ko nalang

Nakompleto ko na ang mga rekados para sa kusina ngayon naman ay para sa snacks na ang kukunin ko syempre uunahin ko na ang paborito ko walang iba kunsi GUMMIES huhu favorite of all time ko talaga ang gummies. Nag dampot na rin si Ivan ng kanya at si Ann naman e nag pakuha sa kuya Pogi niya.

Nag tungo na kami sa counter para makapag bayad na rin at maka uwi na para makapag luto na dahil medjo gutom na rin ako. Kaya naman sumakay na kami sa sasakyan ni Ivan at nag tungo na sa bahay para makapag luto  na ako. Ilang minuto ang byahe ng makarating na kami sa bahay naka tulog na rin si Ann kaya naman si Ivan na ang nag buhat sa kanya at ako naman sa mga pinamili namin. Inihiga na muna ni Ivan si Ann sa sofa at ako inilagay ko na muna ang mga pina mili namin sa lamesa at nag tungo na ng kwarto para mag palit ng damit dahil na naiinitan ako. Nag suot lang ako ng komportable na damit at itinali ko lang ang buhok ko na pa bun. Lumabas na ako at nakita ko si Ivan na inaayos ang pag kakahiga ni Ann. Inayos ko na muna saglit ang mga aayusin ko at tsaka na ako nag simula na mag gayat ng mga kailangan ko sa Kare-Kare na lulutuin ko. Matapos ay isinalang ko na ang kawali para makapag gisa na. Nasulyapan ko si Ivan na naka idlip na rin pala sa sofa kaya hinayaan ko na muna sila ni Ann na matulog habang ako ay nag luluto.

Ilang minuto pa ay medjo malapit na maluto ang Kare-Kare at inihanda ko na ang lamesa nag lagay na ako ng mga plato, baso, kubyertos at nag timpla na rin ang ako ng Juice para naman bongga. Nag palamig na rin ako ng kanin nakita ko na ok na ang Kare-Kare kaya nag salin na ako sa isang mangkok at inilagay na sa lamesa nag hugas na ako ng kamay at nag ayos na rin saglit bago ko sila gisingin. 1:22pm na pala nang nasulyapan ko ang orasan.

"Ivan, Ivan, Ivan gising na kakain na" pag gising ko sa kanya sabay tapik tapik sa balikat nito

Nakita ko na minulat niya na ang mga mata niya kaya naman si Ann na ang sunod ko na ginising.

"Hmm, naka idlip pala ako" saad ni Ivan sabay inayos niya ang pag kaka upo niya.

"Ann kakain na baby" wika ko

Minulat na rin ni Ann ang mata niya. Kaya naman tumayo na silang dalawa at sabay nanag hugas ng kamay.

"Ang bango ah" saad ni Ivan

"Thankiee" pag papasalamat ko

Kaya naman nag simula na kaming kumain at ayun naparami ang kain ng dalawa. Halata naman na hindi gutom itong dalawa halos paubos na ang isinaing ko na isang kaldero ng rice cooker.

Ilang minuto pa natapos na rin kaming kumain at iniligpit ko na ang pinag kainan naming tatlo. Saktong katatapos ko lang mag ligpit at nag paalam na rin si Ivan kaya naman hinatid ko na muna siya hanggang gate.

"Salamat sa masarap na tanghalian" saad nito

"Wala 'yon, pasasalamat ko na rin sa pag tulong mo ngayon sa pag sama sa Palengke sa pag sundo kay Ann" sabi ko

"Wala 'yon tsaka ayos lang if you need me 'wag kang mahihiya mag sabi lagi akong ftee basta ikaw, sige mauna na ako bye" wika nito sabay sakay na sa sasakyan niya

"Ingat" sabi ko habang kumakaway.

Kaya naman pumasok na ako sa loob ng bahay para mag hugas at mag pahinga na rin.

__________________________________________

📍Press the '☆' below if you like this chapter and mag comment na rin kayo para malaman ko ang mga thoughts niyo about this story siyempre EXPECTS some ERRORS, i'm still learning palang kasi and don't forget to FOLLOW me to easily received an updates. ENJOY READING<3. 

~yuriiiverse

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

this story is dedicated to my one of my follower huhu actually gustong gusto ko na makapag update kaso maraming ginagawa na school works e kaya ayun hehe thankyou kay Treboej23 sa pag support wabyouuu♡!!

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 155K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
2M 111K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
10.2K 195 34
wanna one easy lyrics
75.2K 2.1K 22
As a friendship between Hinata and him continues to grow, Kageyama realises he's madly in love with Hinata. He can't get him out of his head. He slow...