Obsessed To Ex-convict ( BACH...

By ChyChyWP

460K 6.6K 143

Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 49

5.5K 83 0
By ChyChyWP

Anya Belle’s POV

Matuling lumipas ang mga araw na naging lingo, buwan, at taon. Nahirapan kaming makabuo ni Levi. Dumating na rin sa punto na nag-iisip ako kung hindi ko na ba talaga siya mabibigyan ng anak. Na isa akong walang kwentang asawa. Kahit na nga nakaagapay sa amin ang OB ko, wala pa rin. Aalog-alog pa rin kami sa bahay, dahil dadalawa lang kami.

Bumalik ako sa trabaho. Wala naman akong gagawin sa bahay. Isa pa, kapag naroon ako, mag-iisip lang ako nang mag-iisip. And I will just stressing myself.

“Love?” tawag sa akin ni Levi. Lumapit ako sa kaniya. Ibinubuhol niya ang kaniyang necktie, pero hindi pa rin siya matuto hanggang ngayon.

“May date ka ba? Bihis na bihis ka, ah,” sita ko sa kaniya. Ako na ang nag-ayos ng necktie niya.

“I have a hearing,” aniya at niyakap ako nang mahigpit. “Sasabay ka ba sa akin?”

Umiling ako. Hindi pa ako nakaliligo. Isa pa, maaga pa.

“Mauna ka na. Mamaya pa ako pupuntahan sa firm.” Humiga ako sa kama. Tamad na tamad ako sa araw na iyon.

“Saan mo gustong magbakasyon?” out-of-the-blue ay tanong niya. Napatingin ako sa kaniya.

“I want to visit San Francisco next week. May kukunin lang ako sa bahay,” aniya nang mabasa ang nilalaman ng isip ko.

Tumango ako. Akmang magsasalita ako pero naunahan niya ako, “You want to visit Holland? Or, New Zealand?”

Umiling ako. “Ayaw ko. Gusto ko dito lang sa bahay,” sagot ko saka tumagilid ng higa. “You can go if you want. Magsama ka ng iba. Baka sakaling makabubuo ka,” hindi na napigil na sabi ko. At huli na para bawiin pa iyon.

“Jesus Christ, Bella!” pagalit na sabi niya sa akin. “What are you talking about? Humarap ka sa akin. Mag-usap tayo!”

“Ayaw ko,” mariing sagot ko.

“Bella!” he warned me with his anger voice.

“Ayoko na. Hindi naman kita mabigyan ng anak na pinapangarap mo.” Tumulo ang luha ko.

Naramdaman kong lumundo ang kama, kaya alam kong naupo siya roon. Hinaplos niya ang tuktok ng ulo ko, kaya mas lalo akong napahagulhol.

“Sa tuwing nakikita kitang tinitingnan mo ang mga kaibigan mo na may mga kasamang makukulit na mga anak na, napapangiti ka. Alam kong gusto mo rin nang ganoon, pero hindi ko maibigay sa ’yo, Levi. At nasasaktan ako nang sobra,” himutok ko. “Bakit ba kasi ako pa ang pinili mo? Many women were waiting for you. Mga babaeng kaya kang bigyan ng kumpletong pamilya.”

I was really trying my best not to breakdown in front of him, pero hindi ko na kaya. We all have everything. We could provide for the family he always wanted to build. Pero hindi ko iyon maibigay sa kaniya.

“Ang dami mo namang issue sa buhay, love,” aniya. Balewala lang rito ang paghihimutok ko. Siguro dahil sanay na rin siya sa ganoon.

Isinubsob ko sa unan ang aking ulo. “Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko.”

“Madali lang maghanap ng babae, love. Madaling mambuntis kung gugustuhin iyon ng lalaki. But I don’t like that. Kung hindi rin lang naman siya ang itinitibok ng puso ko,” sagot niya.

Napatingin ako sa kaniya. He’s wearing a smile that can easily melt my heart. Kaya muli akong sumubsob sa una.

“Mahirap humanap ng babaeng kagaya mo, Bella. Iyong tipong nag-slow motion ang paligid unang kita ko pa lang sa ’yo. ’Yong tipong kapag nagdidikit ang mga balat natin, pareho tayong napapaso. Iyong tipong, ikaw lang ang tumatakbo sa isip ko—ang inspirayon ko. Ang bubuo sa pagkatao ko. Lahat ng iyon ay ikaw lang Bella. Ikaw lang babaeng mahal na mahal ako, at ang babaeng pakamamahalin ko,” mahabang wika niya bago ako halikan sa likod ng ulo.

“Please don’t stress yourself too much, dahil naniniwala akong makabubuo rin tayo. Hindi pa lang talaga ito ang oras para doon. At kapag nangyari iyon, ipinapangako kong hindi ako magtatrabaho ng isang taon. Babatanyan ko kayo.” Tumayo na siya.

“Paano kong hindi na talaga kita mabigyan ng anak?” Malungkot akong tumingin sa mga mata niya.

“You are my home. Ikaw lang sapat na sa akin. Itatak mo yan sa isipan mo.” Kinuha niya ang briefcase saka ako nilingon. “Sigurado kang hindi ka sasabay?” tanong niya sa akin.

Umiling ako. “Susunod na lang ako, love,” sagot ko.

Huminga siya nang malalim at lumapit muli sa akin. Ibinaba niya ang hawak na briefcase sa may side table. “I think I need to reschedule my hearing, because of my moody wife. What do you think?” Umupo siya sa gilid ng kama.

“Papasok ako mamaya.” Pero ang dalawang kamay ko ay parang may sariling pag-iisip. Kusa iyong pumulupot sa may beywang niya. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Napakabango talaga ng aking asawa.

“Basta huwag kang paka-stress. Darating din naman ang hinihintay natin. Just be patient,” pang-aalo niya sa akin.

How I really love this man. Palagi niya akong inuunawa simula pa noon. Kahit pagod na pagod na siya, hindi niya ako sinukuan. Nanatiling matatag ang pagmamahal niya sa akin. I never doubted him and his feelings.

Naramdaman ko ang masuyo niyang paghalik sa noo ko, kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. “I love you, love.”

“I love you too.” Niyakap rin niya ako.

Nasa ganoon kaming posisyon nang tumunog ang telepono niya. Pero mukhang wala siyang balak na sagutin iyon.

“Love, hindi mo ba sasagutin ang phone mo? Kanina pa nag-r-ring.”

“Hayaan mo, mapapagod din yan,” sagot niya sa akin.

Ibubuka ko na sana ang aking bibig nang mapalingon sa private phone namin. “It’s Frank.” Iyon ang lumabas sa screen niyon. Kunot-noong tiningnan iyon ni Levi bago kinuha.

“What?” pasupladong tanong niya kay Frank. Inilapag niya ang cell phone sa kama at in-i-loudspeaker iyon.

“Why aren’t you answering my calls?” galit na tanong ni Frank. “Pinapa—”

“I’m busy!” mabilis na putol ni Levi sa iba pang sasabihin ng kaibigan.

“You’re not coming?” ani Frank na halata sa tinig ang tinitimping galit.

“I told you, I’m busy right now.” sagot niya

“Atty. Sebastian.” Seryoso na si Frank. Sinabayan pa nito iyon ng pagbuntonghininga. “Gusto mo ba talagang matalo ako sa kaso ko? For your information, binabayaran kita nang malaki,” inis na sabi nito.

Umiling na lang si Levi at ngumisi. Lumaki ang dalawang mata ko dahil ngayon ko lang napagtanto na si Frank ang kaniyang kliyente na hindi niya sinipot sa hearing. Tumingin siya sa akin at sumenyas na huwag akong maingay, kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Talk to your wife again,” ani Levi kay Frank.

“Paano kapag ayaw pa rin?” sagot niya kay Levi.

“Mag-s-send ako ng letter sa kaniya. Ako na ang bahala,” aniya.

“I’m nervous, Lev.”

“Nasa sa iyo ang alas, brother. Bakit ka kakabahan? Madali na lang iyang ipakulong,” natatawang sagot ni Levi, kaya pinandilatan ko siya ng mga mata at hinampas ang hita niya.

“Like what you did?” Frank said.

Tumawa lang si Levi sa kaniya na parang siyang-siya. Kinuha niya ang phone at in-i-off ang loudspeaker niyon.

“Yes! Like what I did. Pero may dahilan naman kung bakit ko iyon ginawa. It’s for her own good, her family, and for everyone’s safety,” sagot niya kay Frank habang titig na titig sa akin.

Totoo iyon. At hindi ko siya masisisi sa ginawa niya noon.

Hindi ko na alam kong ano’ng isinagot ni Frank dahil nagpaalam na si Levi. Mag-uusap na lang daw sila ng personal.

Agad akong tumayo, pero biglang umikot ang paningin ko. Hinawakan ko ang ulo ko at pumikit. Humakbang ako ng tatlong beses, pero pakiramdam ko, matutumba ako.

“Are you okay?” tanong ni Levi.

“Nahihilo ako,” sagot ko. Babalik na sana akong muli sa kama nang tuluyan na akong matumba.

“Love!” malakas na sigaw ni Levi, bago ko ipinikit ang mga mata ko.

----------------

“KAWAWA naman pala ang mommy, Daddy,” bulaslas ni Bella at isinubsob ang mukha sa dibdib ni Levi. Siya na ang nagpatuloy sa pagkukwento ko rito.

“Matulog ka na anak. Gabi na,” utos ko kay Bella. Inayos ko ang comforter namin, saka ko sinalat ang noo at leeg niya. Medyo ayos na siya.

“More, Mommy, please,” antok na sagot niya sa akin. Our children love hearing stories before going to bed. Kahit paulit-ulit pa iyon. Si Levi ang madalas na gumagawa noon sa kanila.

“Daddy,” malambing na tawag ni Bella sa ama. Napatingin sa akin si Levi.

“Inaantok ka na, Bella Marieh. Isa pa, may sinat ka pa kaya kailangan mong matulog,” maawtoridad na wika ko.

Sumimangot ito at tumingin sa ama.

“I love you,” ani Levi rito saka hinalikan sa noo si Bella. Napangiti naman ito bago yumakap sa leeg ng ama.

“I love you too, Daddy. I love you, Mommy,” aniya sa amin. Bumaba si Bella sa ama at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa labi bago muling bumalik sa ibabaw ni Levi at yumakap nang mahigpit dito.

“Sleep well, honey,” ani Levi. Nilingon niya ako. “Patutulugin ko lang siya bago ilipat sa kwarto niya.”

Ngumiti ako. I’m so blessed that God gave Levi to me. Wala na akong mahihiling pa.

“I love you, love,” malambing kong wika sa kaniya.

“Thank you for giving me home,” sagot naman niya.

Ako na ang lumapit sa kaniya para yakapin siya. Alam kong kahit na pagod na ang pisikal niyang katawan, patuloy lang siya sa tungkulin niya bilang ama sa mga anak namin. Mas lamang ang focus niya sa mga bata, kaysa ako sa kanila.

Maya-maya, dahan-dahan siyang tumayo at binuhat ang bunso namin sa kaniyang silid. Sumunod ako. Binuksan ko ang pinto ng kwarto. Deretso niyang inilapag si Bella sa kama niya.

Nangingiti na lang ako habang pinagmamasdan si Levi. Kinumutan niya si Bella bago ginawaran ng halik sa noo. Pagkuwa’y lumapit siya sa akin. Siya na rin ang nagsarado ng pinto. Magkahawak-kamay naming tinungo ang kwarto ng kambal at sinilip kung tulog na sila. Gaya nang ginawa niya kay Bella kanina, ganoon din ang ginawa namin sa kambal. Hindi nawawala ang paghalik namin sa mga ito tuwing gabi.

“If Mc Llonard had a masterpiece, I am proud to say that I have a complete home.” Niyakap niya ako nang mahigpit.

“Home that is created by me and you with so much love and care. A home that is full of happiness. A home that makes us whole and be the best that we can be. And a home that we will always gonna come back even if we are miles away,” aniya.

Ngumiti siya sa akin. Lumabas kami sa kwarto ng kambal habang magkaakbay.

Continue Reading

You'll Also Like

549K 11.2K 14
Danni - Dandelia Cielo Santos - only wanted one thing in her life and that is to have an eternal love story with her Mr. Right. She had been hurt bef...
31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
913 65 25
The Black Rose Series #5: Mage - is a magic damage dealer and an important role in any team composition. Their strengths are in their abilities and n...