South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 323K 207K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 54

80.2K 4.9K 2.7K
By JFstories



Hi! This is JF. To clarify, there is no other version of TM. I just polished the manuscript because I finished it a long time ago (it was a very old work. A high school student's work), but the story is still almost the same as what we're updating now. It just became more precise, more uncut, and I was able to explain things that were not explained before. Thank you, and I apologize for any confusion caused by the spoilers. Again, I made no changes; I simply polished the story and added some additional scenes and chapters. :)


-------------------------------------------



HE WILL STILL CHOOSE HER.


Tanggap ko naman na, hindi na rin para ipagdamdam ko pa. I was ready to leave Hugo, so he could answer Sussie's call in peace when he suddenly hugged me.


Napatulala ako nang marahan siyang sumubsob sa gilid ng leeg ko. Parang aso na naglalambing.


Hinaplos ko ang ulo niya. "Hugo, aren't you going to answer her?"


"You'll get angry."


"What?" Itinulak ko siya at pilit hinuli ang kanyang mga mata. Nakayuko naman siya, parang walang planong mag-angat ng mukha.


Iniisip niya na magagalit ako kung sasagutin niya ang tawag ni Sussie? Bakit kailangan niyang intindihin pa ang mararamdaman ko? Nagkakaunawaan naman na kami. We didn't have to pretend anymore and we no longer need to please each other either.


His phone was still ringing. Nang ibalik ko kay Hugo ang aking paningin, doon sa phone niya na siya nakatingin. Walang pagkagulat sa ekspresyon niya, it was like he was expecting the call.


"Jillian, it's about her husband's company, Voiré," malumanay man ang boses ni Hugo ay may makakapa roon na pag-aalala. Parang sinabi niya iyon para nagpaliwanag sa akin.


Why? Why did he have to tell me? I wasn't asking him in the first place.


"I asked Sussie to tell Arkanghel about my dad's company. Di ba nagkaproblema, baka lang magustuhan nila ang proposals for—" Napatigil din siya sa pagpapaliwanag dahil siguro alam niya sa sarili na nagtutunog defensive siya.


Tumigil na sa pagri-ring ang phone, nakatitig pa rin ako kay Hugo. Balisa ang ekspresyon niya, para siyang naiipit sa dalawang bato. Hindi siya makapagdesisyon.


Right, Sussie's husband was a hotel and casino magnate. Isa sa tagapagmana ng isang malaking kompanya. Bukod doon, ang lalaki na rin ang humahawak sa kompanya ng lolo ni Sussie. Kung kinakailangan man ng tulong ng kompanya ng daddy ni Hugo, posible ngang makatulong si Arkanghel.


Nang tumingin siya sa akin ay may pagsusumamo na sa magagandang uri ng mga mata niya. "Jillian, I have to return the call..."


Marahan na tumango ako at mahinang nagsalita, "Okay."


Hindi pa rin naman siya tuminag sa pagkakatayo. Nakatingin siya sa akin na tila may hinahanap na kung ano.


Para hindi na siya mahirapan, ako na ang tumalikod. Pumasok ako sa banyo ng guestroom at kunwari na lang ay may gagawin doon.


Napabuga ako ng hangin nang maisara ang pinto. Naulinigan ko pa ang boses ni Hugo mula sa labas. Tinawagan na niya si Sussie.


"Hello, Sussie. Yeah, I'm sorry I wasn't able to answer you earlier." Malabo na ang iba pang sinasabi ni Hugo dahil lumabas na siya ng kuwarto.


Nagkulong ako sa banyo at binuksan ang gripo sa lababo. May dahilan iyong tawag na iyon, pero parang tanga na may kung anong kumikirot sa loob ng dibdib ko, dahil lang sa isiping kausap niya si Sussie ngayon.


Sussie had moved on. She was happily married. Kaibigan ito ni Hugo katulad ni Carlyn, at mabait naman ito. Pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili na makaramdam nang ganito.


Gusto kong mainis, mairita, magalit kay Hugo dahil magkausap silang dalawa. Napasabunot ako sa aking buhok. Ano bang nangyayari sa akin? Di ba dapat wala na akong pakialam? Di ba tanggap ko naman na? Kahit mahal pa ni Hugo ang babae, dapat wala na ako roon.


Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal na nakatayo sa harapan ng salamin ng banyo. Ang bukas na gripo ay patuloy sa pag-agos. Kung nasa matinong pag-iisip ako, hinding hindi ko gagawin ang magsayang ng tubig.


Nagbalik lang ako sa huwisyo nang marinig ang mga katok mula sa labas ng pinto. Hindi ko alam kung kailan pa may kumakatok. Nakatingin lang ako sa pinto hanggang sa mawala na ang pagkatok.


Ilang minuto ang nagdaan nang marinig ko na may kumatok ulit, pagkatapos ay ang boses ni Hyde. "Mommy, are you there?"


Saka ko lang binuksan ang pinto. Naka-uniform pa ang bata na kakauwi lang sa school. Nagtatanong ang mga mata niya sa akin.


Sinikap kong ngumiti. "Hi, baby. Kanina ka pa ba? Sorry, naghilamos kasi ako pampawala ng antok."


Umiling ito. Sinamahan ko na si Hyde na magmeryenda. Kinumusta ko ang araw ng bata katulad ng parati kong ginagawa. Ako rin ang tumulong sa homework nito dahil bumalik na pala ulit kanina si Hugo sa Manila.


Anong ginagawa ni Hugo? Sa pabalik-balik niya ay hindi lang gas ang kanyang sinasayang, kundi pati lakas. Para niyang ginawang kusina lang at sala ang Manila at Tagaytay. Hindi ba siya nahihilo?


Tumawag pa si Mommy Norma dahil nag-aalala ito kung okay lang ba raw kami ni Hugo. Nalaman ko lang dito na nagalit pala si Daddy Manuel dahil may meeting pala sa kompanya kanina, pero bigla na lang daw umalis si Hugo nang walang paalam. Bakit nga ba biglang umuwi rito si Hugo



NAGLILIGPIT AKO NG MGA GAMIT. May iilan pa akong gamit na hindi pa gaanong naaayos. Nasa maleta pa naiwan ang iba dahil wala pa akong maisip na paglagyan.


Dahil naghakot na naman ako mula sa master bedroom patungo rito sa guestroom ay panibagong ayos pa tuloy ang aking gagawin. Inilabas ko sa maleta ang mga damit ko at ilang gamit.


Habang nilalatag ang mga iyon sa kama ay may bumagsak na maliit na papel sa sahig. Nang damputin ko iyon ay nagulat ako. Yellow na stationary paper na tandang-tanda ko, isa sa mga sulat ni Harry sa akin.


Mukhang nakaligtas ang sulat na ito sa mga itinabi ko. Hindi nailagay sa kahon kasama ng iba pang gamit na mula sa aking ex fiancé. Nadala ko pa pala hanggang dito.


"Mommy, it's time for dinner!" Boses ni Hyde mula sa labas ng pinto ng kuwarto na kumuha sa atensyon ko.


I glanced at the wall clock. It was already 7:00 p.m. Nahulog ako masyado sa pag-iisip kaya hindi ko napansin ang oras. Hindi pa nga pala kumakain si Hyde. Hindi ko pa rin nauusisa ang bata tungkol sa maghapon nito.


Isinalaksak ko muna ang mga gamit sa closet. Pinagkasya ko at isinara agad. Mamaya ko na lang iyon babalikan. Puwede naman akong magpuyat para magligpit magdamag. Sumunod na ako sa dining para kumain kasama si Hyde.


11:00 PM. Sinamahan ko si Hyde sa kuwarto nito. Gusto ko kasi na makipagkuwentuhan dito at kumustahin ito, pero tinulugan lang ako nito. Pagod daw ito sa school. Siguro ganoon kapag lumalaki na, ayaw na masyadong inuusisa. Nakakapanibago lang at nakakasama ng loob, pero wala naman akong magagawa. Ayaw ko na puwersahin ang bata.


Sa pagtabi ko kay Hyde ay hindi ko namalayan na nakaidlip na rin pala ako. Siguro sa pagod sa pagliligpit maghapon. Pagising ko nga maghahating gabi na. 11:00 p.m. sa orasan.


Bumangon ako para mapakunot-noo. Nakakumot kasi ako. Wala naman akong matandaan na nagkumot kanina. Imposible naman na si Hyde ang nagkumot sa akin dahil mas naunang matulong ito, kaya sino ang nagkumot sa akin?


Matapos patayin ang ilaw at iwang bukas ang lampshade sa bedside table ni Hyde, ay maingat na lumabas na ako sa kuwarto nito. Ayaw ko na maistorbo ito sa tulog dahil may pasok pa ito bukas sa school.


Madilim sa hallway. Nag-inat ako ng mga braso. Inaantok pa ako. Palagi na lang talaga akong inaantok nitong nakaraan, kaya naman kung anu-ano na lang ang ginagawa kong pampagising kapag wala akong trabaho. Nariyan na iyong maglinis ako ng kung anu-ano habang wala si Hyde, para lang maging productive ako.


Ang kaso nga lang, nasobrahan na yata ako sa pagpupuyat. Panay tanggap pa ako ng art commission dahil sa aking kagustuhang mas makaipon. Siguro ngayong linggo ay ipa-priority ko muna ang pagpapahinga. Mas importante ang kalusugan kaysa sa kung ano pa man.


Dumeretso na ako sa guestroom para lang matigilan pagpasok ko roon. Napakurap-kurap pa ako dahil baka naman namamalik-mata lang ako. Pero may matangkad na lalaki nga na nakatayo sa tapat ng closet ko. Kahit dim ang ilaw ng lampshade ay hindi ko siya puwedeng ipagkamali sa iba. It was Hugo!


Ano na naman ang ginagawa niya rito?!


Bakit nandito na naman siya? Di ba kanina lang ay umuwi siya ng Manila?! At anong ginagawa niya sa tapat ng closet ko?


Napanganga ako nang makitang bukas ang aking closet at nakalaglag na sa sahig ang ilang gamit na basta ko lang pilit na ipinagsiksikan doon kanina.


Hindi ang mga gamit ang nagpanganga sa akin at dahilan ngayon ng pagpa-panic ko, kundi ang hawak ni Hugo. Sa kulay pa lang ng papel ay natiyak ko na kung ano—it was Harry's letter to me!


Tumingin sa akin ang malamlam na mga mata ni Hugo. "Don't worry, I'm not going to interrogate you about this."


Napalunok ako nang itaas niya ang papel na nakaipit sa dalawa niyang mahahabang daliri. Hindi ko alam kung nabasa niya ba ang nasa loob.


"I'm not mad," sabi niya na parang higit na sa sarili sinasabi kaysa sa akin. "Baka nakalimutan mo lang itong itabi o itapon. Besides the guy who gave you this is now just a part of your past, right?"


Totoo naman na nakalimutan ko ang sulat na iyon, na hindi ko sinasadya at hindi napansin na nadala pala hanggang dito. At higit sa lahat, wala akong balak makita niya iyon.


"Jillian, even if you used to like him for a long time, that Harry guy was now a part of the past. And whatever happened in the past belongs in the past."


Ipinatong niya ang sulat ni Harry sa ibabaw ng kama, at pagkuwa'y ngumiti wa akin. Ngiti na hindi umabot sa malamig na mga mata niya.


"I'm cool, right?"


Umawang lang ang aking mga labi, at wala roong salitang lumabas. Napapaso ako sa mga titig niya kahit pa may ngiti na nakaguhit sa kanyang mapupulang mga labi.


Humakbang na siya paalis. Nang mapadaan sa tabi ko ay narinig ko ang huli niyang mga salita. Malumanay man pero ramdam ko ang itinatagong bigat. "I want you to know that you're a lucky wife for having a very understanding husband like me."


Palabas na siya ng pinto nang habulin ko siya at pigilan sa braso. "Hugo!"


Salubong ang makakapal na kilay niya nang lingunin ako.


"N-nakailang balik ka mula Manila papunta rito mula kanina..."


Tumaas ang isang kilay niya.


"Uhm, I just want to know... P-pagod ka ba?"


Sukat ay nabura ang lamig sa mga mata ni Hugo. Napalitan iyon ng kung anong damdamin habang nakatingin sa akin. "How about you? You seem to be always tired these past few days. Nakapagpahinga ka ba? Nakatulog ka ba nang maayos kanina?"


Maliit akong napangiti dahil sa pag-aalala sa boses niya. Napapansin niya pala.


"Hey, ano, sagot. Nakapagpahinga ka na ba?"


"Y-yes..."


Muling tumaas ang isang kilay niya. "So, what should we do now?"


Ang mga mata ko na nakatingin sa kanya ay lumamlam. "L-let's stop talking and..."


"We can still talk, you know?" Tumaas ang isang gilid ng kanyang bibig. "But, we can use different language."


At ang tinutukoy ni Hugo ay katulad din ng gusto ko... We stop talking and let our bodies do everything.


Isang hakbang ko lang ang pagitan namin. Yumapos ako sa leeg niya at agad naman niyang hinigit ang aking bewang, kasunod niyon ay ang pagsasalo ng mga labi namin sa paraang sabik at mariin.


Napasabunot ako sa kanyang buhok habang siya ay mahigpit ang yakap sa akin. Ang mga labi namin ay hayok sa isa't isa, na kahit nakagat ko na siya sa gigil, at nagdugo na ang ibabang labi niya ay hindi niya ininda. Para ngang natuwa pa siya.


Umangat na ang katawan ko nang kargahin ako ni Hugo. Bumagsak ako sa ibabaw ng kama kasunod siya. Ang sulat ni Harry ay nasa likuran ko, nalukot na, pero hindi na para intindihin ko pa. Hindi na rin pala maalala pa.


Siguro nga ay tama si Hugo. 'Whatever happened in the past belongs in the past'.


Wala na akong ibang naalala pa nang buong magdamag, dahil ang buong huwisyo ko ay inangkin ni Hugo... Nang buong-buo.


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

245K 10K 36
Mula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na in...
21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
9.9M 387K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...