“Maraming salamat, Cassian. Nag enjoy ako, ngayong gabi.”
Nagulat na lang si Alecxie nang hagkan ni Cassian ang noo niya. Nakatayo na sila sa harapan ng silid niya. Mabuti na lang at walang tao sa paligid, dahil tiyak na pagkakaguluhan sila ng mga tsismosa kung may makakakita sa kanila.
“Masaya ako dahil masaya ka, Milady. Sige na pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na.”
Lumayo na si Cassian. Ngumiti pa ito bago tumalikod. Hinatid niya ito ng tingin. Hindi pa ito nakakalayo nang maisipan niya itong tanungin.
“Magkikita ba tayo bukas?”
Sandaling napatigil sa paglalakad si Cassian. Ilang metro na ang layo nito sa kaniya at madilim sa gawing tinatayuan nito kaya hindi niya makita ang mukha nito.
Humarap ito sa gawi niya. She can only see his eyes. Dahil iyon lang ang tinatamaan ng kaunting liwanag na nagmumula sa labas bintana ng hallway.
She was not sure but his eyes were different from earlier. Parang may luhang tutulo mula sa mga mata nito.
“Cassian...” she can't help herself but to feel worried.
May hindi ba ito sinasabi sa kaniya? Why does he look so sad? Ayos naman ito kanina.
“Mahal na mahal kita Milady. Matulog ka ng mahimbing.”
After saying those words, Cassian turns around and continues walking.
Hindi nito sinagot ang tanong niya. She can feel something was odd. Hindi niya lang mapaipaliwanag kung ano iyon.
Nahawakan niya ang sariling dibdib dahil sa pag-iisip ng kung ano.
Dapat na ba siyang mabahala?
ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ
“Alagaan mong mabuti si Cass ha. Ikaw na ang bahala sa kaniya, Mattie.” Stefan tapped her shoulder.
“Cass?” tanong ni Mattie sabay tingin sa bitbit na goldfish.
Cass ang ipinangalan nito sa isda? Cass as in Prince Cassian?
Aba't loko 'to ah. Idadamay pa siya kalokohan.
“Oo. Bagay naman diba? Cass for Cass the fish. Tsk! Teka, parang trip ko mag-alaga ng pusa ah. Tapos papangalanan ko ng Cassian.” Stefan laugh.
He laughed?
Mukhang masaya ito. Ilang linggo na niya itong nakakasama pero halos hindi ito ngumingiti. Pero ngayong gabi... Mukhang may nagbago dito. Siguro nagsimula na itong maging komportable sa kanila.
That's good.
“Ayoko.” tutol ni Mattie.
Kumunot naman ang noo ni Stefan dahil sa sinabi niya. “Ayaw mo ng ano?”
“Ayokong tawagin na Cass ang isdang 'to!” Tinaas pa ni Mattie ang hawak na bilog na aquarium habang sinasabi iyon.
Nahuli silang umuwi kaysa kay Seren at Cassian dahil dumaan pa sila ni Stefan sa tindahan na pinagbilhan nila ng fish bowl. Bumili rin sila ng pagkain ng isda. Mabuti na lang at may nakita silang pet shop sa festival.
“Ayaw mo? Kung ganoon, ano ang gusto mong ipangalan sa kaniya?”
“Ano... Stefan. Gusto ko siyang tawaging Stefan.”
“Teka naman. Bakit mo naman ipapangalan sa akin ang isdang 'yan? Mukha ba akong isda ha?”
“Ibinigay mo na 'to sa akin diba? So wala ka ng pakialam kung ano pa ang gusto kong itawag sa isdang 'to.” Nginusuan lang ni Mattie ang sinabi ni Stefan.
Binuksan na niya ang kaniyang kwarto. Bago pumasok ay muli niyang hinarap ang binata na halatang labis ang pagtutol sa sinasabi niya.
Nginitian niya ito. “Goodnight Stefan. Hayaan mo aalagaan ko ang baby natin.”
“B-baby?”
Bago pa makapagsalita si Stefan ay Natatawang isinara na ni Mattie ang kaniyang pintuan.
Ewan kung bakit pumasok sa isip niya ang bagay na iyon. Ang matindi pa ay naisatinig niya.
Hindi niya napigilang mapangiti nang maalala ang naging reaksiyon ni Stefan nang sabihin niya ang salitang baby nila. Grabe ang pamumula ng pisngi nito. Ang cute.
Nilingon niya ang hawak na fish bowl. Itinaas niya iyon at tinitigan ang isdang lumalangoy sa loob. “Hi baby, Stefan. Ang cute mo. Kamukha mo ang daddy mo.”
ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ
Nang gabing iyon, hindi dalawin ng antok si Alecxie. Kahit anong pilit niya na huwag mag-isip ay hindi niya mapigilan ang sarili.
Masyado siyang apektado sa nakita, sa mga mata ni Cassian. Kakaiba ang lungkot nito.
Dahil hindi makatulog ay naisipan niyang lumabas at maglakad-lakad sa hallway. Maliliit lang ang ilaw na nasa bawat poste kaya medyo madilim pa rin. Mabuti na lang at kahit paano ay maliwanag ang buwan. Sapat lang ang liwanag niyon para makita niya ng maayos ang nilalakaran.
Pagdating sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ay napatigil si Alecxie nang mapansin na may nakaupo sa gilid niyon.
Kamuntikan na siyang mapatalon sa takot. Mabuti na lang at kilala niya ang lalaki. It was Magnus. Tila malalim ang iniisip nitong nakatitig sa bintanang naka-pwesto malapit sa hagdan.
Hindi rin ba ito makatulog kaya ito nasa labas? Pero ang naman ang ginagawa nito doon? Iba ang tinutuluyan nito kaya bakit ito naroon? Hindi kaya galing ito sa silid ni Lady Elizabeth?
“Prinsepe Magnus?” tawag ni Alecxie sa atensiyon ng binata.
Lumingon naman ito sa gawi niya. Halata sa mukha nito ang pagkabigla nang makita siyang naroon.
“Lady Seren? Bakit nandito ka sa labas?”
Lumakad si Alecxie palapit sa prinsepe. Tsaka siya naupo sa tabi nito at tumingin sa labas kagaya ng ginagawa nito nang maabutan niya.
“Hindi ka rin ba makatulog?” tanong ni Alecxie.
Katahimikan lang ang naging tugon sa kaniya ni Magnus. Mayamaya naramdaman niyang inihilig nito ang ulo sa balikat niya. Parang hapong-hapo ito.
Nakakapagod siguro ang maging crown prince.
“Iyong kwintas. Ang totoo... Natagpuan ko iyon sa bulsa ng suot ko, pagkatapos kitang iligtas.”
Iyong kwintas? Her necklace with an hourglass pendant?
Bakit ito sinasabi sa kaniya ngayon ng binata?
Teka. After he saved Seren? Magnus found the necklace on his clothes?
Does that mean? He was the one? Siya ba talaga?
Alecxie didn't know what to say. She was shocked of course. Nawala na nga sa isip niya ang tungkol sa soulmate na iyon. And now hearing it.
Parang gusto niyang gumawa ng malaking karatula at ipaskil iyon sa noo niya. Gusto niyang tumutol. Kung pwede ay mag re-rebelde rin siya.
Bakit si Magnus pa? Bakit hindi na lang si Cassian?
“Sa totoo lang, after that day. Something weird happened to me. Parang may nagbago sa akin. Parang nakalaya ako sa kulungan na nilakha ko rin mismo. But the empire doesn't want to set me free. Hindi ko matakasan ang mga bagay na nakaatang sa balikat ko. Even marrying someone I am not sure if I really love.”
Bakit ba nito sinasabi ang mga bagay na iyon?
Mariing pumikit si Alecxie. Ayaw niya may marinig pa mula sa binata kaya naman tumayo na siya.
She was not ready for it. Hindi niya iyon kayang tanggapin sa ngayon. If being blind is the only way for Cassian to stay, she will ready to be one.
“I'm sorry Prince Magnus pero inaantok na ako.”
Naka-isang hakbang pa lang siya nang hawakan ni Magnus ang kamay niya kaya napatigil siya.
His hand was cold. It was shaking too. Doon niya lang napagtanto na basa ito. Hindi naman umuulan kaya naisip niya na baka lumublob ito sa tubig. Or maybe he swims on the lake?
“Ba-basa ka...” may pag-aalal niyang nilingon si Magnus.
“I'm afraid I might've lost you forever if I don't do anything. I will fight Seren. I will fight for this feeling. Susubukan ko, kahit ano pa ang maging kapalit.” hindi pag pansin sa kaniya ni Magnus.
Nang matitigan itong maige ay nakita niyang basa nga ang buong katawan nito. Hindi niya lang iyon naramdaman nang sumandal ito sa kaniya dahil narin sa damit niya lang ito dumikit ay hindi sa balat niya.
Nasisiraan na ata ito.
“Gusto mo bang magkasakit ha? Bakit hindi ka nagpalit ng damit?”
Magnus smiled.
Dahil nag-aalala na magkasakit ito ay hinila niya ang kamay nito at dinala sa kwarto niya. Iniwan niya ito sandali at kinatok si Stefan para makahiram ng maipasusuot kay Magnus.
Tinanong ni Stefan kung bakit niya kailangan ng damit ng lalaki, kaya isinama niya ito pabalik sa kwarto niya para ipakita si Magnus.
After seeing Magnus, Stefan didn't let her be alone with him. Talagang inintay nitong makapagpalit ng damit si Magnus bago nag offer na siya na ang maghahatid sa binata sa tinutuluyan nito.
Wala naman iyong problema kay Alecxie. Mainam nga rin at hindi na siya mag-iisip kung makakauwi ba ng maayos ang binata.
But when she was alone. Lahat ng sinabi ni Magnus ay parang cassette tape na nagsimulang umandar sa utak niya.
That can't be. Ayaw niyang doon na magtapos ang lahat sa kanila ni Cassian.
Ano na ba ang gagawin niya?