Your Guardian Angel

By Ellisire

311 8 0

More

1
2
3
4
5
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22

6

14 1 0
By Ellisire

Mackenzie's POV

"Feeling ko mas bagay 'to?" Tanong sa akin ni Oli habang nasa labas ako ng cubicle niya sa fitting room at binuksan naman niya ang pinto.

"I like the white polo better," sabi ko at itinuro ito.

"Ako? Saan mas pogi?" tanong sa akin ni Ady at ngiting-ngiting pinagsalitan ang dalawang damit na pinili niya na naka-hanger pa.

"Mas bet long sleeves," sabi ko at tumango naman siya bago isara ang pinto.

Si Oli hindi na sinara iyong pinto. Basta bihis na siya. Oks lang naman, wala naman masyadong tao ngayon dito sa mall dahil tanghaling tapat ng Monday.

Humiga ako sa sahig at tinabihan naman ako ni Eli dahil tapos na siya mamili ng damit niya.

"Para tayong hindi mahal ng mama natin dito," tumatawa niyang sabi at umapir ako sa kanya.

"Ako hindi talaga, ikaw di pa natin sure," pang aasar ko sa kanya at kinutusan naman niya ako.

"Alam mo, kakaganyan niyo sakin naalog na utak ko. Kaya ganito ako e," sumbat ko sa kanya at tumawa siya.

"Nagugutom ako. Nasan na ba si Jay?" sabi niya at inilabas ang phone niya.

"Uy sino 'yon!" nakangiti kong sabi nang may nakita akong convo na may heart.

"Wag mo ko guluhin mauudlot na naman 'to!" natatawa niyang sabi sa akin at umirap ako.

"Gano na kayo katagal nag-uusap?" tanong ko at umirap siya bago itago ulit ang phone niya at niyakap ako.

"Matutulog na lang ako kesa magkwento sayo," sabi niya at pumwesto na nga ng matutulog siya.

"Sige ako rin," sabi ko at niyakap siya pabalik at nakatulog na nga ako.

"Huy, tangina nitong dalawang 'to! Hindi na talaga gumising," narinig kong sabi ni Oli habang sinisipa ang paa namin ni Eli.

"Wag ka magulo!" bulyaw sa kanya ni Eli at tinadyakan naman niya pabalik si Oli pero natamaan niya rin ako kaya naman nagising na ang diwa ko.

"Ang sakit ng balakang ko," nakasimangot kong sabi at inalalayan naman ako ni Oli na tumayo.

"Bakit kasi kayo dyan natulog? Meron naman don yung massage chairs," sermon niya sa amin habang pinapagpagan naman ni Eli ang likod ko.

"Alam mong walangya kung makiliti yang isa kapag minamasahe baka imbis na ma-relax ako mabwisit lang ako dyan," sabi ni Eli at tinignan muna ako nang masama bago isukbit ang bag ko sa kanya at sinamaam ko rin naman siya ng tingin.

"Asan na si Jay?" tanong ko sa kanya.

"Nasa parking na. Dala iyong van, kasama na sila Claire," sabi niya at tumango naman ako.

"Di pa rin kayo okay ni Kai?" Tanong ni Ady sa akin.

"Okay naman si Kai sa kanya. Siya lang hindi okay kay Kai," singit ni Oli kaya naman napairap ako.

"Hindi naman ikaw kinakausap sabat ka nang sabat," galing kong sabi at tumawa naman siya.

"Totoo naman," sabat din ni Eli.

"Ayan isa pa. Si sabat din siya," sabi ko at natawa na naman sila. Walang ibang ginawa kundi tawanan ako kahit di naman ako nagpapatawa. Parang mga di nag-iisip!

"Ano ba kasi ginawa nong tao sayo?" pahabol naman na tanong ni Ady.

"Wala naman. Parang nahiya na lang din ako mag-open sa kanya nung mga nangyari sakin dati. Ang healthy niya kasi eh. Hindi rin naman okay na basta-basta lang ako mag-trauma dump sa kanya. Lalo na ganon yong traumas ko," paliwanag ko at tumango naman sila.

"Pero di ka naman umiiwas in a way?" tanong na naman ni Ady.

"Physically and other aspects, hindi. Pero iyong magkwento ng mga ganap dati as much as possible I keep to myself na lang. Unless she asks," sagot ko pa.

"Gusto ko Potato Corner," sabi ni Ady at tila nakalimutan na niyang nag-uusap kami nang makita niya ang stall ng potato corner sa foodcourt.

Ang ending, bumili kami ng isang dosenang tera fries para lahat meron.

"Coke," sabi ko nang mapadaan kami sa hyper market naman.

"Una na kami, tinatawagan na tayo ni Jay. Bilisan niyo na lang," sabi ni Oli at pinagtulakan na kami ni Eli at nanakbo na nga kami papuntang hyper market.

Nagmamadali kaming kumuha ng mga 1.5L na Coke zero, ice, at plastic cups.

"Ay wait, gusto ko non," sabi niya at nanakbo papunta sa section ng pineapple juice.

Bwisit na 'to. Habang inaantay ko si Eli ay tumunog ang phone ko.

Hindi na ako sumagot kay Jay at kinalabog ko na lang ang kilod ni Eli.

"Dalian mo na dyan! Nagmamaldita na naman si Jay!" sabi ko kay Eli at napangiwi naman siya sa sakit ng paghampas ko.

"Aray naman eh!" Singhal niya naman sakin at basta na lang siya dumampot ng kung ano at nanakbo na kami papuntang cashier.

"Wait natanggal iyong sintas ko!" sabi ko kay Eli pagkalabas namin ng parking at biglang may bumusina nang malakas.

Sa pagkagulat ko ay pumlakda ako sa sahig at tumama ang ilong ko.

"Hala!" sigaw ni Eli at dali dali akong inalalayan para umupo.

"Basag na naman ilong ko," sabi ko habang nakahawak sa ilong kong dumudugo.

"Tanga na naman! Sabi na kasi wag mag suot ng may sintas kung di marunong magtali!" sermon ni Oli na bumaba sa van at lumapit sa akin.

"Si Jay kasi kung maka busina!" sumbong ko sa kanila habang dinadampot nila ang cups na bitbit ko.

Buti na lang yon lang ang bitbit ko. Kung iyong mga coke at yelo dala ko malamang nasayang lang din punta namin sa hypermarket.

"Ano na naman nangyari sayo?" Galit na bungad sa akin ni Jay pagsampa ko ng van pero hindi ko naman siya pinansin at hinanap si Kai.

Nasa pinakadulong row ng van na katabi ng bintana habang ang katabi naman niya ay si Suzy na nakasiksik sa leeg niya dahil pareho silang tulog kaya naman napairap ako. Edi wow.

Kaya pala hindi man lang ako nalabas sa van. Katabi pala Suzy niya.

"Okay ka lang, Kenzie?" tanong ni Claire sa akin at tumango ako.

"Oh. Yelo," sabi ni Oli at tinabihan ako bago abutan ng yelong nakabalot sa bimpo niya at kinuha ko naman ito.

"Ansaket! Tangina!" Sigaw ko sabay padyak at napalayo naman si Oli sa akin.

"What happened?" nagising na tanong ni Kai pero hindi ko naman siya pinansin.

Matulog ka na lang dyan!

"Dumudugo ilong ni Kenzie," sagot ng isa nilang kaibigan.

"What? Suj alis. Puntahan ko si Kenzie," sabi niya at napairap naman ako.

"Wag na, aalis na rin naman tayo. Tara na," iritado kong sabi kay Jay at agad na rin naman niyang pinaandar yung van.

"Ang salbahe mo. Nagpapahinga iyong tao sigaw-sigaw ka para magising," bulong sa akin ni Oli at tinitigan ko naman siya.

"Oh ano? Akala mo hindi ko mapapansin?" sabi niya at umirap ako.

"Bakit niya kailangan magpahinga? Napagod siya sa landian nila ni Suzy?" tanong ko at tumawa naman siya.

"Galing practice 'yan para sa program, diba? Saka bakit galit na galit ka sa friendship nila ni Suzy e ganon ka rin naman sa amin? Magkayakap pa nga kayong tulog ni Eli kanina," pagsasabi sa akin ni Oli.

"Eh hindi naman niya kami katulad e. Do you see the way Suzy looks at her? I know that look. That's how I look at her too. I never looked at you guys like that," pagsusumbong ko kay Oli.

"Talaga ba?" gulat niyang tanong sa akin.

"Oo. I wouldn't be this upset kung hindi naman ganon nakikita ko. Rational naman ako pagdating sa friendships because I know what it's like having platonic relationships with your closest friends, and I'm telling you that is nowhere near platonic. Could be one-sided, but not platonic," sabi ko at bumuntong hininga si Oli.

"And you don't want to talk yo her about this?" tanong niya at tumango ako.

"I don't think I can. I don't think I can do this again, Oli." Naluluha kong sabi sa kanya at bumuntong hininga naman siya.

Napipikon na ako sa sarili ko. Ang dami na lang issues. Puro na lang takot.

"I hate seeing you like this," sabi niya bago ako halikan sa noo at niyakap.

Natatakot akong magsabi kay Kai na may napapansin ako kay Suzy. Ginawa ko na 'yon dati eh. Sabi ko, hindi ako comfortable na ganon iyong friendship nila kasi iba ang pakiramdam ko.

All I got was laughed at then be dismissed. Said I was being crazy and a hypocrite since ganon nga rin ang friendship namin. Then a week after I asked for a break, sila na.

Itinulog ko na lang ang sakit na nararamdaman ko at pagkagising ko, nandito na kami.

"Gusto ko na umuwi," mahina kong sabi kay Oli habang bumababa kami ng van.

"Uwi na tayo?" nakangiti niyang sabi sa akin at tumango naman ako.

"Hay nako, Mackenzie Blanche." sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Wag kase!" Saway ko sa kanya nang banggitin niya ang second name ko.

"Bakit ba ayaw mo non e ang ganda? Mas maganda pa yon sa Mackenzie mo," singit sa amin ni Eli pero hindi ko naman na siya napansin dahil may humawak sa bewang ko.

"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kai habang hinahagod ang bewang ko.

"Why?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Your nose," sabi niya at napanatag naman ako. Akala ko nahalata na niya na di ako okay at umiiyak ako kay Oli kanina dahil sa ibang dahilan.

"Yup, medyo masakit lang. I should be good," sabi ko sa kanya at ngumiti then she smiled at me.

Ang hirap naman ngitian ng ganyan. Nakakatakot.

"Why?" Concerned niyang tanong sa akin nang may tumulong luha sa mata ko.

"Ang sakit ng ilong ko kapag mag-smile," pagsisinungaling ko at bumuntong hininga naman siya.

"Tara, dalhin kita sa ospital," pagyaya niya at agad naman akong umiling.

"No need na! Nasa Baguio tayo oh. I don't want to spoil the fun," umiiling kong sabi kaya naman sumimangot siya.

"Let me know agad kapag may problem ah?" masuyo niyang sabi sa akin at tumango ako sa kanya.

How am I supposed to tell her? Hindi naman ako marunong umusap.

"Kai! Can you help me with my bags?" pagtawag ni Suzy sa kanya.

"Wait lang ah. Tulungan ko lang iyong isa," sabi niya at hindi pa man ako nakakasagot ay umalis na siya sa tabi ko at nanakbo papunta kay Suzy.

"Okay," mahina kong sagot sa kanya at pinanood kung paano sila magkulitan ni Suzy.

"Nako po. Wag mo na panoorin 'yan. Masasaktan ka lang," sabi ni Eli at hinila na ako.

"Wait lang. Yong bag ko pa," mahina kong sabi.

"Ito na. Nasa akin na," sabi niya at iniangat ang maleta ko para makita ko.

Nandito kami ngayon sa Baguio para sa birthday event ni Claire.

Hindi ko nga alam bakit kami invited, di naman kami close. Baka ganon siya kabait.

"Wait, nag stop over ba tayo?" tanong ko kay Eli habang naglalakad kami at tumango naman siya.

"Tingin nga nang tingin sayo si Kai. Eh tulog din si Oli kaya hindi ka matabihan. Kanina ka pa gusto puntahan niyan," sabi niya at tumaas naman ang kilay ko.

"Gusto tabihan pero ngayong pwede si Suzy pa rin tinabihan niya," nakasimangot kong sabi at pinagtawanan na naman niya ako.

"Selos na selos ang ate mo," natatawang sabi ni Eli.

"Di ako nagseselos. I'm hurt," pagbibiro ko at humawak pa sa puso ko.

Eh nakaramdam talaga ako ng sakit.

"Ngek," sabi ni Eli nang may nakita niyang tumulong luha sa akin.

"He really did a number on you, didn't he?" tanong niya at bumuntong hininga ako bago magpunas ng luha.

Kung alam niyo lang.

"Ako bahala sa'yo. Upakan ko ulit yon," sabi niya at yumakap nang mahigpit.

"Bakit ganon, araw-araw na lang talaga akong umiiyak. Hindi na ako tumahan," pagsusumbong ko kay Eli at humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin.

"Halika, kapag ikaw hindi tumahan dito ewan ko na lang," sabi niya at hinila ako para tumawid sa kalsada. Ano naman ang gagawin ko sa 7-Eleven?

Pumasok kami sa 7-Eleven dumiretso siya sa Alcohol section at kumuha ng dalawang GSM blue.

Kumuha rin siya ng dalawang malaking cup for slurpee.

"Hindi ba pwedeng Alfoncoke na lang? Ang lamig para sa slurpee," sabi ko at umiling siya.

"Hindi, ito ang cotton candy ng mga sunog ang bituka. Saka tarantado ka, di natin to event. Nakakahiya kay Claire at Jay kapag nag maoy tayo," sabi niya at tumango ako.

"Oo nga pala," pagsang-ayon ko naman.

Pinaghalo na niya ang slurpee at GSM blue tapos kumuha rin ako ng gummies para idagdag.

"Sarap!" masigla kong sabi nung natikman ko at nagtatalon pa ako sa tuwa.

"Sige gumanyan ka, yang sintas mo di na naman nakatali. Pumirmi ka!" saway siya sa akin habang ibinibigay ang slurpee niya at lumuhod sa harap ko para itali ang sintas ko.

Hindi ko pinansin ang pagsusungit niya at humigop lang din ako ng slurpee ko. Good mood na ako. Alak talaga happy pill ko. Nagiging manhind ako e.

"Ano 'yan?! Bakit kami wala?!" Nakasimangot na bungad ni Oli sa amin pagpasok namin lobby.

Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang ako paupo sa sofa sa lobby at tahimik na ininom ang slurpee ko.

"Ligayang ligaya, snob lang ako," sabi ni Oli nang sinundan ako.

"Lubayan mo ko, gusto ko ng katahimikan," masungit kong sabi sa kanya at tumawa naman siya.

"Kai! Share tayo ng bed!" Narinig kong sigaw ni Suzy habang nasa front desk sila at tumingin naman ang mga kaibigan ko sa akin.

"Alam niyo, hindi ko magets kasi bakit ininvite pa ako. Nagkakanda letche letche lang lalo buhay ko," sabi ko at lalong binilisan ang paghigop ng slurpee ko.

"Ingat sa brain freeze," paalala ni Eli sakin.

"Anong brain freeze wala namang utak 'yan" sabat ni Jay at nanglaki naman ang mata ko dahil sa insulto niya.

"Hala, tangina nito oh. Nananakit!" Sabi ko sabay hampas kay Jay at pinagtawanan naman nila akong lahat.

"Guys! Let's go!" tawag sa amin ni Claire at sumunod naman kami sa kanya.

"Hey, saan room mo?" tanong sa akin ni Kai paglapit namin sa kanila.

"Ay hindi ko alam. Wala ba ako? Uwi na lang ako," sagot ko kaagad sa kanya at tinawanan ako ng mga mapagmahal kong kaibigan dahil alam nila kung gano ako ka-desperadong umuwi.

"Hindi kita makakalimutan, no. Edi napagalitan ako ni Kai?" singit naman ni Claire sa amin.

"Wews," narinig kong bulong ni Suzy sa likod ko at nagkatinginan kami ni Eli dahil kami lang ang nakarinig.

Pareho kaming naglupasay kakatawa.

"Beh galit na galit sayo oh. Confirmed nga," bulong sa akin ni Eli at tumatango tango naman ako sa kanya habang nagtatawanan pa rin kami.

"Gago bakit tawang tawa naman kayo?" saway sa amin ni Oli kaya naman pumirmi kami ni Eli.

"Actually, Kenzie. I have two options for you kasi. One, doon ka sa room namin tapos share kayo nina Kai at Suzy ng bed, second option ka-share mo ng room sila Eli tapos kayo na bahala sa bed arrangements niyo," sabi niya at nagpipigil ng tawa akong sumagot.

"Doon na lang ako kila Eli," sabi ko at humigop ulit sa slurpee ko.

"Ayaw mo katabi si Kai?" tanong sa akin ng isa nilang kaibigan.

"Hindi naman. May katabi na siya eh. Di na ko makikisiksik," sabi ko at tumingin kay Kai.

"Are you sure?" tanong niya sa akin.

"Whatever makes you happy," nakangiti kong sagot at tumango naman siya.

"Ay gago. So dun siya masaya? Hindi man lang kinontra na sa sayo siya masaya?" bulong ni Eli at tinignan ko naman siya nang masama.

"Wews," pambabara ko sa kanya at parehas na naman kaming nanghihina sa pagtawa.

"Napaka abnormal nitong dalawang 'to. Ang hirap kapag silang dalawa lang lasing, ang hirap sabayan," komento ni Ady sa amin pero indi ko siya pinansin.

"Ubos na slurpee ko!" nakanguso kong sabi habang lumalapit kay Eli.

"Wala akong pake," sabi niya sabay tulak sakin at sumubsob naman ako kay Kai na pinapanood lang kami.

"Hi, my Kai," nakangiti kong sabi sa kanya at ngumiti naman siya pabalik sa akin bago ako yakapin.

"I missed you," malambing niyang sabi.

"Busy ka kasi no? Lagi ikaw practice," Nakanguso kong sabi habang nakayakap at tingala sa kanya.

"Yes, baby," sabi niya at bumuntong hininga ako.

"Baby ka dyan. Sige nga kung baby mo ako, padede?" sabi ko at nanglaki naman ang mga mata niya bago matawa nang malakas.

"Hay nako, I have missed you so much," sabi at niyakap ako nang mas mahigpit.

"Ubos na slurpee ko," bulong ko sa kanya.

"Go get a room!" pangtataboy ng mga kaibigan naming dalawa.

"May availability pa ba?" tanong naman si Kai kay Claire.

"Wala na," she apologetically said at umirap naman si Kai sa kanya.

"Maka go get a room kayo, wala naman pala," sabi ko sa kanila.

"Sa pool na lang tayo?" pang-aasar sa akin ni Kai at ngumiti ako.

Sa ilang linggo kong walang dilig sa kanya kahit dito kami sa hallway papatusin ko.

"Kai, samahan mo ko CR," sabi bigla ni Suzy at napasimangot naman ako.

"Tangina. Ge!" sabi ko at nilayasan na siya at bumalik sa pagsabay kila Eli.

"Akin na yan! Iiyak ako!" sabi ko kay Eli at hinablot ang slurpee niya.

"Nako naman. Bubusalan ko na yang Suzy na yan. Palaging basag sa inyo," sabi ni Oli.

"Nangangati ako. May gustong bumalik," naiirita kong sabi at nagkatinginan naman kami ni Jay.

"Uy gago, wag." sabi sa amin ni Ady.

"Isa lang, promise." sabi namin ni Jay sa kanila.

"Bahala kayo dyan basta kapag nahuli kayo ng mga kalandian niyo labas kami," sabi ni Oli at tumango naman kaming dalawa ni Jay bago masayang nanakbo palabas.

"Omg my Marlboro lights I have missed you!" bulalas ko matapos ang isang hipak.

"Grabe, para akong nasa langit," sabi naman ni Jay.

"Didn't you quit smoking?" tanong niya sa akin at umiling ako.

"Di naman. Sabi ko lang magssmoke na lang ulit ako kapag di na kaya idaan sa amats," sagot ko sa kanya at humipak ng isa pa bago maubos ang isang buong stick.

"Ganon ka kagalit towards Kai? Right now?" tanong niya sa akin.

"Not just at her. Nasa Baguio ako eh. Edi relapse galore," sabi ko sa kanya and his face was full of guilt.

"Sorry. I told Claire not to invite you but she insisted," sabi niya at tumawa ako.

"It's better than I'm in here with you guys rather than being alone in Manila. Di kayo sure kung may uuwian pa ba kayo," sagot ko sa kanya.

Ilang minuto pa kaming natahimik ni Jay bago kami nakakalahati ng isang kaha at napag desisyunan naming dalawa na bumili pa ng isa pang kaha at bumili pa ulit ako ng slurpee.

Pagbalik namin sa hotel, nasa lobby pa rin sila.

"Di pa rin kayo maka check in?" tanong ni Jay sa kanila.

"Walang available na early check in eh. We need to wait," sabi ni Claire at tinignan ko naman ang mga kaibigan ko.

"Aba umurong kayo. Ano tatayo lang ako dito?" masungit kong sabi sa kanila.

"Wala kang galang. Bahala ka dyan," sabi ni Oli at inirapan ako bago pa lalong ibuka ang hita niya.

"Sipain ko bayag mo e," sabi ko sabay irap sa kanya at napatingin naman ako kay Kai na tinatapik ang katabi niyang upuan.

"Hi," nakangiti kong sabi sa kanya at napasimangot naman siya noong naamoy niya ako.

"Did you smoke?" naka simangot niyang tanong at tumango naman ako.

"You know that smoking is bad for you, right?" pagsermon niya sa akin at agad naman akong tumayo bago kumandong kay Eli.

Pagod na ko sa ganong sermon. I mean, look at me and how I treat myself, does it look like I want what's best for me? I'm already drunk at 2PM. What does that tell her about me?

"Bwisit," bulong ko at bumunot ng buhok sa hita ni Eli at pinitik naman niya ang likod ko.

"Tigilan mo ko itatapon kita sa pool," masungit niyang sabi at tumigil naman ako.

Ayokong matapon sa pool. Mawawala amats ko.

Continue Reading

You'll Also Like

9.7K 93 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
2.7K 72 19
a compilation of one shots dedicated to dubredo :) credit to the owner of the picture used as a story cover ❤ -pekenghaponesa 🖋
5.9K 75 19
A Daughter's Love Book 2 They will start a new life again without hate and anger...they will live with a happy life...
459K 6.6K 52
❗Contains strong sexual scenes❗ Read at your own risk. SPG!! Warning: For those people who doesn't like NTR, unfortunately this is, so I'm just givin...