DG Series #3: Never Gonna Let...

By lhiamaya

798K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... More

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 39

16.7K 637 41
By lhiamaya

Jolene

"PAPA! Mama!" Tumatakbong sumalubong sa amin si Jeremiah pagbaba namin ng sasakyan. Una syang yumakap sa akin at nagpabuhat. Mahigit dalawang linggo ko din syang hindi nakita at nayakap. Sa video call ko lang sya nakikita at nakakausap. Miss na miss ko na ang baby boy ko.

"Parang bumigat ka yata lalo anak? Anong ginawa mo ha?" Malambing na pinanggigilan ko ang matambok nyang pisngi. Panay naman ang hagikgik nya.

"Naku, puro kain ang ginawa nyan. Silang dalawa ni Ava." Sambit ni Tita Anita.

"Hindi ako kumakain mommy ah, tumitikim lang ako." Nakangusong sabi ni Ava na iniusyoso na ang dala naming pasalubong.

Nagpabuhat naman si Jeremiah sa ama nya at silang dalawa naman ang naglambingan. Halatang miss na miss nila ang isa't isa.

Si Tita Anita naman ay kinamusta si Leah. Ok na sya ngayon at magsisimula na ulit sa panibagong buhay na wala ang kanyang ama. Mas dodoblehin pa raw nya ang kayod para sa mga kapatid nya. Si Tata at si Nana ay hindi man nakapunta sa burol ay nagpaabot naman ng malaking tulong. Parang anak na rin kasi ang turing nila kay Leah. Si Atlas ay nangako din ng tulong. Bibigyan daw nya ng scholarship ang mga kapatid ni Leah.

Pumasok kami sa loob ng bahay bitbit ang mga pasalubong namin na kinakalkal na ni Ava. Puro pagkain ang laman nun, mga delicacies ng Zambales.

Dumiretso kami sa hapag kainan at may nakahain ng pagkain. Sakto rin kasi sa hapunan ang uwi namin.

Pagkatapos ng hapunan ay nagkwentuhan pa kami sa living room habang nagtsatsaa. Dito na rin kami nagpalipas ng gabi at kinabukasan na kami umuwi sa bahay namin.

--

Matulin na lumipas ang mga araw at linggo. Puspusan na rin ang paghahanda namin ni Atlas para sa nalalapit naming kasal. Kabado nga ako na naexcited. Pero si Atlas ay excited na excited. Nagrequest pa nga sya sa wedding organizer namin kung pwedeng mas agahan pa ang petsa. Nakakaloka sya kung minsan.

Ako naman ay nagresign na sa planta at magnenegosyo na lang. Balak kong inegosyo ay rtw at gustong sumosyo sa akin ni Ava na pinayagan ko naman. Maganda nga yun na may kasosyo ako. Yun din pala ang gusto nyang inegosyo kapag nakagraduate sya. Handa din tumulong sa akin si Tita Anita. Iti-train daw nya ako dahil may alam sya pagpapatakbo ng negosyo. Pero mas maganda daw kung mag aaral ulit ako. Yun ang suhestiyon ni Tita Anita na sinangayunan naman ni Atlas. Sya daw ang magpapaaral sa akin. Kasalanan naman daw kasi nya kung bakit hindi ako nakapagtapos ng pag aaral kaya gusto nya raw bumawi sa akin. Nahihiya man ay hindi ko na yun tinanggihan. Yun naman kasi talaga ang pangarap ko ang makapagtapos ng pag aaral.

"Yehey!" Tuwang sambit ni Jeremiah ng maikabit na nya ang star sa tuktok ng christmas tree. Buhat buhat sya ni Atlas.

I-on ko naman ang switch ng christmas light at nagliwanag ang malaking christmas tree. Lalong naexcite si Jeremiah na pumalakpak pa.

"Mama ang laki po ng christmat tree natin!" Bulalas nya.

Natawa ako at lumapit sa kanya sabay pisil sa kanyang pisngi. Hinapit ako sa bewang ni Atlas sabay halik sa sentido ko.

"Merry Christmas sugar." Nakangising sambit ni Atlas.

"Merry Christmas ka dyan. November pa lang no." Natatawang sabi ko.

Tumawa din sya. "Ganun na rin yun. At saka simula ng makasama ko kayo ni Jeremiah araw araw pasko ang pakiramdam ko."

Pabirong kinurot ko sya sa tagiliran. "Para ka ring anak mo."

"Syempre kanino pa ba sya magmamana kundi sa akin." Proud pa nyang sabi.

"Oo na."

Sabay na naming pinagmasdan ang maliwanag na christmas tree. Ang sarap nitong pagmasdan. Nagwish pa nga si Jeremiah. Ang aga nyang magwish. Tinatanong nga namin kung ano ang wish nya. Secret daw. Natawa na lang kami ni Atlas. Marunong ng magsecret ang baby boy namin.

Noon ay maliit na christmas tree lang ang meron kami sa apartment at isang christmas light na iba iba ang kulay. May tunog pa nga yun na gustong gusto ni Jeremiah. Excited sya lagi tuwing gabi. Ngayon mas excited sya sa lampas taong christmas tree na maraming nakasabit na dekorasyon.

November pa nga lang ay paskong pasko na dito sa bahay namin at literal talagang nagliliwanag. Yung labas ng bahay namin ay namumutiktik din sa christmas light. May dalawang malaking lantern pa nga sa labas na umiilaw, malaking christmas tree at may life size estatwa pa ni Santa Claus at ng mga reindeer nya.

Nagsimula ang lahat noong nakaraang buwan ng magmalling kaming tatlo. Dahil ber month na nga ay samu't sari na ang panindang christmas decoration sa mall. Naexcite si Jeremiah ng makakita ng malaking christmas tree na nakadisplay na may estatwa pa ni Santa Claus. Gusto na nyang bilhin yun at ilagay na sa bahay dahil malapit na raw ang pasko. At si Atlas naman ay sunod din sa gusto ng anak. Akala ko nga ay christmas tree lang at mga decorations nito ang binili nya pero hindi pala. Nagulat na lang ako noong isang linggo na may dumating na mga tao na inupahan ni Atlas na i-set up nga ang mga christmas decorations na inorder pa nya online. At heto na nga ang bahay namin. Paskong pasko na. Hindi papakabog sa christmas decorations ng mga kapitbahay namin

--

Kunot noong nagbibilang ako ng petsa sa kalendaryo ng cellphone ko. May mali nga kasi talaga at malakas ang kabog ng dibdib ko. Dalawang buwan na kasi akong hindi dinadatnan tapos active na active din kami sa sex ni Atlas. Lalo na noong pumunta kami sa Zambales at mahigit dalawang linggo kami doon. Halos gabi gabing may nangyayari sa amin. Kaya hindi talaga imposible. Pero gusto ko pa ring makasiguro.

Tumayo ako mula sa couch at dinampot ang sling bag ko. Nilagay ko sa loob ng bag ang cellphone at wallet ko. Lumabas ako ng kwarto namin ni Atlas at bumaba sa hagdan. Nakasalubong ko pa ang isang kasambahay at nagpaalam sa kanya na lalabas saglit at may bibilhin lang. Sa labas naman ay sumalubong sa akin ang isa sa mga tauhan na kinuha ni Atlas sa isang security agency. Nagpresinta sya na ipagdrive ako ayon na rin sa utos ni Atlas. Pumayag na rin ako. Siguro ay dapat na rin akong masanay sa malaking pagbabago sa buhay ko. Ang importante ay hindi ako makalimot lumingon sa aking pinanggalingan at tumingin sa lupa. Uri lang ng pamumunay ang magbabago sa akin pero hindi kailanman ang pagkatao ko.

Pagdating sa botika ay binili ko na ang kailangan ko at umuwi na rin ako agad. Kailangan ko ng subukan ang binili ko para malaman ko kung tama ba ang hinala ko.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang resulta ng pt na nakapatong sa sink ng banyo. Pero malakas talaga ang kutob ko. Gusto ko lang itong kumpirmahin.

At hindi nga ako nagkamali.

Dalawang linyang pula ang lumabas. Kumpirmado. Buntis ako.

Kumagat labi ako at dinampot ang pt. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko sa kaba pero may halo na yung excitement. Excited na akong ipaalam ito kay Atlas. Excited na rin akong makita ang reaction nya. Alam kong matutuwa sya. Madalas na rin naman kasi syang magparinig na gusto na nya ng panibagong baby. Hindi nya kasi naranasang kargahin si Jeremiah noong baby pa. Ang gusto kong malaman ay kung maiiyak ba sya sa tuwa kapag nalaman nya. Pero ang sigurado ako ay mapapamura sya.

Humugot ako ng malalim na hininga at lumabas na ng banyo hawak ang pt. Naghanap ako ng maliig na box na pwede kong paglagyan ng pt. Gagawin ko tong regalo at ibibigay sa kanya.

Ibang iba ang nararamdaman ko ngayon kesa noong una akong mabuntis. May pagaalinlangan ako noon at may takot. Pero ngayon tuwa at excitement ang nararamdaman ko. Hindi ako natatakot. Bakit pa? Nakayanan ko ngang palakihin mag isa si Jeremiah eh ngayon pa kaya na hindi na ako nag iisa.

Nakahanap ako ng maliit na pulang box sa closet ko. Box ito ng bagong bracelet na binili sa akin ni Atlas na suot ko ngayon. Hindi ko nga ito dapat susuotin pero mapilit si Atlas. Gusto daw nyang makita na suot ko ito. Marami na nga syang naibigay na regalo sa akin na puro alahas. Pero ang pinakainiingatan ko sa lahat ay ang necklace na unang binigay nya sa akin. Laking pasasalamat ko nga na hindi ko yun nilagay sa bagpack ko na nakasama sa sunog sa bar.

Maayos kong nilagay ang pt sa maliit na box na pahaba. Nilagay ko ang box sa bulsa ng duster dress ko. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Malapit ng dumating ang mag ama ko. Si Atlas ang magsusundo ngayon kay Jeremiah sa school. Dito sya manananghalian at babalik ulit ng opisina nya.

.

.

Nakakunot ang noo habang natatawang kinuha ni Atlas ang maliit na pahabang box na inabot ko.

"What's this sugar?"

"Regalo ko sayo." Nakangusong sabi ko. Binigay ko na agad ang box sa kanya bago kami mananghalian. Excited na kasi ako eh.

"Ano po yan mama?" Tanong ni Jeremiah na nakiusyoso din. Nakabihis na sya ng pambahay.

"Regalo po yan ni mama kay papa." Sabi ko at ginulo ang buhok ng anak.

Ngumuso naman sya. "Ako po wala?"

Natawa ako at pinisil ang pisngi. "Eh di hati kayo ni papa sa regalo."

Namilog naman ang mata ni Jeremiah. "Talaga po?"

"Yes po."

Ngumisi si Atlas. "Na-curious tuloy ako lalo kung ano ang laman nito." Aniya at sinipat sipat pa ang box. Bahagya pa nga nya itong inalog.

"Buksan mo na po papa." Excited na sabi ni Jeremiah.

"Oo nga buksan mo na." Excited na ring sambit ko.

"Oo na bubuksan na." Natatawang maingat na binuksan ni Atlas ang pahabang box. Pero agad na nawala ang ngiti sa labi nya at umawang ito ng makita ang laman ng pahabang box.

Kumagat labi ako at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Gusto kong makita ang reaksyon nya.

Kinuha nya ang pt at tumingin sa akin. Bahagya pang nanginginig ang kanyang kamay.

"B-Buntis ka sugar?"

Kagat labing tumango tango ako at ngumiti.

"Holy shit!" Malutong na mura nya at sinunggaban ako ng mahigpit na yakap.

Natatawang niyakap ko naman sya. Humigpit pa lalo ang yakap nya at naramdaman kong humihikbi sya. Naiyak na  nga sya sa tuwa.

"Daddy ano ang laman ng box?" Tanong ni Jeremiah.

Bumitaw naman ng yakap si Atlas sa akin. Pinunasan nya ng braso ang luha sa kanyang pisngi. Hindi pa sya makatingin sa akin ng diretso dahil nahihiya sya. Hinawakan ko ang pisngi nya at hinaplos. Saka lang sya tumingin sa akin. Mapupungay ang kanyang mga mata.

"Daddy ano na po?" Pangungulit na ni Jeremiah na hinihila ang damit nya.

Natawa na lang kami pareho ni Atlas. Nag-squat sya sa harapan ni Jeremiah at pinakita ang pt. Kumunot naman ang noo ni Jeremiah na titig na titig sa pt.

"Ano po yan daddy?"

"Pregnancy test ito anak. Dito malalaman kung buntis si mama. Dito malalaman kung magkakaroon ka na ng kapatid." Paliwanag ni Atlas.

Namilog naman ang mata ni Jeremiah. Matalino syang bata kaya alam kong maiintindihan nya.

"Talaga po daddy?"

"Yes son. Ipapakita ko sayo to. Kapag may nakita kang two red lines ibig sabihin buntis si mama at magkakaroon ka na ng kapatid. Kapag isa lang wala ka pang kapatid. Ready?"

Tumango tango si Jeremiah. "Opo, patingin na po ako papa." Excited na sabi ni Jeremiah.

Binigay ni Atlas ang pt kay Jeremiah. Tiningnan naman ito ng anak namin. Nakanguso pa sya habang sinusuring maigi ang pt.

"May two red lines." Sambit nya at tumingin sa amin ni Atlas. Pero nagtagal ang tingin nya sa akin. "Buntit ka mama? Magkakaroon na ako ng kapated?"

Tumango ako at ngumiti. "Oo anak, magiging kuya ka na."

"Yehey! Natupad na agad ang wish ko sa christmat tree. Magkakaroon na ako ng kapated! Magiging kuya na ako!" Sigaw ni Jeremiah na tumatalon talon pa.

Naglabasan tuloy ang mga kasambahay sa kusina dahil sa sigaw ni Jeremiah. Nalaman na rin nila na buntis nga ako. Binati naman nila ako.

Lumapit sa akin si Atlas at muli akong niyakap ng mahigpit.

"I'm so happy sugar. Thank you. Thank you. Thank you.." Anas nya sa tenga ko at pinupog ako ng halik sa buhok.

Sinandig ko naman ang ulo sa malapad nyang dibdib. Masayang masaya din ako sa paparating ng pangalawa naming anak.

*****

Malapit na po tayong mag end. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa walang sawang pagsuporta nyo at pagsubaybat sa story ni Atlas at ni Jolene. Thank u ng marami 🤗♥️

Sa mga naghihintay po ng update ng TRDW sa kabila kaunting hintay pa po, under review pa po kasi sya. Kapag ok na tuloy tuloy na po ang update ko. 😉



Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 141K 28
Yuka wants nothing in the world more than a good old rags-to-riches kind of story. She's dealt with the rags part of it and trying to get to the rich...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
499K 36.1K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
8M 202K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...