My Girl [One Shot Short Story]

By Juviabaebae

65 5 7

For all fans of Sinbad Myloves <3 *giggles* More

To be with Her <3

65 5 7
By Juviabaebae

"Ang ganda ko. Yeah! Yow! Maganda ako! Aha! Akala mo ha. Hmp!!" Ang wika ni Ayano sa sarili habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa malinaw na tubig ng ilog. Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa tabi ng ilog. Naiinis kasi siya kay Sinbad, ang hari ng Sindria at matalik na kaibigan ni Aladdin, Alibaba at Morgianna. Palagi kasi siyang iniinis nito. Halos araw-araw siyang inaasar nito at ang nakakapikon pa ay sinasabihan siya nitong pangit, eh mas pangit nga ito eh. Talagang makakatikim na siya sa'kin kapag di niya ako tinigilan.

"Ayano, bakit nag-iisa ka dito?" Biglang tanong ni Morgianna at Alibaba na kararating lamang.

"Oh, kayo palang dalawa. Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Ayano.

"Namamasyal kami ni Morg dito, mabuti nga at sinamahan niya ako. Ikaw, 'bat nag-iisa ka dito?" Wika ni Alibaba.

"Wala lang, malamig dito eh tsaka tahimik. Masarap magpalipas ng oras dito. Hays!" Sagot ni Ayano habang ipinikit ang mga mata.

"Tama ka dyan Ayano, isa ang lugar na to sa napaka-tahimik at malinis. Dito din kami madalas magpalipas ng oras. Nga pala, hinahanap ka ni

Sin, nagkita na ba kayo?" Nakangiting wika ni Morg.

Napadilat naman agad ng mata si Ayano dahil sa narinig.

"Ano? Hinahanap ako ni Sinbad? Tsk! Bakit ano na naman kaya ang kailangan nun sa'kin?" Nakasimangot na tanong ni Ayano sa dalawa.

"Hindi ko alam Ayano eh." Sagot ni Morg.

"Baka namimiss ka lang niya Ayano." Natatawang sagot ni Alibaba.

"Namimiss? Hmp! Aasarin niya lang ako." Nakasimangot pa rin na wika ni Ayano.

"May gusto kasi sayo si — ." naputol ang sasabihin ni Alibaba ng takpan ni Morgianna ang kanyang bunganga.

"Huh? Sinong may gusto sa'kin?" Takang tanong ni Ayano.

"Ahmm .. Wala yon Ayano. Wag mong pansinin ang sinabi ni Alibaba." Natatawang sagot ni Morg.

"Ganun ba? Hahahaha Sige. Oh! San pa ang punta niyo?" Nakangiting tanong ni Ayano.

"Kahit saan Ayano, sige mamasyal pa kami ni Morgianna. Paalam." Nakangiting wika ni Alibaba.

"Eh? Nasaan si Aladdin?" Habol na tanong ni Ayano.

"Kasama niya si Yamraiha at Sharrkan. Sige, aalis na kami." Sagot ni Morgianna at hinila na si Alibaba paalis sa lugar na iyon.

Naiwan na namang nag-iisa si Ayano.

Nakapikit siya habang sinasamyo ang malinis na hangin. Nililipad ng hangin ang kanyang itim at mahabang buhok. Ninanamnam niya ang simoy ng hangin habang nakapikit pa rin.

Nagulat pa si Ayano ng may tumikhim sa kanyang bandang likod. Agad siyang napadilat at tumingin sa taong tumikhim.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakasimangot na tanong ni Ayano sa nakatayong si Sinbad.

"Wala lang, bakit masama bang pumunta dito? Sa pagkakatanda ko, sakop ng Sindria ang lugar na to." nakangising sagot ni Sinbad sa kanya.

"Bakit may sinabi ba akong iba? Tinatanong ko lang naman kung bakit nandito ka?" nakasimangot pa rin na wika ni Ayano.

"Bakit ba lagi kang nakasimangot kapag kausap mo ako? Ngumiti ka naman para hindi ka madaling pumangit." natatawang sagot ni Sinbad.

"Tse! bakit naman ako ngingiti?" nakasimangot pa rin si Ayano.

"Ang pangit mo Ayano, wag ka kasing naka-simangot. Wala naman akong ginagawa sayo." natatawang wika ni Sinbad at umupo sa tabi ni Ayano.

"Alam mo, hindi naman kita inaaway kaya wag kang magagalit sa'kin. Binibiro lang naman kita eh." nakangiting dagdag pa ni Sinbad.

Nabigla naman si Ayano dahil ngumiti si Sin sa kanya. Yong ngiting walang halong pang-aasar. Ngiting biglang nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.

Oo, inaamin niyang napaka-gwapo ni Sinbad halos lahat ng kababaihan ay humahanga sa kanya hindi lamang dahil sa gwapo siya kundi dahil sa isa siyang napakagaling na hari ng Sindria. Labis siyang ginagalang ng lahat at iyon ang isa sa mga dahilan kaya nagugustuhan ni Ayano ang binata kaya lamang ay may ayaw din siya dito, yon ay ang pagiging babaero nito at palagi siyang inaasar.

"Tumigil ka nga Sin, alam mo wala ka lang matinong magawa kaya ako na naman ang nakita mo." seryosong wika ni Ayano na hindi man lang makatingin sa gawi ni Sinbad.

"Bakit naman ako titigil, masaya ako sa ginagawa ko. Masaya akong nakikita ka." natatawang sagot ni Sinbad.

"Ano? masaya kang inaasar ako? Sin naman!' nakasimangot na wika ni Ayano.

"Wahahahaha ~ biro lang Ayano. Ang cute mo kasing tignan kapag naiinis ka." natatawang sagot ni Sinbad.

"Hindi kaya, palagi mo ngang sinasabing ang pangit ko." natatawang sagot ni Ayano.

Hindi namalayan ni Ayano na nakikipagtawanan na pala siya kay Sinbad.

"Ayano?" Biglang wika ni Sinbad.

"Huh? Ano yon Sinbad?" Takang tanong ni Ayano

"Alam mo bang ang ganda mo." Nakangiting wika ni Sinbad.

Nabigla naman si Ayano sa sinabi ni Sinbad kaya di siya agad nakasagot.

Natatawang pinalo na lamang ni Ayano ang braso ni Sinbad.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan, pinapatawa mo naman ako eh." Natatawang sagot ni Ayano.

"Hindi ka naniniwala sa'kin?" Malungkot na tanong ni Sinbad.

Nagulat naman si Ayano dahil sa nakitang lungkot sa mga mata ni Sinbad.

"Ahh .. Kasi — ano, naniniwala naman ako sayo kaya lang nakakapanibago ka Sin." Nakayukong sagot ni Ayano.

"Talaga? Naniniwala ka sa'kin Ayano?" Nakangiti ng tanong ni Sinbad.

"Oo Sin." Sagot ni Ayano.

"Pero Ayano, nagbibiro lamang ako." At humalakhak ng malakas si Sinbad.

Dahil sa huling sinabi ni Sinbad ay napasimangot si Ayano. Agad siyang tumayo at akmang aalis na. Nabigla na lamang si Ayano ng hawakan ni Sin ang kanyang kamay at tumigil na ito sa kakatawa. Nakatingin lamang si Ayano sa kanyang kamay na hawak ni Sin.

"Saan ka pupunta Ayano? Iiwan mo na naman ba ako?" Seryosong tanong ni Sin na hindi binibitawan ang kanyang kamay.

Hindi naman alam ni Ayano ang gagawin at isasagot. Napakalakas ng tibok ng kanyang puso lalo na at hawak ni Sinbad ang kanyang kamay.

"Sin? Ano bang gusto mong palabasin? Aasarin muna naman ako. Sawa na ako kaya pwede tumigil ka na mo na." Malungkot na wika ni Ayano.

Napabuntong-hininga na lamang si Sin at hinila siya para maupo ulit. Sinunod na lamang ito ni Ayano. Umupo siya ulit sa tabi nito. Ilang sandali pa ang nakalipas bago muling nagsalita si Sin.

"Ayano, naalala mo pa ba nung una ko kayong makitang magkasama ni Aladdin, Alibaba at Morgianna? Di ba sabi ko masaya akong makita ka ulit pero ang sinagot mo ay bago lamang tayo nagkita. Nagkakamali ka don Ayano dahil nagkita na tayo noon pa, sa lugar ng Ramen.

(A/N: other my imaginary place. Haha Pagkain lang eh.)

Napaisip naman si Ayano dahil sa sinabi ni Sin.

"Anong ibig mong sabihin Sin?" Nagtatakang tanong ni Ayano.

FLASHBACK:

Nasa kaharian ng Ramen si Sinbad kasama sina Spartos, Sharkkan at Ja'far bilang mangangalakal.

Isang gabi nung humiwalay si Sinbad sa mga kasama ay napadpad siya sa lugar ng maraming umiinom ng mga alak at mga babae at dahil mahilig siyang uminom ng alak ay hindi niya mapigilan ang uminom at makipag-saya sa mga babaeng nandon. Naparami ang kanyang nainom ng palabas na siya sa lugar na iyon ay napag-tripan siya ng ibang kalalakihan. Dahil sa lango sa alak ay hindi na siya nakapaglaban pa. Binugbog siya atkinuha ang kanyangmga suot na alahas. Iniwan ang sugatan na katawan ni Sinbad sa isang madilim na lugar at sakto namang napadaan si Ayano. Nakita niyang may nakahigan glalaki kung kaya't nilapitan niya ito. Hindi naman siya natakot dahil kayang-kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Nang malapitan ang estrangherong lalaki ay napag-alaman niyang sugatan pala ito kaya di nag-dalawang isip si Ayano na tulungan ito dahil marunong siyang manggamot. Dahil malaking lalaki si Sin ay nagpasya nalang siyang itabi ang lalaki para don na lamang gamutin. Dahil sa madilim ang bahaging lugar na iyon ay hindi makita ni Ayano ang mukha ng lalaki pero sigurado siyang magandang lalaki ito dahil sa hugis ng kanyang mukha. Hindi niya mapigilan ang hawakan ang labi ng lalaki at haplusin ang pisngi nito. Nararamdaman niya kasing mabuti ang aura ng lalaki dahil sigurado naman siyang wala ito ng Malay. Hinahanap ni Ayano ang kanyang ipang-gagamot kaya di niya namalayan na dumilat ang lalaki. Pinagmamasdan nito ang babaeng nasa kanyang harap. "Isang napakagandang dalaga" ang wika nito sa sarili. Ng mapansin na nakatingin na sa kanyang gawi ang babae ay nagkunwaring walang Malay ang lalaki.

"Gagamutin na kita. Pasensyaka na kung hindi na kita maipupuntapa sa maayos na lugar pero sinisigurado kong gagamutin kita." Wika ni Ayano sa akalang walang malay na lalaki.

Nang magamot ang lalaki ay dali-daling umalis na sa lugar na iyon si Ayano.

Kinabukasan ay bumalik na sa inuupahang bahay si Sin. Agad siyang sinalubong ni Ja'far.

"Sin, saan ka galing?" Nag-aalalangtanong ni Ja'far.

"Sin, anong nangyari Sayo? Bakit marami kang sugat?" Tanong naman ni Sharkkan.

"Pasensya na kayo, napasobra kasi ang inom ko ng alak kagabi at dahil marami akong nainom hindi ko na kayang umuwi at ayon, napag-tripan ako di na ako lumaban pa dahil nakakatamad." Natatawang wika ni Sinbad.

Napabuntong-hininga na lamangsinaSharkkan, SpartosatJa'far. Hindikasi yon ang unang beses na umuwi si Sinbad na lasing at maraming bugbog.

"Ja'far, Spartos, Sharkkan may nais sana akong ipagawa sa inyo. Maaari niyo bang hanapin ang babaeng may mahabang itim na buhok, may maamong mukha." Wika ni Sinbad.

"Huh? Eh maraming ganyang babae sa lugar na to Sin, wala bang pangalan." Kumakamotngulo na wika ni Ja'far.

"Pasensya na pero hindi ko alam ang kanyang pangalan, tanging yon lamang ang naaalala ko. Siya ang gumamot sa'kin. Nararamdaman kong napaka-buti niya at napaka-ganda." Nakangiting wika ni Sinbad.

"Sige, gagawin namin ang lahat para makita siya pero wala ka bang Ibang bagay na napansin sa kanya?" Tanong ni Sharkkan.

"Hmm .. Meron, may suot siyang kwintas, isang hugis bilog na Kristal at bughaw ang kulay nun, yon ang unang mapapansin sa kanya. Paki-usap nais ko siyang makita ulit." Nakiki-usap na wika ni Sinbad.

"Sige, gagawin namin ang makakaya namin Sin. Magpahinga ka na lamang." Wika ni Sharkkan.

"Sige, mag-iingat kayo. Matutulog lamang ako." Natatawang wika ni Sinbad.

Lumipas pa ang ilang araw pero hindi talaga namin mahanap ang babaeng tumulong sa'kin. Kahit ako ay naghanap na rin pero hindi na namin natagpuan pa hanggang sa umalis na kami sa kaharian ng Ramen pero hindi ako nawalan ngpag-asang magkikita kami ulit. Hinihiling ko na sana mabigyan ng pagkakataon na muli kaming magkita at gagawin ko ang lahat para mapalapit kami sa isa't-isa.

Hanggang sa makita at makilala ko kayo nina Aladdin. Alam mo ba nung una kitang makita ay bumilis ang tibok ng puso ko Ayano, nung una di ko alam kung bakit, siguro ay nagagandahan lamang ako sayo at nung yayain ko sina Alibaba na sumama sa kaharian ng Sindria umaasa akong sasama ka dahil matalik kayong magkaibigan at hindi nga ako nabigo, sumama ka. Napakasaya ko nun Ayano. Iniisip ko nga dati na sana ikaw nalang ang babaeng tumulong sa'kin pero may isang bahaging isip ko na tumututol kaya hinayaan ko na lamang pero gusto kong mapalapit sayo kaya inaasar kita para mapansin mo ako. Naalala mo ba nung bigla kitang nayakap dahil nakita ko ang suot mong kwintas. Hindi ko akalain na ang kwintas na sinasabing makapangyarihan ni Aladdin ay ang kwintas na suot ngbabaeng matagal kong hinahanap. Natatakot akong magpakilala sayo at sabihin na matagal na kitang hinahanap kaya pinalipas ko na muna ang mga araw para magkaroon ako ng lakas ngloob na ipagtapat sayo ang lahatat sa tingin ko ito na ang tamang panahon. Ayano, matagal na akong umiibig sayo, sa babaeng tumulong sa'kin sa kaharian ng Ramen.

Hindi makapaniwala si Ayano sa narinig. Hindi siya makapaniwala na ang taong tinulungan niya sa Ramen at ang Hari ng Sindria ay iisa. Hindi siya makapag-salita. Hindi niya alam ang sasabihin.

"Sin, hindi ko alam, hindi ko alam ang sasabihin ko masyadong nakakabigla ang mga sinabi mo." Naguguluhang wika ni Ayano.

"Hindi mo kailangang magsalita Ayano, ayos lang. Hindi kita pinipilit pero sana maniwala ka sa akin. Maniwala ka sanang matagal na kitang minahal, simula nung gabing tinulungan at ginamot mo ako." Sagot ni Sinbad at niyakap siya ng mahigpit.

Naiyak na lamang si Ayano dahil sa narinig. Inaamin niyang may gusto din siya kay Sin pero di siya makapaniwalang iniibig siya nito.

"Sin, bigyan mo pa ako ng panahon para makapag-isip, masyado akong nabigla pero Sin isa lang ang masasabi ko, gusto kita kahit na palagi mo akong inaasar." Umiiyak ngunit natatawang wika ni Ayano.

"Salamat Ayano, gagawin ko ang lahat para maipakita sayong tunay kitang minamahal at kung handa ka na, nais kitang gawing Reyna ng Sindria." Naka-ngising wika ni Sin.

"Reyna? Sin naman." Nakasimangot na sagot ni Ayano.

"Ayokong maging Reyna, Gusto ko lamang maging isang ordinaryong tao. Yong nakakapaglakbay kahit saan katulad ng ginagawa ko palagi." Nakangiti ng sagot ni Ayano.

"Ikaw ang bahala pero para sa akin, ikaw na ang Reyna ng buhay ko Ayano." Wika ni Sinbad sabay kindat sa kanya.

Namula naman ang pisngi ni Ayano dahil sa ginawang pagkindat ni Sin.

Yumuko na lamang ang dalaga upang maitago ang namumulang pisngi at ang kilig na nararamdaman.

Napatawa na lamang si Sin sa ginawang pagyuko ni Ayano. Napaka-ganda talaga ng dalaga. Para itong isang dyosa. Bagay na bagay itong maging dyosa ng lugar na iyon. Hindi siya nagsisisi na ang dalaga ang minahal at masayang-masaya siya ng malamang ang babaeng tumulong sa kanya at ang babaeng bumihag sa kanyang puso ay iisa. Hiling niya lamang na sana ay hindi na mawala sa piling niya si Ayano.

*THE END*

Author'sNote:

Konnichiwa!

Hahaha Badtrip ako dahil yong ginawa kong one shot story ng GruVia (Juvia Lockser and Gray Fullbuster) ay hindi nasave ng buo. Sheeeet ~ tapos na yon eh ready to publish na lang tapos naputol lang. *sobs* binura ko na lang tuloy. Ang sakit kasi sa atay hihihi pero at least natapos ko naman ang Story ni Sinbad Myloves. Whooaah!!! Publish

nalang agad. XD

Arigatou Gozaimasu Minna ;)

*kawaii kawaii*

Sorry sa typo's. ^.^

~Juviabebe

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 391K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...