Boyfriends Season 1 | Heartfu...

By chrisseaven

21.2K 680 228

Christian struggled to come out as a bisexual, he kept it hidden and pretend straight. Despite of that he som... More

Boyfriends
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Boyfriends
About Self
Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 21

336 16 9
By chrisseaven


CHRISTIAN LAKE

THIS is the night. The night people of Hearts City waiting for. The City Sports Tournament. Ang isa sa pinakamalaking event na ginaganap bawat taon sa Hearts City. Galing pa sa malalayong city ang ilang teams na representatives sumali dito.

Merong katabing city lang. Pero mas maraming galing pa sa iba't ibang panig ng Philippines. Stepping stone kasi itong City Sports Tournament para sa opportunity sa maging representative ng bansa sa international tournament, kaya naman grab the opportunity agad ang lahat ng city.

Naging traditional na 'ata na dito sa Hearts City ginaganap ang City Sports Tournament. At walang ibang place na babagay para malaking event na 'to kundi ang City Field lang.

Ito kasi ang pumapangalawa sa malaking institution na itinayo ng Hearts City Government, nangunguna diyan ang Heartful Academy, pero dahil nga paaralan 'yon hindi pwede ang ganito kadaming tao na dadalo.

Karamihan din sa mga audience dito ay mga students ng iba't ibang school and universaties na nagsusuporta sa representative nilang athletes. Syempre hindi magpatalo ang HA na may pinakaraming students ang dumalo.

At umaasa ako na nandito ang mga kaibigan ko. Kahit masulyapan ko lang sila sa audience set okay na ako, kahit hindi na nila ako i-cheer basta makita ko lang sila.


Magkasama kaming lahat ng Bravo Team pati si Coach Oscar dito sa dressing room at naghihintay na tawagin ang team namin. Nakaupo kami sa mga kanya-kanya naming upuan at halos lahat kami dito ay tahimik, nakayuko ang ulo, at ang ilan ay nagdadasal pa.

Magkatabi kami ni Kit at naramdaman ko pang lumingon siya sa 'kin kaya nilingon ko din siya at dahan-dahan kaming ngumiti sa isa't isa.

Napalingon kami sa likod nang marinig ang biglang pagbukas ng pinto at hindi ko mapaliwanag ang saya nang makita ko ang mga kaibigan kong Jason at Hweb. Agad akong lumapit at dali-daling tumakbo palapit sa kanila at agad ko silang niyakap.

"I'm glad na nandito kayo...akala ko talaga hindi kayo pupunta dahil nagtatampo kayo sa 'kin..." napapangiti ako. "Gago, practice lang namin 'yon at kumagat ka naman..." sabi ni Jason mahina silang nagtawanan na parang gaya lang ng dati na nagkakasundo silang asarin ako.

"Sige kailangan na naming umalis dahil ilang minuto lang kami pinayagan makapasok dito." Tugon ni Hweb at nagyakapan ulit kami bago sila umalis.


"Let's call out the team from Heartful Academy Football Community! The Bravo Team!"

Nang tawagin na ang team ay agad kaming tumayo at nagtipon-tipon kami sa gitna habang nakahawak kami sa likod ng bawat isa. "Team, let's show them our best!" Tugon ni Coach. "Let's go Bravo Team!" Sabay-sabay naming sigaw.

Habang naglalakad kami ngayon palabas ng dressing room ay wala akong kaba na naramdaman instead masaya ako, dahil na-achieved ko ang pagiging athlete ngayon. Hindi ko akalaing aabot ako dito na makakasama ako sa team na napili ng HA maglaro sa tournament.


Pagkarating namin sa field ng staduim ay sinalubong kami ng malakas na palakpakan ng mga audience. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ang mga taong grabe ang hiyawan habang abot tenga ang ngiti. Nakita ko rin ang napakaraming HA students na itinataas pa ang cheer signs nila na may nakasulat "Let's go Bravo!"

Nakapwesto na kami lahat ng players dito sa field. Habang tinitignan ko ang mga kalaban ay mukhang hindi rin magpapatalo ang mga ito. Sila ang Eagle Team na mula pa sa katabing city ng Hearts City.

Mukhang alanganin pa nga kami dahil makikisig at may kalakihan ang mga katawan ng ilang players nila. Pero hindi ako nagpadala sa takot na baka manalo dahil sa laki ng katawan nila, kahit average lang ang karamihan sa 'min sa Bravo Team ay naging matindi naman ang training namin.


Nang magsimula na ang laro ay agad na napunta sa kanila ang bola dahil mas doble ang bilis nila kumpara sa 'min. Napupunta din sa 'min ang bola pero ilang sigundo lang ay naagawa na nila.

Kakasimula palang ng laro ay nakikita na ang intense. Pinagpapawisan na ang lahat pero tuloy pa rin.

Hanggang sa nakakalamang na ang kalaban. Makailang ulit sila naka goal dahil hindi nasasalo ng goal keeper sa team namin ang bola. Maliban sa mukhang bihasa ang kalaban ay medyo hindi rin sila patas maglaro dahil may kasamang tulakan ang ginagawa nila kapag inaaagaw sa team namin ang bola

Habang patagal nang patagal ay nakakalamang na nga ang kabilang team.


Nagkaroon muna ng cooling break, kaya nagtipon-tipon kami ng team dito sa gilid at uminom ng tubig habang nagpahinga. Meron napapangiwi habang minamasahi ang binti at katawan dahil natutulak ng kabilang team.

Habang tinitignan ko ang mga kasama ko sa team ay napapahawak sila sa ulo at napapa-iling, mukhang nawawalan na ng pag-asa ang ilan sa kanila na manalo kami. Tumingin ako sa audience at nakita ko ang mga kaibigan ko na nag cheer pa rin sa team namin.

Nang makita kong kasama din nila ang mga magulang ko at bago naming kaibigan sa classroom ay dahan-dahan akong napangiti. Bumalik ang lakas ng loob ko dahil sa nakikita ko ngayon na maraming tao ang nagtitiwala sa amin.

Hinarap ko ang mga kasama ko. "Hindi! Hindi dapat tayo mapanghinaan ng loob dahil lang nakakalamang na sila! Hanggat hindi pa tapos ang laro, may pagkakataon pa tayong bumawi! May pagkakataon pa tayong ipakita sa lahat na hindi natin bibigoin ang Hearts City!" Nagtaas ako ng boses para marinig nila ako at ako ang pakinggan nila kaysa sa mga pangamba nila.


Agad na tumayo na Kit. "Christian is right! Tayo na at ipakita natin sa kanila na hindi tayo basta-basta natatalo!" Napangiti ako nang tinulongan niya ako palakasin ang loob ng team.

Napatingin kami nang agad na tumayo si Ace. "Come on boys! Let's kick their ass and win this game! Agad niyang ibinuhos sa sarili ang hawak niyang tubig. Nagsitayoan din ang lahat sa team namin at ang ilan sa kanila ay ginaya pa ang ginawa ni Ace na pagbuhos ng tubig sa sarili kaya basang-basa sila ngayon.

Lumapit sa 'kin si Kit at kumakaba ngayon ang dibdib ko nang hawakan niya ang balikat ko at inilapit pa niya sa 'kin ang kanyang ulo, kaya kahit nauutal at namumula ang pisngi ko ay dahan-dahan ko rin inilapit sa kanya ang ulo ko, kaya nagkadikit ngayon ang noo namin habang nakayuko.

"Thank you..." mahinang sabi niya sa 'kin.

Ngayon ay nauna na siyang lumakad. "Let's go team." Nang sabihin niya 'yon ay sumunod na kaming lahat sa kanya dahil balik na ulit sa laro.


Sa pagpatuloy ng laro ay agad napunta kay Ace ang bola at ipinasa niya ito kay Kit, itinakbo ito ni Ace papunta sa goal na binabantayan ng kabila at pagkasipa niya nito ay nadagdagan ang puntos namin dahil na-goal niya.

Nakakahabol na kami dahil parang naging aggresive ang energy ng team namin. Sunod-sunod kaming nakakapuntos at kadalasang nakaka-goal ay si Kit. Malaki din ang tiwala niya sa 'kin, pinapasa niya sa 'kin ang bola, pero nahihirapan pa rin akong protektahan 'to na hindi maagaw ng kalaban, kaya pinapasa ko nalang sa iba naming kasama.

Kahit nagiging useless man ako ngayon ay hindi ko pa rin sinusubukang i-target ang goal dahil baka magkamali ako at masalo ng kalaban ang bola, ayaw kong ako ang maging dahilan na malalamangan kami ulit ng kalaban.



Dumating ang pinaka intense na part ng laro, isang goal nalang ang kailangan para manalo. Kaya napakapit na ang mga audience ngayon habang nagbigay todo na rin ang lahat ng players.

Nakatayo lang ako dito sa gilid dahil inaayos ko pa ang natanggal na lace sa isang sapatos ko. Pero nanlaki ngayon ang mga mata ko nang ipasa sa 'kin ni Kit ang bola. Talagang malaki ang tiwala niya sa 'kin.

Kahit kabado ay hindi ko na hinintay pang makalapit sa 'kin ang kabilang team, hindi ko na rin inayos ang lace sa sapatos ko, agad na akong tumakbo at papunta sa goal na binabantayan ng kalaban.

Napatingin ako sa likod at laging ko nalang nang hindi ko mamalayang nasa gilid ko na pala ang ibang kalaban at natatapakan pa nila ang paa ko, kaya natanggal ang suot kong sapatos, at mas worst ay naagaw ng kalaban ang bola.

Ngayon ay nakikipag-agawan na naman si Kit para makuha sa kalaban ang bola. Instead na tumayo lang ako dito at sisihin ang sarili ay agad na akong tumakbo. Nagpatuloy ako kahit walang suot na sapatos ang kabila kong paa, dahil kung isusuot ko pa 'yon matatagalan lang ako.


Kahit hirap na hirap sa pagtakbo dahil isa lang ang suot kong sapatos ay kinakaya ko pa rin at nakikita 'yon ng audience kaya nag cheer sila sa 'kin, dahilan na lumakas ang loob ko.

Binilisan ko ang takbo para makalapit ako sa goal ng kalaban. Nilingon ko si Kit at nakita din niya ako, kaya may ngiti ngayon sa labi niya at agad na sinipa ang bola papunta sa 'kin.

"You can do it! I believe in you!"

Nang marinig ko ang sigaw ni Kit ay agad kong itinakbo ang bola, at nang makalapit na ako sa goal ng kalaban ay inisip ko lang sinabi sa 'kin ni Kit nong training namin.

"Huwag mo tignan ang bola, tumingin ka lang sa mga mata ko. I'm your goal right? Kaya kailangan naka focus ang tingin mo sa akin."


Hindi ko tinignan ang kalaban at naka focus ang tingin ko sa goal na nasa kanyang likod. Nakita ko ang perfect spot sa gilid niya. Pero nilito ko siya, dahil ang inangat kong paa ay sa left side na may suot ng sapatos, kaya nakahanda siya ngayon tumakbo sa left side para masalo ang bola.

Pero ang hindi niya alam ay mabilis kong pinalitan ang position ko at ang right side na walang sapatos ang isinipa ko sa bola. Nauna siyang tumakbo sa left side without knowing sa kabilang side papunta ang bola.

Naisahan ko siya. Hindi niya 'to nasalo. At tumama sa goal ang bola.

"WOOOOOAAAAAHHHHHHHHHHH!!!" Narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao at marami pa sa HA students ang nagtatalon-talon.

Habang hinihingal at nanatili sa kinatatayoan ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa kong ipanalo ang larong ito. Tsaka lang nag sync in sa 'kin na nanalo nga kami nang nilapitan ako ng buong team at agad nila akong binubuhat sa itaas.

"Christian! Christian! Christian! Christian!" Paulit-ulit nilang binabanggit ang pangalan ko, kaya kahit medyo kabado na baka mabitawan nila ako at mahulog ay nagagawa ko pa rin ngumiti ng abot tenga dahil dama ko ang pagiging proud nila sa 'kin. Nakita ko pa ang mga kaibigan ko sa itaas kaya kumaway ako sa kanila.


Nang ibaba na nila ako ay nilapitan ako ni Coach. "Hindi ko naituro ang technique na 'yon ah." Hinawakan niya ang balikat ko. "Sobrang galing mo. Hindi ka man kasing lakas nila, pero ibang klase naman ang diskarte at talino mo." Napangiti ako sa sinabi ni Coach. "Maraming salamat po Coach."

Tila nagsitabi silang lahat nang dahan-dahan na lumapit sa 'kin si Kit. "Sobrang galing talaga ng partner ko. I'm always proud of you." He did again what he always do, patting my head and raffled my hair.

Naging abot tenga ang ngiti ko. "I win, because you always believe in me. Thank you for that my cutie partner." May ngiti sa labi niya at bigla na naman niya ako niyakap, dahan-dahan ko hinawakan ang likod niya.

Biglang sumali sa yakapan namin ang buong team. "Let's have a bravooo huggg..." sigaw ni Ace at nagawa pa rin naming magtawanan sa tuwa kahit halos nagka-ipitan na dahil sa sobrang higpit na yakap ng lahat.




Continue Reading

You'll Also Like

10K 408 9
Fate looked on as the boy who's destined to lead the fight against the darkness was slowly being broken down until she's compelled to take action tha...
215K 10K 22
"Hello?" "Is this Luke?" "Who are you?" "I am your father." In which a girl prank calls an idol by accident.
Tropa-Chups By Marie

Teen Fiction

9K 282 52
There was once a group of friends- Hazel, Joselle, Vanessa, Hannah, Cross, JC and Steve- who are always together. One day, Hannah and Hazel experienc...
40.3K 1.1K 37
Tian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despite the condition he become one of the big...