Savouring Cappuccino (Café Fl...

By ElleyziiBubble

1.6K 100 16

Izen Kanemoto was just trying his best to carry out his role as a barista at Café Fleuri, offering his custom... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7

Chapter 6

253 10 1
By ElleyziiBubble

Bumukas ang pinto ng cafe at sabay na napalingon sa direksyon na iyon ang babaeng customer at si Izen. Literal na napanganga si Izen nang masilayan ang mukha ng lalaking kararating lamang. Ang kanyang runaway prince.

Nagpalingon-lingon pa ang lalaki sa paligid, hinahanap ang inaasahan niyang ka-blind date niya na sinet-up ng Dad niya. Rather than him wearing his formal attire like you'd often see in a movie setting for a blind date, he's dressed casually today.

Napatigil ang tingin niya sa dalawang taong nakatitig sa kanya, parang naghihintay sa susunod niyang gagawin. He hissed.

'Stupid faces' he murmured.

Lumapit siya sa table na iyon at walang pahintulot na umupo sa harap ng babaeng customer. So, ang runaway prince niya pala ang binabanggit ng babae na hinihintay niya. Hindi niya ineexpect na sa ganitong pagkakataon magkukrus ang landas nila.

At ang masaklap pa, parang hindi pa siya kilala nito. Like wtf?

Sumandal si Martin sa upuan, just like a boss waiting for his subordinate to entertain him. "I don't need to formally introduce myself since I'm sure you're already familiar with who I am." Nilingon niya naman ang nakatayong si Izen, “I'll have my cappuccini scurro, paki-bilisan.”

Nanatiling nakatulala si Izen sa kagwapuhan ng lalaking nasa harap niya, hindi siya makapaniwala na nandito na ito sa harap niya. Hindi na lasing at tulog.

Martin gave a sharp click of his finger, causing Izen to startle.

"Yes?" gulat na tanong ni Izen, parang hindi narinig ang sinabi niya.

Napahampas sa noo si Martin sa inis. “Dark Cappuccino.” mariing wika ni Martin.

Nataranta naman si Izen nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Martin. Naks naman! Mapapahiya na naman ng wala sa oras.

“Ah! Right away, Sir!”

Nagmadali na siyang pumunta sa counter para gawin ang order ng bebeluvs niya.

Taas-babang hinarap ni Martin ang babaeng nasa harapan niya, si Summer. "Tell me about yourself.” He leaned forward, plastering a smirk on his lips. “Bigyan mo 'ko ng dahilan para magustuhan ka." seryosong sabi ni Martin.

Napalunok si Summer nang muling sumandal si Martin sa upuan nito, nag-aabang ng sasabihin niya.

Tumikhim muna siya bago magsalita. "Ah--- Hi! I'm Summer Kim, 24 years old. You can call me Sam---"

"Yeah, yeah, whatever. How much money do you need?" walang prenong pagtatanong ni Martin.

Natulala si Summer sa naging tanong niya. Hindi niya alam kung namali lang ba siya ng pandinig o ano.

"I’m sorry?" pag-uulit niya sa tanong nito. "Oh, ibig mo bang sabihin kung magkano kinikita ko? Well, it's---"

"3 million? 4 million? Name it. I can offer you a substantial sum of money just to back off and let my dad know you've opted to stop because of something you discovered. Just to let you know, I'm already with someone else.”

"Pero ang sabi ng Dad mo, wala ka pang---" desperadang pag-uulit niya.

Martin cut her off, gumuhit ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi as he moved closer to her.

"Ayaw mong maniwala?” he scoffed.  “Paano kung sabihin ko sa 'yong nandito lang din siya sa loob ng cafe na ito? Will you believe it? We've been secretly dating and Dad doesn't know it yet. Ikaw pa lang. You ought to be thankful; it looks like you just stumbled upon the deep-seated secret I have been keeping tucked away for so long.”

Nagsimulang magliwaliw ang mga mata ni Summer sa paligid ng café pero bigo siyang mahanap ang binabanggit ni Martin. Pero natigilan siya nang masilayan si Izen na mukhang nakikinig pa sa usapan nila. At nang magtama ang mga mata nila ay agad na nag-iwas si Izen.

She laughed. Imposibleng ito ang ibig sabihin ni Martin. Seriously, a guy? Nah.

Nagpapatawa ba si Martin, para kasing nag-iimbento na lang siya ng mga salita para ipahiya siya. But no, she's Summer Kim, for goodness' sake! No one had ever shamed her before and that will stand the test of time.

"You know what?” Muli siyang humarap kay Martin. “Sinasabi mo ba 'yan para tumigil na ang Dad mo sa paghahanap ng mapapangasawa mo? Alam mo, okay lang naman sa 'kin kung sasabihin mong ayaw mo sa akin. I'll make you fall in love with me then. Hindi mo na kailangang magpalusot. It will take time for you to finally accept me pero wala namang masama kung ita-try mo, right? I can wait naman. Your Dad just wanted to ensure that you'll end up with someone you can rely on. We can help one another naman---" Martin pushed Summer's hand away from him.

He raised his brows out of annoyance. "You don't know anything!---"

Natigilan ang dalawa sa pag-aaway nang may maglapag ng tasa sa mismong harapan nila. Nanginginig pa ang kamay ni Izen dahil sa tension na nararamdaman niya sa pagitan ng dalawa. Ilang segundo pa siyang napapalunok.

"A-ah...” Umawang ang bibig niya upang magsalita pero hindi siya makahanap ng salitang aakma sa sitwasyon. “Ito na po ‘yong---"

Inis siyang binalingan ni Martin for interrupting them, pero sandali lamang iyon dahil pumasok na namang kalokohan sa kanyang kokote na magpapabilis sa pagsolusyong problema niya.

He grinned as he lift his playful hands on Izen's buttom and gently touches it. "Haven't you told her about us, babe?"

Nanlaki ang mga mata ni Izen nang maramdaman ang kamay ni Martin sa pwetan niya. Para bang may kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao niya dahil sa ginawa nito, lalo pa noong pisilin na ito 'yon.

Sa gulat niya ay agad siyang napalayo kay Martin. Pinagsisihan niya naman agad iyon. Grabe, beh! Opportunity 'yon!

Tinignan siya ni Summer ng mapanghusgang tingin mula ulo hanggang paa dahilan para mapalunok si Izen. Iba na ang tingin sa kanya ng babae, parang kakainin siya. Wala siyang alam sa nangyayari at lalong naninigas siya ngayon dahil sa kamay ni Martin na nararamdaman niya pa rin sa pwetan niya. Maya-maya pa ay napatayo na si Martin at inakbayan siya.

Mas lalo siyang nataranta. Sheet! Anong happenings?

"A---ahh! Wala po akong---"

Pinutol na ni Martin ang gusto niyang sabihin. "You see, hindi ka na dapat nagsayang ng oras na sumunod sa utos ng Dad ko. Naghahanap lang talaga ako ng buwelo para sabihin sa kanya ang tungkol sa mahal ko. Actually, he's pregnant and anytime soon, magpapakasal na kami. Ginamit ka lang ng butihin kong ama so, I could unveil the truth sooner than he anticipated."

Nagulat si Izen sa sumunod niyang sinabi, sakto naman ang pagbukas ng pinto ng café at pumasok sina Kael at Akio na nagulat rin nang marinig ang sinabi ni Martin, especially when he pointed out Izen na shock pa rin. Natameme nang masaksihan ang pangyayaring 'yon. Wala silang lakas para makapagsalita dahil sa gulat.

Napakabilis ng pangyayari. Wala silang naintindihan pareho. Lalo na si Izen. Pina-process pa rin ng bobo niyang utak ang bawat salitang binitawan ni Martin. Like, ano daw?

Galit na kinuha ni Summer ang bag niya at sinadya niya pang dumaan sa pagitan nila Martin at Izen para mapaghiwalay sila. Nang tuluyang makaalis si Summer ay napangisi si Martin sa tuwa na may napa-walk-out na naman siyang babae. Well, as long as hindi pa siya tatantanan ng Dad niya ay mananatili talaga siyang bastos sa mga babaeng ihaharap sa kanya na hindi niya naman pinili in the first place.

He heaved a deep sigh.

"Hey, you! Follow me." Napatalon sa gulat si Izen nang kalabitin siya ni Martin.

"Ha?" tulalang sagot niya.

Martin raised his brows. "Do I need to repeat myself?"

Mabilis siyang napalayo kay Martin. "T---teka! Saan tayo pupunta? Naguguluhan pa ako. Anong nangyayari? Anong sabi mo kanina, ako buntis?” Tumawa siya ng peke. “Kailan lang? Paano ko ginawa? Natin? Ha?"

Napailing na lang si Martin. "Ang daldal mo, halika na!"

Hinatak na siya ni Martin, hindi man lang pinansin ang presensya ng dalawang tao sa bungad ng pinto at balak pa sana silang banggain kung hindi lang silang nakailag agad.

"TEKAAA LANGG!” sigaw niya. “Kael, Aki, ipagdasal niyo 'ko!" mangiyak-ngiyak na humingi siya ng tulong sa mga kaibigan.

Hindi naman na agad naka-react ang dalawa dahil nabigla pa sila sa nangyari. Wala silang ideya kung sino ang lalaking kasama lang ni Izen ngayon na pilit na kumukumbinsi sa kanilang may namamagitan sa kanilang kaibigan at rito.

Hindi man lang nila nagawang pigilang ang lalaki sa ginawa niyang paghatak rito.

“Tutulungan ba natin siya?” nagdadalawang-isip na tanong ni Akio sa katabi niyang nakatitig lang sa pintong nilabasan nila Izen.

Tulalang umiling si Kael. “Huwag na.”

Napapilig na lang sila sa kanilang ulo at iwinaksi ang isiping may kilala silang Izen at bumalik na sa kanilang kanya-kanyang trabaho. Pumanhik na si Akio sa likod para magpalit ng uniporme, hindi na inalala na kinaladkad na ng isang estranghero ang pinakamasipag nilang kaibigan.

*

Binitawan ni Martin ang kamay niya nang nasa mismong harap na sila ng pinto ng passenger seat, agad namang binuksan iyon ni Martin. Akmang aalis na ito sa tabi niya at iikot na sa driver seat nang pigilan niya ito.

“T-teka lang naman, alam kong pogi ka pero...” bahagya siyang tumalikod. “Hindi pa ako handa...” halos pabulong niyang sambit.

“Get in. May dapat tayong pag-usapan.” diretsong sagot ni Martin bago siya tuluyang pumasok sa sasakyan at binuhay ang makina.

Hindi pa rin gumalaw si Izen. Dadalhin ba siya nito sa pinakamalapit na motel? No, hindi pwede. Masyadong cheap. Isa pa, kahit naman dalawang beses pa lang silang nagkakasama ni Martin ay deserve niya pa rin naman dalhin sa elegante at disenteng lugar.

Kamahal-mahal din naman siya ah!

Bumaba ang bintana ng passenger seat sa tapat niya. “Are you coming or what?” iritableng wika ni Martin.

“Wait lang naman, hindi ba pwedeng bigyan mo muna ako ng time na makapag-isip? Hindi pa kasi ako sure kung kaya ko na . . . talagang makipag---”

“What the heck are you thinking? Pumasok ka na bago pa kita hatakin paloob.”

“P-pero kasi...”

“GET IN!”

Agad na pumasok si Izen sa sobrang takot nang sigawan na siya ni Martin. It was hella scary, dude. Napalunok siya sa sobrang dilim ng awra pagkaupo niya. Para siyang nasa hotseat. ‘Yong literal na nag-iinit.

“Seatbelt.” muling sabi ni Martin na nagpalingon sa kanya dito.

“Ha?”

Galit siyang hinarap ni Martin. Bahagya pang umangat ang kilay nito.

Ang pogi...

Natawa siya ng pagak. “O-oo nga pala, seatbelt. I-ito na...” Kinapa niya sa gilid niya ang seatbelt. Hinila niya iyon at ikakabit na sana sa sarili niya nang mapagtanto niya na hindi pala tama ang pagkakakabit niya.

Maling tutorial ata napanood ko.

“Damn! Ako na nga!” Si Martin na ang nag-buckle ng seatbelt niya.

Pagkatapos no'n ay tuluyang pinaandar na ni Martin ang sasakyan. Nagsimula na namang ma-paranoid si Izen. Oo, aminado naman siya na malantod talaga siya pero hindi naman siya tanga para bumigay agad.

Pero sa realization na nandito siya sa loob ng magarang sasakyan na ito, kasama ang crush niya, tanga na nga siya.

“S-saan mo ba ako dadalhin? Like you know, ganito ka ba sa lahat?” kuryosong tanong niya, binasag ang katahimikang namumuo sa pagitan nila. Hindi kasi siya sanay na tahimik.

“Whatever shit you are thinking right now, itigil mo na 'yan. Wala akong gagawin sa 'yo, hindi ko kayang gawin ang iniisip mo dahil hindi kita type. Dinala kita rito to talk things out, about sa nangyari kanina. I know we're both strangers to each other---”

“Hindi mo sure.”

“Tumahimik ka na lang muna and sit still. Doon na natin pag-uusapan sa restaurant ang mga bagay related sa nangyari kanina.”

“Ang pogi mo mag-explain.” mahinang hagikgik ni Izen.

“Shut up.”

“Ito na nga. Pero seryoso, sa restaurant lang talaga? Hindi sa hotel?”

“Ano ba!” sigaw niya. “Bakit ba kasi ikaw pa ang napili kong kunin. I should've choose someone better. Kainis!”

“Kasi destiny tayo?”

Biglang napapreno si Martin sa sobrang irita na niya. Sumalpok naman ang ulo ni Izen sa upuan pagkahinto ng kotse.

“Hindi mo pa nga ako minamahal, balak mo na akong patayin. Gusto mo ba mabyudo agad?”

“Baba!”

“Joke lang naman!”

Continue Reading

You'll Also Like

119K 4.1K 16
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
227K 12.7K 26
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
902K 30.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.