MY DARE BOYFRIEND

Від CleohMarkRamirez

377 279 0

Ang istoryang ito ay pinangungunahan ng dalawang taong Ayaw ng mag mahal dahil sa lahat daw pare parehong man... Більше

CHAPTER 2 ( Meet's The Bad Boy)
CHAPTER 3 (The game begin)
CHAPTER 4 (Cont.)
CHAPTER 5 (MEET HIM AGAIN)

CHAPTER 1 ( New School and New friends)

98 60 0
Від CleohMarkRamirez


JAMAICA's POV

Noon akala ko pag napasok ka sa isang relasyon ay lahat masaya, kase yun yung nakikita ko sa iba, pero Sabi nila lahat daw na pumapasok sa isang relasyon ay dapat laging handa...

Handang magpababa nang pride, handang masaktan,
handang kumalimot sa masasakit na alaalang naiwan ng nakaraan,
handang lampasan ang mga pagsubok na dadaan sainyo,
at handang sumakripisyo..

ndi ako naniwala sa sinabi nilang yun.. pero dumating sa point na napasok ako sa isang relasyon, at ang masasabi ko lang ay tama nga sila. Masakit nga talaga lalo na pag minahal mo talaga sya, syempre nasaktan ako kase nga sya ang pinakaunang lalaking minahal ko pero di ko inakalang sya din ang pinakaunang naging dahilan ng pagka durog nang puso ko...(oa ba? Sarey naman nasaktan lang)

Nadamay panga si mama at papa nung naging broken ako eh, pasalamat ako at nanjan sila sinabihan lang naman nila ako na.

"masarap ma-inlove..

Pero kapag nasaktan, masakit din..

Yun ang true love, kase hindi mo mararamdaman ang totoong pagmamahal kung hindi ka nasaktan".

Sinabihan panga nila ako na may lalaki din dawng para saakin sa tamang panahon, pero sa nangyari saakin sinabi ko sa sarili ko na lahat nang lalake ganun.
Mangiiwan, manloloko, paasa, basta lahat na, ikaw ba naman magmahal nang taong akala mo mahal kadin?? Masakit magmahal lalo na kung iiwan ka lang nya...
Pero alam nyo may mas sasakit pa dun,..
Yung pag iniwan ka nya sabay sabing "sorry akala ko kase mahal kita eh".

Mula nun sinabi ko na sa sarili ko na di na ako maiinlove ulit, pero paanu kung may ma meet na naman ako??.. at napasok sa relasyong puro laro at ang tawag nya dun "dare game" alam nyo naman siguro yun diba??panu pag dinare sya na maging gf nya ako??..pero kailangan walang ma fall at sa kasamaang palad na fall ako..kaya ko bang ipaglaban ang pagmamahal ko sa isang lalaking puro laro lang ang lahat??ewan bahala na^__^

Mama: "MICAAA!!BILISAN MO NA JAN AT BAKA MA LATE KA PA!!FIRST DAY MO PA NAMAN!!"

Sigaw ni mama, nasa kwarto kase ako tapos sya nasa baba. Hysst mama talaga sobrang excited, ako ndi. hmmm pang ilang school ko na ba tong nalipatan ko?? Ewan basta lagi lang akong tinatransfer ni mama kase lagi nalang daw akong may kaaway, ehh di naman talaga mawawala sa high school life yung makahanap ka nang away diba??

" OPO ETO NA BABABA NA MA!!"


sigaw ko nalang at kinuha yung bag ko sa kama at bumaba na, pagkababa ko ay binigyan nya lang ako nang goodluck kiss sa pisngi, at sabay kinuha konadin yung baon kong sand which sa lamesa di uso saken kumain ng kanin pag umaga ihh

Mama: "Bye anak ingat haa..paka good girl ka walang away ok??"


Sabi ni mama "hyyt ok ma bye.." sagot ko sabay lakad palabas nang bahay.

Maglalakad lang ako papuntang school medyo malapit lang naman kase at tsaka maaga pa naman mama kase sobrang aga akong ginisig hysst..
at habang naglalakad ako papuntang school ay magpapakilala na muna ako^___^


Hai i'm Jamaica Nabizaga Lugagay just call Jam 17 y/o mabait naman siguro ako hehe oo mabait talaga ako^__^ mapagmahal, magalang, friendly din naman pero pinipili ko lang, at medyo may pagka ewan haha yun na yun,. Gusto nyo bang malaman kung sino yung tinutukoy ko kanina na minahal ko pero sinaktan lang pla ako?? sasusunod na lang hahahaha dito na pla ko sa school guys impernezz ang ganda ng school ah ma's maganda to kesa sa mga nauna kong school, dipanga ako nakakapasok maganda na how much more kung nasa loob na talaga diba. ege tama nang dada hahanapin kona muna room ko babush,

at ayun Matapos kong tignan ang paligid pumasok nako ng tuluyan sa gate baka matagalan ako sa paghahanap diko alam pasikot sikot dito anlaki nmn kase ng school nato tapos transferee pa naman ako shomai na away yan laging panggulo.


shemay naman kase saan ba ako pupunta neto?? Trensferee pa naman ako??

sa paglalakad ko may nakasalubong akong teacher oi tamang tama wala naman sigurong masama kung magtatanong ako diba??

Teacher: "oh iha wala ka pa bang klase at nasa labas kapa??..anung oras na oh..at tsaka bakit ka naka free style sa friday pa yan diba??"

Bungad saakin ni ma'am ewan diko kilala to eh, Oras naba nang klase?? Agad naman akong napatingin sa relo ko at tama nga its already 7:20 paktay!! "ahhh ehhh kase ma'am diko po alam saan yung room ko transferee po kase ako dito hehe hehe.." sabi ko dito kay ma'am.

Teacher: "ahhh ok sorry hehe kaya pala naka free style ka^__^ btw i'm Michelle Caltirez and you are??"

Tanong nya saakin.. "ahhm Jamaica Nabizaga Lugagay po ma'am.." sabi ko

Ms. Caltirez: "Ahhh ok patingin nga ng sched mo iha.."

Sabi ni ma'am Calchesse ba yun?? Basta ewan. At agad ko namang ibinigay yung sched ko at si ma'am naman ay bigla nalang ngumiti nang makita na yung sched ko.. yung napakalapad na ngiti talaga yung ibinigay nya saakin at tumingin saakin nyare dito??.

Ms. Caltirez: "lika iha sumunod ka saken..ako pla yung adviser mo natutuwa akong dito ka sa section ko napunta^__^"

Sabi nya. Oooookay?? Ok na yun swerte ko naman di na ako nahirapan, (di daw eh natagalan nga eh -_- )at ayun sumunod nalang ako kay ma'am

sus kung ganito lang kabait magiging adviser ko di na ako aabsent hahaha..maya maya pa finally huminto din kami sa isang pinto eto na siguro yung room namin..

Ms. Caltirez: "Oh iha pag tinawag kita pasok kana agad haa para maipakilala yung sarili mo sa kanila.."

Sabi nya sabay taas baba pa sa kilay nya.. "Ok po ma'am." sagot ko nalang at sya naman ay pumasok na..

ang kulit naman nang adviser namin, napailing nalang ako at nakinig nalang ako nung magsalita na sya sa harapan...

Ms. Caltirez: "Okay class alam naman nating pag first day of school meron talaga kayong mga bagong mukha na makikita diba?? Meron din naging kaklase nyo na noon at meron ding transferee..at speaking of transferee may bago kayong kaklase at isa syang transferee..pasok kana iha and introduce your self here in front.."

Rinig kong sabi ni ma'am. Yeah ma'am malamang naman na jan ako sa harap magpapakilala langan naman dito sa likod??nasabi ko nalang sa isip ko at pumuta na sa harap.

"Haii i'm Jamaica Nabizaga Lugagay you can call me Jam for short ^__^ 17 y/o sana maging magkaibigan tayo yun lang maraming salamat." pagpapakilala ko

Ms. Caltirez: "Ahhh sige Ms. Lugagay dun kana umupo sa bakanteng upuan sa likod dun sa may likuran ni ms. Salundaguit."

Sabi ni ma'am at agad ko namang tinignan yung tinuro nya.

ehh paano ko malalaman kung saan ako uupo kung diko naman kilala kung sino si Salundaguit?? Bahala na si batman

Nakita ko namang may kumaway kaway dun sa may bandang likuran at sinabing "dito" kaya naglakad nalang ako papunta sa likuran nung si Salundaguit daw napansin nya siguro na hinahanap ko upuan ko ow ambait naman ma friend nga to mamaya, bukas, sasusunod na bukas, sa tamang panahon.

ako lang pla mag isa dito sa likod? how sad naman.. ndi naman sa mag isa lang may tatlong upuan pa namang bakante eh kaya lang walang naka upo kaya wala akong katabi dito sa may likod, baka lalate lang? Or wala talaga? hyst wag nanga lang isipin sabi ko sa isip ko saby umupo na

Nika: "ahhm hai Jam ako pala si Nika full name ko ay Nika Cerdan Salundaguit nice to meet you^__^ may mga dalawa pa akong mga kaibigan dito pero mamaya ipapakilala kita sa kanila kase pinaghiwalay kami ng upuan eh mga talkative kase sila hehehe"

Bungad saakin nung Nika .. "Ahhm hello nice to meet you too hehe" sagot ko nalang dipa sya talkative sa lagay nyang yan noh?

Nika: "astig mo naman.."

Sabi nya bigla dahilan para mapakunot yung noo ko (nakatingin padin sya saken) "ha? Anung astig dito??" Tanong ko sa kanya..

Nika: "wala naman astig lang kase blue ka lahat bagay sayo^_^"

Sabi nya sabay ngiti.. "Ha?! Pati mukha at balat ko blue nadin??" Tanong ko sa kanya na kunwari ay nagulat alam ko naman kung anu tinutukoy nya eh..

bag, relo, tali ng buhok, t-shirt at sapatos ay puro blue maliban sa pants at ballpen.. Black kase pants ko at black din yung ballpen ko di naman kase ako gumagamit ng kulay blue yung tinta nang ballpen kase di ko naiintindihan mga sinusulat ko hehe kaya black ginagamit ko..(share ko lang)

Nika: "I mean yung mga gamit mo hehe"

Paglilinaw nya sa sinabi nya kanina "Ahh ganun ba??.ah eh kase favorite ko blue eh ^__^" sabi ko sabay ngiti

Nika: "halata nga^_^"

Tipid nyang sagot.

Hyyyst ang daldal nya ah nakalimutan ko tuloy na nagsasalita pala si ma'am eh..

Ma'am Caltirez: "So ayun nga bukas na ang regular class natin..ngayon enjoy nyo nalang yung natitirang oras makipagkilala kayo sa mga ndi nyo pa kilala or tulungan nyo nalang yung mga newbie na itour dito sa school para naman mafamiliarize nila ok have fun guys bye.."

Rinig kong sabi ni ma'am at umalis na.

yun umingay bigla ang room at ako naman ay nilabas ko nalang yung cp at earphone ko (Blue din yung kulay share kona naman) at nakinig ng music sabay pikit..

Maya maya pa may bigla nalang kumalabit saakin kaya napamulat naman ako nang mata.. pagkakita kong si Nika pala tinanggal ko nalang yung earphone ko baka naman kase may sasabihin sya diba?? At may mga kasama syang isang babae at isang lalake...

Nika: "Jam eto pala mga bestfriends ko dito sa room^__^.."

Sabi nya sabay ngiti..

Rudy: "Hai Jam i'm Rudy Lynn Collamat^__^nice to meet you"

Sabi nung isa sabay abot nang kamay nya saakin

"Nice to meet you too" sagot ko sabay abot ng na may nya at nag shake hands na kami

Jethro: "Hi i'm Jethro Ijalon call me Jether"

Tipid na pakilala nung lalaki pero di na kami nag shake hands naka pamulsa lang sya eh di nya naman inabot kamay nya ibig sabihin nun ayaw nya nang shake hands..

Nika: " Ahhm tara Jam itotour ka namin dito sa school tulad nang sabi ni ma'am^__^"

Sabi naman ni Nika..grabe ah ndi ba sya nauubusan nang ngiti? napaka smiley face nilang lahat ako lang ata yung ndi?? Well meron din namang iba na ndi masyadong ngumingiti.

"okay sige.." Pagkasabi ko nun ay hinila na nila ako papalabas nang room si Nika at Rudy lang yung humila saakin ndi naman sila halatang excited nyan diba? si Jethro naman ay nakasunod lang saamin habang nakapamulsa ganito ba mga lalaki dito?? pa cool yung dating? Aba ewan..

Ayun sinimulan na naming ikutin ang buong school (char)

Lakad dito...

Lakad dun...

Tawa dito At tawa dun...

Ganun lang habang tinotour nila ako hahaha maya maya pa ay napatinginapatingin ako sa likod Che check ko lang sana if kamusta sina Rudy at Jether sa likod pero bigla nalang nawala sa likod sina Jethro at Rudy asan na yun parang kanina lang anjan sila sa likod ah.. nasabi ko nalang sa sarili ko

Maiba grabe ah ang enjoy nilang kasama kakatuwa nga eh kase kapag may madaanan kami kaninang mga babaeng nagpapapansin sa mga poging boys lagi lang nilang sinasabihan nang "ngee papansin pa sya oh panget naman ta mo yung lipstick ang kapal" yan pero binubulong lang nila nakikitawa nalang din ako kase di naman ako mag eenjoy pag ndi ako makikisabay eh..

Maya² pa tinanong kona si Nika bat nawawala sina Rudy baka alam nya diba? Diko na kase napansin dala ng pagka enjoy ganern.

"Hey Nika asa sina Rudy at Jethro" tanong ko kay Nika

Nika: "Ahhh nasa library nagpaoahangin^__^"

Sagot nya pano nya nalaman? Nagpaalam ba sa kanya or nagpaalam saming dalawa pero may sarili lang akong mundo? Ay aba ewan pero ayos ah pupunta lang sa library para magpahangin ganun ako dati eh hahahaha

Продовжити читання

Вам також сподобається

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED) Від lollybae

Підліткова література

1.1M 51.3K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
Brave Hearts Від HN🥀

Підліткова література

1.9M 95.5K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
Play The King: Act Two Від akosiibarra

Підліткова література

387K 25.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
South Boys #6: Bad Lover Від Jamille Fumah

Підліткова література

42.4K 2.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...