At The End Of The String (Ins...

By serendipitynoona

4.5K 236 1K

☕ Insomniacs Series #2 By taking away all her cards by her eldest brother, Keira Monteza, a bit of a rebel wa... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40

21

54 1 0
By serendipitynoona

"Shower lang ako," aniya sabay halik niya sa aking pisngi. Nagulat ako at napalingon sa kanya, pinanood siyang pumuntang banyo habang ako ay naiwan sa mahabang sofa rito sa sala. Agad akong umiling upang ibalik ang sarili sa katinuan at nag phone.


Isa-isa kong pinanood ang Instagram stories ng mga kaibigan ko. Si Lexi ay puro Barcelona. Si Gian ay puro plates at art materials. Kay Gabby ay litrato ng shopping basket niya. May kasamang likod pa ng 'di ko kilala ang nahagip sa picture.


Solene look blooming in her pictures. Kay Debby naman ay naka-itim siya na mask at itim na sumbrero, kalahati lamang ng mukha niya ang kita. Puro cupcakes at mga magagandang tanawin naman ang kay Jewel. Iyong iba ay mga cookbook o mga gamit kung saan ay naghahanda siya upang mag-bake.


And Jacqueline, she became quiet these days. I haven't heard of her since last year. Mayamaya'y narinig ko nang tapos na si Joaquin maligo kaya umayos ako agad ng upo. Tumabi siya sa'kin at hinarap ako. Diretso ang kanyang tingin sa'kin habang ako ay umiiwas.



"Uh, handa na ako makinig," panimula ko agad habang nananatiling nakayuko. Napatingin lang ako sa kanya ulit nang hawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry for leaving you so early here and coming home late. We almost didn't see each other because of that," panimula niya rin.

"Where were you exactly?"

Huminga siya ng malalim at mas lalong humigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay. "I'm with my cousin these past weeks and we're looking for someone. They've been missing since the night they left for a business trip."



Nanlaki ang mga mata ko nang magkaroon ako ng ideya kung sino ang mga tinutukoy niya ngunit hindi na muna ako nagsalita. I want him to finish. Nang tignan ko rin siya ng diretso ay saka ko lamang napansin ang namumula niyang mga mata.


"My dad and grandfather are missing. Hindi lang sila ang nawawala at hindi lang kami ni Raven ang naroon at naghahanap. Some bodies of their co-workers were found dead and the others are missing, too."

Agad ko siyang niyakap hanggang sa makaramdam na lang din ako ng luha sa aking balikat. "I'm afraid they won't make it back home..." mahina niyang hikbi. 


"Don't say that! They will! They will be here. Mahahanap ang daddy at lolo mo," I snapped. I know how this feels... Habang naririnig siyang umiiyak ay hindi ko maiwasang maluha rin. "I'm sorry... Hindi ko alam na ganito pala ang nangyayari sa'yo," sabi ko habang humihigpit na rin ang yakap. I felt guilty for thinking that he's out there mingling when I know deep inside me I don't have any rights to complain about it.


Bumitaw kami sa pagkakayakap. I held his face and wiped away his tears with my thumb. "I'm sorry for not telling you right away. Ayaw kitang madamay. I know it'll be dangerous. Ayokong pati ikaw Keira..." Nakasapo na ngayon ang kanyang mga palad sa kanyang noo, patuloy pa ring humihikbi.



"I understand." I forced a smile. "But will you promise me something?"

Binalik niya ang kanyang tingin sa'kin, naghihintay na ng aking sasabihin. "Let me be there for you, like how you've always been there for me. It may sound crazy but..." I laughed a little. "Yeah, just... Let me help you."


Tipid siyang ngumiti at hinawakan ang aking pisngi, hinahaplos gamit ang kanyang hinlalaki. "Okay, I will," aniya kaya napangiti rin ako. Tumayo ako at mas lalong inilapit ang sarili sa kanya. This time I'm the one who'll give him forehead kisses. Hinapit niya rin ako saka niyakap muli. "What would I do without you..." he whispered.


Mayamaya'y unti-unting naglapit ang aming mga labi. Dahan-dahan hanggang sa unti-unti na makaramdam ng pananabik sa isa't-isa. Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa dahil alam naman na namin kung saan kami patungo.

"Namiss kita, Keira..." bulong niya sa aking bandang leeg habang inuunti-unti rin ako. Mukhang hindi lang presensya ko ang namiss niya, kundi ito rin. Sabagay, ganoon din naman ako.



"What are these?" Rinig ko sa tanong ni Joaquin kaya ko siya nilapitan matapos picturan ang mga paintings. "Diorama 'yan ng Unang Sigaw ng Pugad Lawin. Familiar ka ba ro'n?" tanong ko pabalik sa kanya. Umiling lamang siya bilang sagot at ngumiti sa'kin.



"Ang Unang Sigaw ng Pugad Lawin ay ang simula ng rebolusyon ng Pilipinas. Nangyari 'yan around 1890s." Tumigil ako saglit nang mapansin na may nakalagay naman palang impormasyon sa katabi ng diorama na 'yon. "Oo, tama! 1890s... August 1896 siya nangyari. Siguro naman ay kilala mo si Andrés Bonifacio at pamilyar ka rin sa pagpunit nila ng sedula?"


"Of course, I do! Kadikit ng pangalan niya ang KKK, right?"

Pumalakpak ako sa kanyang sagot. "Oh, ano'ng ibig sabihin ng KKK?" hirit ko ulit.

"Kataastaasang..." He paused and looked up to think but surrendered immediately. "Iyon lang ang alam ko, eh. Sorry," hiya niyang sambit at nag-peace sign pa. Natawa ako sa kanya bago magsalita muli.

"Kataastaasang, Kagalanggalangang, Katipunan." I pinched his cheek. "Ang Unang Sigaw ng Pugad Lawin ay ang simula ng rebolusyon ng Pilipinas laban sa mga kastila na pinangungunahan ni Ginoong Andrés Bonifacio noong August 1896." Bitaw ko sa kanyang pisngi.

Marami pang diorama sa paligid ngunit hindi ko na kayang ipaliwanag sa kanya ang lahat ng 'yon lalo pa't nakakaramdam na ako ng gutom at pagod. "Hell, there are 60 dioramas here?" Halos lumuwa na ang mga mata ni Joaquin habang nililibot ang paningin niya.




Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Welcome to Ayala Museum nga pala, Sir De Vera, na ipinanganak sa bansang nanakop sa bansang tinitirhan mo ngayon." Tawa ko sabay hila na sa kanya paalis sa pwestong 'yon.


Naglibot pa kami ng kaunti at nag-picture hanggang sa mapagdesisyunan na naming maghanap ng makakainan. Bumyahe kami galing Makati papuntang Maynila ulit. Nang makarating ay pinuntahan agad namin ang Cafe Ilang-Ilang dahil iyon ang parehas naming napili kanina habang nagse-search sa Google.


"Are you ready for your fight next week?" tanong sa'kin ni Joaquin habang naglalakad-lakad na kami ngayon sa Rizal Park. Mabilis lang akong tumango habang hindi siya tinitignan dahil abala ako sa pagsisipa ng mga maliliit na bato.

"Manonood ka ba?" tanong ko rin pabalik. Well, knowing he's a busy guy...

Ngumiti siya sa'kin saka ako hinapit sa bewang dahilan nang pagtigil namin sa paglalakad. "I'll be there, Keira. I'll watch you kick some ass." He chuckled.


"Baliw." Mahina ko na lamang tinulak ang mukha niya palayo sa'kin saka kami naglakad-lakad ulit. Nang may marinig kaming malakas na tugtog ay napatigil ulit kami. Nagsimula nang magkaroon ng mga ilaw ang fountain, malapit sa kinatatayuan namin. It started dancing kaya napako ang mga mata ko ro'n.


It's colorful and that young Keira inside me became so excited that all of the sudden she ran towards it. I remembered how my dad used to carry me as we watched dancing fountains together. It's our favorite thing. Parang kaunti na lang din ay hawakan ko na ang tubig doon o 'di naman kaya magtampisaw sa sobrang tuwa.



Saktong pagkatapos ng show ay may kumalabit na sa'kin. "Ice cream for the kid." Abot ni Joaquin sa'kin ng sorbetes. Kinuha ko iyon at yumakap sa kanya. "Thank you for today," mahina kong sambit.


"I should be the one thanking you. Thank you for bringing me to places that can give me knowledge. You're probably a great historian during your past life." He laughed a little. I laughed too as my hug was getting a little tighter.

I have never been into many places before not until I met him. Whenever I'm with him, it feels like I'm always on a little happy joyride instead of rollercoasters. May naghihilom sa'kin at pakiramdam ko ay ligtas ako palagi basta nandito siya sa tabi ko. Maybe my brothers really did make the right choice of choosing him as someone to look out for me...


I was doing my little jumps and shaking my hands together to ease my nervousness. Nang makakalma ako ay saka ko nilingon ang aking paligid. The seats were filled with people already at ilang minuto na lang din ay magsisimula na ang laban.




Abala rin ako sa paghihintay ng simula ng laban nang may tumawag sa'kin. Gulat akong hinarap siya dahil hindi ko inaasahang magkikita kami ulit. "Ash..." iyon lamang ang lumabas sa aking bibig dahil hindi ko alam ang una kong sasabihin.



"I want to say goodbye and goodluck to you." Ngiti niya.


"Thanks. Pero goodbye? Goodbye para saan?" Kunot ng aking noo.


Lumapit siya ng kaunti sa akin. "Sa ibang bansa na ako maninirahan. Kukunin ako ng lolo't lola ko. Sila raw ang mag-aalaga sa'kin kaya for sure, doon na rin ako manganganak," saad niya.

Napatingin ako sa kanyang t'yan at nang mapansin niya 'yon ay humawak din siya ro'n. Litaw na ang kanyang baby bump at hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa at sakit para sa kanya. Ngunit sa kabilang banda, mas nananaig ang sakit.


"I'll miss you, Keira."

Saka ko lamang siya natignan ulit at pansin na rin ang pamumula ng kanyang mga mata. Kinuha niya ang aking kamay upang hawakan iyon ng mahigpit. "You've been a great friend and without you, I'm probably dead by now." She forced a laugh. "Salamat sa gabing 'yon, Keira. Salamat dahil nakita mo 'ko..."

At tuluyan na ngang tumulo ang kanyang luha. "I also want to thank Agatha for taking care of you too, as a true friend should."



"Ashley..." Nararamdaman ko na rin ang pangingilid ng akin. My lips started trembling a little.


"You don't know how much I owe you my life since that night. You... You saved me, Keira. You always do... And I... I will forever regret what I'd done between us."

Walang anu-ano'y niyakap ko na siya ng mahigpit kasabay ang pagbagsak ng aking luha na sinasabayan na rin ang kanya ngayon. "Mahal kita..." bulong ko.  "Palagi."



I haven't seen her for a long time after that night and I wasn't expecting that we would say goodbye for the last time. I wanted to hold her a little longer. Ayoko pang bumitaw pero narinig kong limang minuto na lang ay magsisimula na ang laban.




"Hanggang dito na lang, Kei." Kalas niya sa yakap namin. Nanatili akong nakahawak sa kamay niya habang pinupunasan ang pisngi ko. Pinilit ko ring ngumiti.


"Magkikita pa ba tayo ulit?"


She just looked at me straight in the eye and smiled bitterly. Hindi tumango, hindi rin umiling pero mukhang nakuha ko na agad ang sagot. Dahan-dahan ko na ring binatawan ang kamay niya. "Take care of yourself," iyon na lang ang nasabi ko.




"Before I leave, I wanted you to have this." Saka siya may kinuha sa kanyang shoulder bag. Napangiti ako nang makita ang isang maliit na bouquet ng bulaklak — baby's breath. "I love you more, Keira Denise." Unti-unti siyang naglakad paatras, palayo sa akin. Nang malagpasan na niya ang pinakadulong mat ay saka siya kumaway sa'kin.




"Until we meet again." Huling ngiti niya sa'kin saka ako tuluyang tinalikuran. Napahigpit ang hawak ko sa bouquet habang pinapanood siyang maglakad palayo. Parang tinutusok ng kung ano-ano ang buong katawan ko. Napatingin ako sa bulaklak saka ko napansin na mayroong maliit na litrato ro'n.


Para siyang mahabang film nang kunin ko iyon. Punong-puno rin iyon ng litrato namin simula noong unang gala naming dalawa hanggang sa huling litrato namin bago mangyari ang kaarawan kong iyon. Mapait akong ngumiti ulit at pinunasan ang luhang nakatakas.




"One smile is very powerful, you know." Napalingon ako sa boses na aking narinig. "I saw that." Humalukipkip siya.



"Kuya Kean!" Agad akong tumakbo sa kanya at yumakap. Nang maramdam ko ang braso niyang pumulupot din sa'kin ay bumuhos na naman ang luha ko. "You don't want to start your game with a face like that, do you?" Turo niya sa'king mukha nang makabitaw ako sa yakap.


"You two will be fine, only, in separate ways. Now, you only have one minute left to fix yourself."

"Mabuti nandito ka... Wala kang trabaho?"


"I do but stopping here for a while won't make me unemployed, though."

Natawa na lang ako. Ginulo niya ang buhok ko. Hindi niya matatapos panoorin ang laban ko dahil may kliyente pa siyang kaylangang asikasuhin. Pero sapat na ang saglit niyang pagbisita sa'kin bago magsimula ang laban.


Si Kuya Ken at Kel ay nasa kanilang mga bahay at manonood ng live na lamang. Ganoon din ang ibang mga kaibigan ko, maliban kay Gianna at Gabby, nandito sila ngayon. Ganoon din sina Agatha at Joaquin.

Mayamaya'y nagsimula na ang laban. Naupo ako sa mat kasama ang iba pang players. Hindi pa naman ako ang sasabak pero parang lalabas na ang puso ko sa kaba. Maliban pa ro'n, dumadagdag pa ang mga nangyari kanina sa nararamdaman ko.



Hingang-malalim, Keira. Iyon ang paulit-ulit kong ginagawa bago ako sumipa o sumuntok ng kalaban. "Sijak!" hudyat ng referee. Na-foul ako kanina sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko. Hinayaan kong mauna ang kalaban kong sumipa nang sumipa. Nang maka-tyempo na ako ay saka ko siya sinimulang bigyan ng front kicks.



I did the basics first before giving it all again. From side kicks, crescents, and roundhouse... until I finally gave my opponent a flying back kick straight to her face. It knocked her down, dahilan iyon ng pagkapanalo ko sa huling round namin.


Some scores were tied, and so far I haven't got any losses which gave me more hope that I can win this thing. Makakapag-nationals ako... Paulit-ulit ko iyong itinatatak sa aking isipan hanggang sa marating na namin ang pinakahuling round — ang finals.


Habang tumatagal ay umiingay ang buong paligid. Lalo na kapag nananalo ang pinaka-inaabangan ng lahat, si Rayna Lopez, student from Ateneo De Manila. Nang tignan ko ang scores niya ay ni isa wala pa siyang talo. Nang matapos ang huling laban niya ay tumayo na ako dahil ako na ang sunod na tatapat sa kanya.

Habang inaantay na magsimula ay nilingon ko ang gawi ng mga kaibigan ko. May banner na hawak sina Gian at Gabby at parang kaunti na lang ay lalabas na ang lalamunan nila kasisigaw.  Ganoon din si Agatha. Si Joaquin... Ayon, hindi ko makita ngayon. Napailing-iling na lang ako nang simulan ko nang ipwesto ang aking mga kamao sa aking harapan, handa na sumuntok ulit.



I bent my knees a little, inihahanda ang bwelo. Nang mag-hudyat na ng signal ang referee ay saka ako sumipa. Samantalang si Rayna ay umamba ng suntok na agad ko rin namang naiwasan. Combinations of punches and kicks made me win the first round.



Halos mabingi ako sa ingay ng paligid lalo pa't hindi ko malaman kung masaya pa ba sila o galit na dahil habang tumatagal ay umiinit ang laban. Kahit nang mag second round na, basics pa rin ang una kong ginagawa. It's my technique to know my opponent's next moves.



Mabilis akong umiwas ngunit minsan ay nadadali rin ako ni Rayna ng suntok at sipa sa mukha at tagiliran. From basics to whip kick, it made her knocked out again. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba nang matapos namin ang second round.

"Isa na lang, Monteza! Bring home the crown! Kaya mo 'yan!" Tapik sa'kin ni Coach Alec matapos kong uminom ng tubig. "Your best moves, okay? I believe in you."

Tumango-tango ako at pinunasan ang sariling pawis. Isinuot ko ulit ang helmet kong bughaw at muling tumapak sa mats. "Joon-bee, sijak!" Pagkahudyat ng referee ay agad kong binigyan ng malakas na sipa si Rayna at napaatras siya. Habang hindi pa siya nakakabwelo ay sumugod na ako at binigyan siya ng butterfly twist at back fist.

Ilang beses ko siyang pinaatras gamit ang mga sipa na madalas kong gawin. Lumaban din siya ng suntok pabalik. Axe, tornado kick at 540 ang madalas niyang gamitin. Halos parehas lang kami na advanced ang mga gamit at parehas kaming parang nawawalan ng awa sa isa't-isa. At sa bawat sipa't suntok ay lalong nag-iinit ang laban.

As much as I wanted to punch her real hard on the face, I restrained myself. Ayokong ma-foul ulit. Tagaktak na ang pawis namin parehas at overtime na rin. Our scores are still tied up kaya pinag-time-out muna kami. Lumapit ako agad kay Coach Alec at uminom ng tubig.

"Don't lose your focus. Kaya pa ba?" Tsinek niya ang mukha ko kung may pasa ba o ano. Nang makita niyang wala naman ay pinabalik niya na ako ulit sa laban. Huminga ako ng malalim at umamba ulit. Nang gamitin niya sa'kin ang 540 ay binawian ko siya agad ng butterfly kick sabay double knifehand block. Nagtuloy-tuloy muli ang laban hanggang sa mag time-out ulit.

Nang makabalik ay nagtuloy-tuloy ulit ang galaw hanggang sa tuluyan ko nang gamitin ang turning long kick. Tumalab iyon ngunit hindi ito naging sapat para mapatumba siya agad kaya naman ginamitan ko na ng push - full moon kick. It was my last straw and yet... It still didn't knock her out.

When she got up, she immediately used the butterfly twist on me. And that, without even three seconds it knocked me down the mats. Nahirapan akong bumangon dahil sa pagkabigla ng kanyang ginawa. Hanggang sa marinig na ng lahat ang pito ng referee ay nanatili akong nasa ibaba at iniinda ang sakit.

Habang tinutulungan ang sariling bumangon ay napatingin ako sa scores. Inalis ang na ang number ko ro'n at inilipat naman sa pinakataas ang number ni Rayna. Halos gumuho ang mundo ko habang nakatitig doon. Mayamaya'y lumapit na si Coach Alec sa'kin kasama ang mga kaibigan ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap.


Pagkatapos ay bumalik ako sa harapan kasama pa ang ibang players upang batiin si Rayna. And of course for the pictures. Ganoon din sina Coach Alec at ibang parte ng taekwondo team namin. Inantay kong kumonti ang tao bago ako pumunta sa pwesto ni Agatha. Naroon si Joaquin at ayaw kong malaman ng ibang magkakilala kami.

Kinuha ni Agatha ang duffel bag ko at naunang lumabas ng arena, iniwan kaming dalawa. Nang makalapit siya sa'kin ay hindi ko na napigilang yumakap sa kanya at maluha sa kanyang dibdib. "I didn't make it..."

Kumalas siya sa pagkakayakap din sa'kin saka ako binigyan ng halik sa noo. "You did great. You fight great," aniya sabay dampi ng kanyang labi sa'kin. "I'm proud of you."

Yumakap ako muli at parang... Parang ayokong bumitaw. Gusto ko na lang manatili sa mga braso niya. At ang halik na 'yon, hindi lang basta halik ang naramdaman ko. Mayroon akong hindi maipaliwanag. It calms me... His touch, his words, his presence... It all gave me peace. There's something in him that can make the crowds in my head go silent.

Sa bawat tapos ng nakakapagod na araw, siya ang palaging sumasalubong sa'kin... Sa bawat luha ko ngayon, balikat niya ang palaging sumasalo. Maraming dahilan kung tatanungin pero hindi ako ro'n bumase. Basta, isang araw trinaydor na lamang ako ng aking sarili.



Totoo na nga. Totoo na ngang hulog na ako, Joaquin...

Continue Reading

You'll Also Like

5K 72 44
Mahiyain, tahimik at walang bilib sa sarili, iyan ang mga katangian na mayroon si Sahara Graciela Torrecampo. Iniisip niyang hindi iyon ang hinahanap...
1.2M 44.6K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
157K 3.3K 50
Bargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy fa...