I'm Lori, I'm Lori too.

By Inkshiwp

190 64 4

There is a woman who lives a very simple life. She is Lori, her family is complete but she feels that it is n... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8

Kabanata 9

9 1 0
By Inkshiwp

***

LORIBETH ARMANI
Na badtrip ba siya? Bakit parang ang sungit niya sa akin ngayon. May problema ba?

"Lorisus. Galit ba si Haven?" Tanong ko sa kanya. "Bakit mo na tanong?"

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Wag mo na lang pansinin. Ganyan talaga yan."

Naka upo lang kami rito at halos mag init na ang puwit ko Dito. Wala kaseng teacher ang pumupunta dito. Ewan ko talaga kung bakit. Gusto lang naman namin mag aral at matuto, pero walang gusto mag turo sa amin. Anong oras na rin at halos mag alas onse na rin. Hindi rin nag sabi si Haven kung dating gawi naba. Kagaya nung sinabi niya nung nakaraan.

"Excuse me po?" Rinig kong sabi nung babaeng sa pinto. Si Thea! Hindi naman siya pinansin ni Haven. Ang weird nila ngayon.

"Yes?" Sagot ni Kaylen.

"Ah bakit nandito pa kayo? Hindi ba naka rating sa inyo na walang klase yung tatlong section. Kasama kayo don!" Rinig kong sabi nito kay Kaylen.

Pag alis ni Thea. Ay nag si labasan na Ang mga kaklase ko. Wala akong gagawin ngayon uuwe na lang ako sa bahay hehe. Saka makikipag-ayos pa ako kay Mama. Pinag bibigyan talaga ako ng universe. This is the sign na makipag-ayos ako kay Mama. Ano kayang lulutuin ko pag uwe. For peace offering!

Nakarating na pala ako sa baba kakaisip sa Lulutuin ko. "Lori." Tawag sa akin ni.. Lorisus.

"Bakit?" Tanong ko. "Kanina pa kita tinatawag. Hindi moko nililingon. Ano bang iniisip mo?" Galit niyang sabi.

Tinignan ko siya ng mabuti. Sobrang gwapo mo pala pag malapitan. Ngayon ko lang napansin. Matangos na ilong, medyo singkit na mata, salubong at makapal na kilay. Hugis pusong labi. And your fine jawline. Kaya hindi na kakapag-taka na maraming nag hahabol at nag kakagusto sayo. Kahit aso mag kakagusto at mag hahabol sayo.

"Hoy!" May kumakaway kaway sa mukha ko. "Ha?" Nilakihan ko siya ng mata.

"Kanina pa ako nag sasalita Dito. Ang Sabi ko kung may gagawin kaba."

"Meron, ipag-luluto ko si Mama. For peace offering." Lumakad na ako. Sinabayan niya naman ako lumakad. "Okay ka lang ba?" Tanong niya. Tumango ako. "Sinungaling." Sabi niya.

"Actually hindi. Marami talaga akong problema. Kaya wag kana dumagdag. Joke!" Tumawa ako. Kumunot naman ang noo niya nakita ko yun!

"Alam ko isa mong problema." Tumingin siya sa akin at tumingin ulit sa harap. "Problema sa Daddy. Diba?" Napa tingin naman ako sa kanya."Paano mo alam."

"Magaling ako eh." Sabi niya at ngumiti. Wait bakit nag iinit yung mata ko? Nawala ang ngiti sa labi niya. "Huy okay ka lang? May nasabi ba akong masama?" Humawak siya sa braso ko.

Nakasakay kami ni Lorisus sa kotse nila. Sabi niya ay sasamahan niya ako sa bahay at tutulungan sa pag luluto. Sabi ko sa kanya kanina na mag pa-alam muna ako kay Jian pero sabi niya ay kay Manong guard na lang daw. Dahil sasabihin din naman daw ni Manong guard kay Jian.

LORISUS RON
Sumama ako kay Lori para tulungan siya sa pag luluto. Hindi ko alam kung bakit, siguro kase may reason ako. Gusto ko lang ma kumpirma yung iniisip ko.

"Sir saan ho tuloy niyo?" Mang Toni asked me. Tumingin ako kay Lori. "Saan ka naka-tira?"

"Sa Armani villa." She answered. I know.

"Armani villa raw po Mang Toni." I said. Kumindat si Mang Toni sa akin sa front mirror. Alam niya. Buti na lamang ay naka tingin si Lori sa bintana.

"Lorisus pwede mag tanong?" She said and looked at me. I nodded. "Paano mo nalaman na problema ko si Papa?bukod kasi sa mga kaibigan ko at kay mama. Ikaw pa lang ang alam kong may alam din eh." She asked.

"Narinig namin kayo sa sine. Kayo yung nasa unahan namin diba? Umiiyak ka pa nga eh."

"Kayo yung nag bawal sa amin na huwag kami maingay?" Sabi niya. Tumango naman ako. "That's my cousin."


LORIBETH ARMANI
Kahina-hinala talaga itong lalaki na ito eh. Ano kaling nakain niya at gusto niya akong tulungan sa pag luluto. Marunong ba siya? Malamang marunong yan. Basta pogi marunong mag luto yan.

"Ganda naman dito." Sabi niya at tumingin tingin sa paligid. "Mas maganda pa rin ang bahay niyo."

"Bakit naka punta kana ba sa bahay ko?" Tanong niya at tinaasan ako ng kilay. "Hindi. Pero sa gwapo mong iyan imposibleng hindi magara ang bahay mo." Sagot ko. Ngumiti naman siya. Ehh? "Tara na sa bahay niyo?" Lumakad ito papunta sa harap ng pinto. "Weirdo." Bulong ko.

Pumasok kami ni Lorisus sa bahay at naabutan lang namin doon ay si Manang Rosaryo. Hinanap ko kaagad si Mama Sabi ko kay Lorisus ay umupo muna siya sa sofa.

Pumunta ako sa kwarto ni Mama. Nakita ko na natutulog siya. Hindi ko na siya inistorbo bumaba na rin ako kaagad. Hindi na rin ako nag palit ng damit maayos pa naman ang damit ko.

"Manang Rosaryo pwede po ba na ipag luto ko si Mama." Tanong ko kay Manang. Nag huhugas kase siya ng Plato. "Kaya mo ba?" Tumango naman ako. "Oh Sige pag kailangan mo ng tulong mag Sabi ka. Pag tapos ko mag hugas mag papahinga muna ako at masakit ang likod ko." Sabi niya at ngumiti. Ngumiti rin naman ako.

Lumapit ako kay Lorisus para makipag-chismisan muna habang hinahantay namin matapos si Manang.

"Anong pangalan ng Mommy mo?" Tanong niya pag lapit ko. Kinunutan ko naman siya ng noo. "Bakit gusto mo malaman?"

"Sige na nga wag na." Sabi niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri niya. "Joke lang teh. Beatriz name niya. Bakit mo ba natanong?

"Lori pwede kana mag umpisa mag luto." Saad ni Manang. Kaagad naman kami natingin ni Lorisus. "Naistorbo ko ba kayo?"
Kaagad akong umiling. "Hala hindi po. Lorisus Tara na."

Pumunta kami ni Lorisus sa Kusina. Si Manang naman ay pumunta na sa silid niya. Nag umpisa kami ni Lorisus sa pag kuha ng mga gagamitin. Mag luluto kase kami ng kare-kare siya nag sabi na iyon ang iluto. Mag luto na rin daw kami ng sinigang.

"Lorisus. Dapat diba iluto natin yung hindi pa alam ni Mama. Eh naka-kain na siya ng mga yan eh." Sabi ko sa kaniya. Habang hinuhugasan yung baboy na para sa sinigang.

"Eh ano naman kung nakain niya na ito. Special kaya ito kase Ikaw yung mag luluto." Sagot niya at binuksan na yung kalan.

"Paanong special? Eh naka-kain na nga siya niyan." "Saka hindi lang naman ako ang mag luluto niyan. Ikaw rin kaya."

"Kahit naka-kain na siya ng mga yan. Magiging special pa din iyan kase Ikaw mismo ang mag luluto para sa kanya. Saka pag mag luluto ka lagyan mo ng pag mamahal. Iyan ang special recipe." Paliwanag niya. Napa wow na lang ako. Pumalakpak ako sa pag ka mangha. "Nag le-level up ka ha. Lagpas 10 words." Sinamaan niya naman ako ng tingin. Sinamaan ko rin siya. Aba!

Ilang minuto na rin ang naka lipas. Hinahantay namin na maluto ang sinigang. Ang Kare-kare ay luto na. Nag dagdag pa kami ng fried chicken. Inihanda na namin ni Lorisus yung Kare-kare at fried chicken sa lamesa para matawag na namin si Mama pag luto na ang sinigang. Nag sabi si Manang na aalis raw muna siya at may pupuntahan daw.

"Dugyot mo naman Lorisus." Asar ko kay Lorisus. Ang dusing kase niya. Madumi ang damit niya at may ketsup pa sa pisnge.

"Malamang ako kaya lahat ang gumawa." Galit niyang sabi. Loh! "Galit ka nanaman. Joke lang naman...Sorry!" Sabi ko at iniwan siya sa lamesa. Pumunta ako ulit sa kusina para patayin na ang kalan at hanguin yung sinigang.

Hinain ko na yung sinigang sa lamesa at pumunta ako sa kwarto ni Mama. Gising na siya at nag susuklay ng buhok.

"Mama" Tawag ko sa kanya pag pasok ko sa kwarto niya. Napa lingon naman ito kaagad. "Lori." Ibinaba niya ang suklay at kaagad na lumapit sa akin. Yumakap ito sa akin."Kain na tayo Ma. May kasama ako."

Umalis siya sa pag kakayakap sa akin. "Sino?" Taka niyang tanong. "Kaklase ko na medyo kaibigan." Ngumiti naman siya sa akin.

Bumaba na kami ni Mama. Naabutan naman namin si Lorisus na nakatayo sa lamesa. Hinahantay niya ba kaming bumaba. Tumingin sa akin si Mama na may gulat na hitsura.

"Hello? Sino ka?" Tanong ni Mama pag lapit namin sa lamesa. Bumulong ako kay Mama. "Siya po yung Kasama ko." Nagulat pa ito.

"Hello po. Lorisus po." Kinuha ni Lorisus yung kamay ni Mama at nag Mano. "Nice to meet you po Tita..?"

Ngumiti si Mama. "Beatriz Tita Beatriz. Nice to meet you rin." "Oh siya kain na tayo?Baka lumamig yung pag kain."

Nag simula na kaming sumandok ng pag kain. Pero panay ang tingin ni Mama kay Lorisus. "Lorisus? May Dala ka bang extra shirt mo?" Tanong niya kay Lorisus. Umiling naman itong isa. "Wala po eh."

"Lori." Sabi ni Mama. "Po?" Sagot namin ni Lorisus. Napa kunot naman noo ni Mama bago tumingin sa amin. "I'm Lori." Tinaas ko yung kamay ko.

"I'm Lori too." Nag taas rin ng kamay si Lorisus. Napa sapo na lang sa noo si Mama.

"Okay LORIbeth. Pahiramin mo muna ng damit si LORIsus." Diin ni Mama. Eh?

"Puro may design na ano yung damit ko."

"It's okay!" Sagot ni Lorisus. Nag thumbs up naman ako.

Dali Dali akong tumakbo papunta sa kwarto. Namili agad ako ng damit na ipapahiram sa kanya. Syempre dapat yung hindi pa gaanong gamit. Aba naman. Mahiya tayo!
Tinanggal ko sa hanger yung brown kase mas bagay sa kanya iyon. Saka malaki ang tatak na buttercup hehe. Kala mo ha! Nilibot ko yung mata ko rito. May kukunin ako eh?... Ah yung notebook. Dinampot ko yung notebook at bumaba na.

"Haloo guys. Eto na!" Sabi ko sa kanila. Binulat-lat ko yung damit at pinakita sa kanila. "Jarannnn!" Nag ka tinginan naman sila. "Bakit?"

"Okay lang ba sayo yan?" Tanong ni Mama kay Lorisus. Tumingin naman si Lorisus sa akin ngumiti naman ako. "It's fine Tita." Tumayo si Lorisus at kinuha sa akin yung damit. Muntik pa malag-lag yung notebook na hawak ko.

Pumunta si Lorisus sa cr. Ako naman ay umupo na. Tumingin ako kay Mama.

"Ma." Tawag ko sa kaniya. Lumingon naman ito agad. Ngumiti siya. "Ah kase Ma. May nakita po akong notebook hehe." Pinakita ko yung notebook na hawak ko. Nanatiling naka tingin lang si Mama sa akin.

"Alam ko pong sa akin ito pero. Bakit nakatago pa rin po ito?Bakit hindi niyo po itinapon kasabay ng iba pang notebook ko rin noon?"

"It's your favorite notebook." Ngumiti siya. Nakunot naman ang noo ko. "Favorite?Bakit?Paano?" Dumating si Lorisus at naupo na. Nag simula na kaming kumain. Itinabi ko ang notebook ko.

"Favorite mo yan kase bigay sayo yan nung enemy mo, pero naging friends din kayo." Sabi ni Mama. "Sinong enemy?wala ako matandaan?"

"Yung batang kapit bahay natin sa dati nating apartment." Paliwanag niya. Eh? "Ah singit lang po." Napatingin kami kay Lorisus. "Saan po kayo naka Tira dati?" Tanong niya.

"Sa apartment ni Liwayway." Sagot ni Mama. Alam ba niya yon. Eh rich kid yan. Tumango si Lorisus. Sus!

"Nay kwento mo sa akin mamaya yan ha! Gusto ko malaman ." Sabi ko kay Mama.

"Mag paalam ka na." Saad ni Lorisus. Huh?

"Saan? Aano?" Taka kong tanong. "Yung program."

"Ayy oo nga pala." Tumingin ako kay Mama. "Nay okay lang po ba na dito kami mag practice?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. "Okay lang naman. Wala rin naman kase sina Tita at Tito mo."

"Paanong wala po?Umalis?"

"Umalis may business trip sila. Kaya ako ang mag babantay sa mga pinsan mo. Yung mga maids nila Pina uwe muna nila para naman makapag-pahinga sila." Paliwanag niya. Tumango na lamang ako.

Patapos na kaming kumain. Noong biglang may tumunog na cellphone. Obvious naman na hindi akin yun. Wala naman akong Ganon.

Kinuha ni Lorisus ang cellphone niya at tumayo. "Sagutin ko lang po Tita." Ngumiti ito kay Mama. Tumango naman itong Nanay ko. Lumayo siya ng kaunti.

Busog na ako pero kinuha ko pa yung huling manok sa plato. Hehe! Takaw.

"Yeah yeah. Pauwe na rin po ako. May pinuntahan lang." Rinig kong sabi ni Lorisus sa kausap niya. Tumingin si Lorisus sa gawi namin at ngumiti. "Yeah bye." Lumapit ito sa amin. Ayy kay Mama lang pala. "Tita. Kailangan ko na po umalis. Hinahanap na po kase ako sa bahay." Paalam niya.

"Oh Sige ha. Sa uulitin. Kapag may time ka pa punta ka dito. Ako naman ang mag luluto para sa inyo." Sabi ni Mama. Ehh? Yumakap naman si Lorisus kay Mama. Tuwang tuwa naman ang Nanay ko.

"Bye cry baby." Saad ni Lorisus sa akin at iwinagay-way pa ang kamay at lumakad na palabas ng pinto. Napa ngiwi naman ako. Hala wag kana babalik. Mas mahal ka pa yata ng Nanay ko kesa sa akin eh.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 49.1K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
471K 13.7K 105
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc
869K 40.3K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
112K 5.6K 53
(y/n) (l/n) a girl who was born in the modern world who somewhat ends up in the taisho era of demon slayer. Her sassiness and eccentric attitude capt...