BENTE-UNO (Numerical Series #...

By theunknown_dreamer

69 0 0

Erin Moore, grew up having all her plans laid out by her parents. She can't say no because her life will depe... More

Prologue
Bente-Uno: Chapter 01
Bente-uno: Chapter 03
Bente-uno: Chapter 04
Bente-uno: Chapter 05
Bente-uno: Chapter 06

Bente-uno: Chapter 02

9 0 0
By theunknown_dreamer

Chapter 02

After Fine






"Erin Moore! Gising!" Malakas na kalabog mula sa rehas ang narinig ko mula sa pwesto ko. Agad akong napamulat at tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama dahilan para tignan ako ng mga kasama ko sa selda. As usual, I didn't pay any attention to them. I've been here for almost, what? 3 years?



"Bakit?" Walang gana kong tanong sa pulis na nasa harapan ko ngayon. Tanging rehas lang ang pumapagitna saaming dalawa.



"Laya ka na." Saad niya at agad na binuksan ang pintuan ng rehas.

"Laya?" I confusingly asked.



"Oo, laya ka na. May nag-piyansa na sa'yo" Tumingin siya saakin, "Ano, lalabas ka ba o isasara ko 'to ulit?'




Napairap na lang ako at agad na lumabas ng selda. Sunod-sunod ko namang narinig ang mga hirit ng mga kasama ko sa loob ng selda. They always call me the "beauty queen", "miss ganda" and whatsoever nicknames they can call me. It is kind of exhausting, but I bared with it because if I don't— if I fought with them just because of it, alam kong mapapahamak ang buhay ko at wala 'yon sa plano ko.




"Pirmahan mo 'to at ito." Inabot saakin ng isang babae ang dalawang folder na nakalagay kanina sa lamesa niya.




Kalalabas ko lang galing ng banyo dahil nagpalit ako ng damit. Galing daw ito sa taong nag-bayad ng piyansa ko para raw makalaya ako. I don't even know whom that person is, pero dalawa lang ang nasa utak ko. Puwedeng si mommy or si daddy ang nagbayad ng piyansa ko pero duda ako dahil alam kong disappointed sila sa nangyari.



"Ms. Erin Moore, ito na ang mga gamit mo." Abot saakin ng isang lalaking pulis na may hawak na tray at nakalagay sa loob ay ang mga gamit ko noong araw na hinuli nila ako. Nakalagay pa sa loob ng plastic 'yon.



"Salamat." Saad ko at agad na kinuha ang bag at wallet ko. Sinilip ko ang wallet ko at nandoon pa naman ang ilang ID ko at alam kong ang postal ID ko ay expired na. I don't even know if I can renew my ID that easily, knowing that I already have a criminal record.



"Dito po." Saad ng pulis na naghatid saakin sa may gate palabas ng kulungan. At nang bumukas ang gate ay lumapit saakin ang isang pulis dahilan pasa mapangiti ako.



"Chief Ramosa..." Saad ko dahilan para mapangiti siya.



"Erin, laya ka na. Nawa'y ito na ang huling beses na makikita kita rito."



Napangiwi ako, "Ito na talaga ang huli dahil hindi na ako babalik dito."



Tinapik niya ang balikat ko, "Siguraduhin mo lang, ija. Sayang ang buhay mo kung gagawa ka lang ng mga bagay na alam mong pagsisisihan mo. O siya, sige na, lumabas ka na at sigurado akong may nag-aantay na sa'yo sa labas."

I shook his hand before I finally waved my  hand for a proper goodbye. Suot ang jacket na binigay saakin ni Chief Ramosa ay tuluyan akong lumabas. Itinaas ko ang hood ng jacket at nilagay sa ulo ko dahil agad akong sinalubong ng mataas na sikat ng araw dahilan pasa mapakunot agad ang noo ko.

"Punyeta, ang init!" Agad akong napalingon sa tabi ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.



Nanlaki ang mata ko nang salubungin niya ako nang kaniyang malawak na ngiti, "Francis?!"


"Ako nga! Sino pa bang aasahan mo?" Sagot niya saakin.

Agad akong lumapit sakaniya at niyakap siya nang mahigpit. Sa sobrabg higpit ay narinig ko pa ang malakas na daing niya dahil daw ay naipit ko ang beywang niya sa dalawang braso ko na nakapalibot sa katawan niya.


"Ikaw ba ang nagpiyansa saakin?" Tanong ko sakaniya


Tumango siya, "Oo! Kaya malaki ang utang na loob mo saakin ngayon. Sayang ang ganda mo kung mabubulok ka lang sa kulungan. Ang talino mo kasing tao pero naisipan mo pang sirain ang buhay mo dahil lang sa lalaki!"

Napangiwi ako dahil sa sermon niya pero totoo naman kasi siya. But, to be honest, everything that happened 3 years ago wasn't just because of Clark. I know I made a mistake, and I deserved to be in jail. I almost killed a fucking kid or maybe even a fucking family dahil sa pagmamahal ko kuno.


"What happened to my family?" Tanong ko kay Francis na nagmamaneho. Sabi niya ay kailangan ko raw umuwi ng bahay dahil gusto raw akong makita ng pamilya ko. I do doubt that, but okay, I'll play along.


"Well, what do you think? Bumagsak lang naman ang career ng tatay mo. Binatikos ang pamilya mo at ang balita ko hindi na umuwi ang dalawa mong kapatid sa Pilipinas dahil sa nangyari. They're living internationally, and I know, for good na siya." Sagot niya saakin dahilan para mapakunot ang noo ko.

Hindi ko alam kung sarcastic ba siya o talagang pinamumukha niya lang talaga saakin na kasalanan ko ang lahat? But, I don't care. Maybe they do deserve these things, too. I mean, partially, may kasalanan din sila kung bakit ako naging ganito. Only if they can feel what I have felt before, they will know na kasalanan talaga nila kung bakit ako nabaliw sa isang lalaki.

"What are your plans now, Erin?" He asked

I shrugged my shoulders, "Dunno? Mukha bang may plano ako after what happened? Wala, Francis. Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng trabaho ang tatanggap sa katulad kong kriminal."

"Well, psychologically speaking, you have a mental disorder, so I think there's still some jobs na tatanggap sa'yo." Saad niya

"Francis, are you nuts? Mental disorder? Meaning, mentally unstable ako. Sa tingin mo may tatanggap pa sa katulad ko? You know what, let's not talk about this. I will manage, I have my own money naman."


Nabalot ng katahimikan ang biyahe namin dahil hindi na sumagot pa si Francis at hindi na rin siya nagtanong pa. I think, he knows or he figured out that I want a peaceful environment right now. Nag-play na lang siya ng music at hinayaan ko na lang siya na sabayan ang kanta. Nakatingin lang ako sa mga nadadaanan namin hanggang sa tuluyan kaming na-traffic sa EDSA dahil sa rush hour.



Ano nga ba talagang nangyari sa loob ng tatlong taon? Honestly, I was diagnosed with a mental disorder called Intermittent Explosive Disorder. Wherein, may mga aggressive outbursts ako reason para maging impulsive ako kaya nagawa kong saktan sina Georgia. All throughout that 3 years, nagt-therapy ako. May mga gamot akong tinatake ay ginawa ko ang lahat ng ways to cope para hindi ako magkaroon ng sudden aggressive outburts. But sometimes, it feels like there's something inside of me that always wants to get out. It feels like there's a monster living in my shadows.



Parang sa kanta ng One Direction na Stockhold Syndrome. There's some shadow holding me hostage and that shadow is just me. Some people won't understand, some people will think na sadyang baliw lang talaga ako kaya ko nagawa 'yon pero ang totoo? I don't deserve to live happily because of what I did. I developed insomnia because of that. Gabi-gabi na rin akong binabangungot dahil doon.




What happened to Georgia? Well, I don't know anymore. Ang huli niyang bisita saakin ay noong nakaraang taon pa ang ang balita ko ay nasa ibang bansa na siya kasama ang pamilya niya. Good for her. It's good for Enzo, and it's good for Clark. Good for everyone around her. She deserves to be free, and she deserves to get away from me. I don't deserve her kindness after what I did.




"Nandito na tayo. Anong balak mo?" Tanong saakin ni Francis nang maiparada niya na ang kotse niya sa tapat ng bahay nina mommy.



Sumilip ako sa labas at katulad ng dati, magarbo pa rin tignan ang bahay. Puti pa rin ang kulay ng pintura may touch ng black sa ibang bahagi ng bahay. Walang nagbago, maliban na lang siguro sa tuyong mga halaman na nasa labas ng gate. Nakakapagtaka na hindi tuyo na ito dahil alam kong alaga ni mommy 'yon at baby pa nga ang tawah niya sa mga halaman na 'yon.



"I don't know? Kausapin sila tutal sabi mo gusto nila ako makita."




"Okay, I'll wait for you here in the car, just in case..." Saad niya at tumango ako sakaniya. Iniwan ko na ang bag ko sa loob ng kotse niya dahil wala rin naman akong balak mag-stay dito. Kukunin ko lang ang ilang gamit ko at ang mga cards at pera na naitago ko.




Nakatayo na ako sa main door ng bahay. Huminga ako nang malalim bago ako tuluyang kumatok sa pinto. Malakas at tatlong beses lang ako kumatok at hindi rin nagtagal ay bumukas ang pinto. Aling Tonya opened the door, and a faint smiled painted on her lips. She gestured me to walk inside our home— my parents' home. Pumasok naman ako at agad na bumungad saakin ang malinis na bahay. Agad akong napalingon sa may hagdan kung saan ko narinig ang malakas na tunog ng heels na tumatama sa semento.




"Look who's here." Tumingin ako sakaniya at pinagmasdan niya ako mula ulo pababa sa paa ko, "Wala ka nang karapatan para bumalik sa pamamahay na 'to, Erin."




"Mom..." Mahina kong sambit.




"Don't call me mom! I am not your mother anymore. Kaya lang kita pinapunta sa bahay na 'to para kunin ang mga gamit mo dahil pinapalayas na kita!" Sigaw niya saakin at agad siyang lumapit saakin at umalingawngaw ang malakas na sampal niya sa pisngi ko.




"What the fuck?!" Malakas na saad ko.

"What did you say?!"



I glared at her, "Okay! Kung pinapalayas mo na ako, edi fine! After all, pera ko lang naman ang habol mo saakin 'di ba?"




"Anong sabi mo?!"




"Totoo naman, 'di ba?! You used me for your fucked up dreams. Ginawa mo akong manika para ano? Para ako ang bumuo ng mga pangarap mong hindi mo nagawa 'di ba?! You only love me if I do this and if I do that! Pero sino ba ako sa buhay mo kapag natatalo ako sa nga pageants? Wala! You will always blame me. You will always hate me, not until mabigay ko ang mga luho mo! I am so done providing all of your wants! I am so done with you pressuring me to do things that you want! Paano naman ako?!"




She smirked, "Paano ka? Bakit? Ano bang mapapala mo sa paggiging director ha? Ano bang mapapala mo sa pagging scriptwriter, Erin? Wala! Wala kang mapapala sa industriya na ganyan! Inalaagan kita, pinalaki, at binihisan tapos ganito ang gagawin mo saakin? Isa ka na ngang kriminal, wala ka pang utang na loob saakin?! Ang kapal talaga ng mukha mo!"




"Makapal na kung makapal. Pero tandaan mo, ako ang nagbigay ng kung ano ang meron ka ngayon. 'Yang kwintas mo, 'yang mamahalin mong mga bag, at ang mga sapatos mo. Kanino bang pera galing 'yon, hindi ba't saakin?! Mommy! Anak mo ba talaga ako? Kasi hindi kita naramdaman. Lagi na lang 'yong gusto mo. Lagi na lang ang mga pangarap mo. You pressured to do things. Maghubad para sa isang magazine, mag-model sa isang brand na alam mong manyak ang CEO, para ano? Para mamaintain ang image ng pamilyang 'to. I am not your daughter, and I will never be your daughter sa mga mata mo. Kasi para sa'yo, bangko mo lang ako."




"Kunin mo na lahat ng mga gamit mo, tutal sabi mo sa'yo lahat galing 'to eh. Ang yabang mo! I didn't raise you to be like this!"




Ngumiti ako kahit alam kong dere-deretsong pumapatak ang luha ko, "You didn't raise me, mom. I raised myself. At oo, aalis na ako sa bahay mo at ito na ang huling beses na makikita mo ako."




Agad akong umakyat at dumiretso sa kwarto ko. Hindi na ako nabigla nang makita ko ang dalawang maleta at isang bag na nasa kama. Halatang pinlano niya na ang lahat. Agad akog dumiretso sa walk-in closet ko at binuksan ang hidden drawer ko na kung saan doon nakalagay ang mga credit cards ko na iba ang account number. Kinuha ko na rin ang cash na tinabi ko at inilagay sa isang shoulder bag na nakasabit sa gilid. Sinabit ko ang shoulder sa hawakan ng isang maleta at inayos ko sa likod ko ang isang bag ko at sabay na binuhat ang dalawang maleta. Mabigat siya pero kinaya kong ibaba ito hanggang sa makalabas ako ng bahay.





"Let me help you." Saad ni Francis na kabababa lang ng kotse. Kinuha niya ang dalawang maleta at nilagay sa likod ng kotse. Nilagay ko na rin ang bag na nasa likod ko at agad na sumakay sa shotgun seat. Pag-upo ko ay agad akong napasabunot sa sarili ko.




"Fuck!" Malakas kong mura, "I don't know where I will stay!"




"You can stay with me sa apartment ko muna until you can find your own place." Suggestion ni Francis.




Lumingon ako sakaniya, "You sure? I can pay you naman. I have cash right now."





He smiled, "Yeah, I'm sure. Pero ngayon lang ha? You need to find your own place, as soon as possible. Uuwi na ang boyfriend ko next week, kaya make sure by next week may own place ka na."




Tumango ako sakaniya, "Thanks, Francis."

Continue Reading

You'll Also Like

586K 43.8K 34
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
704 94 43
Mabibigat na hakbang pa-alis sa kung saan nagsimula ang sakit, basang kalsada, at malakas na pagbuhos ng ulan ang pumapatak sa aking buong katawan. ...
3.4K 518 46
"Thanks for making me happy even if it was only a short period of time kahit pa fake emotions, fake feelings, and fake love lang ang meron tayo." Whe...
6K 732 9
#1 KYRU as of April 01,2024 #9 KYRU as of March 06,2024 #14 in Oneshotstory as of March 06, 2024 #14 in WattpadPhilippines as of March 09,2024 #161 i...