Perfect (Montenegro Series #7)

By ynknpaper

1K 54 5

Montengro Series #7. Everything needs to be perfect. As one of the eldest Montenegro heirs, Makyla Corrine Mo... More

Perfect
SIMULA
01
02
03
04
05
06
07
09
10
11
12

08

65 5 0
By ynknpaper

I am dreading this day to happen. Kung pwede nga lang i-iskip nalang ang araw na ito ay gagawin ko ang lahat para lang mangyari iyon. Today is the mid-month report sa journ club kung saan irereport namin ang progress namin sa buong club. This is also a way to check if there is a progress with the project o kapag may problema sa isang column ng paper ay magagawan ito kaagad ng paraan. 

The main reason why I don't want to go there is because of Caspian. Because of what he did a couple of days ago. Ayaw ko lang na maintriga pa lalo sa kanya because nothing is happening with us. Nothing.

"Ngayon ang mid-month report niyo, diba?" tanong sa akin ni Janine habang nililigpit niya ang gamit niya.

"Hmm" matamlay kong sagot habang ginagaya ang ginagawa niya.

"Hindi ba dapat masaya ka at malapit na matapos ang project mong ito. Goodbye stress na."

"I don't think so." tinaasan naman niya ako ng kilay bilang pagkukwestyon sa sagot ko.

"Naalala mo yung kinwento ko sayo nung nakaraan?" tumango naman siya. "I'm sure the journ club will use that opportunity to grab the chance to have Caspian in the school paper next month." 

Tinawanan naman niya ako kaya inilingan ko nalang siya at nagpatuloy na sa pagliligpit. Kahit kailan talaga tuwang-tuwa si Janine kapag nahihirapan ako. Napakabuti niyang kaibigan sa akin kahit kailan. Nang tumigil na siyang tumawa ay napa-angat na ako ng tingin sa kanya at may nginuso naman siya sa likod ko.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Rei sa akin ng magtama ang mga mata namin.

Nilingon ko muli si Janine atsaka marahong tumango sa paanyaya ni Rei. Minadali ko ang pagliligpit ng gamit ko at sinundan siya palabas ng classroom. Tahimik ko lang siyang sinusundan at napapansin ko rin ang ilang mga tingin ng schoolmates namin sa gawi namin. Dinala niya kaming dalawa sa loob ng botanical garden kung saan kukunti ang tao kaya medyo naginhawaan naman ako.

"I'm sorry for dragging you here. I know, wala na akong pakialam but I can't help but be worried for you." saad niya kaya napakunot naman ako ng noo.

"May namamagitan na ba sa inyo ni Caspian?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Wala." mabilis na tanggi ko.

Ang singkit niyang mata ay lalong naging singkit upang timbangin ang naging sagot ko. Medyo nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa ginagawa niya.

"Not yet." verdict niya kaya napatayo ako ng maigi.

"Walang kami, Rei."

Medyo naiinis ako kasi feeling ko ay nag-coconclude na agad siya ng hindi pa naman mangyayari. Mas lalo namang hindi ko naman hahayaang mangyari. Caspian is.. he's a different kind of specimen that you should be careful around. 

"I'm sorry. Hindi ako nandito para maging bitter ex. I don't care about Caspian anymore. I am more worried of you than him." sabay yuko niya.

"You don't have to worry. Wala namang mangyayari." seryosong saad ko at tumango siya pero alam kong hindi niya ako pinaniniwalaan.

"Caspian's family is powerful, Corrine. Alam ko namang kayo rin but they're different. They are back with many influential families, Chinese families to be exact. They will do anything in their power para lang maipakasal si Caspian sa isang Chinese. I just want you to guard your heart and be more careful. Mahirap kumalaban ng pamilyang matinding pinanghahawakan ang tradisyon nila." sabi niya at hinawakan ang balikat ko.

Nginitian niya ako at nauna na siyang lumabas ng botanical garden. It's the second time now that someone is warning me about my association with Caspian. I don't know why but the more that they warn me, the more I want to prove something to them. Umiling na lang ako at nagsimula ng maglakad papuntang journ club room. May mga napansin akong nag-uusisa sa akin kung may something ako sa katawan ko. Medyo nainis ako sa pang-uusisa ng mga tao kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Can you please stop staring? Hindi kami nagkasakitan o ano so please refrain from prying. It's annoying and its rude." malakas na reklamo ko at agad agad namang nag-siiwasan ng tingin ang mga taong nasa paligid.

"Great." pabulong na komento ko dahil alam kong may mang-iintriga na naman ng ginawa ko mamaya sa freedom wall ng school sa social media.

The meeting goes smoothly and rapidly o sadyang hindi lang ako masyadong nakikinig. Hindi naman nila ako masyadong inusisa sa pagpapahayag ni Caspian sa kanila ng kagustuhan nitong magpa-interview kung ako ang gagawa ng column na ilalaan para sa kanya. I am thankful for that dahil ayaw ko ng dadagdag pa sa iisipin ko para ngayong araw.

Nakatulala akong naglalakad papuntang waiting area dahil susunduin ako ni Kuya Ajeer ngayon dahil malapit na rin ang oras ng uwian niya. Masyadong naubos ng mga pangyayari ngayon ang energy ko. Nakarinig ako ng magkakasunod na yapak ng sapatos kaya tumabi ako dahil baka dadaan ito sa gilid ko at nagmamadali.

Napasinghap ako ng maramdaman kong may humawak sa braso ko at iniharap ako nito sa likod ko. Nakita kong si Caspian ito at ngayon ay inililibot ang buong mata sa buong katawan ko. Unti-unting kumunot ang noo ko at marahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Bakit?"

"Are you hurt?" tanong niya na puno ng pag-aalala.

"No, bakit naman ako masasaktan? Nag-lalakad lang naman ako." naguguluhang reply ko sa kanya.

"Are you sure?"

"Yes, I am, Caspian." madiing sagot ko at saglit na tiningnan ang pang-basketball niyang suot. He looks handsome.

"Are you going home already?"

Tiningnan ko muna siya saglit bago tumango. He loudly sighed and combed his hair back a bit before putting a small distance between us.

"I heard that you and Rei talked." 

"Ah." komento ko at tinaasan naman niya ako ng kilay dahil don. "She just told me something."

"Don't listen to her." utos niya.

Naguguluhan naman ako sa gusto niyang mangyari. Why is he concerning himself with the likes of me? For someone na laging chinichismis ng mga kababaihan na magaling sa pakikipag-usap, malabo siyang tao. Hindi ko alam kung paano babasahin ang mga kinikilos niya dahil kaunti lang naman ang pagkakataon na magkasama kami. Ayaw ko ring bigyan ng kung ano ang ipinapakita niya sa akin dahil ayaw kong magkamali.

This thing that we have should stop. Alam kong kanina ay gusto ko pang patunayan ang sarili ko sa mga taong nag-babala sa akin but now, a rational side of me wins and is telling me to cut ties with him already. It will be a worth it decision.

"Only listen to the words that I am telling y-"

"Bakit ko naman gagawin yon? We're not even friends, Caspian. Why would I listen only to you?" walang kaemo-emosyong tanong ko.

Unti-unting nagbago ang emosyon sa mukha niya. I am feeling guilty aboutwhat I have said but from all the thinking that I've done today. I want to get rid of something that I am starting to get emotionally attach to. Tapos na rin naman ang interview session ko sa kanya. It's time to officially cut ties with him once again. Okay na rin yan, less commitment, less mistakes.

"Ginugulo mo na naman ba ang pinsan ko, Caspian?" narinig ko ang boses ni Kuya Ajeer sa likod ko.

Iniwas ko na ang mata ko kay Caspian at nilingon si Kuya Ajeer. I smiled slightly at him and look back at Caspian.

"Bye." tipid na paalam ko at tumalikod na.

"Ambilis naman non, Corrine. I told you to be patient with me." rinig kong saad niya habang naglalakad kami palayo ni Kuya Ajeer. 

"Is he bothering you again?" 

"No." pagsisinungaling ko.

Iyon na ata ang pinakamadaling pagsisinungaling na ginawa ko sa buong buhay ko. That night as much as I want to get some sleep ay hindi ko nagawa. Bumabagabag ng paulit-ulit sa utak ko ang nakita kong emosyon niya ng sabihin ko ang mga katagang alam kong magpapaalis sa kanya. 

"This is a very good column, Corrine. Hindi ako makapaniwala na mabilis mong natapos ang task mo para sa month na ito. Hindi kami nagkamali na sayo ibigay ang column na ito. We couldn't have done it without you so thank you." sinserong pasasalamat sa akin ng President ng club.

"Walang anuman po iyon. Kung may need pa po ng tulong, libre naman po ako." offer ko at tumango naman ito.

"Patapos na rin naman ang ibang mga columns, sadyang nauna ka lang talaga matapos. I hope Caspian will be happy when he reads the school paper. This is really a well-written output." hindi matapos tapos na papuri niya.

"Thank you po ulit." nagpaalam na ako at lumabas na agad sa journ club room.

Dalawang araw kong tinapos kaagad ang column tungkol kay Caspian. Maaga ko nga iyong natapos dahil inaamin kong nakatulong ang ginawa kong pagpapaalis kay Caspian. The paper took my mind off it for a while and I am thankful for it. Ngayon na natapos ko na ay hindi ko alam na ngayon kung anong gagawin kong distraction upang pigilan ang sarili kong isipin siya.

I still see him around. After all, nasa iisang school lang kami at hindi naman imposibleng hindi mangyari iyon. I am just too busy these past few days to even acknowledge his presence. Mukhang ganon rin naman siya. Kung ano man ang meron sa aming dalawa, ngayon ay alam kong wala lang yun. A fleeting moment. A fleeting emotion.

"Oh, there's Caspian." rinig kong bulungan ng mga tao isang araw habang nasa canteen ako at busy sa pagsusulat ng column niya.

I slightly look up and saw him talking animatedly with his friends. He looks fine so I guess he isn't bothered about what I did yesterday.

"Hindi na sila nagpapansinan ni Corrine." rinig ko ulit kaya mas lalong umingay ang canteen.

Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagpopolish ng paper dahil wala naman akong mahihita kung pagtutuunan ko ng pansin ang mga chismis at si Caspian. I cut ties with him kaya kailangan ko itong panindigan.

Pabalik ako ngayon sa classroom namin dahil lumabas lang ako saglit ng magsabi ang president namin na wala ang prof namin para sa subject na dapat ay ngayong oras. Saktong pagliko ko ay nakasalubong ko si Caspian na mukhang galing sa isang mga classroom sa floor din na ito. Hindi ko alam na nandito ang mga Grade 12 STEM students sa building na ito ngayon.

"Caspian," rinig kong tawag sa kanya.

He look back for a moment before walking pass me as if he didn't know me. It hurts. I admit it pero alam kong kailangan. If the warning signs is in your surroundings, you should not ignore it. I sighed heavily before walking back to our classroom.

"What's with the face?" tanong sa akin ni Janine habang nandito kami sa malapit na mall sa amin.

Niyaya niya ako pagkatapos ng pasok na pumunta dito dahil may kailangan din kaming bilhin para sa project na gagawin namin bukas. Kami kasi ang magkapartner dahil hindi naman ito papayag na hindi kami ang magkapartner. Baka maglupasay pa ito sa classroom kahit na gusto ko rin ng ibang kapartner.

"I'm just tired. Pwede naman kasi nating bilhin ang mga ito bukas." reklamo ko habang walang kagana-ganang tiningnan ang presyo ng isang watercolor set.

"Aalis nga kami ng fam bukas ng maaga. Pag-uwi pa ako pupunta sa inyo, sige paano natin mabibili ang kakailanganin natin kung hindi tayo ngayon bibili?" sabay pamewang niya sa gilid ko.

"Pwede naman akong lumabas."

"Hindi ka nga pinapayagang lumabas kapag weekends. Iaasa ko pa sayo?"

"Ako lang ang may ayaw lumabas 'pag weekends, Janine. My parents aren't that strict." paliwanag ko at inirapan naman niya ako.

"Ah, basta. Nandito na tayo at sisiguraduhin nating lahat ng kailangan natin para bukas ay mabibili natin."

Bumuntong hininga nalang ako bilang reply sa akin. I don't know why I became restless so suddenly. Gusto ko nalang humiga sa kama at matulog ng matulog. Parang yung pagod ko sa pagsusulat nitong dalawang araw ay ngayon lang umepekto sa akin.

"Corrine," tawag sa akin ni Janine kaya nilingon ko naman siya. "Tell me if I am wrong but isn't that Caspian?" sabay turo niya sa isang direksyon.

True enough, Caspian is standing a couple of meters away from us, holding the same red basket as I am. Mukha siyang busy sa paghahanap ng kung ano-ano at hindi inaalintana ang mga tao sa paligid niya. Napansin kong unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya ng may lumapit na isang babae sa kanya.

"You okay?" lumipat ang tingin ko kay Janine ng tanungin niya ako nito.

"Hmm, why wouldn't I be?" 

"You can show what you are feeling with me, Corrine. I am your friend." malumanay na saad niya.

"I am fine, Janine. Tapusin nalang natin ang pamimili dahil gusto ko ng humilata sa kama. I need to do our homework over the weekend din dahil may family gathering kami sa Linggo." aya ko sa kanya habang lumalayo sa kinatatayuan namin kanina ng hindi lumilingon sa likod.

See, fleeting moment. Fleeting emotion. Nothing serious happened between us and it is better this way. Ganito naman talaga dapat eh kung hindi ko lang pinairal ang pagiging competitive ko sa mga pinsan ko noon. We shouldn't have meet. However, I can't deny na habang palayo ng palayo ang distansya ko sa kanya ay pasakit ng pasakit ang puso ko.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

38.1K 1.6K 64
SYNOPSIS: Hiyal is a type of girl who makes her own life simple and normal. Para sa kanya, nasa kamay lang din nating mga tao kung paano tatanggalin...
77.3K 2.2K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...
50.2K 790 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...