pagpasok ko sa school napansin kong iniiwasan ako ng mga estudyante na nakakasalubong ko
ano kayang problema, bat nila ako iniiwasan
maya maya pa ay nakita ko si alex kaya nilapitan ko siya
"alex nakita mo ba si ruby?"
nakangiting tanong ko
pero hindi niya ako pinansin at dali daling naglakad palayo sa akin
hala pati ata si alex may saltik na rin
napatigil ako sa paglalakad ng biglang may sumigaw
"HOY AMARA BAT HINDI MO SINABI SA AKIN NA MEMBER KA NA NG INFINITY"
sigaw ni ruby sa akin sabay batok
napahawak ako sa ulo ko habang nagsasalita
"natakot akong sabihin sayo eh baka magalit ka at sabihin mong pinagpapalit na kita"
binatukan niya ulit ako
"sinong nagsabi sayong magagalit ako, matutuwa pa nga ako eh dahil kaibigan mo ang infinity mapapalapit ako kay tyler"
o0 nga no bat hindi ko yun naisip
kaloka buti nalang si ruby hindi ako iniiwasan, pero teka bakit kaya nila ako iniiwasan
matanong nga sa bestfriend kong matalino
"alam mo ba kung bakit nila ako iniiwasan?"
tanong ko
"malamang iiwasan ka ng mga estudyante dito dahil takot sila sa infinity at pati sayo takot narin sila"
weh? patay na patay nga sila sa infinity tapos takot sila... may mga saltik na talaga ang mga tao
"bat naman sila matatakot sa akin eh mabait naman ako"
"mabait ka nga pero ang infinity hindi.
halika na nga malalate na tayo kay sir Mayugba baka pagsarhan niya tayo ng pinto"
sabi niya sabay hila sa akin
ang hilig niya mang hila,.... grabe ihing ihi na ako
"mauna kana mag CCR lang ako"
sabi ko habang nagpipigil ng ihi
tinaasan niya ako ng kilay
"hay naku amara sinabi mo na yan sa akin pero hindi ka bumalik"
sa lagay kong ito? yung namimilipit na ako sa sobrang ihing ihi hindi pa siya naniniwala?
haist ang hirap magkaroon ng matalinong kaibigan, parang pulis kung umasta
"babalik ako promise"
pagkasabi ko nun tumakbo na ako papunta sa CR
napanganga ako pagdating ko sa pinto ng CR namin
grabe parang block buster sa sinihan ang pila... haist kaasar buti naman sana kung umiihi sila, hindi naman nag mamake up at nagsasalamin lang naman ang ginagawa...
nag pout ako sabay sandal sa pader habang hinihintay na umunti ang tao
"diba siya yung babaeng miyembro ng infinity"
bulong nung isang babae
"o0 siya nga, mukhang ihing ihi na siya"
"paunahin na natin siyang umuhi"
wahhh salamat ate hulog ka ng langit.
"NANDITO ANG PRINSESA NG INFINITY"
pagkasigaw nun ni ate dali daling lumabas ang lahat ng nasa cr
hala kaloka parang may bomba na malapit ng sumabog ang eksena ng mga lumabas sa CR
"wag ka ng magtaka amara kung bakit sila agad lumabas ng CR dahil takot sila sayo"
nakangiting sagot nung babae
napakunot noo ako dahil sa sinabi nung babae
"hindi naman akong masamang tao para katakutan nila at isa pa bat kayo hindi ba kayo takot sa akin"
ngumiti muna yung dalawa bago sumagot
"hindi dahil mukha ka namang mabait at isa pa kilala ka namin dahil ikaw ang pinakamatalinong estudyante sa school na to"
nakangiting sabi nung babae
ako malatino? ang sarap naman pakinggan astig
"sige mag ccr na ako"
pagkasabi ko nun pumasok na ako at umuhi
grabe pagpasok ko palang inalis ko agad yung pantalon at under ware ko...grabe parang ilang araw akong hindi umihi
paglabas ko dumiretso na ako sa room namin dahil late na ako
pagdating ko sa harap ng pintuan ng classroom namin nag dasal muna ako na sana hindi pa naka lock
huminga muna ako ng malalim tsaka dahan dahan na hinawakan yung door knob..........
shit naka lock na yung pinto, naku hindi na ako pwedeng mag absent sa klase niya baka i drop niya ako
lakas loob na to amara, para to sa pag aaral mo
KNOCK KNOCK KNOCK
pagkatok ko nilapit ko yung tenga ko sa may pinto para malaman if may mag bubukas ba o wala
narinig ko si sir na nagsasalita
"alam niyo naman na sa class ko, once na nalate ay hindi na makakapasok "
sabi ni sir sa loob
haist kainis hindi porket late na eh hindi na pwedeng pumasok... karapatan ko paring matuto dahil nag babayad kami ng tuition fee
narinig ko nanamang nag salita sa sir
"sino pa ba ang wala sa klase ko?"
ako sir ako huuhhu please open the door
"sir si amara po"
alam kong si ruby ang nagsalita dahil kabisado ko na ang boses nito
"lagot ka sir,"
sabay sabay nilang sabi
bigla namang bumukas ang pinto
nakita ko si sir na parang nakakita ng multo
inangat ko yung kamay ko para magkamot sana nang biglang napaupo si sir sa sahig na parang takot na takot
"hindi ko alam na ikaw pala ang kumakatok"
sabi ni sir na parang takot na takot
ano ba yan pati pa ba si sir takot na rin sa akin
"sir tumayo nga kayo diyan, bat ba kayo natatakot sa akin parang hindi niyo naman ako kilala, ako pa rin naman to si amara na estudyante niyo"
tumayo naman si sir.....umupo narin ako sa upuan ko
haist bat ba sila takot sa infinity eh mababait naman sila ....
nasa kalagitnaan si sir ng biglang bumukas ng malakas yung pinto kaya napatingin kaming lahat
"AHHHH ang infinity"
sigaw nung isa kong classmate dahil sa kilig
akala ko ba takot sila sa infinity o sa akin lang
"anong maipaglilingkod ko sa inyo"
tanong ni sir na mukha namang takot pero hindi niya pinapahalata
hindi nila pinansin si sir bagkus naglakad lang sila palapit sa akin
haist bastos lang ang peg mga kuya......
"tara"
seryosong sabi ni luke
ano siya sineswerte
"hindi ako sasama sa'yo may klase ako hindi mo ba nakikita"
pagkasabi ko nun tumingin siya kay sir
"sir pwede ko bang hiramin saglit si amara"
"sure"
tipid na sagot ni sir
"tara na"
hinila na niya ako agad kaya hinila ko rin si ruby
paglabas namin nakakita ako ng sampong malalaking truck at nakita ko ang mga taga waynel university
aba lilipat na ba sila ng school
"anong ginagawa nila dito sa school namin"
nagtatakang tanong ko
"magdodonate ang waynel university ng 1000 desktop na ang tatak ay apple para magamit ng mga mag aaral dito"
-harry
so kailangan sabihin ang tatak,,, o0 alam namin mayaman kayo
"nagpakabit narin kami ng cable at wifi sa buong school para sa pag reresearch ng mga estudyante gamit ang bagong desktop"
-jaxson
aba walang pambayad ang school namin
ay donate nga pala
"nagpalagay rin kami ng mga aircon sa bawat classroom"
-tyler
aba social ... pero walang pambayad ang school namin ng kuryente.... adik tong mga to ginagawang university ang school namin
"nag hire kami ng 50 chefs para magluto ng pagkain ninyo dto na libre walang bayad, free ang lahat na kumain ng breakfast, lunch at meryenda"
-kayden
so may feeding program pa talaga... naku pag naging tabachoy ako kasalanan nila
"para malaman niyo STATE UNIVERSITY po ang school namin hindi pang mayaman at isa pa walang malaking pondo ang school namin para bayaran ang bills ng kuryente"
"wag kang mag alala sa bill ng kuryente dahil ang waynel foundation na ang magbabayad...nag donate ang lahat ng mag aaral sa waynel university ng pera at dahil sayo yun amara, gusto nilang makatulong sa ibang tao"
-luke
dahil sakin? hindi naman ako nag solisit ah
"hindi lang yun nagdonate din ang kanilang mga magulang ng malaking halaga para dagdag sa ginagawa naming foundation"
-tyler
haa nandamay pa sila,,, at kelan pa nag karoon ng foundation ang waynel?
"anong foundation?"
"naisipan ng waynel university na magpatayo ng isa pang paaralan para sa mga kabataang gustong mag aral at ito ay libre hanggang mag college sila"
-kayden
ang saya,,,yaheeeeyy buti naman kung ganun
"nagpapagawa din kami ng pabahay para sa mga nakatira sa kalye"
-tyler
"maraming natutulungan ngayon ang WU dahil sayo amara"
-harry
"dahil sa akin pero bakit?"
nagtatakang tanong ko
"dahil binuksan mo ang isipan nila sa reyalidad ng buhay"
-kayden
"at dahil sayo napagtanto nila na mas masarap sa feeling ang tumulong kesa sumunod sa mga luho nila"
-tyler
ngumiti nalang ako sa kanila
buti naman nabuksan ko ang isipan nila
------
inaya ko muna sila umupo sa isang shed
"ahm tyler si ruby pala kaibigan ko"
sabi ko sabay turo kay ruby
hala nag blablush siya
"hello ruby, nice to meet you"
sabi ni tyler sabay abot sa kamay nito at nag shake hands sila
"tyler crush ka niyan kaya gustuhin mo na rin siya para maging kayo na"
bigla akong binatukan ni ruby dahil sa sinabi ko
"aray ko naman"
pagreklamo ko sabay hawak sa binatukan niya
"wag niyo ng pansinin tong si amara hindi niya alam sinasabi niya"
hindi alam,,, palagi nga niyang sinasabi sa akin na gusto niya si tyler eh
"anong hindi alam, diba nga sabi mo pa na in love ka na kay tyler, kinakantahan mo pa nga siya kahapon eh"
pagkasabi ko nun binatukan nanaman niya ako
"araaaaay"
"ayiiiiieeee magkakaroon na ata tayo ng couple sa grupo"
nakangiting sabi ni jaxson
"manahimik ka nga diyan"
awat ni tyler kay jaxson
"bakit tyler hindi mo ba gusto si ruby?"
tanong ko
"masyado pa atang maaga para sagutin ko yan girlfirend"
tugon sa akin nii tyler
paano naging maaga? gusto naman siya ni ruby eh kaya dapat gusuhin niya na rin si ruby haist naloloka na ako
"hay naku tyler wag kang mag alala mahal ka ni ruby"
binatukan nanaman ako ni ruby
arayyy, nagsasabi lang naman ako ng totoo
"hoy amara kung makapagsalita ka parang nakakaramdam ka naman ng love"
natahimik ako sa sinabi niya
hala bat ako naiiyak
biglang lumapit sa akin si ruby at niyakap ako
"sorry amara hindi ko sinasadya"
malungkot na humingi siya ng tawad
pinunasan ko yung luha ko tsaka ngumiti
"ano ka ba okey lang"
nakangiting sabi ko kay ruby
"at isa pa may mahal ako nakalimutan mo na ba"
dugtong ko
"o0 nga pala si teejay "
nakangiting sabi nito
"SINONG TEEJAY?"
sabay sabay nilang tanong na parang nagulat
"yung artista "
nakangiting sagot ni ruby
"akala namin kung sino na"
mahinahong sabi ni harry
tinignan ako ng masakit ni luke
ano kaya problema nitong lalaking to
"bakit boris may problema ba?"
tanong ko
"tsk,, magmamahal ka na nga lang sa artista pa"
tinignan ko siya ng masakit
"paki mo ba,,, bakit gusto mo ikaw mahalin ko"
pagtataray ko sa kaniya
tinignan niya ako ng masakit
"kahit kelan hindi ko pinangarap na mahalin mo ako o mahalin kita"
weh??/ eh ano yung sinabi niya na mahal niya ako
"so yung sinabi mo na ma___"
hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil bigla niyang tinakpan yung bibig ko
"shut up or else i'll kill you"
inis na sabi niya sa akin
______________________________________
A/N
sorry if hindi na po ako madalas mag a-update dahil may pasok na po kaya may limitation na po kami sa paggamit ng internet ....
libre po ang mag vote at magcomment hehehe :) :) ^_^ ^_^