DG Series #3: Never Gonna Let...

By lhiamaya

798K 26.7K 2.6K

Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito a... More

A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
END
Special Chapter

Chapter 35

16.9K 607 96
By lhiamaya

Jolene

NATIGILAN ako sa paghihiwa ng carrots ng makarinig ng doorbell. Kumunot ang noo ko. May bisita yata kami. Akmang aalis sa harap ng lababo ang bago naming kasambahay na si Ate Siony pero pinigilan ko sya.

"Ako na magbubukas Ate Siony." Binitawan ko ang kutsilyo at pinunasan ng malinis na basahan ang kamay.

Lumabas ako sa malawak naming kusina. Noong una medyo naninibago ako sa bahay namin. Kapag lalabas ng bahay ay mahaba pa ang lalakarin. Hindi gaya sa dati naming tinitirhan na apartment na ilang hakbang lang nasa labas na ng pintuan. Pero si Jeremiah ay enjoy na enjoy dito sa bahay namin. Paborito nyang parte ng bahay ay ang swimming pool. Madalas silang magswimming ng papa nya. Gaya kanina, nagbabad na naman silang dalawa sa swimming pool at kakaahon lang. Inaaya nga nila ako pero tumanggi ako dahil tutulong pa ako sa pagluluto. Tamang tama naman na linggo ngayon at wala kaming mga pasok parehas. Si Leah naman ay nasa kanila Nana.

Napakunot ang noo ko ng matanaw ko sa gate ang matangkad na babae na may sukbit na bag sa braso.

Sino kaya sya?

Muli pang tumunog ang doorbell kaya binilisan ko na ang paglalakad sa pathway. Naalala ko ang suhestiyon ni Atlas na magtatalaga sya ng mga bantay sa gate. Tutol sana ako pero sabi nya para rin daw yun sa safety naming mag ina kapag wala sya dito sa bahay. Kaya go na lang ako. Alam naman nya kung ano ang makakabuti sa amin.

Binuksan ko ang maliit na gate. Tumambad sa akin ang matangkad at magandang babae na blondina ang buhok. Nakahapit sya na pantalong itim at stilleto shoes. Ang pang itaas nya ay sleeveless blouse na puti at may scarf sa leeg. Pink na pink ang labi nya at mahahaba ang false lashes. Pero parang may kakaiba sa kanya. Parang medyo maskulado yata ang katawan nya para sa isang babae. Malalaki ang mga braso ganun din ang mga hita at binti na hapit sa suot na itim na pantalon. Ang mga paa nya ay malaki at medyo maugat at halos mapatid ang mga strap ng stilletong kanyang suot.

"Ah hi!"  Nakangiting bati sa akin ng babae.

Umawang ang labi ko ng marinig ang boses nya. Parang may mali.

"H-Hello. Sino sila?" Tanong ko.

"I'm Rika. Nandyan ba si Atlas?"

Tumaas ang kilay ko. Bakit nya hinahanap si Atlas? Huwag nyang sabihin na ex sya ni Atlas. At paano nya nalaman itong bahay namin? Sinabi sa kanya ni Atlas?

Tila umakyat ang dugo ko sa ulo ko.

"Ah miss -- "

"Ex ka ba ni Atlas?"

"What?"

"Tinatanong ko kung ex ka ni Atlas?" May katarayan ng tanong ko. Wala akong pakialam kung malaki syang babae.

Napatutop sa bibig ang babae na tila nasusuka pero parang hindi naman.

Anyare sa kanya?

"Omg! Pangalawang beses na tong napagkamalan akong babae ng mga kaibigan ko ha. Nakakaloka! Ay kennat!" Tumingin sa akin ang babae. "You're Atlas fiancee right?"

Kumunot ang noo ko. Paano nya nalaman? Sinabi rin ni Atlas?

"Oo ako nga."

Pinitik nya ang daliri sa ere at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Sabi na eh. Tama nga ang pinsan ko pretty daw ang fiancee ni Atlas. I like your beauty miss. Morena, pilipinang pilipina na may pagkalatina. Kaya naman pala forda go na si Atlas na pakasalan ka. Anyway, iko-correct lang kita, hindi ako ex ni Atlas. Eww! Gwapo si Atlas pero di ko sya type!" Litanya nya sa ipit na boses na parang diring diri.

Umawang naman ang labi ko. So mali pala ang iniisip ko. Kaibigan daw sya ni Atlas. Parang wala naman kasi akong kilalang kaibigan na babae si Atlas. Ang mga babaeng alam ko lang ay mga ex nya.

"Anyway ano palang name mo dear?"

"Ah sorry, Jolene ang pangalan ko." Nagaalangan na nilahad ko ang kamay. Agad naman nya iyong hinawakan. Pati kamay nya ay malaki. Parang kamay ng lalaki. Hindi kaya..

"Ahm, sorry sa itatanong ko ha. Pero g-gay ka ba?"

Malapad na ngumiti sya. "Yes! Pero malapit na ring akong maging babae kapag napatanggal ko na to." Tinuro nya ang harapan ng pantalon nya na medyo may nakaumbok.

Nag iinit ang pisnging nag iwas ako ng tingin at ngumiwi. Sabi na eh. Pero hindi ko inaasahan na may kaibigan si Atlas na gay. Pero mukha naman syang mabait, madaldal nga lang.

"Hinihintay ko lang na pumayag ang lola ko and then lilipad na ako ng Thailand para magpalagay ng kipay." Dugtong pa nya.

"Well, good luck sayo Rika. Sana payagan ka na ng lola mo." Nakangiti ng sabi ko.

"Aw, you're so sweet dear. Thank you. Anyway pwede na ba akong pumasok. Ang init na dito sa labas baka humulas mukap ko."

"Ay oo nga pala sorry. Sige pasok ka." Niluwangan ko na ang bukas ng gate para makapasok sya.

Giniya ko na sya sa loob ng bahay. Ang dami nyang tanong tungkol sa amin ni Atlas.

Pagpapasok sa bahay ay iniwan ko muna sya saglit sa living area para tawagin si Atlas at si Jeremiah sa taas.

-

"Rick my man!" Nakangising bati ni Atlas kay Rika at malakas na tinapik ito sa balikat.

"Aray ko naman! Makatapik naman wagas. At huwag mo kong matawag tawag na man! Woman na ako. Shutaccang inamers ka!"

Tumawa naman si Atlas at namaywang. "Man ka pa rin dahil may lawit ka pa."

"Tengenemo yawa ka!" Binatukan ni Rika si Atlas na ikinagulat ko.

Napakamot na lang sa ulo si Atlas habang natatawa pa rin. "Bakit ka ba nagpunta dito?"

"Well, kauuwi ko lang galing New York tapos nagpunta ako sa bahay ni Kes at chinika nya sa akin everything about you. Chinika nya na ikakasal ka na daw sa dati mong jowa na naanakan mo. Kaya ako nandito para mameet naman ang fiancee mo at junakis mo."

"Napakadaldal talaga nyang pinsan mo." Angal ni Atlas.

"Mabuti nga sinabi nya sa akin eh. Samantalang ikaw parang wala kang balak sabihin sa akin. Mukhang hindi pa ako imbitado sa kasal mo." Inirapan ni Rika si Atlas.

"Syempre imbitado ka, pero wala pang invitation letter. Ginagawa pa lang. Teka, nagkakilala na ba kayo ni Jolene? She's my fiancee." Hinapit ako ni Atlas sa bewang.

"Oo naman. Napagkamalan pa nga nya akong ex mo."

Malakas na tumawa na naman si Atlas. Nahiya naman ako.

"S-Sorry Rika." Hinging paumanhin ko at siniko si Atlas na tawang tawa pa rin.

"It's ok dear, sanay na ako dyan. Si Ivona nga na asawa ni Luisito napagkamalan akong kabet eh."

Napangiwi naman ako. Pero kung totoong babae talaga si Rika ang ganda nya. At kung lalaki naman ay suguradong gwapo sya kagaya ng mga kaibigan din ni Atlas.

"Anyway, nasaan na pala ang junakis nyo? I wanna see him na. Sya talaga ang pinunta ko dito. Gosh! Ikaw pala ang unang nagkaanak sa inyong anim. Ang chika pa nga ni Kester, limang taon kang nataguan ng anak." Bumaling sa akin si Rika. "Good job Jolene dear. Pero dapat pinaabot mo pa ng sampung taon para bongga."

"Anong sampung taon? Baka may iba ng asawa si Jolene nun at ibang papa ang anak ko." Protesta ni Atlas.

"Eh di mas bongga!"

"Tss, kung di ka lang binabae baka nakutusan na kita."

"Eh di subukan mo ng majombag kita." Tinaas ni Rika ang malaki nyang kamao.

Natuptop ko na lang ang bibig at pinigil na matawa. Halata kasing napipikon na si Atlas sa lakas mang asar ni Rika.

Lumabas galing kusina ang isa pa naming kasambahay at nag alok ng maiinom. Inalok ko naman si Rika. Tubig lang na may lemon ang gusto nya.

Maya maya pa ay bumaba na mula sa hagdan si Jeremiah kasama ang isa pa naming kasambahay. Bagong bihis sya. Pagbaba nya ng hagdan ay tumakbo sya palapit sa amin ng papa nya at nahihiyang tumingin kay Rika.

Namilog naman ang mga mata ni Rika at tinuptop ang bibig habang titig na titig kay Jeremiah.

"Omg Atlas! Kamukhang kamukha mo ang junakis mo." Bulalas ni Rika.

"Syempre anak ko yan eh." Proud na sabi ni Atlas.

"At mukhang mahiyain sya di gaya mo na makapal ang mukha. Mukhang nagmana sya kay Jolene at hindi sayo, mabuti naman. Hi baby boy!" Bati pa ni Rika kay Jeremiah.

Binalingan naman ni Atlas ang anak. "Anak, say hi to Tito -- "

"Tita." Pagtatama ni Rika kay Atlas.

"Tita pala, say hi to Tita Rika."

Kumunot naman ang noo ni Jeremiah at nagpasalit salit ang tingin nya sa ama at kay Rika.

"Tita? Bakit po boses tito sya papa?" Naguguluhang tanong ni Jeremiah.

Nakagat ko naman ang labi ko para pigilan ang pagbunghalit ng tawa. Pero si Atlas ay malakas ang tawa samantalang si Rika ay hindi na halos maipinta ang mukha.

"O, bata na mismo ang nagsabi nyan." Ani Atlas.

"Alam ko na kung kanino talaga nagmana tong junakis mo na pasmado ang bibig. Sa tiyahin nyang si Ava." Inabot ni Rika ang pisngi ni Jeremiah at pinanggilan. "Pasalamat ka cute ka."

Ngumiti naman si Jeremiah. "Thank you po Tita Rika. Ang ganda ganda nyo po."

"Aww, sweet ka naman pala baby boy eh. Pahug nga si Tita Rika." Binuka ni Rika ang mga braso nya. Yumakap naman sa kanya si Jeremiah.

Nagtinginan naman kami ni Atlas. Ngumiti sya sa akin at hinalikan ako sa sentido. Hinilig ko naman ang ulo sa kanyang balikat habang pinapanood si Rika at si Jeremiah na nagkukulitan na.

-

"Hmm ang sarap talaga ng lobster. Dati hanggang hipon lang tayo ngayon palobster-lobster na lang. Level up na talaga!" Bulalas ni Leah habang nilalantakan ang lobster.

"O dahan dahan lang Leah baka biglang sumakit ang batok mo at mahilo ka." Natatawang sabi ni Atlas.

"May pineapple juice naman tayo dyan di ba?"

"Oo marami sa ref." Natatawa na ring sabi ko habang nilalantakan din ang lobster na nilalagay ni Atlas sa plato ko. Pati si Jeremiah ay nilalagyan din nya sa plato at hinihimayan pa.

Totoo naman ang sinabi ni Leah. Hanggang hipon lang ang kaya naming kaining seafood noon. At miminsanan lang yun dahil mahal nga sa palengke. Pero ngayon, kami na lang ang mananawa sa mga pagkain na dati ay hindi namin nakakain. Ang double door naming ref ay punong puno ng laman ng pagkain maging ang pantry din. Heto nga at nanaba na si Jeremiah at si Leah maliban lang sa akin. Hindi naman kasi ako tabain at malakas kumain. Sawain din ako sa pagkain. Hanggang takaw tingin lang ako.

Isang buwan na kaming nakalipat dito sa malaking bahay. Ibang iba na ang pamumuhay namin ngayon kesa noong sa apartment pa kami nakatira. Hindi maingay ang paligid namin at kami kami lang ang nandito. May mga kapitbahay man kami pero layo layo naman ang pagitan. Namimiss din namin sa apartment. Dito kasi ay naga-adjust pa kami. Gaya ng pagkakaroon namin ng tatlong kasambahay na kinuha ni Atlas sa isang agency. Sila ang gumagawa ng mga gawaing bahay gaya ng paglilinis, pagluluto at paglalaba. Gusto ko nga sana ay isang kasambahay lang para may makatulong lang ako sa mga gawaing bahay. Pero ayaw pumayag ni Atlas. Kaya nga daw tatlo ang kinuha nya para hindi na ako kumilos. Ako daw ang reyna ng bahay na ito at hindi daw dapat ako napapagod.

Ako na nga rin ang pinapahawak nya ng mga atm nya bukod pa sa binibigyan nya ako ng cash. Ayoko nga sanang tanggapin yun pero mapilit sya. Kaya tinatabi ko na lang sa safety box na nasa kwarto. Matipid at masinop ako mula bata pa at ayokong baguhin yun. Ayokong sanayin ang sarili ko sa mga luho. Tinuturo ko din yun kay Jeremiah at pinagsasabihan ko rin si Atlas na huwag basta ibibigay ang gusto ng anak para hindi nya kalakihan na lahat ng gusto nya ay nakukuha nya.

Pinapahinto na nga rin ako ni Atlas na magtrabaho sa planta at dito na lang daw ako sa bahay. Tumanggi naman ako. Hindi ako sanay na hindi kumikita sa sarili kong paraan. Kaya ang sinuhestiyon nya ay magnegosyo na lang daw ako at yun naman ang pinagiisipan ko.

Napatingin ako kay Leah ng tumunog ang cellphone nya. Binitawan nya ang kutsara at dinampot ang cellphone.

"Hmm tumatawag si mama. Bakit kaya?" Sinagot naman nya ang nagiingay na cellphone. "Hello po ma."

Tumingin ako kay Leah ng matagal syang hindi magsalita. Natigilan ako sa pagnguya ng mapansin kong nakaawang lang ang labi nya at nanunubig ang mata. Kinabahan naman ako.

"Bakit insan?" Tanong ko. Pati si Atlas ay napatigil din sa pagkain at tumingin kay Leah na tuluyan na ngang umiyak.

"J-Jo.." Gumagaralgal ang boses na sambit ni Leah.

"Bakit?"

"W-Wala na si papa." Lalo pang lumakas ang iyak nya.

*****


Continue Reading

You'll Also Like

501K 36.2K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
3.8M 141K 28
Yuka wants nothing in the world more than a good old rags-to-riches kind of story. She's dealt with the rags part of it and trying to get to the rich...
8M 202K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...