Ang Malawak na Kalangitan (Pa...

By Faithful27Flower

1.8K 7 3

More

Ang Malawak na Kalangitan (Pabula)

1.8K 7 3
By Faithful27Flower

Sa loob ng isang malawak na kagubatan, nakatira ang isang batang Lobo na walang pamilya at kaibigan. Lagi siyang magisa sa lahat ng kanyang ginagawa. Ngunit, magbabago ang buhay niya simula ngayon.

Kokorokok~! Kokorokok~!

"Hm? Haa~!, umaga na pala.." sabi ni Lobo habang kanyang pinapatunog ang kanyang mga buto. Siya ay bigla nalang nakaramdam ng lamig sa kanyang likod, 'Masama ang aking pakiramdam.. siguradong merong mangyayaring hindi maganda' isip ni Lobo habang naglalakad papuntang iskuwelahan.

Habang siya ay naglalakad napansin ng kanyang mga mata ang isang aso na kulay puti at itim ang balahibo na nakatayo sa dulo ng bangin. Kung sino man ang makakakita sa aso, aakalahin nila na ito ay tinitingnan lang ang mga magagandang bagay sa kapaligiran, ngunit iba si Lobo, alam niya kung ano ang pinaplano ng Aso sa umpisa pa lamang na idapo nito ang kanyang mga mata dito. Dahan-dahan niyang linapitan si Aso at huminto sa puwestong merong likdang upang bigyan ng puwang si Aso.

Huminga ng malalim si Lobo at nagsalita, "Aso?"

Tumalikod si Aso ng kanyang narinig ang kanyang pangalan, "Bakit?"

Lumaki ang dalawang mata ni Lobo -ng kaunti- dahil sa gulat. "Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Lobo na nag-aalala. 'Anong dahilan kung bakit gusto mong tumalon?' tanong sa kanyang isip.

Ngumiti si Aso ng malungkot na ngiti at tumingin sa sahig, "Tatapusin ko na ang aking buhay." pagkatapos niyang sabihin ang pangungusap na ito, tumingin siya ng diretsiyo sa mga mata ni Lobo.

Sumimangot si Lobo, "Bakit?"

Ngumiti lang ulit si Aso ng malungkot na ngiti, "Ako'y pagod na pagod na.. Oo nga't sika't atletiko ako, ngunit para saan pa ito kung wala din namang rason para ipagpatuloy ito..? Lahat.. lahat sila ay laging o masyadong umaasa sa isang gaya ko na kapwa hayop rin, na nagkakamali rin. Sila ay minsan magagalit o minsan namay magtataka kung bakit ako'y nagkakamali sa isang bagay na pinapagawa sa akin.. Lahat sila, ako'y lalapitan kapag merong kailangan at kapag sila'y masaya na, ako'y iiwan.. at kapag ako'y lalapit para lang sa kaunting tulong, wala man iisa na gustong tumulong.. Ako ay laging mag-isa na pinalilibutan ng mga hayop.. Ako ay laging malungkot na ngumingiti at tumatawa para lang sa mga hayop na nasa paligid ko.. Nakakapagod din.. ang laging mag-isa at laging magpanggap na ayos lang ang lahat.. Ayokong maging mag-isa na lamang habang-buhay.." hinarap ni Aso ang bangin at siya'y pumikit, "Maraming salamat sa pakikinig sa isang walang kuwentang kuwento, Lobo" siya'y tatalon na sana ng bigla siyang nakaramdam ng init sa kanyang leeg. Kanyang ibinuka ang kanyang mga mata at nakita ang mukha ni Lobo.

Malungkot na ngumiti si Lobo, "Ano ba ang sinasabi mo? Hindi ba ikaw ay naging sikat dahil maganda ang ugali mo? Dahil mabait ka at lagi mong tinutulungan ang ibang tao kahit hindi mo kilala.. Atletiko ka dahil yon ang iyong pangarap hindi ba? Lagi kitang nakikita na nag-eensayo araw-araw ng nakangiti. Lagi silang umaasa sayo dahil hindi nila alam kung kanino aasa.. Inaasahan ka nila dahil sa iyong mga tunay na ngiti at mabait na personalidad na laging nandiyan para ipakita na ayos lang ang lahat. Siyempre magtataka sila, hayop din naman sila, maiilang sila kapag ikaw ay minsa'y nagkakamali dahil minsan masyado mong dinaramdam ang pagkakamali mo at pinapakita mo pa na dinadamdam mo ito. Dapat ikaw ay magpasalamat dahil merong lumalapit sa iyo, hindi sa kabaligtaran.. Ang mga ngiti at tawa na iyong ibinabahagi sa ibang hayop ay hindi ba tunay? Huwag kang magsinuwaling sa sarili mo Aso, alam kong lagi kang masaya tuwing pinapaligiran ka ng mga hayop at alam ko din na hindi ka mag-isa, meron ka namang ama hindi ba? Huwag kang tumingin sa mga bagay na wala ka.. kung hindi sa mga bagay na meron ka.. at pahalagahan mo ito ng lubos, upang hindi dumating ang araw na wala ka ng pinahahalagahan.." 'Hindi gaya ko na wala kahit ano..' lumayo si Lobo kay Aso at tumalikod. Siya ay maglalakad palayo na sana ng siya ay pigilan ni Aso.

"Sandali Lobo!" sigaw ni Aso.

"Bakit?" humarap si Lobo kay Aso.

"Gusto ko lang magpasalamat sa iyo.." ngumiti si Aso.

"Huh? Magpasalamat saan?" tanong ni Lobo na nagtataka, walang kaalam-alam sa kanyang ginawa.

"Hahaha! Nakakatuwa ka naman Lobo! Para kang walang malay!" Ngumiti ng malaki si Aso at linapitan si Lobo, "Maraming salamat Lobo" ngumiti ng seryoso si Aso.

".. Ano ba ang pinasasalamatan mo? Kung ano man ang nagawa ko, hm, walang anuman."

"Hahaha! Huli na tayo sa klase Lobo!"

"Huh?.......... EH?!!" sigaw ni Lobo, "Nako! Paano nayan, siguradong pagagalitan tayo ni Sir Bulldog!"

"Huli nanaman tayo sa klase eh.. mamasyal nalang tayo!" masayang sinabi ni Aso.

"Huh? Mamasyal? Kasama ako?" tanong ni Lobo.

"Hahaha! Oo! Ta-yong da-la-wa! Mamamasyal!"

"Pero bakit kasama ako?" tanong ulit ni Lobo.

"Dahil magkaibigan tayo!" sabi ni Aso ng punong-puno ng kasayahan.

Ngumiti si Lobo, "Sigurado ka bang gusto mong makipag-kaibigan sa akin? Lagi akong inaaway sa iskuwelahan.. baka madamay ka ng dahil sa akin.."

"Wala akong pakeelam kahit inaaway ka nila Lobo! Ipagtatanggol kita! Dahil mag best friend tayo!"

Ngumiti si Lobo, "Salamat.."

Ding Dong~ Ding Dong~

"Magandang umaga Lobo!" bati ni Aso.

"Ah, magandang umaga din sa iyo, Aso." bati ni Lobo.

"Ayos ka lang ba? Hindi na ba sumasakit ang iyong paa?" tanong ni Aso na mukhang nag-aalala.

"Ayos lang ako Aso, huwag kang magalala, wala naman akong nararamdam na sakit." sagot ni Lobo.

"O sige.. Ah! Oo nga pala! Lobo, hindi kita masasamahan mamaya sa uwian, kailangan ko kasing magensayo.. ayos lang ba sa iyo..?" tanong ni Aso na nakasimangot sa kanyang sarili.

"Ayos lang sa akin Aso, galingan mo!" agad na sumagot si Lobo upang hindi na magalala si Aso.

"Salamat!"

Naglalakad si Lobo pauwi ng nakita niya si Pusa, ang bagong lipat na istudyante na sumipa sa kanyang paa dahil sa kadahilanang hindi niya alam. Itutuloy na sana ni Lobo ang kanyang paglalakad ng napansin niya na may dugo na tumutulo sa mukha ni Pusa. Siya ay nanigas sa kanyang puwesto ng tatlong segundo bago siya tumakbo papunta sa tabi ni Pusa.

"Pusa! Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Lobo kaagad ng malapitan si Pusa.

"Che! Umalis ka dito walang-kuwentang Lobo!" sigaw ni Pusa.

"Pero Pusa! Duguan ka! Halika't ika'y aking dadalhin sa clinic ng iskuwelahan!" sigaw ni Lobo.

"Tumahimik ka nga Lobo! Nakakarindi ka! Alis!" sigaw muli ni Pusa ngunit ito'y nahulog sa binging tenga at siya'y pinilit ulit ni Lobo.

"Pusa! Huwag kang magsalita! Baka sumakit ang iyong ulo!" sigaw ni Lobo na halatang nagaalala.

"Puwede ba!, ako'y iyong pabayaan! Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino't lalo na ng tulong ng isang gaya mo!" sigaw ni Pusa na iritang-irita na.

"Pero Pusa! Kailangan mong madala sa manggagamot!" pilit ulit ni Lobo.

"Grr! Puwede bang tumahimik ka't umalis ka sa pagmumu-" siya ay naputol sa pagsasalita ng bigla nalang may dumating na apat na hayop -dalawang kulay chocolate na Pusa, isang itim na Aso at isang itim na Kabayo-.

"Akala ko ba napatay nyo na ang mayabang na Pusa na ito?" sabi ng galit na itim na Kabayo.

"Patawad po Bosing, gusto lang naman po namin na ikaw ang tumapos sa buhay ng mayabang at nakakairitang Pusa na iyan."

Tumawa ang kabayo, "Ha!, Ganoon ba! Kung ganon, kukunin ko na ang buhay mo Pusa! Magpaalam ka na sa mga mahal mo sa buhay!" sigaw ni Kabayo at tumakbo ito palapit kay Pusa.

Pinikit lang ni Pusa ang kanyang mga mata, 'Mga mahal sa buhay.. Ha!, huwag nyo akong linoloko! Ako'y magisa lamang.. pinabayaan ng aking ama ang aking ina at pati narin ako.. wala akong mapagpapaalam sa buhay na ito.. kahit isang kaibigan wala..' Hinintay niya ang atake ng kabayo ngunit wala, naghintay muli siya, wala nanaman, naghintay ulit siya, wala paren, kanyang binuksan ang kanyang mga mata at nagulat sa kanyang nakita. Sa harapan niya ay walang iba kung hindi si Lobo, sugatan at and dating kasing puti ng snow ay ngayo'y kulay rosas, siya ang tumatanggap ng mga sipa ni Kabayo. Siya ay nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib at ito'y kanyang pinisil. Tumingin siya kay Lobo ng mga matang litong-lito, "B-bakit?.."

Ngumiti si Lobo, "Dahil may karapatan kang mabuhay.. at may karapatan kang magkaroon ng mga kaibigan at may karapatan kang maging.. masaya at malaya.."

Lumaki ang kanyang mga mata at bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang ina bago ito mamatay, "Pusa, meron kang karapatan mabuhay, karapatang magkaroon ng kaibigan, karapatang maging masaya at sa lahat, maging malaya.. sa kahit ano" malapit na siyang mawala, ito'y kanyang nararamdaman na, "Mahal na mahal kita Pusa! Tandaan mo yan! Hu.. wag mong.. kalilimutan.. nandiyan lang si.. mommy at ang.. pangino... o-on....."

Nagsalita ulit si Lobo, "Hindi ka naman masama.. kahit minsan ay masakit ka magbitaw ng mga salita.. isa kang mabuting hayop.."

Tumayo si Pusa at itinulak si Lobo, "Salamat.." at kanyang pinatumba isa-isa ang mga hayop.

.

.

.

.

"Ayan tapos na!" sigaw ni Lobo pagkatapos niya ilagay ang huling band aide sa ilong ni pusa.

"...Patawarin mo ako Lobo.."

"Wala ka namang nagawang mali sa akin, huwag kang humingi ng tawad" sabi ni Lobo.

"Hindi iyan totoo, sinipa kita sa paa, tinawag kitang walang kuwenta at kasalanan ko kung bakit ka nasaktan!" galit na sinabi ni pusa sa kanyang sarili.

"Hindi naman ako nasaktan nung sinipa mo ako, sanay na akong tinatawag na walang kuwenta kaya hindi ako apektado at hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nasaktan, pinrotektahan kita, wala kang kasalanan, ako ang pumili na masaktan at hindi ako nagsisisi na nasaktan ako para sa iyo" sabi ni Lobo na may unawa sa mga mata.

"Patawad.." ibinaba ni Pusa ang kanyang mukha dahil sa hiya.

"Napatawad na kita sa simula palang, kaya huwag ka ng humingi ng tawad." bugtong hininga naman ni Lobo na nakangiti.

"Salamat...” sabi ni Pusa na may maliit na ngiti sa kanyang labi; mga luha ay malayang tumutulo mula sa kanyang dalawang kulay asul na mata. Galit at pait ng nakaraan, unti-unting nabura sa kanyang nagdudusang puso.

Ang tatlong magkakaibigan ay nagpunta sa isa sa mga magagandang tanawin sa loob ng kagubatan kung saan si Aso lang ang nakakaalam. Ilang oras na silang nag-uusap at kumakain at humabol na ang antok sa kanila. Sila ay natulog ng tabi sa isa't isa ng bigla nalang nagising si Lobo at ginising ang dalawang natutulog na kaibigan.

"Anong problema Lobo?" tanong ni Pusa habang kanyang pinapatunog ang kanyang mga buto.

"Naririnig nyo ba yon?" tanong ni Asong nakapikit.

"Iyak ng isang sanggol!" gulat na sigaw ni Lobo.

Narinig ng dalawa ang iyak ng isang sanggol at tumingin kay Lobo.

"Maghiwalay tayo at bumalik ulit dito kapag nahanap na ang sanggol!"

Silang tatlo ay naghiwalay at nag-umpisa ng hanapin ang sanggol. Si Lobo ay naglalakad patungo sa boses ng sanggol, "Hintayin mo lang si kuya.." sabi ni Lobo na palapit na ng palapit sa boses ng sanggol at sa wakas ay nakita na ni Lobo ang sanggol. Ito'y kanyang dinala pabalik sa lugar na pinagkasunduan ng tatlo.

"Ang galing mo talaga Lobo! Ikaw ang unang nakakita sa sanggol!" sigaw ni Pusa na ang ngiti ay tenga sa tenga.

"Anong ipapangalan mo sa kanya?" tanong ni Aso na nakatingin sa bata.

"Anong ipapangalan!? Hindi puwedeng alagaan ni Lobo ang maingay na Torong iyan!" sigaw ni Pusa.

"Ahahaha! Ano kaba Pusa, ayaw mo nyon, matututong magalaga ng bata si Lobo?" tanong ni Aso kay Pusa.

"Che! Guguluhin lang ng batang iyan si Lobo!" sigaw ni Pusa.

Habang naguusap -nagaaway- ang dalawa, istorbo si Lobo sa pagtingin sa mata ng sanggol, "Hm.. Toro ang ipapangalan ko sa iyo!" kanyang hinalikan sa pisngi ang Toro at ibinulong, "Simula ngayon ikaw na ang aking nakakabatang kapatid at ako na ang iyong nakakatandang kapatid! Kapag may kailangan ka, sa akin ka lang lalapit!! Mahal na mahal kita Toro!" hinalikan ulit ni Lobo si Toro sa pisngi.

Si Toro ay masayang tumawa na parang naiintindihan ang sinabi ni Lobo sa kanya at sinabi, "Ku-ya!"

Ng marinig ni Lobo ang salitang kuya sa labi ng Toro, lumabo ang kanyang mga mata dahil sa luha. Hindi niya alam kung anong pakiramdam ng may kapatid. Ang alam lang niya ay lahat ng kaniyang kaklase ay laging sinasabi na nakakairita ang kanilang kapatid. 'Mali sila' isip ni Lobo, 'Sa tutuusin.. napakasuwerte nila dahil meron silang kapatid na magmamahal sa kanila at meron silang kapatid na kanilang maaalagan.'

Ngumiti si Lobo gayundin ang dalawang naguusap -nagaaway- na pinapanood ang dalawa.

Pagkatapos ng isang buwan nakilala naman ni Lobo si Kanggaro. Si Kanggaro ay isang napakaingay at masayahing hayop na mahilig makipaglaban gamit ang kanyang mga kamao. Si Lobo ay naglalakad isang araw ng bigla nalang niya nakita si Kanggaro na nakaupo sa sahig na parang walang buhay. Agad niya itong linapitan at kinausap.

"Kanggaro? Anong ginagawa mo dito?"  tanong ni Lobo na yumuko sa harapan ni Kanggaro.

Hindi sumagot si Kanggaro na kadahilanan ng pagaalala lalo ni Lobo. Si Kanggaro ay kilalang-kilala bilang isang napakaingay na hayop at laging punong-puno ng kasiglahan. Hindi niya maintindihan kung bakit tahimik ito ngayon.

"Kanggaro? Ayos ka lang ba?" wala paring sagot.

"Kangga-!" bigla nalang tumingin si Kanggaro sa mga mata ni Lobo na kadahilanan ng kanyang pagkagulat. Pero ang ikinakagulat ni Lobo ay ang mga walang buhay na mata ni Kanggaro. "Kanggaro..?" kanyang ibinulong.

Tumulo ang mga luha ni Kanggaro, "Kasa.. lanan- ama- ina! Hindi.. aari- king ka.. patid.." hindi maintindihan ni Lobo ang sinasabi ni Kanggaro kaya'y siya'y umupo sa tabi nito't ginamit ang kanyang mga daliri para gumawa ng bilog sa likod ni Kanggaro.

Ilang oras na silang nakaupo at madilim na. Tanging ang buwan na lamang ang ilaw na nagbibigay liwanag. "Kanggaro?" tawag ni Lobo.

"Pasensya ka na... Lobo." bulong ni Kanggaro.

Ngumiti si Lobo, "Ayos lang Kanggaro! Ah.. ano nga pala ang ginagawa mo dito..?"

Bugtong hininga ni Kanggaro, "Ang aking ina ay.. namatay habang pinapanganak ang aking lalaking kapatid.. ang aking ama.. namatay dahil sa isang insidente.."

Lumaki ang mga mata ni Lobo at naramdaman niya na bumilis ang tibok ng kanyang puso, "... Paano ang sanggol..?" nanginginig na ang mga tuhod ni Lobo, masama ang kanyang pakiramdam, alam niya kung anong nangyari, ngunit hindi niya ito matanggap.

"............"

"Kang-garo? A-anong nang-y-yari sa s-sanggol..?" nahihirapan na siyang huminga at lumalabo na ang kanyang mga mata dahil sa mga luha na gustong tumulo.

Nagsimula ulit na umiyak si Kanggaro, "A-ang s-sabi ng doctor ay... m-mahina ang k-katawan n-niya...-" ipinikit ni Kanggaro ang kaniyang mga mata, "P-patay n-na s-siya..!" sabay suntok sa sahig, "Kasalanan ko ang lahat!!! Kasalanan ko!! Hindi dapat sila namatay!!"

Tumulo ang mga luha ni Lobo at kanyang ipinikit ang kanyang mga mata sa sakit na nararamdaman niya. Hindi dapat nararamdaman ni Kanggaro ang sakit na ito. Isa siyang mabuting hayop na walang ibang ginawa kung hindi mahalin, sundin, mahalin, gawin ang lahat ng kanyang makakaya, mahalin, ang kanyang pamilya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay huminto na ang dalawa sa pag-iyak. Pinunasan ni Kanggaro ang mga luha sa kanyang mukha.

"Kanggaro..?" tumingin sa buwan si Lobo.

"Hm?"

"Kung gusto mo, puwede ka munang manirahan sa aking tahanan. Meron akong nakakabatang kapatid na sanggol palamang, si Toro.. Pero kung ayaw mo maiintindihan ko.." sabi ni Lobo.

Ibinuka ni Kanggaro ang kaniyang mga mata at tumingin kay Lobo, "Sige.." ngumiti si Kanggaro ng maliit na ngiti; isang ngiti na punong-puno ng kalungkutan.

Ibinalik ni Lobo ang ngiti.

Noong una, tahimik pa si Kanggaro pero pagkatapos ng ilang linggo, bumalik ang kanyang kaingayan at masayahing ugali at dineklarang doon na siya titira sa bahay ni Lobo na kinairita ni Pusa habang si Aso naman ay nakangiti lang.

Isang araw kailangang umuwi ng mag-isa si Lobo dahil si Aso ay kailangang mag-ensayo, si Pusa nag-cutting class kaya pinaiwan sa iskuwelahan, si Toro kasama ni Kanggaro na namamasyal. Siya ay naglalakad ng bigla nalang siyang pinalibutan ng mga galit na hayop.

Ang isa sa mga galit na hayop ay sinisigawan siya habang ang iba ay gusto siyang bugbugin.

Isa sa mga galit na hayop ay bigla nalang sinuntok siya sa may tiyan. Sumuka siya ng dugo at kanyang yinapos ang kanyang tiyan gamit ang kanyang kaliwang kamay habang ang isa naman ay nakataklob sa kanyang bibig. Sisipain siya sana ng hayop na sumuntok sa kanya ng bigla nalang ito sumigaw ng malakas na parang naghihirap.

Tumingin si Lobo sa hayop na tumulong sa kanya at nakita ang isang ahas na umiikot sa katawan ng hayop na sumuntok sa kanya, "AHHH!!!". Tumakbo naman ang mga kasamahan ng hayop dahil sa takot.

Nung una ay walang napasok sa utak niya, ng nakarinig siya ng panibagong sigaw, tumalon siya at pinigilan ang ahas sa balak nitong gawin.

"AHAS! TAMA NA YAN!" kanyang sigaw, "HUWAG-!! HUWAG KANG KUMITIL NG BUHAY!! AHAS!"

Hindi nakinig ang ahas sa kanya.

"AHAS! Pa-pakiusap..! Wag kang kumuha ng buhay... M-may karapat silang m-mabuhay.. k-kahit.. nananakit sila.. ng iba.." Pinisil ni Lobo si Ahas, "Pakiusap.. Ahas.. Puwede pa naman silang magbago..." bulong ni Lobo.

Huminto si Ahas at tumingin ng diretsyo sa mga mata ni Lobo, "Nasisiraan ka na ba ng ulo?" sabi ni Ahas na walang emosiyon.

Ngumiti si Lobo, kanyang alam ang pinahihiwatig ni Ahas, 'Nasisiraan ka na ba ng ulo?' = "Kung hindi ako dumating, siguradong patay ka na. Bakit kailangang pagbigyan ang mga hayop na kumukuha ng buhay ng iba na mabuhay?", "Maaaring oo.. Ngunit kung papatayin mo sila.. hindi ba't isa ka narin sa kanila?" sagot niya.

Tumaas ang isa sa mga kilay ni Ahas, unti-unti niyang pinakawalan ang hayop. "Sa susunod na gagala ka, siguraduhin mong may kasama ka." tumalikod si Ahas at umalis; hinahanap ang ibang mga hayop na tumakas.

"Eh? Pero hindi naman ako gumagala.." tumawa si Lobo, "Masyado siyang mahiyain.." tumingin siya sa hayop na sumuntok sa kanya kanina, "Ayos ka lang ba? Wala naman sigurong nabali sa iyong mga buto.." siya ay yumuko at pinunit ang kanyang damit at inikot sa dibdib ng hayop.

"Lobo!" tumingin siya sa direksiyon ng tumawag sa kanya at kanyang nakita sina Aso, Pusa at si Kanggaro na hawak-hawak si Toro na mukhang nag-aalala.

Ngumiti siya at tumingin sa hayop na sugatan, "Pasensiya ka na, kailangan ko ng umalis, kapag nakita nila ako na kasama ka baka tanungin nila kung sino ka. Baka awayin ka pa nila.." tumayo siya, "Ingat" tumakbo siya sa kanyang mga kaibigan.

Sumunod na araw, nakita niya ang ahas na tumulong sa kanya na natutulog sa ilalim ng puno. Siya ay ngumiti at kanyang linapitan ito at bumulong ng pasasalamat at tumayo at naglakad papuntang iskuwelahan. Hindi niya napansin na gising pala ang ahas simula ng kanyang lapitan ito.

Pagkatapos ng dalawang buwan, nakilala naman niya ang kambal na Kuwago, ang Kuwagong babae at Kuwagong lalake na nagtangkang patayin siya, ngunit nakatakas.

Binalikan ni Lobo ang dalawang Kuwago pagkatapos niyang gumaling at nakita na pinaliliguran ang dalawa ng mga scorpio.

"Kuwagong Babae!" sigaw ni Lobo at agad na tinakpan ang katawan ng Kuwagong babae ng kanyang katawan ng bigla nalang umatake ang scorpio. "Ah!" Kinuha niya ang malagim na lason at pinatumba isa-isa ang mga scorpio sa galit na pag-atake sa walang kalabanlaban na hayop.

Agad nitong dinala ang dalawa sa kanyang tirahan at ginamot at tiningnan kung merong mga baling buto. Gumaling na ang dalawa at nagpasalamat ang Kuwagong babae, ng bigla nalang nahimatay si Lobo dahil sa lason na kumalat sa kanyang katawan.

Ilang araw na nanatili sa kama ang Lobo, pero hindi parin siya gumagaling. Dumating nalang bigla ang ahas at kinagat ito sa may kamay at hinigop ang lason. Gumaling narin ang Lobo pagkatapos ng dalawang araw at agad na dinalaw ang dalawang kuwago na may dalang pagkain.

"Ah, magandang umaga Lobo. Anong kailangan mo?" tanong ng Kuwagong lalaki na tinitingnan siya para sa mga sugat.

Napansin ni Lobo ang pagaalala sa mga mata ng Kuwago, 'Magaling siya sa pagtatago ng kanyang mga emosiyon' sabi sa kanyang isip, "Gusto ko lang sana tingnan kung ayos na kayong dalawa.. at gusto ko sanang ibigay itong pagkain na ginawa ko.. ah.. pero hindi niyo kailangang kainin ito.. dahil siguradong hindi ito masarap.." sabi ni Lobo na nakatingin sa sahig, ang kanyang pisngi ay sobrang pula.

Ngumiti si Kuwagong Lalaki "Ayos lang naman kami.. salamat sa pagligtas sa aking kapatid at sa pagaalaga sa amin. Kahit anong lasa ng pagkain na ibibigay mo, kakainin namin yan." tumalikod si Kuwagong lalaki ng tumingin si Lobo sa kanya; kanyang itinatago ang pula sa kanyang pisngi, "Halika't tatawagin ko lang si Kuwagong babae."

Tumawa si Lobo at kanyang hinintay ang dalawa.

Lahat sila ay magkakasama sa loob ng sampung taon. Sa loob ng sampung taon na iyon ay madami silang naranasan na paghihirap ngunit hindi sila sumuko dahil sa isa't isa. Lalong lumakas ang kanilang pagsasama at nagpasalamat si Lobo sa lumikha sa kanya at kanyang ipinangako na kanyang gagawin ang lahat para sa kanyang mga kaibigan.. at pamilya. Ang mga hayop na kanyang naging pamilya ay mahal na mahal si Lobo, nangako sila na kahit anong mangyari ay kanilang mamahalin si Lobo at kahit kailan ay hindi nila ito iiwanan at pababayaan.

.

.

.

.

.

.

.

"Hahahahaha! Maghintay ka lang! Sisirain ko ang buhay mo LOBO!" sigaw ng isang hayop na nasa dilim.

.

.

.

.

.

Huminto ang isang hayop sa kanyang paglalakad kasabay ang pagdating ng isang malakas na hangin na dumaan. 'Ano itong nararamdaman ko..?' sabi sa isip ng isang dalawampu't dalawang gulang na si Lobo.

"Lobo!" sigaw ng kanyang pamilya.

"Ah, pasensya na!" ngiti ni Lobo, "Papunta na ako!" at siya'y tumakbo papunta sa kanyang mga kaibigan, ang masamang pakiramdam na kanyang naramdam ay nakalimutan pangsamantala.

.

.

.

.

.

Kung alam lang nila ang pararating na delubyo.. Nakakaawa.. Napakasakit.. Sana'y mapigilan ang dapat na mangyari ngunit hindi dapat mangyari.. Nakakaawang Lobo.. Kung alam mo lang.. Kung ano ang sisira sa iyo.. Nakakaawa.. Hihintayin ko ang araw ng iyong..... pagkamatay.

                                                                               .

                                                                               .

                                                                               .

                                                                               .

                                                                               .

 

 

                                    ”Gamitin ang puso para alagaan ang kaibigan at pamilya mo

                                                 at gamitin ang utak para sa sarili mo.”

                                                                               .

                                                                               .

                                                                               .

                                                                               .

                                                                               .

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 49.2K 200
An epistolary
Gapang By vhfc_13

Short Story

24.1K 49 30
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
Lilac Mist By ‎

Short Story

701K 23.3K 80
an epistolary
21.1K 976 67
SHORT STORIES (OgRe)