Boyfriends Season 1 | Heartfu...

By chrisseaven

21.2K 680 228

Christian struggled to come out as a bisexual, he kept it hidden and pretend straight. Despite of that he som... More

Boyfriends
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Boyfriends
About Self
Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 17

351 17 2
By chrisseaven


CHRISTIAN LAKE

UMUWI ako sa bahay na nakasuot ng jersey na suot ko kanina sa training namin ni Kit, kaya gulat na gulat ngayon si Mama. "Wow, for the first time nakita kitang nakasuot ng short..." nilapitan niya ako at tinitignan ang jersey ko.

"Bagay ba sa akin Ma?" Tanong ko. "Yes of course..." hinawakan niya ang braso ko. "Nakaka-proud naman, meron na akong anak na athlete." Ramdam ko ang tuwa niya para sa akin kaya napangiti ako.

"Okay lang po sa inyong mag football ako Ma?" Tumango siya. "Yes naman, explore new things habang bata ka pa. Basta huwag lang pabayaan ang pag-aaral." Napayakap ako kay Mama.

Habang nasa loob ng kwarto ay kausap ko naman ang mga kaibigan ko sa Instagram. Pinakita ko sa kanila ang picture namin kanina ni Kit.


  INSTAGRAM
christian.lake

mainggit kayo please

hweblastmanstanding
yawko

jasonchixx
sanaol bakla
cute niyo dyan

hweblastmanstanding
pero dzai paalala ko lang sayo nandyan ka dahil punishment yan sayo wag masyado matuwa sa landian niyo

christian.lake
alam ko naman yon
pero alam niyo ba malakas talaga ang kutob kong hindi siya straight, sobrang sweet niya kasi sakin

jasonchixx
baka as a friend lang

christian.lake
hays napaka kill joy niyo
pero anyway kailangan ko na matulog dahil maaga pa ang training namin bukas

hweblastmanstanding
well good luck sa weekend hell mo bukas

jasonchixx
maienjoy mo pa kaya ang weekend mo eh nasa training kana lagi



Maaga akong nagising sa sobrang excited ko na makita ulit si Kit. Pinagluto din ako ni Mama ng baon dahil baka walang tinda ngayon sa cafeteria dahil saturday kunti lang ang mga students sa school.

Matapos ko kumain at suotin ang white jersey ay lumabas na ako ng bahay at nag bike, wala kasing mga school bus pag weekend. Pero ayos lang, dahil muli ko naman masilayan ang mga magaganda naming tanawin dito sa Goldenwoods. Malalanghap ko ang sariwang hangin habang nag babike dito sa gitna ng kalsada.

Pagkarating ko sa HA ay pinarking ko muna sa malawak parking lot ang bike ko bago pumasok at dumiretso sa sports complex. Nakita kong nagsimula na mag training ang Bravo Team sa field.

Napangiti ako nang makitang tumakbo ngayon palapit sa akin si Kit. "Kanina pa kita hinintay..." may ngiti sa labi niya habang umakbay siya sa 'kin.

Lumapit sa amin si Sir Oscar. "Kumusta ang training ni Christian?" Tanong niya kay Kit. "It was great Coach, mabilis niya natutunan ang mga training namin." Napangiti ako sa naging sagot ni Kit.

"Kung ganun tignan natin ang progress niya ngayon. Kaya mo na ba maglaro Christian?" Napanganga ako sa sinabi ni Sir, parang hindi ko alam anong isasagot ko. Nilingon ako ni Kit at hinihintay din niya ang sagot ko.

Dahan-dahan akong tumango. "Y-Yes Sir. Kaya ko po." Sagot ko at hinawakan naman ni Kit ang balikat ko. "Let's break a leg and enjoy the game."


Naka pwesto na ang lahat at kami-kami lang din ng team ang naglalaro. Hinati kami sa dalawang grupo at magkasama kami sa iisang grupo ni Kit. Dalawa sa team namin ang goal keeper, isa do'n si Ace, malalim ang titig niya sa akin na parang nais niya iparating na pipigilan niya akong manalo.

Napabuntong hininga ako dahil medyo kabado pa, kahit training lang 'to at hindi actual na laro sa tournament ay kinakabahan pa rin ako dahil first time kong makipaglaro sa kanila.

Nang magsimula na ay agad napunta kay Kit ang bola dahil sa bilis niya. Hinabol siya ngayon ng kabilang grupo at pilit na agawin sa kanya ang bola, napaligiran na siya kaya ipinasa nalang niya sa iba ang bola.

Habang ako ay nanatili lang dito sa kinatatayoan, hindi ko magawang gumalaw dahil hindi ko pa alam sa'n ako magsimula. Lahat sila magagaling, lahat sila mabibilis tumakbo, lahat sila ay mabilis ang galawan ng paa para maagaw ang bola, lahat sila ay bihasa na sa larong ito.

Habang ako ay parang kinakain pa rin ng kaba. Gusto kong kumilos pero parang may nagpipigil sa akin, ang takot. Ang takot na baka magkamali ako, ang takot na baka masaktan ako sa tulakan nila, at

Isang goal lang ang kailangan para maitanghal ni Sir na panalo. Kaya lalo akong natakot na baka ako pa ang dahilan na hindi kami manalo ng ka-grupo ko.


Lahat ng pag-ooverthink ko na 'yon ay natigil nang biglang ipasa sa akin ni Kit ang bola. "I believe you! You can do it Christian!" Sigaw niya. Nawala lahat ng kaba sa isang sigaw ni Kit.

Malaki talaga ang tiwala niya sa akin, kaya hindi ko siya bibiguin. Agad akong tumakbo at lalo ko pang binibilisan. Napalingon ako sa likod at nakasunod silang lahat sa akin, nanlaki ang mga mata ko nang maagaw sa akin ang bola at natulak pa ako.

Nadapa ako ngayon at tinatakbo na ng iba ang bola. Lumapit sa akin si Kit at tutulongan niya sana akong makatayo pero pinigilan ko siya. "Kit go! Ipanalo mo 'to! Kaya ko sarili ko!" Tugon ko at naintindihan naman niya ako kaya dahan-dahan siya tumango at agad na tumakbo.

Dahan-dahan akong tumayo at nakita kong mukhang hirap na hirap na si Kit kanino niya ipasa ang bola, dahil halos sa mga kasama namin sa grupo ay nadapa sa tulakan. Agad akong tumakbo. "Kit!" Sigaw ko at napangiti siya ngayon nang makita ako, kaya agad niya ipinasa sa akin ang bola.

Itinakbo ko ang bola at sa sobrang bilis ng takbo ko ay walang nakahabol sa akin, napakalayo pa nila mula sa 'kin. Malapit na ako sa goal na binabantayan ni Ace. Inangat ko ngayon ang isang paa para sipain ang bola, pero biglang sumakit ang binti ko.

"Ahhhhh..." napasigaw ako sa sakit. Pero hindi ako nagpatalo sa sakit, minamasahi ko ito para mawala. Unti-unti namang nawala ang sakit pero napahawak pa rin ako sa binti ko.


Biglang dumating si Kit na parang nagmamadali dahil nakasunod pa ang mga kalaban. "Sabay na tayo..." dali-daling sabi niya at tumango naman ako, wala na kaming hinintay pa agad na namin sinipa ng sabay ang bola.

Halos natigil ang lahat at nakaabang sa maging resulta, tinignan namin kung masalo ba ni Ace ang bola. Pero bigo siya, sa sobrang lakas ng pinagsama naming sipa ni Kit ay hindi niya ito nagawang hawakan at tumama nga ito sa goal.

Nagpalakpakan ang lahat ng mga kasama namin sa team. Abot tenga ang ngiti namin ni Kit. "You made it..." sabi niya. "No, you made it." Umangal ako pero ganon din siya. "No, you have the best moves over there, so you the one made it." Aangal pa sana ako pero bigla niya akong niyakap. "So proud of you."

Bawat yakap niya ay gumagaan ang pakiramdam ko. Parang nawala ang naramdaman kong pagod sa kakatakbo kanina.

Matapos niya ako yakapin ay lumapit sa amin si Sir. "Congratulations. Ready ka na ngang sumali sa tournament." Pinapalakpakan niya ako at sumali pa si Kit, may ngiti sa labi ko habang nagpapasalamat.



Nang maghapon na ay nagpahinga kami ni Kit dito sa bench na nasa ilalim ng puno. "Kumusta ang binti mo? Nag-alala talaga ako kanina nang bigla ka sumigaw." Nilingon ko siya. "A-Ayos naman, medyo nanibago lang siguro ang binti ko kanina." Sagot ko at bigla niya hinawakan ang binti.

"What are you doing?" Tanong ko. "Give you a massage. Maybe this could help lessen the pain." May ngiti sa labi niya habang minamasahi ang binti ko. "Sobrang bilis kasi ng takbo mo kanina, halos hirap nga kami maabutan ka. Lalo mo akong pinahanga, dahil hindi ka sumuko kanina." Naging mabuti nga ang pakiramdam ko at unti-unti nawala ang sakit sa binti ko.

May tinignan siya kaya nilingon ko din kung sa'n siya nakatingin. "I think that girl looking for you. She's with you on that night right? Are you still dating?" Tanong niya habang nakatingin kami kay Samantha na kakapasok lang dito sa sports complex.

"No we're not. We're just friends now." Sagot ko at umalis muna ako para puntahan si Samantha.


Napatakip pa siya sa bibig nang makitang papalapit ako. "My gosh, never thought na ganyan ka ka-attractive kapag naka jersey..." nakangiti siya at napakamot ako sa ulo dahil nahihiya pa rin ako kapag binibigyan ng compliment.

"Hi Sam. Kumusta ka na?" Pagbati ko. "I'm okay. Actually napadaan lang ako dito para magpaalam sa 'yo. Nakapag-paalam na ako sa mga friends mo, and sa kanila ko rin nalaman na naging part ka nga ng Bravo Team." Napakunot-noo ako. "Magpaalam? Sa'n ka naman pupunta?" Tanong ko.

"Mawawala ako ng ilang araw dahil pupunta muna ako sa province namin. Nagkasakit kasi ang lolo ko at hinahanap niya ako, sobrang close kasi namin sa isa't isa." Sagot niya. "Kung ganun mag-ingat ka sa byahe mo ha. Ipa-kumusta mo na rin ako sa lolo mo." Tumango naman siya.


Nilingon niya ang field. "Dito ka ba talaga masaya? Muli niya ako nilingon. "Masaya ka ba na kasama mo siya? Napakunot-noo ako. "What do you mean?" Nakita kong tinignan niya ngayon si Kit na nakaupo sa bench. "Nakakaramdam ka ba ng saya kapag kasama mo si Kit?"

Kahit nakangiti si Samantha ay hindi ko pa rin magawang sumagot. Hinawakan niya ang kamay ko. "Matagal ko ng alam. And I saw signs. Pero gusto ko pa rin marinig galing sa 'yo, gusto kong ikaw mismo ang magtapat sa 'kin." Mahinahon niyang sabi.

Nakita ko sa mga mata niya na maiintindihan niya ako. Kaya nag-ipon muna ako ng lakas bago magtapat. "Y-Yes. Bisexual ako." Nang sabihin ko 'yon ay bigla niya akong niyakap.


"Thank you for telling me..." may luha ang nagbabadya sa mga mata niya. "Actually, ikaw pa ang unang babae na sinabihan ko nito." Sabi ko at napangiti siya. "It's an honor." Inalis niya ang mga luhang dumapo sa pisngi niya. "Pasensya ka na naging emotional ako, I just feel like, naging trusted friend ako dahil sinabihan mo ako. And I promise na walang makakaalam, hahayaan kitang ikaw mismo ang magsabi sa lahat kapag handa ka na." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Sige na, puntahan mo na siya." Tumango naman ako at lumakad na, pero napahinto ako nang muli siya magsalita. "Always remember na nandito lang ako naka-support. Support ako sa inyo ni Kit." Muli ko siyang hinarap. "Thank you Sam, ikaw ang kauna-unahang nag support sa feelings ko sa kanya..." hindi ko napigilang matawa sa tuwa.

"Huling yakap nga bago ako aalis..." sabi niya at dali-dali naming niyakap ang isa't isa ng mahigpit.




Continue Reading

You'll Also Like

16.8K 422 7
A very special doll gives Marinette the most magical Christmas she could ever dream of.
3.1M 253K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
36K 1.1K 19
What will happened if you and your crush will live under the same roof for the entire A.Y.? This is a BL story this is just my real imagination about...
53.5K 579 30
"𝗜 𝗮𝗺 𝗮𝗱𝗱𝗶𝗰𝘁𝗲𝗱." "𝗧𝗼 𝘄𝗵𝗮𝘁?" "𝑻𝒐 𝒚𝒐𝒖." Gracie Owen hates him, with her whole heart. But she is stuck with him in the same friend...