Boyfriends Season 1 | Heartfu...

By chrisseaven

21.1K 667 228

Christian struggled to come out as a bisexual, he kept it hidden and pretend straight. Despite of that he som... More

Boyfriends
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Boyfriends
About Self
Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 16

356 15 3
By chrisseaven


CHRISTIAN LAKE

KANINA pa ako nakangiti dito sa kwarto habang nakahiga at scroll nang scroll sa Instagram. Ini-stalk ko lang naman ngayon ang Instagram account ni Kit Smith

Lagpas sa 300 ang followers niya, pero dalawa lang ang finollow niya, si Taylor Swift at Hollow Coves. Napunta na rin ako ngayon sa account ng Hollow Coves at isang band pala ito.

Pinakinggan ko ang mga kanta nila sa Spotify at sobrang nagandahan ako dahil sa lamig ng boses ng mga ito at nakaka-in love ang mga kanta nila. Hinayaan ko lang mag play ang kanta nila habang bumalik ako sa Instagram at ini-stalk ulit si Kit.

7 lang ang post niya. Merong picture kasama niya ang mga magulang at ate niya. Meron ding kasama niya ang kanyang ginger cat at ang cute nila na sobrang lapit ng mukha nila sa camera. Meron din ditong mga picture ng trophy na napalunan niya sa football. May picture din siya kasama ng Bravo Team na nakaupo pa sa field at siya lang ang may hawak ng bola.

The rest ay mga picture na niya sa iba't ibang lugar na napuntahan niya. Magaling siya sa photography.


Mayamaya ay napatakip ako sa bibig sa gulat ko nang may bago siyang post ngayon. Tinignan ko ito at kuha niya ito kanina sa sunset na nagbigay ganda sa sports complex. Binasa ko ang caption niya.

i feel complete

"Ahhhhh..." napasigaw ako dahil umiral na naman ang pagiging delulu ko na kaya niya ito nasabi sa post dahil maging bahagi na ako ng team nila.

Sa sobrang likot ko dito sa kama ay bigla ko nalang naclick ang heart sa post niya, nang namalayan ko 'yon ay nanlaki ang mga mata ko. "Oh shit, baka malaman niyang ini-stalk ko siya..." kabadong-kabado ako habang balak ko tanggalin ang heart.

Ngunit natigilan ako nang biglang nag notif ang Instagram at lalong bumibilis ang tibok ng puso ko ngayon na parang pinaghalong kaba at tuwa nang makita ang pangalan niyang nag pop up sa screen.


  INSTAGRAM
Kit Smith

Hi


Lalo akong nagwala ngayon sa loob ng kwarto ko, sa sobrang kilig ko ay hinahampas-hampas ko pa ang unan at sumisipa sa kama. "Ahhhhh wait kinikilig akooo!!!" Halos hindi ako mapakali

"Taika anong sasabihin ko? Kumain na ba siya? Or anong ginagawa niya?" Tumigil ako sa pag-iisip nang alam ko na anong i-reply ko.


  INSTAGRAM
christian.lake
hi

kit.smith
kumusta?

christian.lake
ito masaya

kit.smith
why? pwede ko ba malaman?

christian.lake
kasi okay lang sakanila ni mama na nasa training ako ng football, pero hindi ko naman sinabi na dahil punishment ko kay sir haha

kit.smith
buti naman kung ganon, napaisip talaga ako kanina na baka hindi mo magustohan ang football at magalit ka sakin

christian.lake
hindi ah hindi ako galit nagpasalamat nga ako sayo dahil pinagtanggol mo ako kanina, at hindi mo hinayaang bumagsak ako

ayos narin yong pinasok mo ako sa football para maka explore ako ng new things

uy ang ganda ng music taste mo, background music ko ngayon ang kanta ng hollow coves eh

i never know this band before but because of you i meet them nakaka in love mga kanta nila hehe

kit.smith
thank you, ikaw din ganda ng taste mo sa libro, tignan ko ngayon ang mga post mo and dami mong book sa bookshelf

christian.lake
awww thank you


Habang nag-uusap kami ay kanina pa ako dito napapatakip sa bibig at pinipigilang sumigaw dahil sa kilig ko na hindi lang pala siya sa personal sweet pakinggan, kundi pati sa chat.

Biglang may nag pop up sa screen ko.


  INSTAGRAM
kit.smith followed you.
kit.smith liked your post.


"Ahhhhhhhhh!!! Am I dreaminggg??? Jusko mahimatay 'ata ako sa kiliigggg!!!" Nagtalon-talon na ako dito sa kama.

I never though na ganito pala ako kiligin sa kanya, I never feel this to anyone before. Kit Smith really hits different.



Pagkaumaga wala ng mas sasaya sa akin ngayon. Lumabas ako ng kwarto na kumakanta pa ng Daylight ni Taylor Swift. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Mama pero hinayaan lang niya ako. Hanggang sa shower ay napapakanta pa rin ako.

Pagtapos ko magbihis ng uniform ay kumain na ako sa lamisa kasama si Mama. "Anak daig mo pa ang namumulaklak nating rosas sa back yard sa sobrang blooming mo ngayon, sino ba nagpapakilig sa 'yo 'nak?" Tanong ni Mama. "Si Rifah ba?"

Umiling ako. "Hindi po Ma. Pero iba ang saya nadulot niya sa akin." Napangiti ako ngayon. "Well kung ganun ipakilala mo naman sa amin, nang mapasalamatan ko dahil napasaya ka niya ng ganito..." hinaplos pa ni Mama ang pisngi ko. "Soon po Ma." Sagot ko.

Lumabas na ako ng bahay at nandito na sa front yard. Tinignan ko ang phone ko nang biglang tumunog ang notification. Napangiti ako nang makitang message ito ni Kit.


  INSTAGRAM
kit.smith

good morning

christian.lake
good morning too

kit.smith
a bus is coming on your way


Nagtaka ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sa paligid at napangiti ako nang makita ang isang school bus na mapapalapit. Hindi ko na siya nareplyan at agad na ibinalik sa bulsa ang phone.

Pagkahinto ng school bus ay dali-dali akong sumakay at naging abot tenga pa ang ngiti ko nang makita si Kit na nakaupo malapit sa likod. Agad akong lumapit. "Hi..." magkasabay naming pagbati habang nakangiti.

"I save a set for you." Nakangiti niya 'yong sinabi habang nakatingin sa mga mata ko. Dahan-dahan naman akong tumabi sa kanya.

"Want to listen a song?" Tanong niya at agad akong tumango. "Yeah, I'd like to..." sagot ko.

Inilabas niya ngayon ang earphone niya na nakasaksak na sa kanyang cellphone. Maingat niyang inilagay sa tenga ko ang kabilang side ng earphone habang nakatingin kami sa isa't isa. Nakita ko siyang nag scroll sa Spotify at Hollow Coves playlist ito.

Nang tumugtog ang kanta ay agad akong napangiti dahil sa ganda ng intro na tunog palang ng gitara. "What's the title?" Nilingon niya ako. "It's Evermore." Ngumiti siya.

Habang bumibyahe ang school bus ay nakikinig lang kami ng kanta habang nakatingin sa labas ng bintana at sinusubukan naming tignan ang isa't isa.



Pagkadating namin sa HA ay inalis na namin ang earphone sa tenga at sabay na bumaba. Magkasabay na sana kaming papasok sa entrace pero biglang paparating ang grupo ng Bravo Boys na mula lang din sa Bravo Team, mga naiibang pasaway nga lang.

Aalis na sana ako pero biglang hinawakan ni Kit ang kamay ko. Tinignan ko lang siya at gustohin ko man sumabay sa kanya pero ayaw ko ng gulo sa umagang-umaga. "Okay lang Kit, sabay ka na sa kanila. Nandyan naman ang mga kaibigan ko sa loob." Nang sabihin ko 'yon ay dahan-dahan ko na inalis ang kamay ko sa kanya at nauna na pumasok.

Nakita ko ang mga kaibigan kong nakaupo sa bench. "Wow, himalang dito kayo sa bench naghintay..." tumayo naman sila. "May mga epal kasing nando'n sa puno..." inis na sabi ni Hweb.

Lalakad na sana kami pero biglang lumapit sa harapan namin ang Bravo Boys. "Hindi pa ako tapos sa inyo..." susugorin sana kami ni Ace pero pinigilan siya ni Kit. "Itigil niyo na ang paggawa ng gulo dahil last warning na natin 'to. Mapapatawag na tayo sa Sports Head." Sabi niya kay Ace.

Natahimik naman si Ace at ng mga kasama niya. Umalis na kami ng mga kaibigan ko. "Bleehhh..." nakuha pang asarin ni Hweb si Ace na napikon pero hinawakan siya ulit ni Kit.


Pagpasok namin sa classroom ay kunti pa kaming nandito, pero nandito naman ang mga bago naming kaibigan. Pagkaupo namin sa likod ay dali-daling lumapit si Eff at umupo sa harapan namin, friendly naman kasi siya.

"Kumusta kayo guys? Anong chika niyo?" Tanong niya at mukhang ready naman makipag chikahan ang dalawa sa kanya. "Well, ito ang chika. Naging part ng Bravo Team si Christian." Sabay lingon sa 'kin ni Hweb.

"What?! Oh my gosh..." gulat na gulat ang reaction ni Eff na parang hindi siya makahinga at pinapaypayan pa ang sarili gamit ang kamay. "Ang oa ha," sabi ni Jason.

Lumapit naman si Rene at binigyan ng tubig si Eff na parang grabe ang care niya dito. "My gosh Christian, alam mo ba ang pinasok mo? Hell ang pinasok mo dzai...maloloka ka sa gagawin sa 'yo ng Bravo Boys, lalo na bagohan ka..." si Eff pa ang parang mas natatakot kaysa sa 'kin.

"Hindi na ngayon. I feel safe na." Ngumiti ako nang maisip ko si Kit. "At tsaka temporary lang daw. Kapag matapos na ang City Sports Tournament, pwede na ako umalis sa team." Napasimangot ako.

"Bakit parang hindi ka masaya? Eh temporary lang pala—ay wait mukhang alam ko na," bumulong si Hweb. "Dahil ba kay Kit?" Umiling ako. "H-Hindi ah," nag deny pa rin ako, dahil napalapit na kasi ako kay Kit dahil sa pagkapasok ko sa Bravo Team.


Biglang lumapit sa amin si Fril na parang maki-chismis lang, pero nakatingin naman siya sa kanila Eff at Rene na sobrang lapit ng mga mukha nag-uusap at puro tawa pa si Eff. "Are you guys dating?" Biglang tanong niya sa kanila.

Natigilan ang dalawa at nagtinginan pa bago tumawa si Eff. "Omg no, ganito lang talaga kami ka-close..." paliwanag niya, pero parang hindi naniwala si Fril. "Eh close din naman tayong magkaibigan, but ibang level of sweetnest ang pinapakita niyo sa amin." Duda pa rin siya, grabe talaga siya makapag observe.

Umiling lang si Eff. "No we're not dating or something. Talagang magkasundo lang kami dahil puro lang kami laughing, like masaya lang us...pikonin ka kasi lagi Fril..." conyo na pagkasabi ni Eff at umalis lang si Fril. "Whatever." Bumalik na siya sa upuan niya.



Pagsapit ng hapon, kung nag-uwian na lahat ng classmates ko pati mga kaibigan ko ay papunta naman ako ngayon sa Sports Society. Pagkarating ko do'n ay dumiretso na ako sa changing room at naabutan ko si Kit na naka boxer lang.

"Hi...I've been waiting for you..." nakangiting sabi niya. Hindi ko naman siya magawang tignan ng matagal. "H-Hi din, pasensya na, medyo matagal natapos last subject namin." Nagbihis na siya ngayon ng short. "Sinadya ko magpa-iwan dito para hintayin ka." Tugon niya.

"Thank you for waiting on me." Ngumiti ako na lumapit sa sarili kong cabinet at kinuha ang susuotin kong jersey. Pagkatapos ko magbihis sa restroom ay lumabas na ako at nakita kong tapos na rin siya. "Let's go." Sabi niya pero dali-dali akong lumapit sa kanya. "Wait lang, picture muna tayo sa mirror." Tugon ko habang hawak ang kamay niya. "Please." Nakiusap ako.

"Okay." Ngumiti naman siya. Pumunta na kami sa malaking salamin. Ako ang may hawak ng cellphone habang naka peace sign at ngumiti naman siya, and I captured this moment na sobrang lapit namin. Ito ang una naming picture together habang nakasuot ng black jersey.

"It's cute..." pariho naming sabi habang tinitignan ang picture


Naka adjust na ako sa mundo ng football. Hindi na ako mabilis mapagod sa pagtakbo sa field, pag stretching at pag sipa ng bola. Hindi ko na rin napapansin ang mga bully sa Bravo Team gaya ni Ace, dahil naging masaya lang ako na kasama si Kit.

Kami lang dalawa dito sa gilid nagsasanay, humilaw kami sa kanila. Ang naging training namin ngayon ay ang pagtakbo habang sinisipa ang bola at hindi dapat maagaw ng kalaban.

Nasa akin ang bola ngayon at kailangan kong makalayo kay Kit na hinahabol ako. Pero sa sobrang bilis niya ay naabutan niya ako at naagaw sa akin ang bola. Tumatawa pa rin kami sa tuwing naaagaw namin sa isa't isa ang bola.

Naagaw ko pa rin ngayon kay Kit ang bola. "Ang galing mo ah..." sabi niya at tinawanan ko lang siya at dahil nakatingin lang ako sa kanya ay hindi ko namalayang natapakan ko ang itaas ng bola at dumalas do'n ang sapatos ko kaya na out balanced ako, pero bigla akong isinalo ni Kit.


Nagkatinginan ang mga mata namin habang hawak niya ako sa braso. Akala ko hindi na ako madadapa dahil nasalo na niya ako, pero parang slowmotion lang pala 'yong nagkatitigan kami, dahil naging mabilis ang pangyayari ngayon naisama ko siya sa pagka-out balanced ko at pariho kaming nadapa.

Nakahiga kami sa field at natatawa nalang sa nangyari. "You know what, all my life ngayon lang ako naging masaya sa training ko..." sabi niya. Dahan-dahan ko siya nilingon. "Is it true?" Nakangiting tanong ko.

Hinarap niya ako habang nakahiga pa rin kami. "Yeah. And it's because you come." Ngumiti siya. "I wish you come earlier, para naging ganito ako kasaya dati." Lalo lang nahuhulog ang loob ko sa kanya nang sabihin niya 'yon, hindi ako makasagot at napangiti lang sa kanya.




Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 27.8K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.2M 50.3K 34
Symbiotes. Creatures from outer space looking for the best host compatibility to survive on earth. Or parasites, as (y/n) preferred to call them, muc...
7K 286 39
Patungkol ang storyang ito sa isang lalaking palaging pinagti-tripan ng isang Brale Reyes, siya ang anak ng chancellor ng university kaya malakas ang...
40.1K 1.1K 37
Tian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despite the condition he become one of the big...