Boyfriends Season 1 | Heartfu...

Bởi chrisseaven

21.2K 680 228

Christian struggled to come out as a bisexual, he kept it hidden and pretend straight. Despite of that he som... Xem Thêm

Boyfriends
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Boyfriends
About Self
Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 14

341 16 0
Bởi chrisseaven


CHRISTIAN LAKE

TAHIMIK ngayon sa loob ng office ni Sir Oscar na coach din ng Bravo Team. Binalot nga ng katahimikan pero nanatili naman ang tensyon dahil sa naganap na away kanina.

Magkatabi kaming nakaupo ng mga kaibigan kong sina Jason at Hweb. Nasa gitna nila ako habang hawak-hawak ko ang mga kamay nila dahil parang nakaramdam kami ng kaba, first time pa kasi namin mapatawag sa office.

Nasa harapan naman namin ang 14 na mga Bravo Team. Nasa gitna nila si Ace na kanina pa galit na galit nakatingin sa akin habang minamasahi niya ang mukha niyang nasuntok ko.

Nasa tabi naman niya si Kit na nanatiling kalmado at nakatingin sa akin. Sobrang wrong timing na ngayon lang kami ulit nagkita na nagkaroon ng gulo.


May space na pagitan sa amin ng mga kaibigan ko at sa mga Bravo Team, habang nakaupo naman si Sir Oscar sa harap ng table niya. Salubong ang mga kilay niya habang palipat-lipat ang tingin sa amin. "Now talk."

Biglang umingay ang office ni Sir na parang nasa palingke dahil nagkasabay ang pagsalita namin ng mga kaibigan ko sa mga Bravo Team. Tsaka lang natigil nang hampasin ni Sir ang table niya pero napa-aray naman siya.

"Tumigil kayo! Ano bang mga paninda niyo at sabay-sabay kayong nag iingay?!" Walang nagsalita at gumalaw nang sumigaw siya. Nilingon niya ako. "Mr. Lake, ikaw mauna." Tugon niya."

Agad ko itinuro si Ace. "Sir siya naman kasi ang nauna! Sinaktan niya ang mga kaibigan ko, kaya gumanti lang ako para sa kanila!" Ipinakita ko pa kay Sir ang pasa sa mukha ni Hweb.

"Ayos lang naman sa akin na ako ang saktan niya eh, pero huwag na huwag ang mga kaibigan ko!" Gustong-gusto ko pa ngayon lapitan si Ace para sugorin pero hinawakan ng mga kaibigan ko ang kamay ko dahil nasa office pa kami.


Agad ng react si Ace. "Pero 'yang kaibigan mo naman ang nauna eh! Gumanti lang din ako, dahil sa pagpapahiya niya sa amin nong nakaraang araw! Binuhusan niya kami ng basura sa cafeteria!" Nabaling ang galit niya kay Hweb.

"Deserve mo 'yon dahil masama kang tao." Hirit naman ni Hweb habang nakataas ang kilay.

Nagpipigil naman na tumawa si Jason dahil siguro naalala niya ang napahiyang mukha ni Ace nong binuhusan siya ng basura ni Hweb.

"Eh hanggang dito nga nangangamoy bulok ka pa rin..." dagdag pa ni Hweb na lalong ikinagalit ni Ace kaya napatayo ito at susugod sana pero hinawakan siya ni Kit para awatin.

"Dapat pala tinuloyan na kita kanina eh! Kung tutuosin kulang pang kabayaran 'yang pasa sa mukha mo, dapat kasing dami ng basura na 'yon ang pasa dyan sa mukha mo!" Sumabog na ang galit niya na halos nakalimutan na niyang nasa harapan pa namin si Sir.

Napatayo na ngayon si Sir. "Okay that's enough! Ace maupo ka!" Sigaw ni Sir kaya dahan-dahan ngayon napaupo si Ace.


Muling napaupo si Sir at napabuntong hininga habang nakatingin sa Bravo Team, halata ang disappointed sa mukha niya. "Hindi ko na alam anong gagawin ko sa inyo. I hope aware kayong of all football team ng Sports Society, kayo ang laging na-rereport." Nakatingin siya kay Ace. "Lalo ka na Ace, dinudumihan mo lang ang pangalan ng Bravo Team. Ang iba sa team niyo gusto lang maglaro, ikaw puro kalukohan."

Napaayos si Sir sa pagkaupo at nag crossed arms. "Last warning niyo na 'to. Kapag gumawa pa kayo ng gulo, sorry to say this, pero sa Sports Head na kayo didiretso. Or worst, sa School Principal." Tugon niya na nagpagulat sa lahat ng Bravo Team.

"Pero Coach—" aangal sana si Ace pero natigilan siya nang magkamot sa ulo si Sir. "Walang pero-pero. Mukhang ayaw niyo magtanda sa akin, kaya do'n na kayo haharap kapag gumawa pa kayo ng gulo."

"Eh Coach paano po ang team namin? Paano pag napaalis kami?" Tanong ng isa nilang kasamahan. "Sana inisip niyo 'yan bago kayo magpasaway. And believe me, wala akong gagawin kapag natanggal kayo sa list of team."

Dahil sa sinabi ni Sir ay marami sa team ang napailing-iling ng ulo. Meron din napakamot sa ulo at isinisisi lahat kay Ace. "Kasalanan ito ng grupo niyo Ace eh, kung hindi kayo nagmamayabang hindi sana kami madamay dito..."

Tinatawanan lang sila ng mga kaibigan ko.

Kung sila nagsisihan at namomoblema ay nanatiling kalma naman si Kit at dahan-dahan pa akong tinitignan habang nakayuko ang ulo niya. Nakita kong sinusubukan niya ngumiti sa akin, kahit sinusubukan ko din ngumiti ngayon.


"But I'm not done." Natigil ang lahat nang magsalita si Sir. "Sino sa kanilang tatlo ang nanugod dito?" Tanong niya na biglang nagpakaba sa akin. Agad akong itinuro ng ilan sa kanila.

"P-Pero Sir, like I said pinagtanggol ko lang ang kaibigan ko..." halata sa tuno ng boses ko ang kaba. "It stated on the rules na bawal manakit ang isang HA student kapag wala siya sa territory o building niya. And clearly nasa Sports Society ka. At pagdating sa rule na 'yan, strict ang Sports Society." Seryosong wika sa akin ni Sir.

Ako naman ngayon ang tinawanan ni Ace. Inirapan ko lang siya ng mata.

Napabuntong hininga ako. "Okay Sir. Tatanggapin ko po ang magiging punishment niyo sa akin." Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko. "What?! Christian no!" Hinawakan ko lang ang kamay ni Hweb para mapakalma siya.

Ayaw ko na nang maraming salita kaya tatanggapin ko nalang ang maging punishment ko.


"Christian, ayaw kitang pahirapan pa, at wala akong ipapagawa sa 'yo. Instead I will give you a low grade in my subject of Physical Education. Automatic kang bagsak sa klase ko this semester."

Nanlaki ang mga mata ko at ganun din ang mga kaibigan ko. "Ano! Sir hindi naman pwede 'yon!" Agad ako napatayo. "Just because nasapak ko ang isa sa athlete niyo ibabagsak niyo na ako! Sir kahit ano nalang po ang ipagawa niyo sa akin...kahit ipalinis niyo ako ng banyo, o ikulong sa office, okay lang Sir, huwag niyo lang po ako ibagsak..." halos nagpakaawa ako sa harapan ni Sir.

"Sorry Christian, but my decision is final." Talagang ipinagmukha sa akin ni Sir ngayon na wala na akong magagawa, kahit umiyak pa siguro ako ng dugo sa harapan niya hindi na magbabago ang decision niya.

Bumibigat ngayon ang dibdib ko dahil ano nalang ang sasabihin sa akin ng mga magulang ko, na bumagsak ako dahil nakipag away ako. May nagbabadya ng luha sa mata ko.


Dahan-dahan akong napalingon sa likod nang makitang tumayo si Kit. "Coach I have something to suggest." Biglang tugon niya. "What is it Kit?" Tanong ni Sir.

"Coach huwag niyo po siya i-bagsak. Instead I suggest, to have him in our team.

Nagulat ang lahat sa sinabi niya, pati ako ay halos mahulog na ang baba sa gulat. Nag react ang lahat ng kasama niya sa team. "What?! No! Kit, hindi natin siya kailangan sa team! Hindi natin kailangan ng malamyang katulad niya!" Umangal si Ace.

Hinarap ni Kit ang team. "Didn't you all notice? Tayo lang ang team sa Football Community na 14 lang ang members. We should be 15 too, and Christian would complete us."

Sandaling natahimik ang paligid, walang nagsalita at nagbulong-bulongan nalang ang iba. Nilingon ko si Kit. "Huwag na Kit, hindi ako marunong sa bagay na 'yon, baka hindi lang ako makasabay sa inyo at maging abala pa ako. Tatanggapin ko nalang siguro na babagsak ako." Naging mababa ang tuno ng boses ko dahil sa lungkot.

"No. Akong bahala sa 'yo, tuturoan kita." Sagot niya. Umiiling lang ako dahil ayaw ko talaga. "Sige ganito nalang. Why don't you give it a try, alam kong kaya mo. Now if ayaw mo na, pwede ka mag quit. Kahit temporary lang, ang importante hindi ka babagsak." Nakatitig pa rin siya sa mga mata ko.


"Kit, malaking adjustment ang suggestion mo. And besides we don't have much time para turoan siya, malapit na ang City Sports Tournament." Si Sir na mismo ang umangal sa suggestion niya.

Napanganga ako nang biglang hinawakan ni Kit ang braso ko. Naririnig ko ngayon ang bumibilis na tibok ng puso ko nang hawakan niya ang braso ko at dahan-dahan niya akong isinama sa harapan ni Sir.

"Coach, I'm not just concern sa grade niya. But also with him." Dahan-dahan niya akong nilingon. "He's the most kindest and sweetest person I've ever known. Protecting people you love was the bravest thing. At 'yon ang pinapakita niya kanina." Parang kasing lamig ng hangin pakinggan ang boses niya dahil sa napaka-kalma niya magsalita.

Si Sir naman ngayon ang nilingon niya. "Coach, that's what we need in our team, the brave one."


Habang binibitawan niya ang mga salita na 'yon ay nakatingin lang ako sa mga mata niya. Hindi ko napigilang ngumiti habang nakatitig ako sa kanya.

Tinignan ko ang braso kong hinawakan niya. Ito ang unang beses na hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko.

Nilingon namin si Sir nang umayos siya sa pagkaupo. "Sige, pumapayag na ako." May ngiti sa labi niya.

Nakita ko ang tuwa sa mukha ni Kit, kaya kahit hindi ako sigurado dito ay ngumiti pa rin ako. Mayamaya ay bigla niya akong niyakap. Nanlaki ang mga mata ko nang gawin niya 'yon. Halos lahat 'ata ng kasama namin dito ay nagulat sa pagyakap niya sa akin.

Ito ang unang beses na niyakap niya ako, kaya dinamdam ko talaga ang yakap niya, dahan-dahan ko hinawakan ang likod niya. Naririnig ko pa ang mga tibok sa puso namin dahil nagkalapit naming dibdib.

Dahan-dahan niya itinigil ang pagyakap sa akin. "Welcome to the team." Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Speechless pa rin ako dahil sa saya ko ngayon na first time niya ako niyakap.




Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

215K 10K 22
"Hello?" "Is this Luke?" "Who are you?" "I am your father." In which a girl prank calls an idol by accident.
3.4M 143K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.6M 97.7K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
10K 408 9
Fate looked on as the boy who's destined to lead the fight against the darkness was slowly being broken down until she's compelled to take action tha...