Bad Wives 1: TINA (PREVIEW ON...

By IamLaTigresa

6.6K 470 74

BAD WIVES 1: TINA Author: La Tigresa May masamang plano si Tina sa pera ng comatose patient niya na si TJ De... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER ONE: WOUNDS
CHAPTER TWO: VIP
Chapter Three: TJDM
Chapter Four: The lips that looked so familiar
Chapter Five: Unsympathetic
Chapter Six: To Kill or To Marry?
Chapter Seven: Heartbeat
9: Here Comes the Bride
Chapter Ten: Just Got Married
Chapter Eleven: The Husband

Chapter 8: The Applicant

283 28 4
By IamLaTigresa

"Where's Nurse Tina now?" magkahalo ang gratefulness at pag aalalang nakalarawan sa mukha ni Arielle na sumugod sa Ospital kasama sina Theo at Cecille. Itinawag ni David sa mga ito ang nangyari.

"Pinayagan siya ng Doktor na umuwi, Mama. Nakunan na siya ng mga imbestigador ng statement kanina," sagot ni David.

"Nakilala niya ba kung sino ang nagtangka sa buhay ni TJ?" salubong ang kilay at nagtatagis ang mga bagang na tanong ni Theo.

David sighed. "He had a facemask on. She hardly saw his face."

"Oh! But how did she get hurt, hijo?" Si Cecille. "I mean, why would that bastard hurt her?

"The perpetrator realized na hindi nakakabit ang dextrose sa ugat ni TJ, Tita Cecille. He tried to stab him with a knife pero iniharang ni Tina ang sarili. She was bleeding and unconscious when I found her."

"Poor brave soul. Putting herself on the line para sa kapakananan ng kanyang pasyente." Iling ni Cecille. "Ano ang sabi ng mga imbestigador?"

"Humingi na ng kopya ang mga pulis ng CCTV, baka sakaling doon tayo makakuha ng lead. We can't go to the media so they're working quietly."

Arielle blinked her tears away. Nag uumpisa na itong maging emosyonal pero sinikap na patatagin ang sarili sa harap ng asawa. "We owe Nurse Tina your brother's life, David. We should compensate her for that. Or do whatever you think is best. Pangalawang beses na niya nang sinagip ang kapatid mo at nalagay pa sa alanganin ang buhay niya dahil dito." 

Tumango si David. "I'll do that, Ma. Bukas na bukas ay pupuntahan ko siya para kausapin." Akmang tatalima na ito paalis nang tawagin ito ng ama.

"I don't think that girl is safe, son. Witness siya sa mga nangyari. Since hindi natin pwede I involve ang press, hindi alam ng kriminal na iyon na hindi ito namukhaan ng Nurse. Maglagay ka ng mga taong magbabantay nang pasekreto sa kanya at sa pamilya niya."

"As far as I know, ulila na siyang lubos, Papa. She's been living alone for 6 years now. But I'll contact someone ASAP para bantayan siya."

"Theo, I talked to Tina yesterday, I already assured her na kahit makalabas na si TJ ng ospital as long as kailangan pa ng anak natin ng assistance ng isang nurse, siya pa rin ang kukunin natin. I didn't consult you about it pero I strongly suggest na bukod sa malaking halaga ay maibigay pa natin sa kanya ang trabaho. She's proven herself, maaasahan natin siya pagdating kay TJ."

"I also think she's the right and best girl for the job, Papa," ani David nang tingnan ito ng Ama para kunan ng opinyon.

Sinulyapan ni Theo si TJ sa kama. Hindi lang nito gustong ipakita, pero abot-abot na ang galit nito sa mga taong nasa likod ng dalawang beses na pagtatangka sa buhay ng panganay na anak.

⚜️

"Saving a person... This is so not you. Ano'ng nakain mo at nagkaroon ka bigla ng concern sa pasyente mo?" tanong ni Julia matapos padabog na ilapag ang paper bag na may lamang take out food. Tina was craving for Sinigang na hipon pagkatapos ng pinagdaanan kagabi kaya naman iyon ang ni request niya kay Julia na halos murahin siya nang itawag niya rito ang nangyari.

Nagbuga si Julia nang hangin sa baga, pinipigilan sana ang sarili na dakdakan siya. "Bakit hindi mo 'ko tinawagan para nasundo kita?"

"Kaya ko namang umuwi mag-isa. Napakalayo nito sa bituka."

Humalukipkip ito, pinagmasdan siya. "Masakit ba?" Tanong nito, nakatingin sa adhesive dressing sa dibdib niya.

"Mas masakit pa ang kagat ng hantik," kaila niya. 

"Nakuha mo pang magjoke." Nakasimangot na sabi nito. "Pasalamat ka hindi ka napuruhan."

A satisfied smile played on Tina's lips,  she leaned back against the chair, "I finally have luck in life."

Itinirik ni Julia ang mga mata. "Sure. Thanks heavens. Hindi na kita pagsasabihan dahil alam kong hindi ka rin naman makikinig."

Tina agreed, nagthumbs up siya sa kaibigan. Shortly after the perpetrator fled the scene, David came rushing over. Nakita nito ang nag aagaw buhay na katawan ng bodyguard ni TJ sa labas.

Kagaya ng inaasahan at tantiya ni Tina, hindi naging malalim ang sugat niya dahil sa saksak. But she fainted at the sight of her own blood. Hinayaan niyang paniwalaan ng lahat na iyon ay dahil sa shock. She didn't want them to know the real reason anyway.

The bleeding stopped in less than eight minutes at dahil hindi ganoon kalalim, hindi na iyon kinakailangang tahiin. Nilinis lang iyon at pagkatapos ay ginasahan at binendahan ng unang Doktor na dumating para suriin siya.

Sinilip ni Tina ang laman ng paper bag. Hindi niya gaanong maitaas ang kamay kaya sinenyasan niya ito na i-prepare na ang dala nitong ulam. Kaagad naman itong nagpunta sa kusina, naghagilap ng bowl kung saan nito isasalin ang sinigang na hipon.

"But whoever that man is, don't you think he showed up just right on time? Ang laki ng gulong ginawa niya sa ospital." komento ni Julia habang inaayos ang pananghalian nila. "Hindi mo ba talaga nakilala 'yong may gawa nun kay TJ?"

Umiling siya.

"Kasi kung hired killer lang 'yong lalaking 'yon, parang sobrang laking galit naman ng nag utos sa kanya para gawin iyon. From one attempt to another. Lumiliit masyado ang mundo para sa kiss stealer mo, Tina."

Umasim ang mukha niya. Que horror.  Pinaalala na naman ng kaibigan ang eksenang ayaw niya nang maalala.

"Imposibleng matuloy pa ngayon ang planong pagpili sa mapapangasawa ni TJ. Good news para sa 'yo."

"Walang dahilan para hindi ituloy ang kasal, Juls." Sagot ni Tina sa seryosong tono.

"Pagkatapos ng mga nangyari?" Kunot noong tanong ng kaibigan. Tumitig ito sa kanya. "At ikaw, ano ba talaga ang nangyari at sa unang pagkakataon eh pinili mong magpaka bayani? At sa dinami-rami ng tao si TJ De Marco pa ang napili mong sagipin?" tanong nito habang nagsasandok ng ulam sa lamesa.

Tumingin siya kay Julia na kinunutan naman siya ng noo nang mahuli ang naguguluhang tingin niya. Inilapag nito sa harap niya ang bandehado ng kanin na binili rin nito sa nadaanang karenderya "O, bakit?"

"Nakita ko siyang nagdilat ng mga mata bago ako nawalan ng malay kagabi."

Tumikwas ang kilay ng kaibigan. "Yong lalaking nagnakaw sa 'yo ng halik?"

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigang nakakalokong nginisian siya bago naupo sa upuang nakapwesto sa tapat niya. 

"Seryoso ako, Juls. Nakita ko siyang tumitig sa 'kin."

"Did the stare make your heart melt? Wala ka bang namiss kagaya ng tamis ng unang halik?"

Sinimangutan niya ito. Kahit sa totoo lang isa pa iyon sa gumugulo sa isip niya. Hindi iyong unang halik ha? Kundi iyong hindi niya maipaliwanag na pakiramdam nang sumubsob siya sa dibdib ng binata.

"So, did TJ wake up out of coma?" Tanong pa. Nag umpisa na itong kumain matapos siyang senyasan na kumain na rin.

Tina was right-handed. Pero dahil kanan ang may tama sa kanya, she used her left hand to eat.

"I'm one hundred percent sure na hindi pa."

Iyon ang unang unang sinigurado ni Tina habang inaayos ang discharge papers niya kanina. Sobra ang relief na bumaha sa dibdib niya nang marinig mismo sa bibig ni Lily Cruz na bagaman ligtas si TJ mula sa kung ano mang gamot na itinurok dito ng suspek, he remained unconscious.

"Well, jerking, spasms, blinking, sudden movements, napag aralan natin 'yan noon. Those things often didn't mean a thing. Kung mayroon man, alin na lang sa dalawa, tuluyan na siyang gagaling or he'd end up brain dead?"

Mas convenient if TJ falls on the latter. But the grim look on his handsome face that night as he stared at her confused her. Hindi iyon ang uri ng tingin ng isang pasyenteng nasa state of coma.

He didn't look disoriented or fuzzy. He looked like someone who knew what was happening. Or what she exactly did.

At ang narinig niyang malakas na tibok ng puso kagabi habang nakasubsob siya sa dibdib nito... senyales na ba iyon na pagkatapos ng dalawang araw sa coma ay nag uumpisa na itong makarecover?

Tina knew she didn't chicken out even at the last minute. Matagal na niyang inihanda ang sarili sa lahat ng magiging pisikal at emosyonal na sakit na dadanasin niya dahil sa planong pagpapabagsak kay Lily. Kaya nagduda siya na ang malakas na tibok ng puso na iyon ay baka nga kay TJ galing.

Or maybe she was hallucinating dahil sa sudden rush of adrenaline.

Tumayo si Julia na natapos nang kumain. Dinala nito ang mga pinagkainan nila sa lababo. Ito na rin ang naghugas ng mga iyon. Sinundan niya ang kaibigan sa kusina.

"May lakad ka ba?" Tanong niya rito.

"Mag sleep over ako. Wala naman akong gagawin sa condo... For sure kailangan mo rin ang tulong ko since hirap ka pa na igalaw ang braso mo."

"Sakto. Ipagdrive mo 'ko."

Kumunot ang noo ni Julia. Sinulyapan siya bago itinaob ang bowl sa dish drainer. "Sa kondisyon mong 'yan? Papunta saan?"

Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Tina sa isang siguradong ngiti. "Sa opisina ng mga magiging biyenan ko."

❤️

"I'm sorry, Maam but you can't come inside yet... May ka-meeting pa po si Mr. Theo ngayon. And we have to set an appointment first. Iche-check ko lang saglit ang availability ni Sir Theo." Imporma ng sekretarya. Malaya sila ni Julia na nakaakyat sa 10th floor, ang managerial department pero pagdating sa reception area ng nasabing palapag, hinarang siya ng sekretarya ni Theo.

"Puwede ko bang malaman kung sino ang ka-meeting niya?" Tanong ni Tina kahit parang nahuhulaan na niya kung sino.

"I apologize, ma'am but we can not -"

"Sabrina Angelo?"

Hindi iyon sinagot ng babae pero base sa ekspresyon nito, nakumpirma ni Tina na tama ang hula.

Isang tingin lang alam na ni Julia ang plano. Nag alangan lang ito saglit pero agad ding kumilos at hinawakan ang nabibiglang sekretarya sa magkabilang balikat. Mabilis na tinakbo ni Tina ang opisina ni Theo habang nagpumiglas ang sekretarya sa pagkakahawak ni Julia. 

"Maam!"

Pinakawalan lang ito ni Julia nang makitang nahawakan at napihit na niya ang handle ng pinto ng opisina ni Theo pabukas.

"Ma'am please-!"

Mabilis na pumasok si Tina sa kuwarto at mabilis din iyong ini-lock.
Nang tumalima siya paharap, sinalubong siya ng tatlong pares ng nagtatanong at nagtatakang mga mata.

"Nurse Tina?" Si Arielle na sa tingin ni Tina ay ang unang nakabawi sa pagkabigla. She was sitting directly across from Sabrina who looked beautifully exquisite and smart at the same time. Naka suot ito ng suit, parang totoong lisensyadong abogado na nag top sa bar exams sa pagiging proud at kalmado.

"What are you doing here, hija? Dapat ay nagpapagaling ka pa."

"Magandang hapon po."

Tumayo sa pagkakaupo sa likod ng desk nito si Theo. Tumingin sa braso niyang naka bandage. Sinigurado ni Tina na litaw at kita iyon sa suot niyang loose long sleeves na sinadya niyang iwan na nakabukas ang unang dalawang butones.

It wasn't necessary, pero just to emphasize na nasaktan at nanganib ang buhay niya dahil sa pagsagip sa buhay ng panganay nitong anak, nagpatulong siya kay Julia na ikabit iyon paikot sa katawan niya.

"I'm very sorry to barge in like this, Sir, Ma'am... Pero gusto ko po sanang mag apply." Umpisa niya. "Bilang asawa ng anak n'yong panganay."

May ilang sandaling hindi naka react si Theo matapos marinig ang kanyang sinabi. Arielle appeared as baffled as her husband felt. Habang nakatingin si Sabrina sa kanya, a hint of mockery written on her beautiful face.

"Magkakilala na ba kayo dati? Kung hindi, why do you want to marry him?" Asked Theo who stayed calm and collected habang mataman siyang pinagmamasdan.

Tipid ang ngiti ni Tina. "Kung hindi n'yo na ho matandaan, ako ho 'yong babae sa motel na naabutan n'yo noon kasama si TJ. You heard him say he'd take full responsibility for what happened pero hindi ko na siya ulit nakita pagkatapos ng gabing iyon dahil marami hong nangyari..."

"So... you were not applying for..." Si Arielle. Sigurado siyang relief na agad ang nakita niyang gumuhit sa mukha nito habang hinihintay ang sasabihin niya.

"With all due respect, Maam, Sir. Gusto ko hong ngayon na ako panindigan ni TJ. Ipakasal n'yo ho ang anak n'yo sa 'kin." aniya sa tonong pagkadiin diin.

Continue Reading

You'll Also Like

241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...