ARRANGE MARRIAGE WITH MR. COL...

By Helizemonnarialle

31.5K 468 49

Meet Irish Ezaneia Xin Katana Ferrer Lee 17 y/o, she is the type of girl who is boyish in short parang lalaki... More

CONT. OF DESCRIPTION IN THE STORY
AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
KABANATA 1: Going Back To Philippines
NOT AN UPDATE! (ANNOUNCEMENT)
KABANATA 2: Mansion
KABANATA 3: Childish
KABANATA 4: First Encounter
KABANATA 6: New School, New Bestfriend
KABANATA 7: Don't deny it, bro!
KABANATA 8: Monkeys

KABANATA 5: Misterious

1.6K 19 0
By Helizemonnarialle

KABANATA 5
Mysterious

"Try to hurt our princess we will not hesitate to kill you or bury you alive, even if you beg or kneel down and cry blood in front of us...we will never have mercy to kill you."

~LEE BROTHERS/COUSINS~

CARTER POV.

Hi everyone! it's me Aries Lucas Carter Lee 23 y/o, call me Carter for short but if you don't want to, just call me mine for shorter /wink* and I'm the most handsome creature among our cousins. I have siblings in short we are triplets and I am the youngest among them. All I can say is that I am the most handsome of the three of us. We are all male cousins ​​and only Ezaneia is the only girl who is our younger cousin, so we treat her as our princess because she is like our youngest sister, we are all protective of her because we don't want her to cry and hurt by anyone.

So now we are here in the living room, we are cleaning up the mess we made earlier and we already kicked the girls out so they left very angry then they're still asking many questions like "why are you kicking us out right now and then... you haven't let us finish yet?" blahh..blahh.. blahh.. like wtf?!  but we didn't care about that anymore, we called our bodyguards here at the mansion and dragged them to the outside of our big gate, they didn't want to leave and they were still struggling, there was no choice, that's why we did it.

"Hoy.. pre! tumulong ka nga dito!"

Mahirap na at ba ka isumbong pa kami ni princess kila mom and dad yung mga nakita niya kanina dahil kung hindi lagot kami, hindi lang lagot, patay talaga kami nito kapag nagkataon sermon na naman aabutin namin dito, lalo na kila grandma at grandpa sobrang delikado, nakakatakot pa naman magalit si grandma lalo na si grandpa ba ka parusahan pa kami ng sobrang lala.

"Hey.. bro! tutunganga ka lang ba diyan?!"

Nagulat pa nga kami nong dumating siya, hindi nga namin alam na uuwi na pala siya makalipas ng labing tatlong taon simula noong pinunta siya ni tito doon sa U.S dahil sa aksidente na nangyari noon.

"Tol! bingi kaba?! o sadyang bingi ka lang talaga?"

Muntik na nga na hindi namin siya makilala dahil sa pananamit niya, nag vivideo chat naman kami pero ang laki talaga ng pinagbago niya, yung dati kasi na kikilala namin na Ezaneia ay palaging masiyahin at makulit, may pagka-isip bata at palaging nag-susuot ng mga dress lalo kapag kulay pink ito dahil yon ang paborito nitong kulay tapos gustong-gusto niya palagi daladala yung teddy bear niya o di kaya yung doll niya kahit saan siya magpunta ay daladala niya iyon palagi ma pa mall man o school kaya napapagkamalan siyang may pagka-abnormal at kulang sa pag-iisip, pero hindi naman siya ganon..

"Hoy! gago! tumulong ka nga dito maglinis! parang walang naririnig 'to!"

talagang may pagkaisip bata lang siya staka gustong-gusto niyang kumakain ng mga matatamis ilang beses na namin ito ipanag-bawal sa kanya pero dahil sa dakilang makulit ito, ayon hindi niya sinunod, kumain pa rin kahit na bawal, minsan pa nga noon eh nagtatago pa ito  para makakain ng chocolate pero minsan ay nahuhuli namin itong kumakain sa gilid ng kama niya at minsan sa silong ng lamesa sa hapagkainan. Pero ngayon ay sobrang laki ng pinagbago niya, ibang iba na talaga siya sa dating siya. Haysstt..

"Hoy!!! Mamaya mo nang atupagin 'yang pag-iimagine mo diyan!"

Natigil yung pag-iisip ko ng biglang----

"ARAYYY!!!"

"SINONG WALANGYANG NAGBATO NG UNAN?!"

habang sapo-sapo ang noo ko. The fvck! ang sakit!

Paano ba naman kasi nananahimik lang naman ako dito sa gilid biglang-bigla na lang na may magbabato sayo ng unan tapos-- sa mukha pa talaga!

"SINONG NAGBATO?!"

madiin kong bulyaw sa kanila. Nakatayo na ako staka sila isa-isa silang tinignan ng masama.

Gumilid naman yung iba staka nagkanya-kanya na kunwaring may ginagawa.

"Hindi ako 'yan, naglilinis lang ako dito." Sean.

Staka dinampot yung walis at dust pan sa gilid. Na para bang alam maglinis, wala naman siyang nawawalisan! wala lang naikakarga sa dust pan na hawak niya! staka hindi naman ito naglilinis sa kanila!

"Aba'y hindi rin ako 'yan, nagpupunas lamang ako dito." Liam.

Sabay kuha ng kulay puting basahan na lupot staka nag-aaktong nagpupunas ng lamesa sa salas.

Binalingan ko naman ng tingin si Zero na nakatingin na din sa'kin kaya bilis-bilis agad itong nag-iwas ng tingin.

"Mas lalong hindi ako 'yan, nagbabasa lang kaya ako dito."

sabay dampot ng libro sa book shelf dito sa sala, halos magkanda uga-uga ito dahil sa pagmamadali niyang kumuha. Nang tapos na niyang makuha ay agaran itong umupo sabay buklat ng libro na hawak niya, ni hindi niya man lang tinitignan kung tama ba ang anggulo ng libro na hawak niya.

"Tanga 'pre, baliktad."

sabat naman ni Cooper.

Tinignan naman nito yung librong binabasa niya kaya nahihiyang napakamot ito sa ulo niya staka niya ibinaliktad yung libro kaya napailing na lang kami sa katangahan nito. Haysstt..

Tinignan ko naman itong tukmol kong kapatid na ngayon ay tumatawa na, nang napansin nitong nakatingin ako sa kanya ay huminto ito staka tumikhim.

"Oyy.. hindi ako, ba ka si kuya Chester."

sabat naman nito sabay turo kay kuya Chester na tahimik sa gilid.

"The fvck?! that's not me."

bulyaw nito at sinamaan ng tingin si kuya Cooper.

Binalingan ko naman ng tinignan yung iba.

"Hindi ako 'yon, pre."

"Ako rin bro."

"Me too."

"Gago pre, hindi rin ako 'yon."

"Not me."

"I'm not."

"Promise pre, hindi ako 'yon kahit mamatay pa kapitbahay niyo hindi talaga ako pre."

Sari't saring kumento. Napahilot na lang ako sa sintido ko at napabuntong hininga.

"Hindi niyo talaga sasabihin kung sino?"

madiin kong tanong staka nakapameywang na nakatingin sa kanila.

"Hindi talaga kami 'yon bro." Asher.

"Kung hindi kayo? sino? ngarod nagbato sakin, multo?"

pabalang na tanong ko.

"Siguro." Zero.

"Huwag niyo nga akong pinagloloko, sabihin niyo na kasi yung may kasalanan."

nagtitimping aniko sa kanila.

Dahan-dahan naman nilang tinignan 'yung isang bulto ng tao na nagtatago sa likod ng upuan na ngayon ay nakasilip na.

"Heheheh.. sorry pre." Jeron.

Tang*nang 'yan! kaya pala parang nawawala ang mokong na 'to kanina pa, nagtatago lang pala ang tarantado!

"Tangina mo! ikaw lang pala ang walangyang nagbato sa'kin."

bulyaw ko sa kanya.

At staka siya hinabol, dinampot ko naman yung hawak-hawak ni Sean na walis kaya naiwan sa ere yung kamay niya. Hinabol ko siya ng walis, nagpunta naman siya sa kusina kaya doon ko siya hinabol, paikot-ikot kami dito sa kusina.

"Gago ka! bakit mo ako binato ng unan ha?!, at sa mukha ko pa talaga?!"

galit na bulyaw ko dito.

"Taena 'pre! sorry na hindi ko naman sinasadya."

balik naman nitong bulyaw sa 'kin. Habang umiiwas na mahampas ng walis na hawak ko.

"Anong hindi sinasadya?! sinadya mo kaya 'yun!"

balik ko sa kanya.

Nandito kasi kami sa hapagkainan, paikot-ikot kami dito sa lamesa. Bali ganito ang ayos namin ngayon.

          ___________________________
         |                                                                  |
         |                                                                  |
[Me    |              <Dinning Table>               | [Jeron]  
         |                                                                 |
         |__________________________|

Naghahabulan kami dito, halos nagkanda uga-uga yung lamesahan dito sa hapagkainan tapos yung mga upuan ay nagulo-gulo na sa pagkaka-ayos nito at minsan ay nababalibag ito dahil sa kakahabulan namin ngayon.

BBBLLLAAAGGGG!!! (tunong ng upuan).

Napatigil kami sa kakahabulan ng biglang may sumigaw.

"Hoyy!!! mga tarantado kayo!!! huwag niyong idamay 'yung mga upuan!! masira lang 'yan, babayaran niyong dalawa!!!"

rinig naming sigaw ni Azriel na naggagaling sa sala.

Mabuti na lang ay wala na si princess dito dahil umakyat na ito sa taas at kakatapos lang itong kumain ng tanghalian, hindi naman niya kami maririnig dahil sound proof 'yung kuwarto nito sa taas.

Sapak talaga ang abot namin doon kung nagkataon na narinig niya, masakit pa naman manapak si princess, mamumula talaga mukha mo doon plus may remembrance ka pang hand print sa mukha, ohh.. diba? saan ka pa!

Biglang kumaripas naman ng takbo si Jeron palabas ng kusina kaya hinabol ko ito, na hawak-hawak pa rin itong walis. Ngayon ay nandito na kami sa sala, dito pumunta yung tukmol na 'yon kaya dito kami naghahabulan na.

Aakmang ipapalo ko sa kanya yung walis nang biglang niyang naiharang yung unan na parang nagsilbing shield niya.

"Gago pre! huwag mo naman ipalo sa pagmumukha ko 'yan! Ba ka masira ang gwapo kong mukha niyan at layuan pa ako ng mga babybabes ko nito!"

"Ipapalo ko talaga sa pagmumukha mo 'tong hawak ko!!! para it's a tay!!"

sabi ko staka siya hinabol ulit.

"Kanina pa kasi namin ikaw tinatawag ehh! pero hindi ka man lang umiimik!!! nakatunganga ka lang na nag-iimagine, kaya binato kita ng unan, hindi ko naman alam na tatama pala sa mukha mo 'yun."

mahabang ani nito sa'kin pero hindi ko 'to pinakinggan, pwede naman niya akong tawagin-- ayy.. hindi ko pala naririnig pero hindi naman pwedeng batuhin niya ako ng unan. Bad kaya 'yun.

Takbo kami ng takbo dito sa sala at hinahabol pa rin siya ng walis. Siya naman ay bato ng bato ng mga unan na mahawakan niya, mabilis naman akong nakakaiwas pero minsan ay natatamaan ako ng mga binabato nito.

"Hoyy!!! Tang*na niyong dalawa!!! kakalinis pa lang!!! nagkakalat na naman kayo!!!!"

naiiritang bulyaw ni Asher sa'ming dalawa.

Akmang ipapalo ko ulit 'yung walis sa kanya ay mabilis itong nakaiwas at iba ang nahampas ko nito.

"WHATT THEE FVCK!!!"

mura nito gamit ang malamig at baritono nitong boses habang sapo-sapo ang likod ng balikat nitong napalo ko.

Bahagya ko pang nabitawan yung walis na hawak ko dahil sa gulat at tila natuod ako sa kinatatayuan ko ngayon. Pati na rin ang iba ay natigilan rin sa nangyari.

PAKTAY AKO NE'TO!!! NAPALO KO ANG NATUTULOG NA DRAGON!!!

"AYY.. GAGI!!! SORRY INSAN/BRO."

sabay naming sabi ni Jeron, nangmabalik ako sa ulirat.

Si Ace lang naman kasi napalo ko ng walis na ngayon ay galit sa'min na nakatingin. Nakaupo na kami ngayon mahabang sofa at siya naman ay na sa single sofa.

"What the hell are you two doing?!"

galit nitong tanong sa'ming dalawa. Bumaling naman ang tingin nitong sobrang talim yung tipong papatayin kana, kung nakakamatay lang ang tingin ay siguradong kanina pa ako nakabulagta dito sa kinauupuan ko.

"And you just hit my back with that fvckening w-walis?! fvck!!!!! it so fvcking hurts!!!!!"

may pagka conyong sabi nito, nauutal pa ito at panay mura pa. Sabay hawak nito sa likod ng balikat niya na napalo ko kanina na pinipilit nitong ini-stretch. Napalakas siguro ang pagkakapalo ko sa kanya.

Taena! na guguilty tuloy ako! hindi ko talaga sinasadya, si Jeron talaga ang papaluin ko ng walis kaya lang umiwas ang gago, kaya si Ace ang nahampas ko, na nasa likod niya.

__________________________________

Nandito ako ngayon sa pagmamay-ari naming mall which means sa'kin nakapangalan ito, bigay sakin ni Daddy Lo noong birthday ko, regalo daw niya sa'kin, kung nagtataka kayo he's my granpa in short my mom's dad. Bibili lang naman kasi ako ng school supplies ko dahil pasukan nasa susunod na linggo at staka naka enroll na din ako kaya wala nang problema doon, ang problema na lang ay mga gagamitin ko sa pasukan. Haysstt..


Kakaalis ko lang kanina sa Mansion at nagpaalam naman na ako kay manang Fely na may pupuntahan muna ako at kung sakaling hanapin ako nila kuya's at ng mga pinsan ko ay sabihin na lang niyang bumili ako ng school supplies na gagamitin ko sa pasukan, maaga akong pumunta dito sa Mall dahil marami nang taong pupunta mamaya. Nakasuot lang naman ako ng simpleng pangbayan.

Dumiretso na ako sa National Bookstore, kakatapos ko lang bumili ng mga school supplies ko sa Department Store. Bibili lang naman ako ng wattpad books, kakatapos ko lang kasing basahin yung nakaraan kong nabili.

Habang pumipili ako ng wattpad books, naramdaman kong parang may nakasunod sa'kin, pero kapag titignan ko naman biglang nawawala.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa National Bookstore para tignan kung sino ba ito, biglang nahagip ng mata ko ang isang matangkad na lalaking naka-hoodie na black staka naka mask rin na black na parang pupunta ata ng lamay dahil puro black ang suot nito, hindi ko maaninag yung mukha nito dahil naka mask nga tapos yung buhok nito ay mahaba kaya natatakpan yung mga mata niya. Mariin itong nakatingin sa'kin mula sa salamin na nakaharang para bang kinakabisado ang mga galaw ko.

Umiwas ako ng tingin doon sa misteryosong lalaki na kanina pang nakatingin sa'kin dahil hindi ko makayanan ang mga tingin nito sa'kin para akong tutunawin at itinuon ko na lang nang tingin ang paghahanap ng wattpad books na gusto kong basahin.

"Weirdo."

mahinang bulong ko.

Ilang minuto ay may nahanap na rin ako na gusto kong basahin. Kaya lang----

"Tangina! ang taas naman!"

mahinang bulong ko. Matangkad naman ako pero ang taas talaga ng kinalalagyan ng wattpad books na gusto kong basahin.

Bwisit yung naglagay diyan! Potek!

Sinusubukan kong tiklayin para maabot iyon pero hindi talaga kaya. Akmang titiklayin ko ulit ito ng bigla akong nagkamali ng galaw at nasagi ko ang makapal na libro na mula sa itaas na bahagi at bumagsak ito papunta sa'kin.

Parang nag-slomotion ang paningin ko nang bumagsak ang libro kaya mariin akong pumikit at hinintay kong bumagsak ito papunta sa'kin at hinintay ko ring bumagsak ako sa malamig na sahig ngunit wala akong naramdaman na kahit anong masakit at ni hindi man lang ako bumagsak sa malamig na sahig----

Dahan-dahan kong minulat ang talukap mga mata ko ng maramdaman kong may mainit na braso na nakapalibot sa'king baywang.

Nang maimulat ko ang mga mata ay bigla akong natulala at biglang na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang sumalubong sa'kin ang mala-abong mga mata na malamig na nakatitig sa'kin at bakas dito ang pag-aalala.

Ang isang kamay naman nito ay nasa makapal na librong muntik nang malaglag sa'kin kanina, nakasuporta ang kamay nito doon para hindi ito malaglag sa pagkakalagay at ako naman ay nakahawak sa leeg nito na halos magkalapit na ang mga mukha namin.

At halos hindi ako na makahinga ng maayos dahil sa bilis ng pintig ng puso ko at isang dangkal na lang at kunting galiw mo lang ay maglalapat na ang mga labi namin ngunit mabuti na lang ay naka mask ito, at ang isa ko namang kamay ay nasa matipuno nitong dibdib na nakasuporta para hindi kami magkadikit.

Ilang minuto din kaming ganuon ang posisyon namin at nakatitig sa isa't isa. At pino-proseso pa rin sa aking isipan kung ano ang nangyari.

Namula ang buong mukha ko sa hiya nang ma realize ko kung ano ang nangyari kaya bigla akong napabitaw sa pagkaka-akbay ng aking isang kamay sa kanyang leeg at sa pagkakalapat ng isa ko pang kamay nasa dibdib nito, siya naman ay inalayan akong tumayo ng matuwid. Inayos naman ang aking sarili dahil nagusot ito ng kunti at staka tumikhim.

"T-thank you m-mister."

nauutal kong sabi. Napapikit na lang ako ng mariin at kinurot ko ng mahina ang kamay ko.

"Tangina Zane huwag kang mautal!!! gaga ka!!!"

"Be careful next time, Wife."

malamig nitong sabi gamit ang baritono nitong boses ngunit hindi ko narinig ang huli nitong binanggit dahil pabulong niya ito sinabi.

"H-hah?"

"Tskk.. stupid."

malamig nitong bulong at staka ito umalis sa harapan ko na tila walang nangyari at iniwan akong nakatulala, hindi nakatakas sa'king pandinig ang huli nitong sinabi.

Tangina yan! tinawag ba naman akong stupid?! Bwisit na kapreng lalaki 'to porket mas matangkad lang siya sa'kin.

Ngayon ko lang na realize na ang kapreng lalaking iyon ay yung misteryosong lalaki kanina na nakasuot ng kulay black na hoodie at mask.

_______________________________________________________

Nakauwi na ako ngayon dito sa Mansion at nandito ako ngayon sa'king kuwarto, nakahilata sa kama at nakatingin sa kisame, iniisip ko pa rin yung misteryosong lalaki kanina na nakita ko sa National Bookstore. Hindi maalis-alis sa'king isipan iyong kapreng lalaking yun. At tuwing sumasagi sa'king isipan yon ay bigla-bigal na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Tangina Zane! huwag mo nang isipin yung kapreng lalaking 'yon!!!"

Aniko sa'king isipan at staka pinilig ang ulo ko.

TOKK... TOKK... TOKK... TOKK..

"Hija halika na't bumaba kana, nakahanda na ang pagkain sa hapagkainan, hinihintay kana ng mga kuya at mga pinsan mo doon."

tawag sa'kin ni manang Fely.

"Sige po manang, susunod na lang po ako."

magalang kong sabi. Nakalimutan ko pala sabihin na gabi na ngayon, hapon akong dumating kanina galing sa mall kaya lang ginabi ako kakaisip doon sa kapr--- aishhh.. nevermind.

"O siya, sige."

sabi nito at ilang saglit pa lang ay narinig ko na ang mga tapak nang pag-alis nito.

Bumaba na ako sa'king kama at sinuot ang tsinelas ko at dumiretso sa cr at naghilamos ng mukha at staka nag toothbrush at nagmumog na rin.

Bumaba na ako sa'king kuwarto at staka dumiretso nasa hapagkainan. Nakita ko naman silang naghihintay sa'kin kaya umupo na ako sa gitna nila kuya Reigan at kuya Blake.

"Ang tagal mo naman princess, gutom na kaya ako."

Ungot nito sa'kin at staka siya ngumuso kaya nabatukan siya ni kuya Keigan na katabi lang nito.

"A-aray!! ko naman bal!!!"

reklamo nito kay kuya Keigan habang hinihimas nito ang ulo nito.

"Ikaw! puro na lang pagkain ang nasa isip mo!!!"

bulyaw nito sa kanya sabay duro pa kaya mas lalo itong ngumoso.

"Staka huwag mo ngang ganyanin si princess?! kahit kambal pa kita sasapakin talaga kita!!!!"

dugtong nito at akmang aambahan ito ng sapak kaya napaismid na lang ako nang nagsimula na silang magbangayang dalawa.

"Can you two stop fighting in front of the food?!"

malamig na bulyaw ni kuya Ace habang masamang nakatingin kila kuya Reigan at kuya Keigan na ngayon ay tahimik nasa kinauupuan nila.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot ngayon dito sa harap ng hapagkainan nang biglang basagin ni kuya Ace.

"Tskk... Let's eat."

malamig nito sabi. Nagdasal muna kami bago kami kumain at namayani ang katahimikan at tanging tunog lang ng mga kurbiyertos ang maririnig hanggang sa matapos kaming kumain. Niligpit naman nila manang at mga maid dito ang mga pinagkainan namin.

Nandito kami ngayon sa living room, nanonood ng Jakie Chan na action movie sa TV na may kasamang comedy na kanina lang na sinalpak ni kuya Azriel na DVD. Police Story ang pamagat nito, gustong-gusto ko itong panoodin kaya 'yan yung pinili nila, idolo ko kasi si Jakie Chan.

Pinatapos muna namin na panoorin yung movie at napagsiyang matutulog na dahil gabing-gabi na dahil mag-aalas onse na ng hating gabi. Kaya napagpasiyahan kong magpaalam na kila kuya's na matutulog na ako.

Lumapit naman ako kila kuya's na nasa mini bar namin sa Mansion, nakaupo sila at nagsasalin ng alak doon.

"Mga kuya's maiwan ko na po kayo dito, matutulog na po kasi ako dahil pasado alas onse na."

pagpapaalam ko sa kanila. Tumango naman silang lahat.

"Good night po mga kuya's love you all."

malambing kong sabi sa kanila at staka sila isa-isang niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Good night our princess sleep tight and sweet dreams, we love you too."

malambing nilang ani sa'kin bago ko lisanin ang mini bar at dumiretso na sa taas patungo sa aking kuwarto.

Pagkarating ko sa'king kuwarto ay dumiretso agad ako sa cr at ginawa ang night routine ko at staka naghalf bath at dumiretso sa closet at nagbihis ng komportableng pantulog.

At staka humilata nasa kama, ilang minuto ay nakatingin ako sa kisame ng biglang sumagi na naman sa'king isipan yung nangyari kanina sa National Bookstore, napahawak na lang ako sa pisngi ko na biglang uminit ito, siguradong pulang-pula ang mukha ko ngayon kahit hindi ko nakikita.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko ng bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko na parang may nagkakarerang kabayo dito ng sumagi sa ulit sa'king isipan ang mala-abo nitong mga mata na sobrang nakakaakit.

Ano bang? Nangyayari sa'kin? Kailangan ko na atang magpa-konsulta sa doctor, may sakit na ya'ta ako sa puso nito.

Magdamag pa akong nakatingin sa kisame hanggang sa bumigat ang talukap ng aking mga mata.

[AND EVERYTHING WENT BLACK]

A/N: Hi good evening my daneia's, pasensya na ulit at ngayon lang na naman ako nakapag-update may limit na kasi ako sa paggamit ng cellphone kaya ngayon lang ulit staka hinabaan ko na rin itong Kabanata 5 kasi napansin ko maiikli yung mga nagawa kong ibang Kabanata, kaya mas lalong matatagalan pa akong mag-update na naman dahil hahabaan ko na yung mga susunod na kabanata at pasukan na namin sa 29, muli pagpasensyahan niyo na ang otor niyo minsan kasi nawawalan ako ng mga ideas sa susunod na kabanata kaya be patience for the next update, maraming salamat po sa mga nakakaintindi btw don't forget to eat your dinner!!! and enjoy reading!!! love lots! (^3^)😅😊😘💜


Continue Reading

You'll Also Like

19.3K 233 4
π’πŽπ”π‹πŒπ€π“π„π’ : are people who are fated to be together, usually romantically, sometimes through multiple lives ' explore how two souls are conn...
3.4K 166 18
The photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. Geo is troublesome, while Kit is a fighter. They have different dreams and p...
20.8K 598 27
Yukana Akiyama is a 16 year old who lives in Kanto, Japan. One day, she discovers a notebook with the power to resurrect the dead. Yukana becomes inv...
1.3K 77 11
Aquino este universo es fΓΊtbolista con su amigos y no stremers