Sweet Summer Serenade (Epheme...

By yshwii

412 161 260

Two different individuals with parallel perspectives: One who is afraid of falling in love again and one who... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine

Chapter Three

39 18 40
By yshwii

K A D E N C E

"Ang boring!"

I exclaimed then lazily sat on my bed. I glanced at my wall clock, alas dose y media na pala, hindi ko napansin.

Sabado ngayon at wala akong ibang ginawa kundi kumain at matulog lang buong linggo. I don't have the guts to go outside after what happened a few days ago.

Ikaw ba naman habulin ng mga pato sa harap ng maraming tao? Sinong gaganahang lumabas ng bahay sa ganiyang sitwasyon?

"Wala akong magawa," nakabusangot kong sambit habang nakatingin sa kawalan. Nakakasawa na rin mag-cellphone. Wala rin naman akong makausap doon, busy sa kaniya-kaniyang mga lovelife mga kaibigan ko.

Edi wow, kayo na.

"Lord, bigyan mo naman po ako ng gagawin," pakikiusap ko. Feel ko kakainin na ako ng kabugnutan kung wala pa akong gawin ngayong araw.

"Hija?" 

Bigla akong napatayo nang marinig kong kumatok sa pinto ng kuwarto ko si Manang Ising. Ano kayang mayroon? Katatapos ko pa lang naman kumain, ah?

My eyes almost sparkled with joy the moment I opened the door. Oh my gosh.

PRAYERS HEARD!

"Pinapabigay ng mommy mo, hija. Hindi ko alam kung ano iyan pero sabi niya last week mo pa raw siya kinukulit tungkol diyan," Manang Ising said as she handed me a familiar box.

"Camera ko po ito. Thank you, manang!" I said. She just smiled at me before going downstairs.

Nang makaalis si Manang Ising, dali-dali kong binuksan yung box at doon ko nakita yung pink kong digital camera. Sa wakas! May magagawa na rin ako!

Nasira ko kasi ito last month, nabasag yung lens. Accidentally kong nabitawan nang masanggi ako ni Orion habang nagpapractice siya ng drums sa hangin na parang tanga. Si Orion sana magpapaayos nito kaso sabi ni mommy huwag na raw at mag-focus na lang siyang gumastos sa iba pa niyang mga gusto at kailangang paggastusan. Wala rin naman akong reklamo roon, as long as maayos siya, okay na sa akin.

Binuksan ko ang digicam, maayos na ang lens. Hindi na black ang nakikita. Maganda ang pagkaayos, parang brand new lang. 

Tinignan ko ang mga photos, nandito pa rin mga pictures naming magkakaibigan. Kahit yung nag-iiyakan kami sa airport noong pauwi kami rito sa probinsya.

Natawa ako nang makita ang picture ni Shaun na parang bata, may hawak na lollipop habang nakabusangot na nakatingin sa akin. Si mommy ang nag-picture nito, sigurado lang ako.

"Ang cute naman," I whispered habang tinitignan yung mga photos namin dati. Nakakamiss naman sila, kailan kaya ako makakabisita sa Manila?

Bigla akong napahinto nang makita ko ang isang picture na nasa digicam ko pa rin.

It was an old photo of us, me and Aiden.


This was taken three days before we broke up; three days before I knew that he cheated on me for about ten months.

I felt a tear escaped from my left eye. Gagi, bakit ko ba iniiyakan 'to?

"Yuck, iniiyakan yung babaero."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang biglang may tukmol na nagsalita sa likod ko.

Si Orion.

"Anong ginagawa mo rito?" Ani ko sabay patay ng camera na hawak ko, hindi ko tuloy nabura yung picture!

"Wala akong magawa, patambay," aniya at humiga bigla sa higaan ko. Aba!

"Mukha bang hotel bahay namin para lagi mong tambayan?" Turan ko sa kaniya pero tinalikuran niya lang ako. Mukhang matutulog nanaman 'to.

Napailing na lang ako at binuksan ulit yung digicam ko para burahin yung picture namin ni Aiden nang bigla akong batuhin ni Orion ng unan. Nataranta pa ako kasi muntik ko nang mabitawan yung digicam na kakaayos pa lang. Tarantado talaga!

"Kadence, may kilala ka bang nangangailangan ng pera? Yung gustong magtrabaho tapos marunong humawak ng cameras?" He suddenly asked nung bubulyawan ko na sana siya. I creased my forehead with his question, ano kayang mayroon?

He successfully caught my attention.

"Ano nanaman ba 'yang pakulo mo?" I asked him, confused. He just shrugged his shoulders and tumalikod nanaman sa akin.

Ilang minuto muna kaming nanatiling tahimik nang biglang may light bulb na umilaw sa ulo ko. Shet! Mukhang hindi na ako mabuburyo nito sa bahay lalo na't pera ang usapan.

"May kilala ako Orion," I said confidently.

"Sino?" Tanong niya; I even saw sparkles in his eyes.

"Ako!" Pagpresinta ko. Inirapan niya lang ako tumalikod ulit.

"Bakit? Kailangan ko nga ng pera!" Pagpupumilit ko habang niyuyugyog siya.

"Manahimik ka nga! Lagi kang may allowance kila tito at tita, magkahiwalay pa nilang binibigay pera mo. Hindi mo ako maloloko," pagtanggi niya sa akin dahilan para bumusangot ako.

"Eh, gusto kong kumita ng sarili ko na pera, nakakahiya na kaya kila mommy," I said with an intent of convincing him kahit hindi ko pa alam kung anong trabaho ba ipapagawa niya.

To be honest, hindi talaga 'yan ang rason ko. Gusto ko lang may gawin ngayong summer, ang boring kasi sobra rito sa bahay lalo na't palaging nasa trabaho sina mommy at daddy. Bonus na lang yung makakaipon ako ng pera bago magpasukan para makabili ng mga needs ko nang hindi na humihingi kila mommy.

Oh my gosh, puwede na akong maging independent!

"Kahit na, ayoko sa iyo," nakangusong saad ni Orion dahilan para bumusangot ako lalo. Wow ha?! 

"Bakit ayaw mo sa akin?" I asked. Sasagot na sana si Orion nang magsalita ako ulit para putulin ang sasabihin niya.

"Pangit ba ako?" I asked again. Kumunot naman ang noo niya dahil sa biglaan kong tanong na iyon.

"No," he answered, confused.

"Kapalit-palit ba ako?" Pag-acting ko ulit. Mukhang na-gets ni Orion yung ginagawa ko kasi bigla niya akong pinaghahampas ng unan.

"Then why?!" Pagtapos niya sa ginagawa ko, saktong pumiyok pa siya. Hindi ko na tuloy napigilang matawa dahil doon.

"Tarantado," natatawang saad ko sa kaniya.

"Ka," dugtong naman niya.

"Rin," pagdugtong ko ulit.

"Ewan ko sa iyo," aniya at humiga nanaman pero niyugyog ko nanaman ulit siya.

"Orion dali na, anong trabaho ba 'yan?" Pagpupumilit ko. I saw him grinned before facing me.

"Sure ka na?" He asked, tumango naman ako.

"Mag-aalaga ka ng mga pato," he said which drained my blood.

"Ay, iyo na lang yang trabaho na iyan, isaksak mo pa sa baga mo wala akong pakialam!" I said at tinigilan na siya. Narinig ko pa siyang tumawa dahil sa reaksyon ko, halata namang hindi iyan yung ipapagawa niya pero nawalan na ako ng gana. Edi siya na nagtagumpay!

Humiga na lang ako ulit at nag-cellphone habang nag-iisip ng kung ano nanaman ba ang puwedeng gawin.

"Kadence, may tanong ako," pagsasalita nanaman ni Orion na nakatingin ngayon sa kisame.

"Ano?" I asked as I glanced at him. Ibinalik ko rin agad yung atensyon ko sa phone ko.

"What will you do if it seems that the flame in your dreams is slowly fading?" He asked. Napatingin naman ako sa kaniya dahil doon.

Pinatay ko ang phone ko at humarap sa kaniya.

"Well... Rekindle it," I answered.

"Rekindle it until you run out of matches. Rekindle it until your hands get burned. Also, you cannot stop the wind that puts off the flame eh, but you can prevent it by protecting the flame so that your dreams will continue to glow. Anyway, it's up to you pa rin naman 'yan kung hahayaan mo na lang mamatay kasi ayaw mo na or sisindihan ulit kasi passion mo talaga," dagdag ko pa. Napaupo naman si Orion dahil doon.

"Paano kung gusto ko pa rin siyang sindihan pero naubusan na ako ng posporo?" He asked again.

"Edi manghiram ka ng lighter sa iba," sagot ko sa kaniya.

"Gago! Seryoso yung tao," he snarled which made me chuckle.

"What I mean ba is manghingi ka ng tulong sa iba. No man is an island, you need someone's help to achieve your goals because truth be told, you cannot do everything all alone," paglilinaw ko sa kaniya, napatango-tango naman siya.

"Ganoon?" He asked, ako naman ngayon yung tumango.

Nagtaka ako nang bigla niyang kinuha yung camera ko at binuksan. Nag-selfie siya rito na akala mo naka-smartphone at binato sa akin. May sapak talaga 'to sa utak! Kapag masira nanaman 'to, kailangan na niya akong bilhan ng bago!

"You're hired," aniya na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Ano?"

"Gusto mo magtrabaho 'di ba? Lend me a lighter to rekindle the flame that I am slowly losing, be our band's manager."

***
<3

Continue Reading

You'll Also Like

100K 4.3K 37
What if the one courting the girl you like turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture student didn'...
110K 7.1K 33
A Spin-Off of New Classic Series Dawn, an avid fan of the chart-topping band New Classic and an advertising arts major, crosses paths with her med st...
1.4M 48.7K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
362K 17.6K 53
[ Iskwala Series #1 ]