She's Valentine

By julyowrites

13.3K 547 121

Valentine Series #2. More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Last Chapter

Epilogue

538 25 9
By julyowrites

Epilogue

Soulmate.

"Smile ka."

*CLICK!*

"Uy teka!"

True love.

"Ngitii!!!"

*CLICK!*

"Ano ba Sydney. Tigilan mo ako."

Nagtawanan kami.

"Isa lang naman."

"Isa ka dyan. Halos mapuno na nga ng mukha ko yang camera mo e! Gusto mo pang isa? At teka nga! Ano bang gagawin mo sa mga pictures na yan?"

"Secret."

"Aynako. Ewan ko sayo."

Niyakap niya ako mula sa likod, "Ito naman. Masyadong highblood. Buntis ka na noh?"

"Uy Lorenzo tigilan mo ako! Hindi pa tayo kasal FYI."

"Bakit? May iba namang babaeng nabubuntis kahit di pa sila kasal ah? Pwede namang unahin yung honeymoon. What do you think soon to be Mrs. Chan?"

Napangiti na lang ako. Tatlong taon na pala kami. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin kami kasal. Twenty pa kasi ako nung mag-propose siya. Ngayon, twenty three na ako. Siya naman, twenty four.

Hay.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari lahat ng to. Hindi pa rin ako makapaniwala na natagpuan ko na sa wakas ang matagal ko ng hinahanap.

Yung soulmate ko.

Bawat tao, may kanya-kanyang soulmate. Soulmate. Other half kung tatawagin. Isang taong kukumpleto ng buhay mo. Yung parang hindi mo kayang lumipas ang isang araw na hindi kayo nagkakausap. Yung taong komportableng komportable kang ikwento sa kanya ang lahat. At parang ang dami-dami niyong kapareha. Malaki ang parte niya sa buhay mo at kahit gaano kayo ipaglayo ng tadhana, babalik siya sayo. Bakit? Kasi nakalaan kayo sa isa't isa. May isang red string na naka-attach sa mga daliri niyo na nangangahulugang kayo talaga.

Pero may iba ring mag-soulmates na hindi nagkakatuluyan. Siguro kasi ganun lang talaga. Hanggang magkaibigan lang talaga sila. Bestfriend. Yung taong napagkukwentuhan mo sa lahat at feeling mo kulang ang buhay mo pag wala siya. Madami kayong kapareha at komportable kayo sa isa't isa. Other half. Bestfriend.

At hanggang doon lang yun.

Bakit?

Kasi magkaiba ang soulmate sa true love.

Maaaring siya nga ang soulmate mo. Pero... iba pa rin kasi ang true love.

True love.

Mas malalim sa salitang Soulmate ang True love. Mas makahulugan. Kapag trinanslate mo yan, ang ibig sabihin... Totoong pag-ibig. Ang hirap hanapin ng totoong pag-ibig. Parang kalsada lang na lubak-lubak at paliko-liko. At sa parte ng paghahanap o paghihintay mo ng true love, marami kang taong masasaktan at maraming beses kang masasaktan. Pero gaano man kabigat yang nararamdaman mo, huwag kang mag alala. Lilipas din yan. Dadating at dadating ka pa rin sa patutunguhan mo, sa kabila ng lubak lubak na daan. Makikita mo rin siya. At sa mga oras na yun, masasabi mo na lang sa sarili mong... Siya na talaga.

Isang beses nga may narinig ako, "Nakita ko na yung soulmate ko! Pero san na kaya yung true love ko?"

Ako nga rin e. Napapaisip. Sino kaya yung soumate ko? Sino kaya ang true love ko? At napapangiti na lang ako pag naiisip ko kung gaano ako kaswerte.

Kasi yung soulmate ko... at yung true love ko... ay iisang tao lang.

At eto.

Magsisimula na.

Here we stand today
Like we always dreamed

Bumukas ang pintuan ng simbahan.

Starting out our life together

At nakita ko ang lahat ng taong nakatingin sa akin.

The light is in your eyes

Bigla akong kinabahan.

The love is in our hearts

Yung puso ko. Dugdug.

I can't believe you're really mine forever

Pero nagpatuloy ako.

Been rehearsing for this moment all my life

Dahan-dahan akong naglakad..

So don't act surprised

Hindi ko maiwasang mapaluha. Lalo na nung kinuha na ni uncle Cedrex at auntie Elsa yung kamay ko.

If the feeling starts to carry meaway

"Oh bakit?" Napatingin ako kay auntie Elsa nun.

"Masaya po ako. Sobra... Sobrang saya." Tumulo ang luha ko.

"Huwag ka ng umiyak."

On this day

"...kasal mo to, diba?"

I promise forever

"S...salamat po talaga."

Napayakap ako kay auntie Elsa at kay uncle Cedrex nun.

On this day

Ewan ko kung bakit naging ganito kadrama yung kasal ko. Pero... gusto ko lang talagang pasalamatan ang lahat ng taong naging bahagi ng buhay ko.

I surrender my heart

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

At mula dito, nakikita ko na ang lalaking mahal na mahal ko. Ang nag-iisang lalaking minahal ko... minamahal ko... at mamahalin ko.

Suot ang puting tuxedo niya.

Here I stand, take my hand

Nagkatitigan kami.

And I will honor every word that I say

At hindi ko mapigilan ang ngiti ko nung mag lipsync siya ng... "I love you."

On this day

Ngiti.

Not so long ago
This earth was just a field
Of cold and lonely space, without you

"Goodluck anak." Hinalikan ako ni auntie Elsa sa pisngi.

"Go sissy! Aja!"

"Ayan na."

Now everything's alive

Tatlong hakbang na lang papunta sa kanya.

Now everything's revealed

Dalawang hakbang.

And the story of my life

Dugdug.

Is all about YOU

At sa wakas....

On this day

Kinuha niya na ang kamay ko.

I promise forever

Sabay na kaming naglakad papuntang altar.

On this day

At simula sa araw na to...

I surrender my heart

Sa kanya na ang puso ko.

Here I stand...

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin.

Take my hand

Hinalikan niya bigla ang kamay ko at tinignan ako sa mata.

And I will honor every word I say

"Isulat mo lahat to ha. Sa epilogue. Tapos ilagay mo dun na pinakasalan ka ng isang lalaking nag-uumapaw sa kagwapuhan."

Sinuntok ko siya ng palihim.

"Baliw. Baka magka-crush sayo yung mga readers."

"Asus." Tumabi siya sakin at naglakad na uli kami. Kahit maingay.... narinig ko pa rin ang sinabi niya.

On this day

"Sa wakas, akin ka na talaga."

At nakita ko ang ngiti sa may labi niya.

Sana hindi na matapos ang kwentong 'to.

Isang kwentong nagsimula ng once upon a time......

At ngayon, magtatapos na sa...

"I do."

At hanggang sa pinakahuling bahagi ng program pagkatapos ng kasal, magkahawak pa rin ang kamay namin ni Sydney.

Yung hawak na parang hindi na namin kayang bitawan ang isa't isa.

Sobrang higpit.

Pero--

"Wifey, magc-CR lang ako ah."

"Okay hubby. Balik ka agad."

Pero mag-iisang oras na... hindi pa rin siya bumabalik. Magtatapos na ang program.

"Ehem. Mic test."

Nagtinginan lahat ng tao dun sa may stage, pati ako. At napailing na lang ako nung makita ko siya dun. Iling na may dalang ngiti.

Biglang lumabas sa screen yung mga stolen pictures ko.

"Uy wifey. Sorry ah. Di ka kasi ngumingiti e. Ayan tuloy." Nagtawanan ang mga tao. Ako naman, nag-iinit na ang mukha sa hiya.

Sa totoo lang, ayokong tapusin ang pagsusulat ng storya namin.

Pero naisip ko rin. Kailangan kong magsimula ng panibagong libro. Mas romantic. Mas malinis. Mas bago. At mas masaya.

Pero kahit makapagsulat ako ng maraming libro, hindi ko makakalimutan ang storyang to. Kasi dito ka naisulat lahat ng nangyari sa buhay ko.

Dito ko naisulat kung paano kami nagkakilala ng soulmate at true love ko.

"Alam niyo ba kung bakit ang lugar na to ang napili namin?"

Katahimikan.

"Kasi dito... dito kami nagsimula. Dito sa park. Dito kamo bumuo ng mga alaala, 7 years ago. Dyan.. dyan sa ilalim ng puno na yan kami kadalasang tumatambay. Naalala ko pa noon, buong maghapon kaming magkasama. Sa totoo lang, kung inaakala niyong perfect yung love story namin, dyan kayo nagkakamali. Walang perfect na love story. Lahat ng magkarelasyon, dumadaan muna sa maraming pasakit bago nila mararating yung tunay na kasiyahan. Kami nga eh. Kinailangan pa naming maghiwalay ng apat na taon. Plus three years. Kaya pitong taon. Ang dami naming napagdaanan. At ngayon. Alam kong deserve namin lahat ng to kasi alam namin na pareho kaming naghintay sa tamang oras. At masasabi kong... ito na ang tamang oras para sa aming dalawa."

Tumutulo na naman ang luha ko.

"Destiny? Fate? Actually, walang kinalaman ang destiny at fate sa mga love stories o sa mga buhay natin. It's a matter of choice. Nasa tao yan. Nasa mga desisyon natin. Hindi naman pwedeng iaasa mo na lang sa destiny lahat ng bagay. Minsan, kailangan mo ring magdesisyon. At ang desisyon mong yan ang magsisilbing daan patungo sa sarili mong kaligayahan. First love namin ang isa't isa. Sabi pa nila, first love doesn't last. Pero hindi naman totoo yan e. Bakit kami? First love namin ang isa't isa pero eto kami ngayon, loyal at mahal pa rin ang isa't isa. Choice kasi natin yan. Actually, pwede naman akong maghanap ng ibang babae eh. May choice ako. Pwede akong hindi magpakasal sa kanya. Pwede akong maghanap ng iba. Sa gwapo kong to, alam kong kahit sinong babae ang makukuha ko. Pero... "

Tumingin siya sa direksyon ko.

"I chose her."

Naglakad siya papunta sakin at itinayo ako.

Umihip ang malakas na hangin.

"My heart chose you and no matter what happen, I will always choose you. Because...." Hinalikan niya ang noo ko. "I love you."

Ngayon ko lang napansin na andito pala kami nakatayo sa ilalim ng puno ng narra.

Romantic.

May nahuhulog pang mga dahon mula sa taas.

"And again, I'd like you to meet the lady who'll forever have my heart..the only woman I chose to be with for the rest of my life.. "

Nagkaroon ng katahimikan.

Tumingin siya sa akin.

Ngumiti ako.

Ngumiti siya.

At lumabas na lang sa bibig niya...


"She's Valentine."

----------

The End.

Author's Note: Salamat sa mga taong nakaabot dito. :) 

itsmepotato

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
51.6K 2.4K 30
Caught In The Temptation : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidde...
602K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...