*
Maaga akong gumising dahil maaga daw kaming pupunta sa mall.
Naligo lang ako at nag bihis ng isang croptop at pants.
Croptop na naka tago ang pusod ko.
Masyado kasing malaki ang nabili ko online kaya nag muka na syang damit.
Pero okay lang naman para hindi masyado reveal yung tyan ko.
Bumaba lang ako pag katapos ko mag bihis.
Wala na si Kuya doon kaya nag text lang ako sa kanya na aalis kami ni Sam at David.
Nadoon na si David sa sala.
"Ganda mo" bati nito sa akin
Wieeeehhhh!
"Sus, ang simple nga lang ng suot ko eh"
Syempre nag mamaganda lang ako.
"Tara na" aya nya
Lumabas na kami at nag lakad muna papunta sa may sakayan ng jeep, nag text sa akin si Sam na sa mall nalang nya kami hihintayin.
Kasama din nya si Miz dahil inaya din ito ni David.
#*#**#*#*#*#**#
Nang makarating kami may mall ay agad kong tinawagan si Sam para malaman kung nasaan na sila.
"Hey! Andito na kami" sabi ko sa kabilang linya
"Oh wait nasa cr lang kami" sagot naman nya
"Okay, kami na nag pupunta sa inyo dyan" sabi ko para mas madali kaming magkita.
"Tara nasa cr daw sila" sabi ko kay David ay inaya sya papunta doon.
Nang marating namin ang women's restroom ay saktong paglabas nila Sam at Miz.
"Hey!" Bati ko sa kanila
"Hi" bati naman ni Sam saka ako niyakap ng mahigpit.
Ngumiti lang naman sa akin si Miz dahil ganon naman talaga sya, hindi sya pala salita masyado.
"So ano saan tayo?" Tanong ni Sam habang naka palupot ang kamay sa braso ko.
Ang weird ng babaeng to. Hindi naman sya clingy dati ah.
"Why?" Tanong nya ng mapansing naka tingin ako sa kanya.
"Nothing" sagot ko
"Let's eat first" biglang sabi ni Miz "Kanina pa ako gutom, ang tagal nyo dumating" reklamo nya
"Huy, nag sasalita ka pala" malokong sabi ni David saka tinapik sa ulo si Miz
Hinawi lang ni Miz ang kamay ni David saka inirapan ito.
"Hindi ako pipe" sagot naman ni Miz
"May sinabi ba akong pipe ka....hindi ka kasi nag sasalita" dagdag naman ni David
"Hindi ba pwedeng ayaw lang kitang kausap" pambabara nya
Natawa nalang kami ni Sam dahil sa pag uusap ng dalawa.
Minsan na lang talaga sila mag karoon ng conversation ay puro pilosopo pa ang mga sagot nila.
Nag hanap kami ng makakainan dahil nakaramdam na ako ng gutom.
"Tabi nga" hawi ni David sa kamay ni Sam na naka hawak padin sa braso ko.
Binatukan lang ni Sam si David bago kumapit sa braso ni Miz, ang clingy nya ngayon.
Hindi naman sa hindi ko gusto yon pero naninibago lang ako sa kanya.
Nang may mahanap kaming kainan ay agad kaming pumasok at nag hanap ng magandang pwesto.
Umupo lang kami ng may mahanap na kami.
"Ako na oorder" pag piprisinta ni David
"Sige" sabi namin ni Sam
Iisa lang naman ang menu nila dito kaya tig isang order lang ang pina order namin.
Nang makaalis si David ay kinuha ko lang ang phone ko para mag selfie.
"Selfie tayo" sabi ko sa kanila
Lumipat naman si Miz sa likod ni Sam para makasama sya sa camera.
"1...2...3"
"Send mo sakin yan" sabi ni Sam
"Sakin din" si Miz
"May tele ba kayo?" Tanong ko
"Meron" sabay na sabi nila
Don ko nalang kako i sesend dahil panget ang quality kapag sa messenger lang sinend.
"Cr lang ako" paalam ni Miz
Nang makaalis sya ay hinarap ako ni Sam.
"Kamusta kayo ni David?" Tanong nya sa akin
"Okay naman kami, bakit mo natanong?"
"Wala lang. Mukhang may nabubuong something sa inyo eh" sabi nito
"Wala ah" tanggi ko
Wala naman talaga eh.
"Sus"
"Eh ikaw?" Tanong ko pabalik sa kanya
"May nagbago ata sayo"
"Huh? Sakin may nagbago. Wala no" sabi nya
"Kamusta kayo ng boyfreind mo?" Tanong ko dahil napapansin kong hindi na sya masyadong nag kwekwento tungkol sa boyfriend nya.
"We broke up" walang emosyong pag kakasabi nya
Gulat ang reaksyon ko dahil sa sinabi nya.
"What? Pano?"
"He cheated, nakita ko syang may kasamang babae, and guess what naka yakap pa sya" pag kukwento nya.
"Hindi ko nakita yung mukha nung babae pero inamin naman ni Kaiser"
"OMG! I never thought na mag checheat sya sayo, mukha pa namang mabait at mahal na mahal ka" sabi ko sa kanya.
"Akala ko din eh" sagot naman nya
"But....ilan taon nga pala kayo?" Curious na tanong ko.
"2.....2 years"
"Shaks, tagal din ah"
"Pero don't worry hindi mo deserve yon, hindi ko sasabihing marami pang lalaki dyan pero alam kong one day may mag mamahal din sayo ng totoo"
"Na tanga lang talaga ako sa kanya" sabi nya bago tumingin sa kabilang table na mag couple.
"Mahal mo pa noh" sabi ko
Halata naman eh! Sa mata nya palang halatang mahal na mahal pa nya.
"Oo eh....sobra" naiyak na sya.
Lumapit ako sa pwesto nya saka sya niyakap. Hindi ako nag salita hinayaan ko lang sya.
"Let it hurt....until it hurt no more" sabi ko sa kanya
#*#*#*#*#*#*
"Hindi naman ako na inform na may teleserye pala dito" nagulat pa ako ng magsalita si David galing sa likod namin.
Dala dala na nya nag mga inorder namin kanina.
Agad nag pahid ng luha si Sam saka umayos ng upo.
"Ano nangyari?" Tanong ni David "Bakit umiiyak ka?" Dagdag pa nya
"Wala to" tanggi ni Sam
Hindi nya gustong sabihin kay David.
"Oo, girl to girl talk lang" depensa ko naman
Mukhang hindi kumbinsido si David pero hindi na lang sya nag tanong.
Good!
"Asan si Miz?" Tanong ni David habang nilalagay sa table ang mga plato.
"Nasa cr" sabi ko
Oo nga pala. Kanina pa nag paalam yon na mag c-cr sya ah.
Bat di pa nakaka balik?
Tatayo na sana ako para sundan sya sa cr nang makita ko syang pabalik na sa pwesto namin.
"O ayon na pala eh" turo ko sa gawi nya kaya napalingon ang dalawa.
"Sorry natagalan" sabi nya bago umupo "Ang daming naka pila eh"
"Gosh! Kanina pa ako gutom" sabi nito saka kinuha ang isang basong tubig at uminom.
Pinagpapawisan sya.
Hindi ko nalang yon pinansin dahil medyo mainit nga dito sa pwesto namin dahil hindi ito aircondition.
*****
Pagkatapos namin kumain ay umalis na agad kami don dahil may ibang customers pa ang papasok.
Nag lakad lakad kami para mag pa baba ng kinain.
Nauuna sila Sam at Miz na naglalakad at kami ni David ay nasa likod nila.
Malaki ang biyas ni David kaya alam kong binabagalan nya ang lakad nya para masabayan ako.
"Let's sing" basag ni Sam sa katahimikan
Lumingon sila sa likod para maharap kami.
"Ano sa tingin nyo...lets go sa timezone"
Nag hihintay ng isasagot.
"Kayo bahala" sagot ko
"G lang ako" si David
Napa cross arm lang si Sam saka sinamaan kami ng tingin.
"Sana aware kayo na ang pangit nyo ka bonding" sabi nya
"Why?" Tanong ni David
"Sabi ko mag timezone tayo tapos ang isasagot nyo 'kayo bahala' kaya nga hinihingi opinyon eh" irap nya saka nag lakad ulit.
Natawa nalang kami ni David dahil sa biglang mood swings nya.
Nakakainis nga naman talaga yon.
Isa sa pet peeves ko yon yung hihingin ko yung opinyon ng isang tao tapos ang isasagot sayo 'ikaw bahala'.
Pero may mga times talaga na ginagawa ko din sya.
.