Falling Inloved With The Ghos...

By Lovelywintercat

3.3K 76 0

Kinatatakutan. 'Yan Ang madaling salita na pwedeng ilarawan sa Isang nilalang na Hindi na nabubuhay. Multo. ... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1: Alone
Chapter 2: Story
Chapter 3: Bonding
Chapter 4: Lock
Chapter 5: Shock
Chapter 6: Inloved
Chapter 7: Stupid
Chapter 8: Background story
Chapter 9: Comfort
Chapter 10: New Friends
Chapter 11: Different
Chapter 12: The Last night
Epilogue
Author's Note

Chapter 13: Goodbye

143 3 0
By Lovelywintercat

Ang mabuhay sa Mundo ay sadyang mahirap. Pero Hindi Rin Naman natin maitatanggi na Masaya din Ang mabuhay sa mundong ibabaw. Mundo na punong-puno ng mga tao na mapanghusga. Mga tao na alam nating makasarili. Pero sakabila nang pagiging mapanghusga at makasarili nang tao nariyan parin Ang pagmamahalan. Pagmamahalan na kung Minsan ay Hindi pa natin namamalayan na umuusbong na pala.

Simula sa simpleng pag kakaibigan, Hanggang sa lumalim at maging magka-ibigan. Pero tulad nang Isang kaakit-akit at magandang kwento Ang Buhay nang tao ay may Hangganan din.

Ang masasayang Araw nang tao ay may katapusan din. Hindi mawawala sa Buhay natin Ang masaktan, Ang maiwan, at Ang mawalan nang emosyon. Pero alam Naman natin na Dito natin nasusubok Ang katatagan nang ating sarili.

Nasasaatin nalang kung mag papadala ba Tayo sa agos nang kalungkutan o lalaban Tayo. Lalaban kahit na paulit-ulit na masaktan. Lalaban hanggang sa matapos Ang ating misyon sa Buhay.

Ang Buhay ay umiikot lamang sa ilang mga Bagay. Kasiyahan, kagustuhan, pangangailangan, paniwalaan, kalungkutan at higit sa lahat ay pagmamahalan. Kung tutuusin ay napakadali lang na gampanan Ang Buhay kung ating papakinggan lamang. Madali lang magampanan ang lahat kung ating titignan.

Pero nagiging mahirap Oras na Tayo Naman Ang nasa ganitong sitwasyon. Sitwasyon na kung Minsan ay tinatakasan lang natin, sitwasyon na kung Minsan ay Hindi natin kayang panghawakan.

Pero sakabila nang lahat nang ito, Narito parin sa puso nang bawat Isa Ang pag-asa. Pag-asa na lumaban at ipag laban kung Ano Ang nararapat.

At kung Minsan mas madalas pa nating ipag labas Ang ating nararamdaman.

....

"Hayy! Ang bilis Naman nang panahon! Aalis na Tayo agad!" Wika ni Anya habang nag uunat-unat pa.

"Bakit? Ayaw mo pabang umalis?" Lumapit sa kaniya si Andrei Saka siya pumamewang sa harapan nang kaniyang kakambal.

"P'wede Naman kung ayaw mo pang umalis, okay lang. Mas okay lang na Hindi kana sumama at maiwan ka nalang Dito." Anito sabay talikod. Ngunit Bago pa ito tuluyang makalakad papaalis ay naka tanggap siya agad nang batok Mula Kay Anya.

"Bwiset ka! Iiwan mopa Ang pinaka maganda at pinaka mamahal mong kapatid! Hmph!" Naka nguso nitong Saad Saka tumalikod din at humalukipkip.

Natawa nalang Kaming tatlo dahil nag sisimula Nanaman 'yung kambal. Mga alas kwatro na at malapit nang tuluyang umangat Ang haring Araw.

Nandito parin kami sa bakuran at nag hihintay nalang nang tamang Oras. Napa kuyom Ako nang aking kamao. Napa kuyom Ako dahil nag pipigil Ako nang aking emosyon. Masakit para sa akin na aalis na Sila at Wala na akong pagkakataon pa na Muli silang Makita. Masakit sa akin Ang kanilang pag-alis, napaka bigat sa aking kalooban. Pero Wala akong magagawa, kahit na ayaw ko pa silang umalis ay Wala akong magagawa kahit na pigilan kopa Sila.

"Ate Mhaya..."

Nabalik Ako sa aking sarili Saka napa baling Kay Anya na naka Tayo pala sa aking harapan. Niyuko ko ito Saka Ako ngumiti.

"Hmm? Bakit? May gusto Kaba Bago umalis?" Tanong ko sa kaniya ngunit umiling lamang Ang batang nasa aking harapan habang nag tutubig Ang kaniyang mga Mata.

Napa lunok Ako at nawala Ang ngiti sa aking mga labi habang siya ay aking pinag mamasdan. Tila tinutusok nang daan-daang karayom Ang aking puso habang pinag mamasdan ko si Anya na umiiyak sa aking harapan.

"A.. Anya.." Hindi na Kiya nang aking mga tuhod at napa luhod na Ako sa damuhan habang pilit na pinupunasan Ang mga luha na biglang tumulo sa aking mga pisngi.

"A-ate Mhaya..." Banggit nito sa aking pangalan Hanggang sa ngumawa na siya nang malakas habang naka salampak din sa lupa.

Napa hawak Ako sa aking dibdib habang patuloy sa pag hikbi. Ramdam ko Ang sakit at lungkot nila habang Sila ay naka palibot sa akin. Hindi ko alam pero sobra na silang napa mahal sa akin Kaya't mahirap Ang mawalay sa kanila.

Matapos Ang aming iyakan ay binalot kami nang panandaliang katahimikan. Nanatili akong naka upo sa lupa habang naka Yuko Ang aking ulo.

"Malapit na Ang Oras." Rinig Kong Saad ni Shun na siyang nag pabalik ng kirot sa aking dibdib. Napa kagat Ako sa aking labi habang pinipigilan na muling maiyak.

Tumayo Ako Saka huminga nang malalim Bago lakas Loob na nag Angat nang tingin sa kanila. Lahat Sila ay naka Tayo ngayon sa aking harapan.

Nakatayo at mga naka suot nang malawak na ngiti. Ngiti na nag papakita nang katatagan at kasiyahan. Habang nakikita ko silang ganoon ay parang nahiya Naman Ako Kaya't pilit din akong ngumiti sa kanila pabalik.

"Mhaya, maraming salamat Sayo." Pasasalamat sa akin ni ate Shell sabay Yuko nang kaniyang ulo na ginawa Rin nung tatlo.

Madiin akong napa kapit sa aking damit Saka huminga nang malalim upang pigilan Ang aking emosyon. "Hm! Wala yon, Masaya din Naman Ako na nagging parte kayo nang Buhay ko." Aking Turan.

Nagka tinginan Sila Saka muling bumaling sa akin. "Malaki parin Ang pasasalamat Namin Sayo, kung Hindi dahil Sayo Hindi Namin makakalimutan Ang mapait naming mga ala-ala. Kung Hindi dahil Sayo paniguradong Hindi kami makakarating kung saan kami mapaparoon ngayon. Kaya laking pasasalamat Namin Sayo Mhaya dahil binigyan mo kami nang kapayapaan at nang aral sa loob nang maikling panahon na nakasama ka Namin. Maraming salamat!" Muli silang yumuko habang nag papasalamat sa akin.

Sinubukan ko Ang aking sarili na huwag nang maiyak ngunit Hindi ko kinaya, Kaya't yumuko Rin Ako Saka nag pasalamat sa kanila.

"Maraming salamat din sa masasayang ala-ala na nabuo ko Kasama kayo. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan! Kaya Naman.." nag Angat Ako sa kanila nang tingin at Saka humugot nang lakas at Sabay sumigaw.

"Kaya Naman h'wag ninyo din akong kakalimutan!!" Buong lakas Kong sigaw. Hindi Kona inisip pa Ang mga kapitbahay Namin na sa tingin ko ay tulog pa. Ang mahalaga ay masabi ko Ang mga dapat Kong masabi.

"Pangako, Hindi ka Namin kakalimutan." Pangako nila sa akin na siyang nakapag bigay sa akin nang ngiti.

Sapat na sa akin Ang pangko nila. Dahil nangangako din Ako na Hinding-hindi ko din Sila kakalimutan.

"Mag-iingat ka Mhaya. Ingatan mo Ang sarili mo." Napa tingin Ako Kay Shun at mababakas ko Ang lungkot sa kaniyang mga Mata kahit na siya ay naka ngiti.

Tumango naman Ako Saka sumagot. "Hmm, mag iingat din kayo." Kumaway Ako sa kanila habang unti-unting sumisikat Ang haring Araw.

Sa pag Angat nang haring Araw ay siya ring pag liwanag nila. Unti-unti silang nag lalaho sa aking paningin. Ngunit sa pagkakataong ito ay mababakas mo lamang sa kanilang mga mukha Ang kasiyahan. Kasiyahan na nag bibigay sa akin nang kalakasan na mag patuloy sa Buhay.

"Paalam Mhaya. Hanggang sa Muli." Huling katagang aking narinig Bago Sila mag laho sa aking paningin.

Napa takip Ako sa aking bibig habang pinipigilan ko Ang aking sarili na lamunin nang kalungkutan. Napaluhod Ako sa lupa habang nakikisabay Naman sa aking kalungkutan Ang malamig na simoy nang hangin na yumayakap sa aking katawan.

Ilang minuto pa ang lumipas at napa tingala Ako sa kalangitan. Itinaas ko Ang aking mga kamay habang unti-unting umuukit Ang Isang ngiti sa aking mga labi.

Salamat, sa Inyo. Hindi ko kayo makakalimutan. Ipinikit ko Ang aking mga Mata at dinamdam Ang lamig nang simoy nang hangin. Hangin na unti-unting tinatangay Ang aking kalungkutan. Kalungkutan na pilit akong dinadala sa agos. Ngunit Narito parin Ang puso ko at lumalaban at nag kakaroon nang pag-asa na muling mag patuloy.

Masaya Ako dahil nakilala ko Sila. Masaya Ako na naging parte Sila nang aking Buhay. At Hinding Hindi ko 'yon malilimutan.

Siguro sangayon ay nag durugo pa Ang aking puso dahil sa kanilang pag lisan. Ngunit alam ko na sa darating na mga panahon Ang sugat sa aking puso ay unti-unting mag hihilom. Mag hihilom at Hindi mag iiwan nang anumang bakas.

At sa mga panahon na mangyari man Ang Bagay na 'yon. Sisiguraduhin ko na mag papatuloy na Ako sa aking misyon sa Buhay.

Dahil alam ko, Kaming dalawa ni Shun ay muling pag tatagpuin nang Tadhana.

At paniguradong Hindi na mag tatagal at Ang panahon na 'yon ay darating na.


....

Author's Note:

Ang susunod na kabanata ay Ang huling kabanata na nang kwentong ito. Narito napo at sabay-sabay nating salubungin Ang epilogue nang mahiwagang mundong ito.

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Continue Reading

You'll Also Like

87.6K 2.5K 19
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
1.4M 99.6K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
2.3K 66 22
SI GIRL OK NAMAN SYA PERO SA KASAMAANG PALAD SYA AY TINAWAG NA "CRAZY GIRL" SA DI MALAMANG DAHILAN AT IYON NGA ITO AKO NGAYON NAG MUMUKMUK CHARGOATT...
368 70 19
Alex has been single for a long time. In his previous life, he bacame bitter in terms of love, because a woman dump him. But an infection turned the...