Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 21

120K 5.7K 564
By Yanalovesyouu

Samara prepared something na pwede kong kainin habang hinihintay namin na dumating si Eureka. Ayaw niya kasing mag-explain ng wala dito si Eureka. Inihabilin ko na dalhin dito 'yung libro nung mama ni Lucian. Itinakas ko kasi 'yun nung gabing 'yun kaya nasa bag ko ang libro. Si Lucian, tahimik lang na nakatayo sa may sulok ng fireplace at tahimik na nakamasid.

Nung matapos akong kumain ay dumiretso ako sa isa dalawang magkatabing bookshelf para i-check ang mga books. "Bakit ganito?" TInignan ko ang iba pang libro. Kung hindi mga tinta na nagkalat, ay mga pages ng libro na puro walang sulat.

Tumigil ako saglit sa pagbabasa ng libro nung bumukas ang pinto. Hindi hyper na Eureka ang pumasok ng pinto. Para syang nasapian dahil magalang niya akong binati, "Kamusta po Lady Alexis, Lord Lucian" Nag-bow pa sya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

"Bakit walang laman ang mga pages nitong mga books?" Tanong ko. Habang pinapakita sa kanila ang mga pages ng libro.

Nagkatinginan sila Samara at Eureka kay tumaas ang kilay ko. "Samara, Eureka. Gusto kong malaman ang lahat," May awtoridad na wika ko at saka humanap ng komportableng silya para upuan. Agad na lumapit si Samara at Eureka para ayusin muna saglit ang silya. "Ganito ba talaga sila kaasikaso?" I darted a glance at Lucian, seeing him nodded once with his eyes fixed at mine. "Oo"Narinig kong sumagot sya sa isip. Actually hindi ako sanay ng ganito, but what can I do? I think masasanay na rin ako.

Pagkaupong-pagkaupo ko sa upuan ay binuksan ko ulit ang libro at inilapag sa ibabaw ng lamesa na nasa harap ko.

"For the nth time. Bakit walang sulat ang mga pages ng libro dito? Ganito rin ang nakita mga libro sa bookshelf ni Gynweilla at sa library ng mga Arentsvelt" Hindi sila sumasagot kaya ibinalik ko ang tingin k okay Lucian. Wala pang isang segundo ay nasa likod na nilang dalawa si Lucian at hawak sa magkabilang batok. I saw fears in their eyes, pero hindi sila lumaban. Omyghad! In all fairness ang hot ni Lucian sa itsura niya ngayon.

Ugh! Ano ba 'yang mga iniisip mo Alexis!

"P-pero Lady Alexis, lalabagin namin ang pinangako namin sa'yo kapag—"

Tinaasan ko ng kilay si Eureka kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin niya. "Ako rin naman ang nag-uutos ngayon na tulungan niyo akong maalala lahat. Ano ang paglabag doon?" Totoo naman ang sinasabi ko diba? Althugh, hindi ko naaalala. Ako pa rin naman ang bumabawi ng mga sinabi ko. Kaya wala naman sigurong masama.

"Ngunit Lady Alexis, kaya nyo po inalis ang memorya ng lahat ng nilalang ay upang pigilan ang digmaan"

"And so?" I asked in annoyance. Mula panaginip ko, hanggang ngayon ayan ang paulit-ulit na nakikita at naririnig ko. Medyo nakakasawa na rin. "Kaya nga kinakausap ko kayo ngayon. Gusto kong paghandaan ang mga consequences kapag bumalik ang memories ko. At isa pa, gusto kong tulungan nyo ako" Umalis na si Lucian sa likod nila at mabilis na bumalik sa pwesto niya kanina nung wala kaming narinig na pagtutol mula kila Samara at Eureka.

Samara gulped, bago niya ako tinanong. "Sigurado po ba talaga kayo?" Paniniguro niya. "Oo" Tipid na sagot ko while looking straight into her eye. "Kung 'yan po ang gusto niyo mahal na prinsesa, Alexis" Malugod na sagot ni Samara. Wow! Hindi ko alam kung kailan ako masasanay na tawagin at igalang ng ganito. Aba leche! Si Aling Fatima kung masigaw-sigawan lang ako nun araw-araw tapos dito gumaganito na ang peg ko.

After few seconds ay nag-umpisa na si Eureka na mag-kwento. At habang nagke-kwento sya. Parang unti-unti rin nagfa-flash sa isip ko ang mga nangyari.

"Masaya at masagan ang mga namumuhay noon sa kaharian ng Queinsville. Isang paraiso kung maituturing dahil sa mga magagandang bagay at nilalang na bumubuo dito. Nasasakupan nito ang pitong lugar dito sa kabilang mundo.

Geffen, dito nagmula ang mga mahuhusay at kilalang magagaling na alchemists. Sila ang gumagawa ng iba't-ibang uri ng potions. Bihasa sila sa paggawa ng kahit anong uri ng mga gamot o kahit pa anong uri ng lason.

Treusdale, dito nakatira ang isang tribo ng mga kababaihan na hindi nakikipag-isang dibdib at ginugugol ang mga oras nila sa paglilinang ng kaalaman nila sa salamangka, sila ang mga Treushan.

Thyme, dito naninirahan ang mga elves, at ibang nilalang na hindi mo makikita sa Atwood

Rivrantine, ito ang lugar kung saan nagsasanay ang lahat bawat nilalang ng salamangka. Kahalintulad ito ng isang paaralan sa mundo ng mga tao. Ang pinagkaiba nga lang. Isang libong beses na mas malaki ang Rivrantine sa isang Unibersidad sa mundo ng mga tao.

Avengarth, ang lugar na tinitirahan ng mga nananaliksik at pinag-aaralan ang paggawa ng mga spells, rituals, dito rin ginagawa ang mga amulets at iba pang armas o kagamitan na maaaring gamitin ng isang wizard.

Limehild, ang lugar kung saan pinangangalagaan ang mga tagabantay. Bawat wizard sa Queinsville ay may isang tagabantay. Ikaw ang rin ang pipili kung nais mong kumuha ng fairy, diwata o kahit na anong uri ng nilalang na maaari mong maging bantay.

At ang panghuli ay itong Kriemhild, ito ang nagsisilbing merkado ng Queinsville, tago ang lugar na ito at hindi natutunton ng ibang nilalang. Ngunit ngayon, ito na lang ang natitirang lugar na sakop ng Queinsville. Dahil ang iba ay nasa kamay nan g mga Arentsvelt"

Tumigil saglit sa pagke-kwento si Eureka. Sunod namang nag-kwento ay si Samara.

"Ang kahiraan ng Queinsville ay pinamunuan na ng iba't-ibang henerasyon ng hari at reyna. Ang unang henerasyon ay sumailalim sa pamumuno nila King Eldridge at Queen Maeve, tumagal ng isang libong taon ang pamumuno nila bago pumalit ang nag-iisang anak nila na si King Gamaliel at ang naging katuwang nito sa pamumuno na si Queen Tamara. Mabilis ang naging pamumuno ng ikalawang henerasyon na tumagal lamang ng tatlong daan taon."

"Kaya naman ang nag-iisang anak nilang lalaki an gang tumayong hari, si King Wenceslaus, ang hari ng ikatlong henerasyon. At ang iyong ama mahal na prinsesa"

I gulped habang dina-digest ng sistema ko ang mga sinasabi nila. "Okay, continue" Kunwari wala lang sa'kin ang pagke-kwento pero honestly speaking ay hanggang sa mga oras na 'to ay nagdadalawang isip pa rin ako kung totoo ba ang mga nangyayari sa'kin ngayon o panaginip lang.

"Naging katuwang ni King Wenceslaus si Queen Azaria, ang inyo pong ina" Tumigil si Samara at saka tumingin kay Eureka kaya kumunot ang noo ko. "Hindi po inaasahan ang mga sunod na kaganapan, dahil nagsilang ang reyna ng isang anak na babae, at ikaw po 'yun Lady Alexis" Tinignan ko silang dalawa kasi parang ayaw pa nilang ituloy-tuloy ang kwento kaya sumingin ako saglit. "Naikwento na sa'kin ni Lucian na naging complicated ang lahat nung pinanganak ako dahil hindi nila expected na magkakaroon ng babaeng tagapagmana, so okay lang sige. Ipagpatuloy nyo lang pagke-kwento" I uttered casually.

Huminga muna ng malalim si Eureka at saka nagpatuloy. "Tulad nga po ng sinabi nyo Lady Alexis, hindi naging maganda ang epekto dito sa kabilang mundo simula ng magkaroon ng babaeng tagapagmana dahil taliwas daw poi yon sa propesiya" Eureka explained. Na alam kong kahit labag sa loob niya ang mga sinasabi niya ay patuloy pa rin sya sa pagke-kwento.

"Maging sa loob ng kaharian ng Queinsville ay nagkakagulo noon, gusto po nilang bawian ng buhay ang nag-iisang tagapagmana dahil sa sumpa na dala nito sa kabilang mundo"

Napalunok ako dahil sa mga narinig ko. So all this time, I mean simula pa noon talaga pa lang alone na ang peg ko. I smiled bitterly pero nawala rin agad ang iniisip ko dahil narinig kong tumikhim si Lucian kaya tumingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya kaya ngumiti ako. Baka kasi iniisip niya na dinadamdam ko 'yung sinasabi nila Eureka. Ugh!

"Ilang ulit na rin pong may nagtangka sa buhay niyo" Dugtong ni Eureka.

"Eureka!" Sinaway ni Samara ni Eureka pagkatapos nitong sabihin ang tungkol doon. "Pero Samara, kung gustong malaman ni Lady Alexis ang nakaraan. Dapat alam din niya maraming nagtatangka sa buhay niya" Tuloy-tuloy ang pagkakasabi ni Eureka na akala mo sila lang dalawa ang nagtsi-tsismisan. "Pero hindi po pa rin dapat sinabi!" May galit na ang tono ng boses ni Samara kaya hindi ko mapigilan na hindi makialam.

"Samara, Eureka" Tawag ko sa kanilang dalawa kaya tumingin silang dalawa sa'kin. "Tigilan nyo na 'yan. Ituloy nyo na pagke-kwento" Utos ko.

"Opo, patawad po"

"Masusunod po"

Si Eureka ang nagpatuloy ng kwento. "Tulad nga po ng sinabi ko, marami po ang mga banta sa buhay nyo kaya hindi kayo pinapayagan ni Reyna Azaria na lumabas ng kaharian"

Huh? Ibig sabihin 'yung mga nakikita ko sa panaginip ko...

Tumingin ako kay Lucian at nakita kong natatawa sya. "Ibig sabihin mahilig akong tumakas noon?" Nagtatakhang tanong ko kay Eureka. Tumawa sya, "Pasaway ka na talaga dati pa bes" Sabi niya. Mabilis syang hinampas ni Samara kaya humingi sya agad ng sorry. "Patawad po mahal na prinsesa. Nasanay kasi akong bes sa mundo ng mga tao" Gusto kong matawa sa itsura ni Eureka.

Sino ba namang hindi matatawa eh kapal ng pagmumukha niyang agawan ako lagi ng pagkain nung nandoon kami sa mundo ng mga tao. Nilalait pa niya minsan ang sinusulat ko tapos ngayon kung makagalang sya sa'kin wagas. "Sige ituloy mo na ang kwento" Bago pa ako tuluyang matawa.

"Hanggang sa pati ang kaharian ng Arentsvelt ay nakisali na rin po sa mga nangyayari. Dahil ayon sa kanila, ayaw nilang pati sila ay madamay sa sumpa"

Kumunot ang nook o. "Ano bang sumpa 'yang sinsabi na 'yan at kanina mo pa sinasabing isinumpa ako" Sapakin ko 'to eh.

"Na... ikaw daw po ang magdudulot ng malaking kaguluhan dito sa kabilang mundo. Hindi ko alam kung ano ang ibig iparating ng propesiya pero ang sabi pa roon ay kailangan isang kaharian lang mamuno dito para hindi matuloy ang sinasabi sa propesiya" parehas sila ng kwento ni Lucian, except sa sumpa na hindi niya nabanggit sa'kin.

Napaisip ako ng malalim sa mga sinasabi ni Eureka pero hinayaan ko lang syang magpatuloy sa pagke-kwento. "Kaya't sinubukan po ni Reyna Azaria na makipagkasundo at makipag-usap Kay Reyna Freya ng Arentsvelt, ngunit sa kasamaang palad. Nabalitaan na lamang po ng lahat na pinaslang na si Reyna Freya—"

"Ang ang prime suspect sa nangyari ay ang mama ko"

"Ganun na nga po"

Napaisip ako bigla ng malalim. I can't keep myself from thinking na ang bobo ko noon. Hindi ba ako aware sa mga nangyayari kaya ako nag-decide na alisin ang memories ng lahat? Based sa pagkaka-kwento ni Eureka, it's obvious na ang sumpang tinutukoy niya ay ang pag-aalis ko ng memories ng lahat tao.

Or maybe, there was really something behind these stories.

"May alam ba kayong way para mas mabilis na bumalik ang mga alaala ko?" I asked. Nagkatinginan silang dalawa.

"Pwede mo pong subukan 'yung—" Siniko ni Samara si Eureka kaya't tinignan ko ng masama si Samara. "Masyadong delikado ang iniisip na paraan ni Eureka, mahal na prinsesa. Hindi ko naman po hahayaan na—"

"Wala akong pakialam. Susubukan ko lahat ng paraang pwede" Matigas na sagot ko saka sila tinignan parehas ng masama. Inalis ko lang ang mga tingin ko sa kanila nung tawagin ako ni Lucian.

"Alexis" Tawag niya.

"Bakit?"

"Wala ka pang alala, kaya kahit ako hindi ko hahayan na gumawa ka ng mga delikadong bagay" Psh! I rolled my eyes kasabay ng pagco-cross arms. Pasalamat ka gwapo ka. Kung pangit ka, itinulak kita dyan sa loob ng fireplace. "Ang mabuting gawin mo sa ngayon, ay aralin lahat ng nakalimutan mo" Mabilis kong ibinalik ang tingin k okay Lucian.

"Y-you mean, mag-aaral ulit ako?" Tumango si Lucian kaya biglang nagningning ang mga mata ko. "Walang magiging problema dahil hindi ka naman naaalala ng mga nilalang dito. At isa pa, nasa ilalim ng pamumuno ng Arentsvelt ang Rivrantine" Shit! This is awesome! Spell excited pumasok, A-L-E-X-I-S!

**

A/N :

Thank you sa mga comments guys <3 Pasensya na rin kung puchu-puchu perstaym ko lang gumawa ng fantasy. :<

Anyways, sa mga nagtatanong ng FB group ng WB, wala po. Pero sa Yanajin Stories na group ang tambayan ng mga readers ng WB. Pag di nyo ma-search ito ang link. Thanks!!!

https://www.facebook.com/groups/YanajinStories/

Continue Reading

You'll Also Like

47.9M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
575K 28.1K 72
What if there is a world where things that you could only read in fantasy books, exists? A place that you wouldn't believe in, even seeing it on your...
24.2M 983K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
1.4M 58.6K 50
PUBLISHED UNDER LIB | Phoenix Academy unlocks the fire within. Eris Alderhaide has known her power for long, but she kept it until she entered Phoeni...