Boyfriends Season 1 | Heartfu...

By chrisseaven

24K 833 228

Christian struggled to come out as a bisexual, he kept it hidden and pretend straight. Despite of that he som... More

Boyfriends
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Boyfriends
About Self
Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 7

566 25 0
By chrisseaven


CHRISTIAN LAKE

UWIAN na at gaya ng dati nauna na sa akin ang mga kaibigan ko. Nandito pa ako sa gilid ng kalsada hinihintay mag green light ang traffic light. Hawak-hawak ko pa rin ang phone ko at binabasa ang mga messages ni Nard.

Nakita kong 10:30 pa ang last message niya at hindi na ito nasundan, kahit online naman siya ngayon. Hindi ko na rin siya nirelyan.

Biglang may tumabi sa akin. Lumingon ako at nakita kong si Fril ito. "Broke up with your boyfriend?" Tanong niya.

"Yes." Agad kong sagot habang nakatingin sa cellphone.

Nanlaki ang mga mata ko. "What? No. Wala akong boyfriend. Paano mo nasabi 'yan." Nagkunot ang noo ko. "Taika, tinignan mo ba ang phone ko kanina?" Tanong ko.

"It was an accident. Nag open ang screen ng phone mo nong hawak ko 'yon, and I saw a message from Nard, says "I'm sorry, won't do it again". So I though it was your boyfriend, or something. Pero promise hindi ko binuksan ang phone mo." Sagot niya.


Nataranta akong umiling, kabado na ako dahil mukhang nagdududa na siya sa sexuality ko. "N-No. It's not my boyfriend. She's my girlfriend. Panglalaki lang ang pangalan niya. Kasi may ganun naman talaga 'di ba, babae pero pang lalaki ang name." I lied.

Dahan-dahan siya tumango. "Okay. Sabi mo eh." Ngumiti siya. "If okay lang sa 'yo, pwede ko ba malaman anong issue niyo? Baka makatulong ako. Promise hindi ko sasabihin sa iba."

Tinignan ko muna siya ng ilang minuto, at mukhang mapagtiwalaan ko naman siya. Kaya bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "We're in long distance. And I just think that, he—I mean she cheated on me siveral times. She kept posting na single siya. I even saw her flirting with someone sa comment section. Mag jowa kami, pero hindi ko ramdam." Naging mababa ang tuno ng boses ko.

"Well, don't trust too much. Especially na malayo siya, hindi mo alam anong mga ginagawa niya. Did you give her a chance?"

Tumango ako. "Maraming beses na. Pero paulit-ulit din niyang ginagawa. Nagiging toxic na minsan."


Dahan-dahan niya hinawakan ang braso ko. "That's enough. Itigil mo na ang pagbibigay ng change sa mga taong hindi deserving. Instead give that chance to yourself, to shine better. Believe me, mas magiging maganda ang araw mo, if you cut off those toxic people." Naging mahinahon siya sa pagsalita.

Napangiti ako sa sinabi niya. "T-Thanks." Nang mag green light na ang traffic light ay sabay na kaming tumawid sa pedestrian line.

Nandito lang din sa malawak na parking lot naka parking ang kotse niya. Nauna na siyang umalis, at sumunod naman ako. Magkaiba nga lang ang dereksyon na pupuntahan namin.

Hindi ko ini-expect na ganon pala kaganda mag bigay ng advice si Fril Galin, straight to the point. Sa classroom namin siya ang kinatatakotan dahil sa laking babae niya, lakad palang niya parang manununtok na.

Pero kanina ibang-iba siya. Patunay lang siya na bawat tao talaga may iba-ibang personalities.



Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong nagmukmok sa kwarto. Sobrang tahimik na ni Nard, wala ng paramdam. Kaya ini-stalk ko siya ngayon at napakunot-noo ako nang makita ang bagong bio niya sa profile, it was August 8. Hindi ko alam anong meron sa araw na 'to, hindi naman ito ang araw naging kami.

Nag scroll down pa ako at laking gulat ko nang makita ang post niya 1 hour ago. He's with another guy na medyo familiar sa akin dahil nakita ko na 'to sa dati niyang post. I read the caption, and it turns out na ex nga niya ito at nagkabalikan sila kanina lang.

Hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko habang tinitignan ko ang mga pictures nila at binabasa ang caption niya.

When we broke up, I wish I can go back to August 8, where we started our love story. And now, it's not August 8, but the kilig feels like the first day.

Habang umiiyak ay nakuha ko pa siya i-message.


  INSTAGRAM
christian.lake

how dare you!

nardzhil
i'm really sorry christian

christian.lake
pansamantala mo lang pala akong pinili habang may hinihintay kang bumalik

ang sama-sama mo, sana inayos niyo nalang yan dati, hindi ka na sana nandamay ng iba kung babalik ka lang pala sa kanya

ako yong talo eh, dahil makailang ulit na kita binigyan ng change, makailang ulit na tayo nag away pero initindi pa rin kita

i just wasted my time on you, well good luck nalang sa inyo, sana hindi kayo mag away at agad maghahanap, dahil ako i will never getting back to you!


Umiiyak ako habang tinatype 'yon, nabasa ko pa ang screen ng cellphone ko dahil napatakan ng luha. Matapos niya mag reply ng sorry ay hindi ko na siya nireplyan and I blocked him.

Binitawan ko na ang cellphone ko at humiga nalang sa kama. Walang tigil ako sa pagluha habang nakatago ang mukha sa unan. Kahit pala sanay ka na sa heartbreak, kapag mangyari ulit, masasaktan ka pa rin.

Nakatulog akong umiiyak.


Pagdating ng gabi ay dahan-dahan akong bumangon at ang hapdi ng mata ko. Naalala kong natulog pala akong lumuluha.

Tumayo ako para lumabas na ng kwarto. Pero natigil ako nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Fril kanina, "itigil mo na ang pagbibigay ng change sa mga taong hindi deserving. Instead give that chance to yourself, to shine better". Unti-unti ako nagkaroon ng lakas.

Gamit ang sarili kong kamay ay inalis ko ang mga luhang dumapo sa pisngi ko. "Tama siya. This time ako naman. Chance ko na 'to, para sarili ko naman ang mahalin ko." Sabi ko sa sarili.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sina Mama at Papa sa sala at nakaupo sa sofa habang nanunuod ng movie. Napangiti ako habang dahan-dahan na pumunta sa likod nila. Nang makalapit ako ay agad ko silang niyakap. "Good evening po..." saad ko habang nakapagitna ang mukha ko sa braso nilang dalawa.

Nilingon ako ni Papa. "Good evening din anak. Kumain ka na do'n, tapos na kami ng Mama mo. Hindi ka na namin ginising dahil masarap ang tulog mo." Nakangiti siya.


Tumango naman ako at papunta na ako ngayon sa lamisa, pero natigil ako nang tawagin ako ni Papa. "Nga pala Christian, may bago akong dala na libro para sa 'yo..." naging abot tenga ang ngiti ko dahil sa pa-surprise ni Papa.

Dali-dali akong lumapit at dahan-dahan itong tinanggap, tinignan ko ang libro at hindi pa matunog ang name ng author pero hindi ko naman 'yon basehan sa pagpili ng librong babasahin. "Salamat dito Papa..." agad ko siya niyakap.

"Bagong release pa 'yan sa publishing house. Nagustohan ko ang kwento n'yan habang ini-evaluate ko 'yan. Gusto mo spoil kita sa mangyayari?" Nakangiti siya habang ako naman napakamot sa ulo. "Hay naku, ayaw ko." Seryosong sagot ko at nagtawanan naman sila ni Mama.

Editor in chief si Papa Leo sa isang malaking publishing house na located lang sa Hearts City. Kaya karamihan sa mga librong meron ako ay alam niya ang takbo ng kwento dahil bilang editor in chief ay dadaan sa kanya ang manuscript bago i-print.

Kapag nagustohan niya ang kwento ay bibili siya ng copy para sa akin. Sa kanya ko namana ang pagiging bibliophile.

Habang kumakain ako ngayon sa lamisa ay nilingon ko sila Mama at Papa sa sala. "Labas po tayo bukas, total saturday naman. Medyo matagal na rin po kasi tayong hindi naka bonding sa labas." Tugon ko. Isa din sa reason is para makalimutan ko ang sakit na nangyari ngayon.

"Wala ka bang assignments?" Tanong ni Mama. Umiling ako. "Wala naman po." Nilingon ni Mama si Papa at tumango naman siya. "Sige anak, pero sa sunday nalang dahil may trabaho pa bukas." Napangiti ako nang pumayag si Papa.



Pagdating ng sunday, naging masaya ang family bonding namin. Pumunta kami sa Heartstown Mall, naglaro ng arcade. Kumanta sa karaoke ng arcade. Kumain sa mga fast food. Nag pictures sa mga decorations ng mall. Nanuod ng cinema. Bumili ng bagong gamit sa bahay. Nag shopping ng bagong damit.

Laging may ngiti sa mukha namin. Ganito pala kapag wala kang iniisip-isip na kung anong bagay, ang gusto mo lang ay maging masaya ngayong araw kasama ng mga mahal mo sa buhay.


Habang nag grocery sila Mama at Papa ay nandito naman ako sa book store, tumitingin ng libro na wala pa sa akin, kahit marami na akong libro do'n na hindi ko pa nababasa ang iba.

Nakita ko ang Heartstopper Volume 1, at kahit meron na ako nito na paulit-ulit ko pa binabasa, ay talagang na-i-inlove pa rin ako sa tuwing masulyapan ito. Kaya hinawakan ko ito at laking gulat ko nang may nahawakan akong kamay.

Magkasabay pala kami sa paghawak ng libro kaya nagtama ang mga kamay namin. Dahan-dahan ako lumingon para makita kung sino ito at narinig ko na naman ang tibok sa puso ko nang makita siya.

Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ulit ngayon si Kit. Tulad ko ay bakas din ang gulat sa mukha niya. First time ko siya nakitang hindi naka uniform, at lalo siyang gumagwapo sa plain white polo.

Inalis namin ang kamay sa libro. "Hi..." nagtawanan kami nang muli kami nagkasabay sa pagbati. Napaiwas kami ng tingin, halatang pariho kaming nahihiya pa rin sa isa't isa.




Continue Reading

You'll Also Like

85.1K 651 118
My Personal Recommends for Best Taglish Series Stories. The series may consist of BoysLove, MPreg, GirlsLove, & BoyxGirl Stories. 06.26.21 ๐ŸŒŸMost Imp...
5.8K 166 15
lost & insecure, you found me. tsitp / jeremiah fisher season one ASTROIOGCY ยฉ 2023
1.6M 120K 44
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...