The Billionaire's Surrogate

Por SweetAga16

145K 3.4K 1K

"I guess my role ends here... Thank you for using me." Más

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 27

1.9K 81 73
Por SweetAga16

Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

"What are my appointments today?" Alexandro asked.

"Pwede wait? Inutusan mo palang akong magtimpla ng kape mo, 'di ba?" inis na tanong ko sa kan'ya. Kanina pa kasi siya utos nang utos.

Nakita kong titig na titig sa 'kin si Xandro dahil kanina pa rin naman siya abala sa harapan ng MacBook niya. Natambakan din kasi siya ng mga files na kailangang permahan. Sa dalawang linggo pala noong lumipas ay hindi rin siya pumapasok.

"Who hurt you today? Ang sungit," dinig kong sabi ni Xandro bago ko muling narinig ang pagtipa niya.

Kahapon lang ako nakabalik at talagang umiiyak pa si Kassidy dahil sa wakas daw ay nakabalik na ako sa mataas ang sahod.

Ibinaba ko ang kape ni Xandro bago ko tinignan sa iPad na hawak ko ang schedule niya ngayong araw.

"Wala kang masyadong schedule ng appointments ngayong week pero next week 'yon na ang final meetings mo sa Presidente ng Entertainment Network kung saan meron kang partnership. Sa araw ng Martes... appointment mo kay Rio." Tinuro ko ang kulang itim na folder malapit sa MacBook ni Xandro.

Seryoso lang kasi siyang nakatingin sa akin habang nagsasalita ako, "I've checked every account and nothing suspicious. 'Yong mga ongoing projects, like commercials and all... nandiyan na 'yong mga funds. Kailangan mo na lang basahin at permahan," mahinang sabi ko.

Aalis na sana ako dahil kailangan ko pang i-check bawat department kung meron pang ipapaperma kay Xandro dahil ang tagal nga niyang 'di pumasok sa trabaho.

"Where are you doing?" he asked all of the sudden.

"Magtra-trabaho. Kailangan kong i-check kung may mga reports ka pang kailangan na permahan ngayong araw," mahinang sabi ko at napahawak na ako sa sintido ko. Hindi na ako nakakatulog ng maayos. May pasok na rin kasi ni Brent.

"Hindi... nakikita mo 'yong comforter na nasa couch? Magpahinga ka," seryosong sabi niya bago bumalik sa pagtitipa.

Tinitigan ko naman sa mukha si Xandro dahil sa sinabi niya. Ayan na naman ang abnormal na pagtibok ng puso ko.

"May trabaho ako, Xandro," ani ko.

"Kaya kong iutos sa iba ang trabaho mo. Now, you should rest."

Napalunok ako at pasimpleng humawak sa dibdib ko dahil tila gustong lumabas ng puso ko sa ribs ko dahil sa kagagawan ni Xandro. Hindi ko nagugustuhan ang epekto niya sa 'kin.

"K-kaya ko pa namang magt—"

"Panda ka ba? Nangingitim 'yang ilalim ng mga mata mo. Nangangayayat ka na rin." Mahina ang pagkakasabi niya sa huling salitang lumabas sa bibig niya kaya naman napairap ako sa hangin.

"Ikaw magtrabago ah! Matutulog ako," inis na sabi ko at pumunta sa couch upang mahiga na.

Ayos na rin na pinagpahinga niya ako. Hindi kasi talaga ako nakakatulog ng maayos lately. Ang babaw palagi ng tulog ko kaya wala pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit na kagigising ko lang naman.

Mabilis lang akong dinalaw ng antok dahil na rin siguro sa lamig ng aircon dito sa loob ng opisina ni Xandro, malambot na couch at sa mabangong amoy ng opisina niya.

Sandali kong sinilip si Xandro at nagulat ako nang magsalubong ang mga paningin naming dalawa. Agad akong umiwas dahil tila naririnig ko ang abnormal na tibok ng puso ko.

'Kulang lang ako sa tulog.'

Nagpasakop ako sa kadiliman at nagpasalamat na kahit papaano ay hinayaan akong makapagpahinga ni Xandro. Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman kong tila may nakatitig sa akin. Nagsalubong ang mga mata namin ni Xandro. Nakaupo siya sa pang-isahang sofa at nakatingin sa akin.

Dahil sa gulat ko ay napabalikwas ako ng bangon kaya biglang sumakit ang ulo ko.

"Are you okay?" he asked worriedly.

Bagong gising palang ako pero ang landi-landi na naman ng puso ko. Ito ang kailangan kong iwasan na maramdaman sa tuwing nakakasama ko si Xandro. Maling-mali kasi 'to.

"Ilang oras na akong natutulog?" mahinang tanong ko kay Xandro habang hawak ko ang sintido ko dahil nais ko rin itago ang namumula kong mukha kay Xandro.

Nakakahiya kasi dahil nakatitig siya sa 'kin. Ang pangit-pangit ko pa man din kapag natutulog ako. Baka pinagtatawanan niya ako.

"I also do not know. All I know is that it's lunch time," he said.

Nagulat naman ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Ibig lang sabihin ay halos mag-aapat na oras akong tulog. 

"Bakit hindi mo ako ginising?" gulat na tanong ko kaya naman nakita kong kumunot ang noo ni Xandro.

"Bakit kita gigisingin?"

"Kasi may trabaho ako..." sagot ko at inayos ang skirt ko. Buti na lang ay may comforter kaya natago ko ang mga hita ko. 

"It's alright. Though, you don't have much to do . After you eat you can continue your sleep. I have also ordered our lunch."

Titig na titig ako habang sinasabi 'yon ni Xandro sa akin. Umiwas na lang ako nang maramdaman kong tila nanunuyo ang lalamunan ko.

Sabay kaming napatingin ni Xandro sa pinto ng opisina niya nang may kumatok doon. Tatayo na sana ako upang lumabas nang maunahan ako ni Xandro. "Maupo ka na lang d'yan. Baka 'yan na ang pagkain natin."

Bago may mangyari sa amin ni Xandro ay galit siya sa 'kin at nilalayuan ako tapos bigla-bigla na lang siyag naging ganito?

'Ano 'to nakatikim lang ng peanut mula sa 'kin, naging maamo na?'

Bumalik si Xandro na may mga hawak na plastic. Bilang lang sa mga daliri ko kapag nagsasabay kaming kumain ni Xandro sa mga nagdaang mga araw. Madalas kong kasabay kumain si Kassidy kaya hindi ako sanay.

"Kumain na tayo," mahinang sabi ni Xandro at tinignan ang mga binili niyang pagkain na kasalukuyan niyang hinahain sa mesa.

Tumulong na lang ako at wala kaming imikan habang kumakain. Maraming pagkain na nakahain sa mesa at hindi ko alam kung mauubos namin lahat 'to.

"Kumusta si Jia?" tanong ni Xandro. Siya na ang nagbasag nang katahimikan na bumabalot sa 'min ngayon.

"Ayos naman na siya pero madalas pa ring mas mahaba ang tulog niya," mahinang sagot ko. 

Nilalabanan ko ang sarili ko na huwag lumingon kay Xandro dahil alam kong magiging abnormal na naman ang pagtibok ng puso ko. 

Palaging kong sinasabi sa isipan ko na kailangan kong umakto na naaayon sa kung ano'ng posisyon ko sa trabaho ko. Nakakaramdam pa rin ako ng awkwardness ngunit pinipilit ko na lang ang sarili ko para rin 'to lahat kay Jiji.

Hindi rin naman ako magtatagal dito dahil hindi na ako komportable. Mahihirapan lang akong kalimutan ang lahat kapag hindi ko lalayuan si Xandro.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong tumayo.

Nakita kong nagulat si Xandro sa biglaang pagtayo ko, "Tapos ka na kumain?"

Pilit na lang ang ngumiti at inayos ang comforter na ginamit ko kanina bago tumingin sa kan'ya habang nakangiti.

"Babalik na ako sa trabaho ko... salamat sa pagkain," mahinang sabi ko bago ako nagmamadaling lumabas sa loob ng opisina ni Xandro.

I can't really be with him. Every time I'm with him, my conscience kills me again and again. 

Nasa kalagitnaan ako sa pagtitipa sa computer ko nang tumunog ang elevator kaya napatingin ako doon. Biglang nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko si Angel. I also felt that my fingers lost their strength and began to tremble.

'She's here.'

Umiwas ako agad ng tingin ko dahil pakiramdam ko ay pagkakasala kung titignan ko siya na para bang wala akong ginawa masama sa kan'ya. 

Nakaiwas ako ng tingin lalo't wala rin emosyon ang buong mukha niya at tila hindi niya ako napansin dahil dere-deretsyo siyang pumasok sa loob ng opisina ni Xandro. 

Kilala naman siya rito bilang nobya ni Xandro kaya naman hindi na nito kailangan ng appointment para makita lang si Xandro.

Nang tuluyang mawala sa paningin ko si Angel ay tila kinapos ako ng hininga na kailangan ko pang humawak sa dibdib ko at tumayo para makasagap ng hangin. Nanginginig ang buong katawan ko at nang maramdaman kong nanubig ang ilalim ng mga mata ko ay tumingala ako upang pigilan na umiyak.

Angel will only notice that there is something wrong about me when I don't act normal. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko.

Madiin akong napapikit at muling inabala ang sarili sa mga paper works na kailangan kong basahin bago ko ibibigay kay Xandro.

Hindi ko alam kung gaano katagal na nanatili si Angel sa loob ng opisina ni Xandro basta nakita ko na lang na mamumula ang mga pisngi at mga mata ni Angel nang lumabas siya mula sa opisina ni Xandro.

Mukha siyang kagagaling sa pag-iyak. 

Umiwas agad ako ng tingin nang magsalubong ang mga paningin naming dalawa. 

Hindi ko pa siya handang harapin. Sariwa pa ang ginawa kong kasalanan at mukhang hindi dadating ang araw na makakalimutan ko ang kasalanan kong 'yon.

"Mag-usap tayong dalawa," malamig na sabi ni Angel kaya napakuyom ako ng kamao ko.

Bigla akong nahiwagaan kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa ni Xandro. Kung sinabi niya ba kay Angel ang tungkol sa nangyari sa 'min.

Xandro loves Angel. He also didn't want to lie to Angel, so maybe he told me about what happened to me, which is why Angel is crying right now.

 Nilukob ng kakaibang kaba ang puso ko dahil kung ano-anong pumapasok sa isip ko.

"A-Angel," mahinang tawag ko sa pangalan niya at tila pagbigkas sa pangalan niya ay pakiramdam ko ay kasalanan na rin.

"I will wait for you on the rooftop," she whispered and left me dumbfounded. I want to ask Xandro but I don't want to go inside his office because the conversation between him and Angel might not go well.

Napabuntong hininga ako pero 'di kalaunan ay sumunod ako kay Angel. 

'Bahala na.'

Pinasok ko ang gulong 'to, ginusto ko man o hindi ay kailangan kong tanggapin ang consequences ng kasalanan namin ni Xandro.

Nang makarating sa rooftop ay nakita ko agad ang likuran ni Angel kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya.

"Angel," mahinang tawag ko sa kan'ya.

"Ilang beses?" tanong niya sa 'kin kaya nagtaka ako.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman naintindihan ang tanong niya sa 'kin. Lutang na lutang ako ngayon at sobra rin ang kabang nararamdaman ko.

"Why are you not answering my question?" she asked. When she faced me, her angry look met my eyes. 

"H-hindi ko kasi naintind---"

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sakit sa kaliwang pisngi ko. Halos mamanhid ang kaliwang bahagi ng mukha ko dahil sa pagkakasampal sa 'kin ni Angel.

Malalaki ang matang tumingin ako sa kan'ya at sunod-sunod ang binigay niya sa 'king sampal dahilan kung bakit napaatras ako.

Napaupo ako nang malakas akong itinulak ni Angel. Hindi ko maramdaman ang mga pisngi ko pati ang mga braso kong pinansalag ko sa pananakit niya sa 'kin. I did not fight because I knew the sin I committed.

Kung tutuusin kulang pa ang pananakit na 'to.

'Alam niya... sigurado akong may alam siya sa nangyari sa 'min ni Xandro.'

Nang marinig ko ang sunod-sunod na hikbi ni Angel ay tumulo na rin ang mga luha mula sa mga mata ko. 

"A-Angel," tawag ko sa kan'ya habang nakayuko.

"I waited... I fucking waited, Bernadette!" she shouted. The pain in Angel's voice was evident.

Nakayuko lang ako at dahan-dahan akong tumayo sa harapan niya. 

"Hinintay kong sabihin mo sa akin ang nangyaring 'yon... naghihintay ako sa inyong dalawa ni Xandro," malamig na sabi niya dahilan kung bakit napakagat ako sa ibabang labi ko.

"I-I'm sorry," I apologize to Angel.

"Bakit? Pinagkatiwalaan kita! Hindi pa ako naniwala nang makita ko ang letratong 'yon... hindi mo ako lolokohin. Hindi ko naisip na ikaw ang mananakit sa 'kin ng ganito... bakit? Bakit niyo nagawa sa 'kin 'yon?!" sigaw niya sa 'kin.

Wala akong maisagot. Tila nawalan ako ng lakas at umatras ang dila ko kaya hindi ako makapagsalita ngayon.

"Hinintay ko na umamin kayo sa 'kin... hinintay ko kayong dalawa na sabihin sa akin ang totoo at depensahan ang mga sarili niyo," malamig na sabi niya sa akin kaya madiin akong napapikit. 

"S-sorry," mahinang sabi ko pero muli kong naramdaman ang sampal ni Angel.

"What have I done wrong to you, Bernadette?"

Umiling ako sa tanong niya. Gusto kong sabihin na lasing kaming pareho ni Xandro nang may mangyari sa 'min ngunit tama si Xandro... noong huli na ay alam na naming dalawa kung ano ang nangyayari... pinili lang namin na gawin pa rin ang bagay na pagsisisihan namin sa huli.

"Lie..." she whispered.

Nag-angat ako ng tingin kay Angel. Umiiyak siya at alam kong labis siyang nasasaktan ngayon. Hindi basta-basta ang sakit kapag 'yong taong mahal mo ay niloko ka. 

Nangyari na 'to sa akin sa kagagawan ni Lance. Halos mabaliw ako at hindi pa nga ako maayos hanggang ngayon.

"Hindi mo ginusto 'yon, 'di ba? Hindi mo gusto ang nangyari, 'di ba?" umiiyak na tanong ni Angel. Halos mawasak ang puso ko nang makita ko ang nagmamakaawa niyang titig sa akin. 

'Ano'ng isasagot ko?'

Unti-unti akong umiling dahil sa tanong niya sa akin. Madiin akong napapikit bago ako dahan-dahan na lumuhod sa harapan ni Angel at nanginginig na hinawakan ang kamay niya.

"S-sorry," umiiyak na sabi ko habang nakayuko ako. "Sorry, Angel."

"Ilang beses? Ilang beses niyong ginawa 'yon?" tanong ni Angel kaya nagulat ako.

Hindi ko rin nasagot ang tanong niyang 'yon 

"Akin 'yon e..." mahinang sabi ni Angel sa akin kaya humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Bakit nangunguha ka ng hindi sa iyo?"

I shouldn't invalidate the pain Angel is feeling right now. She has the right to be angry, she has the right to be in hurt, and she has the right to blame Xandro and I for hurting her. Sinaksak namin siya ni Xandro sa likod at 'yon ang bagay na hinding-hindi niya makakalimutan kahit pa umiyak ako ng dugo sa harapan niya.

"Patawarin mo ako... w-wala akong balak na agawin si Xandro sa 'yo, Angel," mahinang sabi ko habang nakatitig sa nanginginig niyang mga kamay.

Gustong ipaliwanag sa kan'ya ang bagay na 'yon. Hindi ko balak na manggulo sa relasyon na meron silang dalawa. 

"W-wala akong gusto kay Xandro kaya hindi ko siya aagawin," mahinang sabi ko.

"Ibinuka mo nga 'yang mga hita mo sa kan'ya kahit alam mong pag-aari ko siya. Bakit kita patatawarin?" malamig na tanong niya sa akin. 

Kahit pa sinabi ni Xandro sa akin na hiwalay na silang dalawa ni Angel ay hindi pa rin mapagkakailangan pag-aari nila ang isa't isa.

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Mas bumaba ang tingin ko sa sarili ko. 

'Bakit kasi ginugulo pa ako ni Xandro?'

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Angel ang tungkol sa nararamdaman ko. 

"S-sorry," mahinang sabi ko.

Walang ibang lumabas mula sa bibig ko kundi ang paghingi ko ng tawad sa kan'ya.

"Gusto mong patawarin kita?" malamig na tanong sa 'kin ni Angel kaya tumingala ako sa kan'ya bago tumango.

Lahat gagawin ko para sa kan'ya. Hindi ko siya kayang makitang nasasaktan pero ito ako ngayon... ako pa ang nanakit sa kan'ya.

"Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo. Gusto mo bang lumayo ako kay Xandro? Gagawin ko. Gusto mong huwag na akong magpakita sa inyong dalawa? Gagawi---"

"Masyadong mababaw 'yang mga sinasabi mo para lang sa pagpapatawad ko. The surrogacy... tanggapin mo 'yon, may bagay kang kinuha sa akin kaya meron din akong kukunin mula sa 'yo," malamig na sabi ni Angel dahilan kung bakit dahan-dahan akong napabitaw sa kamay ni Angel.

"A-Angel..."

"Ayaw mo?" malamig na tanong niya sa akin.

Napalunok ako at halos mamanhid ang ulo ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Oras na gawin mo 'yon... patatawarin ko kayo ni Xandro," malamig na sabi niya. 

Nakayuko lang ako pero naramdaman ko ang malamig kong pawis.

"I don't take 'no' for an answer, Bernadette. Sinimulan niyong dalawa ang nangyayari ngayon sa ating tatlo, then hayaan niyong ako ang tumapos," malamig na sabi ni Angel at lumayo sa akin. 

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Oras na pumayag ako... ibig lang sabihin no'n ay wala nang atrasan tungkol sa surrogacy.

"Ayusin mo 'yang sarili mo, walang alam si Xandro sa nangyayari ngayon. Hindi niya alam na may alam ako sa nangyari sa inyong dalawa. Siguro nga mabait ako pero hindi ako bobo, Bernadette. Subukan mong ipaalam sa kan'ya ang tungkol dito... I will destroy you," she whispered. 

'Hindi alam ni Xandro?'

Ibig lang sabihin no'n ay hindi si Xandro ang nagsabi nang nangyari sa amin. 

"Let me handle my man, Bernadette. Ako ang magpapaliwanag sa kan'ya tungkol sa pagpayag mo sa surrogacy."

"P-paano kapag ayaw k-ko?" umiiyak na tanong ko.

"Mahal mo ang mga kapatid mo, 'di ba? Let's just say that I'm crazy and I can do bad things now that I'm hurting. You can't blame me, it's your fault why I'm like this."

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming walang imikan ni Angel.

"K-kailan ba?" mahinang tanong ko.

'These are the consequences of what I did.'

Kasalanan ko ang nangyayari.

Tuluyan akong iniwan ni Angel na tulala at hindi ko alam ang gagawin ko.

Kung gano'n ako ay tatawagin nilang surrogate nilang dalawa ni Xandro?

Ito pa rin ang ending sa ilang beses kong pagtanggi sa bagay na 'to. Ito rin pala ang kababagsakan ko.

- - - - - - - - - - 

Please READ, VOTE, & COMMENT



Hindi pa sa Kabanatang 'to ang hinihintay niyo... may pasabog pa sa susunod.

Seguir leyendo

También te gustarán

357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1.3M 23.6K 32
Pikit-matang tinanggap ni Nailah ang kanyang kapalaran dahil wala siyang pagpipilian...
114K 4.3K 47
"In the hallowed institution of marriage, where love should bloom eternally, Denima Cris finds herself ensnared in a heart-wrenching tale. A forced u...
317K 5.3K 49
"Itong sugat mo sa labas, kayang kaya ko itong gamutin... pero... paano nalang ang sugat mo sa loob? D'yan sa puso mo? Paano?" Bea Dean Calderon Star...