The Long Lost Powerful Prince...

By Queen_JewRie

9.8K 183 20

*** DISCLAIMER! The event, characters, and names are depicted in this book are fict... More

Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Continuation
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Continuation
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Continuation
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Announcement!!
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Continuation
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35

Chapter 10

317 9 3
By Queen_JewRie

Celline POV

*Knock* Knock* Knock*

Nagising ako dahil sa katok don sa pinto.

"Celline, gising na!" Rinig kong sigaw ni Berniz pero hindi ko siya pinansin.

"Celline! Pinapatawag ka na ni queen!" Sigaw niya ulit..

"Oo na! Susunod na ako!" Inaantok ko pang sigaw.

"Bilisan mo ha!" Siya.

"Sige!" Sagot ko. Narinig ko naman ang mga yapak niyang papalayo. Kaya tumayo na ako at pumunta na sa banyo.
.
.
(After 20 minutes)

Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos kong maligo, magbihis at mag-ayos. Tumungo akong kusina ng makita kong wala sila sa salas. At tama nga ako! Nasa kusina sila! Kumakain sila..

"Good Morning!" Bati ko sakanila.

"Anong good morning? Hapon na uyy!" Sabi ni Berniz.

"Ayyy! Good Afternoon!" Bati ko ulit habang kumakamot sa batok ko. Umupo na ako sa tabi ni Berniz.

"Bakit mo ba ako pinapatawag queen? Ang sarap ng tulog ko eh!" Reklamo ko sakaniya.

"Wag mo nang tanungin yan. Di ka na nasanay. Hindi ka rin naman niyan sasagutin eh." Sabat ni Berniz. Sinamaan siya ng tingin ni lead kaya muntik niya ng maibuga ang tubig na iniinom niya ngayon.

"Ah hehe sorry queen. Pinatawag ka ni queen dahil maglilibot daw tayo dito sa University." Paliwanag niya saakin. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Kumain lang kami ng tahimik hanggang sa matapos. Nagpresinta si Berniz na siya na daw ang bahala sa kusina kaya pumunta muna ako sa kawarto ko habang sila lead at Marianne ay nasa salas.

Pagka-upo ko sa kama ko ay may bigla akong narinig na ingay kaya sumilip ako sa bintana. Maraming babae ang nagtitilian sa baba. Ang iingay nila grave!! Sino bang pinagtitilian nila!? Pati lalake nakikisigaw narin!

"Waaahhhh nandito na silaaa!!!" (Girl 1)

"Ang gaganda talaga ng mga prinsesa!!" (Girl 2)

"Oo nga tapos ang gagwapo din ng mga prinsipe!!" (Girl 3)

Teka! Hanudaw! Mga prinsipe at prinsesa!? Dumungaw ulit ako sa bintana ko at dun ko nakita ang limang babae at anim na lalake na sooobrang gaganda at gwapo!

Nakita ko si Princess Reichelle! Ang kapatid ni Lead! O My God! Ang ganda talaga niyaaa...

Huling pagkakita naming mga legendary fairies sa mga prinsesa at prinsipe ay nung mga bata pa kami....Hayy naku! Ang ganda at ang gwapo talaga nila.... Promse!!!

Pero ang iingay parin ng mga toh ha! Ang sakit sa tenga! Ano nga bang magagawa ko kung isa sa abilities ko ang sharp hearing??

Eto na pala yung mga abilities namin.

Yung sakin ay......Sharp hearing, body manipulator, speed, invisible, teleport, mind reading and telepathy. Yung teleport, mind reading at telepathy ay normal na sa isang immortal. Lahat ng mga immortal may ganon. Pero yung Mind reading? Bibihira lang sa iba pero sa mga royalties malamang meron...hihi!

Kay Berniz naman ay...Healing, telekenesis, portal caster, animals telepathy, teleport, mind reading at telepathy.

(A/N: Kung naguguluhan po kayo dahil kung may abilities naman po na portal caster pero meron paring puno ng lagusan. Yun ay dahil ang nagagawa lang po ng portal caster, kapag nagspell po siya at pagpumasok siya doon ang lalabasan parin po niya ay immortal world. Hindi po kaya ng isang portal caster na gumawa ng portal patungong mortal world. So gets na po...😀😀)

Illusionist, sharp eyes, plant telepathy teleport, mind reader, and telepathy naman ang kay Marianne.

Kay lead naman...LAHAT!

"Hoy!" Nagulantang ako ng biglang may sumigaw. Tumingin ako sa may pinto at si Berniz lang pala.

"Ano ba yun!?" Inis kong tanong.

"Hindi mo ba ako narinig!? Ang sabi ko, halika na dahil aalis na tayo!" Sigaw niya sakin.

"Ah oo! Narinig ko. Sorry" Sabi ko nalang at lumapit na sakaniya.

"Teka nga! May masakit ba sayo? May problema ka ba? Kanina ka pa kasi tulala diyan eh" Nag-aalala niyang tanong habang kinakapa ang noo at leeg ko.

"Ano ka ba....Wala noh! Kasi ano ehhh.." Pabitin kong sagot.

"Kasi ano?" Nagtatakang tanong niya. Tinignan ko siya ng mata sa mata..

"Kasi.....Nakita ko ang mga prinsesa at prinsipe. Nakita ko ang kapatid ni lead, si princess Reichelle" Paliwanag ko.

"What!? Maganda ba sila? Gwapo ganon?" Nakangiti niyang tanong....

"O-oo, sobra.." Nag-aalinlangang sagot ko sakanya.

"Ahhh..Eh yung kapatid ni queen? Maganda din ba?" Tanong niya pa.

"Oo siyempre naman!" Sagot ko ulit.

"Weh? Di nga?" Siya.

"Oo nga!" Inis kong sagot!

"Yiiiiieeee Totoo? Gusto ko silang makita!!! Ora mismo! Hehe... Pero teka nga! Bakit ka naman matutulala kung nakita mo lang sila?? Bakit? Nagandahan ka ba masiyado kay Princess Reichelle ha!? O di kaya.......Nakita mo ang crush mo dun-----Mmmmm" Hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ang bibig niya! Ang daldal kase! Ano bang nangyari dito!?

"Ano ba!? Para kang sira! Umayos ka nga!" Naiinis ulit na sigaw ko sakaniya..

"Tsk! Pero.....Maganda at Gwapo ba talaga sila??" Tanong niya ULIT!!!

"Pwede ba Berniz! Nagiging oa ka narin ha! Nahahawa ka na yata saakin eh. Kanina ka pa nagtatanong! Makikita mo rin sila okay!?" Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kasi naman eh! Ano ba siya? Reporter!?

"Eto naman! Nagtatanong lang! O siya, halika na!" Sabi niya kaya sumunod nalang ako sakaniya.

"Ready na kami lead! Let's goo!" Excited na aya ko sakanila.

Lumabas na kami ng dorm at tinahak ulit ang mahabang hallway.

"Kailan pala natin bibisitahin sila tita Trixie queen?" Tanong ni Berniz. Bakit ba sa araw na toh puro siya tanong?

"Maybe tommorow" Walang emosyong  sagot ni Marianne. Tsk! Hindi nanaman sumasagot si lead! Si Marianne ulit! Ano siya alalay?

"Ha? Eh pano yan? May pagsubok pa tayo bukas diba?" Tanong ulit ni Berniz. Huminto sa paglalakad si lead kaya napahinto din kami. Humarap siya samin na dala parin ang no emotion face.

"We'll gonna tell to headmaster the truth later" Lead answered. And......

"What!!??" Sigaw namin ni Berniz.

"Queen, akala ko ba itatago natin? Diba---"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng binatukan ko siya.

"Aray ko! Ano ba!?" Angal niya.

"Ano ba talagang nangyayari sayo!? Kanina ka pa diyan tanong ng tanong eh! At tsaka pansin ko lang, nagiging OA ka na rin! May sakit ka na ata eh! Bumaligtad na ba ang mundo!?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Eh sorry naman! Masaya lang ako. Masaya ako dahil nandito na tayo...Masama bang maging masaya? Masama bang magtanong? Ikaw nga eh. Nung nasa mortal world palang tayo ikaw na ang pinaka OA satin eh!" Sigaw na paliwanag niya.

"Haha oo na, oo na! Iiyak ka na eh haha!" Natatawang sabi ko kaya napa-pout siya.

"Pero lead. Bakit natin sasabihin kay HM ang totoo?" Taka ko ring tanong.

Tumingin saamin si lead ng deretsyo na parang may gustong ipahiwatig...At biglang nagdilim ang paningin ko..
.
.
Rixia's POV

Tumingin ako sakanila ng deretsyo dahil sa kanilang tanong....Tinitigan ko ang mata nila ng mariin at...

*Flashback*
.
.
Nang makapasok na ako sa loob ng kwarto ko ay nilagay ko kaagad yung mga damit ko sa closet at inayos ang ibang gamit. Pagkatapos nun ay pumunta akong banyo para maligo kahit
puyat. Haha hindi naman kami mag-kakasakit dahil isa kaming immortal diba?

Lumabas na akong C.R pagkatapos kong maligo at agad-agad na nahiga sa malambot kong kama. Kulay gray and white na may halong blue pala itong kwarto ko. Kaya oks lang sakin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nakatulog na din agad.....
.
.
"Mahal na prinsesa..." Isang magandang tinig ang naririnig ko.

"Gising na mahal na prinsesa....May gusto kaming ipahiwatig sayo.." Yung magandang boses ulit na parang kaboses ni........Iminulat ko ang mata ko at...

"Godess Golden!?" Gulat kong sigaw kaya napatayo ako dahil sa gulat..

"Ako nga" Nakangiti niyang saad. Tumingin ako sa likod niya at dun ko nakita ang iba pang gods and godesses..

"Ano pong ginagawa ko dito sa gods and godesses paradise?" Nagtataka kong tanong. Ngumiti si Godess Golden bago magsalita.

"Meron kaming gustong ipahiwatig sayo na siguradong ikatutuwa mo at.....Ikalulungkot" Makahulugang sabi niya.

"Ano po yun?" Tanong ko ulit. Lumapit siya saakin ng kauti at hinawakan ako sa magkabilang balikat..

"Nung pagkabalik kasi namin dito galing sa mundo ng mga mortal ay biglang umilaw ang 'Puno ng Katotohanan'.." Paliwanag pa ni Godess Golden..

"Ano po yung Puno ng Katotohanan?" Tanong ko ulit..

"Dito sa paraiso ng mga diyos at diyosa, ay mayroong tatlong mahahalagang puno. Ito ay ang puno ng buhay, puno ng pag-ibig at puno ng katotohanan. Sa puno ng buhay namin nakikita ang mga immortal na dapat nang wakasan ang buhay o kailangan pang buhayin ng matagal. May mga bunga ito kung saan doon nakaukit ang pangalan ng isang immortal. Pag nasa bunga ang iyong pangalan, ikaw ay kailangan ng mamatay. Ang puno naman ng pag-ibig. Dito malalaman kung sino ang magiging kasintahan ng mga immortal. Doon namin nakikita kung sino ang karapat-dapat sakanila. At ang panghuli ay ang puno ng katotohanan. Ang punong iyon ay napakahalaga dahil doon nagmumula ang mga nakatala sa propesiya. Bago namin isulat sa libro ng propesiya ang isang bagay ay sa puno muna ng katotohanan namin iyon titignan. Parang sayo....Nakita din namin sa puno ng katotohanan ang mangyayari sa buong immortal world kaya ikaw ang napili ng lahat ng diyos at diyosa na magiging tagapagligtas. Alam mo ba kung bakit ikaw ang napili namin? Iyon ay dahil nakita din namin sa puno ng katotohanan ang iyong hinaharap. Isa kang matapang, walang inuurunan, palaban, at alam naming kaya mong mapagtagumpayan ang lahat ng pagsubok na dadaan sayo.." Mahabang paliwanag niya..

"Kung ganon po....Ano po ang gusto niyong ipahiwatig saakin?" Tanong ko ulit. Nagbuntong hininga muna siya bago ulit magsalita..

"Nakita namin sa puno ng katotohanan na mayroong babae na magpapanggap bilang ikaw. Mapapaniwala niya ang lahat
at masasaktan ka.." Malungkot niyang sabi.

"Po!? Kailan niyo po yan isususlat sa libro ng propesiya?" Tanong ko.

"Mahal na prinsesa, hindi lahat ng nasa puno ng katotohanan ay kailangang isulat sa libro ng propesiya...May bagay na dapat mo lamang itago. Ang isinusulat lang namin sa propesiya ay ang mga mahahalaga. Naniniwala naman kami na kaya mong lagpasan ang pagsubok na iyon diba?" Godess Wavey..

"Pero......Marami po ang maniniwala sakaniya.." Nalulungkot kong dahilan..

"Wag kang mag-alala. Nandidito pa naman kami eh...Ang mga kaibigan mo. Darating din ang araw na mabubunyag ang sekreto na kailangan niyo munang itago ngayon.." Godess Aira.

"Sige ganito nalang. Sasabihin mo kay Headmaster ang katotohanan. Mapagkakatiwalaan siya at siguradong nandiyan siya lagi para sayo. Basta ang sabihin mo sakaniya, ay gawing sekreto ang lahat ng toh." Sabi ni God Metalvier kaya nabuhayan naman ako ng pag-asa..

"Ganon po ba? Sige po! Pangako gagawin ko ang aking makakaya para sa buong immortal world!" Masigla kong saad kaya napangiti sila..

"Mabuti kung ganon" Godess Ice.

"Sige po...Alis na k----"

"Sanadali lamang mahal na prinsesa!" Napahinto ako ng biglang sumigaw si God Nathaniel.

"Bakit po?" Ako.

"May kailangan ka pang malaman" Godess Golden.

"Eh ano po yun?" Ako.

"May nakita kami sa puno ng pag-ibig" Nakangiting sabi ni Godess Golden kaya nagtaka ako. Mukhang nahalata naman nila kaya nagsalita na si Godess Ice.

"May nakatakda sayo mahal na prinsesa. Ang lalaking mamahalin ka ng totoo at ang lalaking kukumpleto sa buhay mo at pati narin sa mundo ng mga immortal."

"Huh? Sino?" Ako.

"Kilala mo na siya...Pero sekreto muna..Hahaha!" God Nathaniel.

"Eh???" Takang tanong ko..

"Oo mahal na prinsesa...May nakatakda sayo. Siya ang susunod na magiging hari sa buong immortal world at mayroon siyang tatlong kapangyarihan. Kailangan din siya ng mga immortal para mabuo na ang mundo natin... Maghintay nalamang tayo at darating na siya.." Godess Wavey..

"Pero----"

"Haha sige na mahal na prinsesa. Isusulat na namin sa libro ng propesiya ang balitang iyon.." Natatawang sabi ni Godess Aira..

" *sigh* sige na nga" Nanlulumo kong saad. Ngumiti naman sila saakin kasabay ng pagdilim ng aking paligid...
.
.
Hayy ano pa nga bang magagawa ko? Eh sila na nagsabi ehhh....At isa pa. Anong ikinatuwa ko sa mga balita nila? Sila lang ata ang natuwa eh!
.
.
*End of Flashback*

"Whaaaaaatttt!!!???" Sigaw nila Berniz at Celline. Grabe makareact! Daig pa ako.

Hindi ko pala sila kinwentuhan. Tinitigan ko lang sila sa mata at ipinakita sa kanila ang nangyari sa panaginip ko. Magdidilim ang paningin nila at ang makikita lang nila yung panaginip ko..Hihi. Eh kasi baka may makarinig saamin pag nagkwento ako eh..

"Hala! May impost-----"

"Sssshhhhhh" Saway ni Berniz kay Celline. Ang sarap talagang tahiin ng bunganga nito eh!

"Wag ka ngang maingay Kloe!" Berniz..

"Sorry naman 'Jane'!" Sabi ni Celline tapos pinagdiinan pa yung 'Jane'.

"Pero infairness queen ha......May nakatakda na pala sayooooo.....Sana all!" Berniz said. Tinignan ko lang siya ng walang emosyon kaya napalunok siya ng sunod-sunod.

Naglakad na ako at iniwan sila doon...Bahala kayo diyan! Shock pa sila eh..

"Queeennn! Wag mo akong iwan!" Berniz..

"Teka lead! Wait for the beautiful mee!" Celline.
.
.
.
.
.
Nalibot na namin ang buong university at talagang hindi ako makapaniwala! Sobrang lake! Graveeee! At ang ganda!!

"Kapagod!" Celline...

"Sinabi mo pa!" Berniz. Nandito kami ngayon sa quadrangle field. Nakaupo sa bench....Hindi naman na masiyadong mainit eh. Kasi mag-gagabi na..

"Eyy queen! Kailan natin sasabihin kay HM ang......alam mo na..Hehe" Berniz asked.

"Later" Maikling sagot ko at sinalampak na ang earphones ko sa tenga at nagpatugtog..Pinikit ko ang mga mata ko.
.
.
*Now playing: Demons by: Imagine Dragons*
.
.
🎧When the days are cold, And the cards all fold. And the saints we see, Are all made of gold. When you dreams all fail, And the ones we hail, Are the worst of all, And the bloods run stale.🎧
.
🎧I wanna hide the truth, I wanna shelter you. But with the beast inside, There's nowhere we can hide. No matter what we breed, We still are made of greed. This is my kingdom come, This is my kingdom come🎧
.
🎧When you feel my heat, Look into my eyes. It's where my demons hide, It's where my demons hide. Don't get to close, It's dark inside. It's where my demons hide, It's where my demons hide🎧
.
"Hoy! Kayo! Mga basura!" Sigaw ng isang babae...Ang ingay niya ha! Inis kong tinanggal ang earphones ko at walang emosyong tinignan ang babaeng sumigaw. At...O My Ghaaadd! Ano ba talagang nangyayari sa buhay ko! Lahat nalang ng eskwelahan na mapupuntahan ko may mga clowns!

"Transferies?" Maarteng tanong nung nasa unahan.

"Hindi pa ba obvious miss?" Pilosopong sagot ni Celline.

"You freak!" Sigaw ulit ni clown 1 sabay turo kay Celline.

"Who? Me?" Maarte ding tanong ni Celline.

"Ayy hinde siya!" Pamimilosopo din nung clown 2 at tinuro naman si Berniz..

"Oh! Jane, tawag ka ng mga clowns" Kampanteng sabi ni Celline.

"What!? Sinong clown!?" Galit na tanong ni clown 1.

"May utak ba kayo!? Kayo lang naman diba ang tumawag sakaniya!? Malamang kayo yun!" Sigaw ni Celline.

"Wag mo kaming sigawan dahil hindi niyo magugustuhan ang gagawin namin sainyo!?" Panghahamon ni clown 3.

"Eh ano naman ngayon!? Hindi porket bago lang kami dito, wala na kaming kayang gawin!" Ngayon si Berniz naman. Dahil sa galit nung mga clowns ay hinila nila ang buhok nila Celline at Berniz dahilan ng pag-usbong ng galit ko!

"Waaaahhh!!! Bitiwan niyo kameee!!" Celline shouted!

"Bitiwan moko! Masakeeet!! Ano ba! Ughh!!" Berniz..

Kinaladkad nila ang mga kaibigan ko hanggang sa marating nila ang maraming estudyante. Tuloy! Marami nang nanunuod sakanila. Nagkatinginan kami ni Marianne at saka nagtanguan. Pumunta kami kung saan naroon ang mga kaibigan namin at mga clowns.

"Kayo! Kayong lahat! Kung sino man ang kumalaban samin! Ito ang mapapala! Naiintindihan niyo!?" Sigaw ni clown 1 habang nakahawak ng mahigpit sa buhok nila Celline at Berniz. Yung mga alipores naman niya tawa lang ng tawa!

Tinignan ko ang mga mukha nila Celline. Nasasaktan na sila.....ANG PINAKA-AYOKO SA LAHAT AY YUNG NASASAKTAN ANG MGA KAIBIGAN KOOOO!!!!

Tinignan ko si Marianne pero tumango lang siya sakin. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa mukha nila Celline at gustong-gusto ko na talagang magwala dahil anong oras man ay tutulo na ang luha nila...

'Queen....tulong...huhu'

'Lead.....T-tulungan mo kami *sobs*' Nagulat ako ng marinig ko sa isip ko ang hikbi ni Celline. Tinitigan ko siya at umiiyak na nga siya! Nag-aapoy na talaga ako sa galit!!

"Walang sino man ang pwedeng kumalaban saamin maliban sa mga Royalties!!!" Sigaw ulit ni clown 1 at mas lalo pang hinigpitan ang paghawak niya sa buhok ng mga kaibigan ko! Hindi naman makapalag sila Celline dahil hinahawakan ang kamay nila ng iba pang mga clown..At ang MAS ikinagalit ko pa ng makita kong sinakal nila sila Berniz at Celline!!!!!!!!!!!!!!

Napaupo na sa damuhan sila Berniz at Celline dahil sa sakit at rinig ko narin ang hikbi nila! Naikuyom ko ang kamao ko at ramdam ko rin ang galit ni Marianne...

Sabay kaming nagpunta sa gitna at hinila ko rin ang buhok ni clown 1! Dumaing naman siya sa sakit! Buti lang sayo yan!!  Tinadyakan ko siya sa tiyan at sinapak ng dalawang beses. Kaya napaupo siya sa damuhan! Tinadiyakan at sinapak ko rin ang tatlo pang clowns kaya napaupo din sila sa damuhan! Nakita ko namang nakaupo nadin ang dalawa dahil kay Marianne...

Kinuyom ko ng sobrang higpit ang kamao ko dahil sa galit! Tinitigan ko sila ng mariin. Halata naman ang takot sakanila.. Tss! Mga duwag!

"KUNG AYAW NIYONG KINAKALABAN KAYO!!! PWES! AYAW NA AYAW KO RING NASASAKTAN ANG MGA KAIBIGAN KO!" Sigaw ko ng pagkalakas-lakas kaya kumulog din ng malakas! At biglang nagdilim ang kalangitan.

Ramdam ko na talaga ang pag-init ng katawan ko kaya hindi ko na napigilang itaas ang mga kamay ko kasabay ng pag-angat nilang anim! Ginamit ko ang air power ko para tanggalan sila ng hininga!! Kung papatayin nila ang mga kaibihgan ko...MAUUNA SILA!!!!

Mas lalo ko pang nilakasan ang pwersa ko kaya napasigaw sila..

"Ms. Stanford! Anong kaguluhan ito!?" May narinig akong sigaw ng lalake kaya dahan-dahan kong ibinaba ang anim na clown. Ibinaling ko ang aking tingin sa sumigaw at si HM pala yun!

"Kebago-bago niyo palang! Eto na agad ang ginagawa niyo!? Eh ano pa kaya kung magtagal kayo dito!? Ang akala ko pa naman ay may maganda kayong maidudulot sa eskwelahang ito! Pero hinde! Mali ako!" Sigaw niya ulit. Ewan ko! Pero nanggagalaiti na talaga ako sa galit. Alam ng diyos simula nung pagkabata palang naming magkakaibigan na ayaw na ayaw ko na talaga silang nasasaktan! Ayaw na ayaw ko!!!

Tumingin ako sa likod ni HM at dun ko nakita ang......ROYALTIES!?

Tinitigan ko isa-isa ang mga mata nila. May blue, light blue, brown, gray, umiilaw sa puti, black at golden yellow. Ang sabi saamin nila Godess Golden, kapag wala ka pa sa 18 years old, hindi pa lalabas ang tunay na kulay ng iyong buhok at mata. Kaya may nakita akong black. Pero sa mga Darkians, black na talaga ang mga mata nila..

Inilibot ko ang paningin ko at sooobrang daming nanonood. Tumingin din ako sa kalangitan. Naku po! Madilim at kumukulog! Hindi pwedeng umulan!!! Pinakalma ko ang sarili ko at ng kumalma ako ay hinarap ko si HM.

"Ano Ms. Stanford!? Papatayin mo sila!? Ano ka ba!? Taga-darkians!?" Galit na tanong ni HM kaya umugong ang bulungan..

Napayuko ako dahil doon....Naramdman ko naman ang paglapit ng mga kaibigan ko sakin. Tumingin ako kila Celline at gulo-gulo ang buhok nila. Mugto rin ang mga mata.

Niyakap ko si Celline at Berniz dahil nasasaktan din ako sa sinapit nila....Pero hindi ko pinakita kundi pinaramdam ko sakanila. No emotion face parin ako noh! Mula kanina pa..

"Q-queen, calm down.....Ayos na kami" Pagpapakalma saakin ni Berniz habang yakap ko siya..

"Oo nga lead. Okay na okay kami. Don't worry" Celline said kaya pumikit ako at pinakalma ng todo ang sarili ko. Pagkamulat ko ng mata nakita ko agad ang golden yellow na mata ng isang babae. Nakatitig siya saakin na parang nag-aalala...Hindi ko maintindihan! Pero lalo akong kumalma ng makita ko ang mga mata niya. Kasama niya ang royalties----- Ibig bang sabihin nito......Siya ang ate ko!? Ang kapatid ko!?

"Rixia, okay ka lang?" Nabalik ako sa huwisyo ng biglang magsalita si Marianne. Bumitaw ako sa yakap namin at saka tumango. Pag nag-aalala talaga si Marianne ay lumalabas ang ganiyang side niya. Sa madaling salita....Nawawala ang pagka-cold niya..

"Yung may golden yellow na mata ba ang tinititigan mo lead?" Mahinang bulong ni Celline na siguradong kami lang ang makakarinig. Tumango ako sakaniya.

"Siya si Princess Reichelle. Ang ate mo" Marianne said dahilan para sumaya ang pakiramdam ko! Tinitigan ko ulit si ate... Gustong-gusto ko siyang yakapin!!

Nagbulungan ulit ang mga nakapalibot saamin ng biglang lumiwanag ang kalangitan at lumabas ang napakalaking araw. Kitang-kita ang tatlong buwan at mga ibong nagsisiliparan. May makukulay ding rainbow.

"Ms. Stanford, Ms. Alfred, Ms. Lustre and Ms. Collins! Come to my office now!" Sigaw ni HM at saka na siya umalis. Napapoker face naman ako dahil don. So kami pa talaga ang nauna? Kung hindi lang naman kasi sumugod ang mga clowns na yon! Edi sana tahimik ngayon! Uuurrggghh!!!!

Sumunod nalang kami kay HM kahit labag sa loob namin. Nakakainis!!!
.
.
Nandito na kami sa office ni HM habang nakayuko. Siya naman paikot-ikot habang nakahawak sa noo. Akala mo naman stress na stress!

"Anong gulo ang ginawa niyo? Alam niyo bang pwede kang makapatay Ms. Stanford?" Mahinahong tanong niya kahit alam naming nagpipigil lang siya..

"Hindi po namin kasalanan yu----"

"What!? Hindi niyo kasalanan! Ms. Alfred! Nag-iisip ka ba!? Kayo ang nanakit tapos hindi niyo kasalanan!?" Galit na sigaw ni HM..

"Pero---"

"Tama na Ms. Collins! Hindi tama ang ginawa niyo kaya paparusahan ko kayo!" Sigaw ulit ni HM.

"Hindi naman po ata tama----"

"Anong hindi tama Ms. Alfred!? Kasalanan niyo toh kaya kailangan niyong maparusahan!" Sigaw ulit ni HM! Isa pa talaga! Mababasag eardrums ko eh!

"Hindi po kami ang nagumpisa---"

"Tumigil na kayo!! Desisyon ko ang masusunod!!" Sigaw ulit niya..

"Pero po-----"

"Wala ng pero-per-----"

"HM!!! Pwede ba!? Pagsalitain mo naman kami!!! Kaimbyerna ka eh!!" Malakas na sigaw ni Berniz! Ayan kasi! Ayaw muna kasing patapusin ang sasabihin nila...

"Wag mo akong pagtaasan ng boses kung ayaw mong----"

"Fine! Headmaster.....may sasabihin po kami sainyo na kailangan niyo pong malaman.....At isa pa po, hindi po kami ang nagumpisa ng away......Sila po ang nauna hindi po kami.....Bigla-bigla nalang po silang sumugod saamin kahit wala naman po kaming ginagawang masama.....Alam niyo rin po bang muntik na rin po kaming mamatay?......Gumanti lang po ang kaibigan namin....." Malumanay na paliwanag ni Celline. Parang namimilosopo pa!

"Ano!?" HM.

"Kung ayaw niyo pong maniwala.......Kailangan niyo po muna itong malaman.." Seryosong saad ni Berniz.

"Ang alin?" Takang tanong ni HM.

Bumuntong hininga muna sila Celline at Berniz bago sila magsalita ng sabay.

"Siya po ang 'Long Lost Powerful Princess'. Ang ating tagapagligtas.." Seryoso nilang sabi habang nakaturo saakin. Tumingin naman saakin si HM ng nagtataka..

"Hahahahahahahahahaha!!" Tawa niya. Tsk!

"Seryoso po kami" Super seryoso na sabi ni Berniz kaya napatigil sa pagtawa si HM.

"At pano ko naman kayo paniniwalaan?" Seryoso ding tanong ni HM.

Tumalikod ako sakaniya at inilagay ang lahat ng buhok ko sa kanang balikat kaya nakita na niya ang marka sa batok ko.

Gulat na gulat ang peg?

"P-panong..." Nanlalaking mata na sabi ni Headmaster.

"At hindi lang po yan" Nakangiting sabi naman ni Celline kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko. Lumabas naman dito ang Earth/Nature and Ice ball ko. Itiniklop ko ang kamay ko at binuka ulit. Ang lumabas naman ngayon ay ang Water and Air ball ko at tiniklop ko ulit pagkatapos. Binukas ko ulit ang kamay ko at ang lumabas naman doon ay ang Metal and Fire ball na power ko and last. Ang Lightning Ball ko....Hindi ko pa kasi napapalabas ang golden special dahil sabi ng mga gods and godesses lalabas lang yun kapag nag 18th birthday na ako kasabay ang pag-iiba ng kulay ng buhok ko.

Ang kulay kasi ng buhok naming magkakaibigan ay brown. Wala lang. Nagpakulay kami sa mortal world ehh..

"I-ikaw nga!" Masayang sigaw ni HM. At saka siya kumaripas ng takbo para yakapin ako. Yinakap ko naman din siya pabalik.

Kumalas siya sa pakikipagyakap at tinignan sila Berniz.

"Kung siya ang prinsesa. Eh sino kayo?" Tanong ni HM habang nakaturo kila Marianne.

"Kami po ang legendary fairies ni Queen" Sagot ni Berniz.

"Queen? Sinong queen?" Tanong muli ni Headmaster.

"Haha siya po. Ang tawag po kasi namin sakaniya doon sa mortal world ay queen at tsaka lead" Paliwanag ni Celline. Napatango naman si HM at tinignan ulit ako. Nginitian niya ako pero no emotion parin ang mukha ko..

"Maligayang pagbabalik mahal na prinsesa! Kailangan na itong malaman ng laha----"

"Wag!" Pigil nila Berniz at Celline.

"Huh? Bakit?" HM.

"Hindi po dapat ito malaman ng lahat. Yun ang sabi saamin ng mga gods and godesses. Dahil kapag nalaman po nila....Makakarating ang balita sa Dark Kingdom dahilan para mapaaga ang paglusob nila at hindi natin ito mapaghahandaan kaya maraming mamamatay." Paliwanag ni Celline..

"Ganon ba? S-sige....Pangako! Walang makakaalam nito!" Masiglang sabi ni HM at nagtaas pa ng kanang kamay.

"Eh yung sa----"

"Ayy yung parusa pala. Wag niyo nang alalahanin pa yun! Sorry...nagkamali ako...Hindi ko agad kayo pinagsalita. Ahm prinsesa...Pwede mo bang ipakita ang nangyari kanina?" HM. Tumango ako at inilahad ang palad ko sa harapan nila. May lumabas naman doong imahe. Ang nangyari kanina...At pagkatapos namin iyon panoorin.........

"Patawad sainyo.." Malungkot na paumanhin saamin ni HM..

"Kalimutan niyo na po iyon. Naiintindihan ka po namin. At isa pa po...wag niyo na siyang tawaging prinsesa o mahal na prinsesa. Baka po kasi may makarinig eh" Celline..

"Sige sige....Wag kayong mag-alala. Paparusahan ko ang mga babaeng----"

"Naku! Wag na po HM! Baka makahalata pa sila. At isa pa po...ayaw na po namin ng gulo.." Berniz. Ngumiti si HM saamin..

"Sige na nga! Napakabuti niyo talaga...O siya! Magpahinga na kayo...Mag-gagabi na...Gumising ng maaga bukas ha...Sa Royal Section ko kayo ilalagay...." HM.

(Royal Section- Section ng mga malalakas na immortal, mga may dugong bughaw o kung tawagin ay Royalties. Nandoon rin ang mga immortal na kayang-kaya ng kontrolin ang kanilang kapangyarihan..)

"Po!? Ang akala po namin...May pagsubok pa kami..Ang akala ko pa naman ay sa Lower Section kami.." Celline.

(Lower Section- Nandito naman ang mga immortal na hindi pa alam ang kanilang kapangyarihan.)

"Hindi na....Ngayon pa't alam ko nang nararapat kayo sa Royal Section ehh...At saka, wag niyo na akong pigilan pa. Pambawi ko nalang rin ito...At wag kayong mag-alala. Gagawa ako ng paraan para hindi nila kayo pagdudahan okay?? " HM said. Tumango nalamang kami...

(Modious Section- Ang section na ito ang section ng mga immortal na alam na ang kanilang kapangyarihan ngunit hindi pa kayang kontrolin.)

"Sige po HM. Pahinga na kami...Bye bye!!" Paalam ni Berniz at saka na kami lumabas ng office ni HM..

Continue Reading

You'll Also Like

5.3K 68 1
This story is tagalish and its about a very beautiful maiden named Zanya alisha may she is an gangster leader and sometimes cold but she is kind swe...
50.3K 769 17
DELULU & GUILT PLEASURE
145K 4.1K 27
Warning: 18+ ABO worldα€€α€­α€― α€‘α€α€Όα€±α€α€Άα€›α€±α€Έα€žα€¬α€Έα€‘α€¬α€Έα€•α€«α€žα€Šα€Ία‹ α€…α€­α€α€Ία€€α€°α€Έα€šα€‰α€Ί ficα€œα€±α€Έα€™α€­α€―α€· α€‘α€•α€Όα€„α€Ία€œα€±α€¬α€€α€”α€Ύα€„α€Ία€· များစွာ α€€α€½α€¬α€α€Όα€¬α€Έα€”α€­α€―α€„α€Ία€•α€«α€žα€Šα€Ία‹
177K 452 105
Erotic shots