Happy Crush Lang Ba Talaga? [...

By luvxiewrites

71.2K 1.4K 85

Nako! Patay tayo sa happy crush, happy crush na yan. 'Pigilan mo ang nararamdaman mo, dahil walang sasalo say... More

Happy Crush Lang Ba Talaga?
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
END
Note
Happy Crush Lang Ba Talaga? (Special Chapter)

Chapter 24

1K 37 1
By luvxiewrites

Naalimpungatan ako at nauuhaw na din kaya bumangon ako para uminom ng tubig, tahimik lang ang pag kilos ko para hindi magising si kuya, mababaw pa naman syang matulog kaya madaling magising.

Pababa na ako ng hagdan nang makita kong naka bukas ang ilaw sa kwarto ni kuya, bahagya ding naka bukas ang pinto ng kwarto nya.

Dahil sa curiosity ay nag punta ako sa tapat ng kwarto nya, hindi naman nya iniiwang naka bukas ang pinto at ilaw.

Isasara ko na sana ang pinto nang may marinig akong boses sa loob, boses ito ni kuya na parang may kausap sa phone

"Ano? Maayos ba ang pinapagawa ko sayo" madiing sabi ni kuya sa kausap nya

"Make sure to let them suffer" galit na utos nya sa kabila ng linya

"For the sake of my parents" nagulat ako nang marinig ang mga magulang namin

"I want to give them justice they deserve" madiin ang pag kakasabi nya nito

"Hindi nya pwedeng malaman toh"

"I will make sure that's she's safe"

"Walang makakagalaw sa kapatid ko hanggat nandito ako, dadaan muna sila sakin"

Rinig ko ang pag patay ng linya ng phone sabay nito ang pag patay ng ilaw kaya agad agad akong nag lakad pabalik sa kwarto ko.

Nag hahabol ako ng hininga dahil sa mga na overheard ko.

Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng may usapan pero hindi napigilan ng curiosity ko ang usapan ni kuya at ng kausap nya

Sino yung sinasabi nyang dapat mag hirap at mag dusa, saka ano ang kinalaman nila sa mga magulang namin

May hindi sinasabi sa akin si kuya

May tinatago sya tungkol sa pagkamatay nila mommy at daddy

Pero ano?

Hindi na ako nakatulog dahil sa pag iisip kung ano ang nangyayari, at kung ano ang dahilan ng mga narinig ko

Kahit tanungin ko si kuya ay alam kong hindi naman nya ako sasagutin kaya...dapat malaman ko ito ng hindi nya nalalaman

Hindi ko mapipigilan ang sarili ko kapag umiral ang pagiging curious ko sa isang bagay

Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko nang biglang tumunog ang phone ko

Laman nito ang message ni David

david.arinuevo: Musta!

Napangiti nalang ako ng makita ang chat nya sakin, lagi syang ganito kapag wala kaming pasok ay lagi syang nangangamusta sa akin

_xavriel.dlpz: I'm okay.

david.arinuevo: luh! Gising ka pa?

_xavriel.dlpz: hindi, kaluluwa ko lang tong kausap mo

david.arinuevo: dapat siguro matulog kana, ang sungit mo pag napupuyat ka eh

_xavriel.dlpz: eh ikaw? Bat gising ka pa?

david.arinuevo: iniisip kasi kita

Luh! Parang tanga toh. Mag aassume na naman ako nyan

Pa fall amputcha!

_xavriel.dlpz: HAHAHAHAH funny

david.arinuevo: totoo nga iniisip kita, iniisip ko kung pano ka aayain eh

_xavriel.dlpz :Huh? Para san?

david.arinuevo: bday ni mama bukas, aayain sana kita. Gusto kasi ni mama nandon ka eh.

_xavriel.dlpz: sige, I'll be there

david.arinuevo: yown! Thankyou

_xavriel.dlpz:🥰

david.arinuevo: goodnight! Wag mo ako masyado isipin dahil hindi ako maka tulog

Hindi na ako nag reply don dahil hindi ko naman alam ang isasagot pa

Birthday pala ni tita bukas, ano kaya magandang ma iregalo sa kanya

Nag scroll lang ako sa online shop ng nga pwedeng panregalo

What if...dress, kaso mukang hindi naman nag susuot si tita ng ganong damit

Sapatos kaya....pero sabi nya sa akin ay hindi sya mahilig sa mga sapatos

Kung pagkain naman ay baka hindi nya magustuhan o baka di sya masarapan

Nahihirapan akong umisip ng magandang pang regalo kay tita

Eh kung ako nalang kaya? I regalo ko ang sarili ko para sa anak nya

Hindi na ako umorder dahil matagal pa ang shipping non, bukas na ang birthday nya

Wala din ako oras bukas dahil sa tanghali daw kami pupunta kaya hindi ako makakabili ng regalo

Naisipan kong i hahabol ko nalang yon

Hindi naman materialistic si tita kaya ayos lang

Hindi pa nga din mawala sa isip ko ang pag uusap ni kuya kanina

At bakit kailangan nya akong protektahan? Protektahan para san?

At lalong nakaka pag pa sakit ng ulo ko ay kung sino ang kausap nya

Ano ang koneksyon nya kay kuya?

__________________________________________________________________

Nang magising ako ay agad akong bumangon dahil papasok pa ako, naligo lang ako at nag bihis bago bumaba para kumain

Pag baba ko ay naabutan ko pa si kuya doon sa lamesa, nakabihis din sya para sa trabaho

Pumasok na naman sa isip ko yung kagabi, gusto ko syang tanungin kaso ay hindi ko magawa

"Hey! Kumain ka na dito?" Tawag nya sa akin

"Ihahatid kita" dagdag nya

Lumapit ako sa kanya at humalik bago umupo sa tabi nito

"Why? Hindi ka ba busy?" Tanong ko

"Nope, sasaglit lang naman ako sa trabaho tapos ay uuwi din ako agad"

"Wow! Bago yan kuya ah. Hindi ka busy, may sakit ka ata" pag bibiro ko

"C'mon, ayaw mo ba ihatid ka ng poging pogi mong kuya"

Hindi na ako sumagot dahil hahaba lang ang kahanginan ng mga sinasabi nya kaya kumain nalang din ako

Napairap nalang ako sa ere ng makita ang isang plato sa lamesa at kung ano ang laman nito

'Pancake'

Wala naman akong hate sa pancake pero nauumay na kasi ako, kahit nakikita ko lang ito ay nauumay na agad ako

"Baka mapatay mo yang pancake, easy ka lang" sabi ni kuya

"Huh"

"Kung maka tingin ka kasi dyan eh parang may ginawa sayong masama yan" natatawang sabi nito

"Hindi ka ba nauumay kuya"

"Puro ka pancake"

"Why?" Nagbigay sya ng inosenteng mukha "I love pancakes" direktang sabi nya

"And besides, mom used to make me this" may lungkot ang boses nya ng sinabi nya iyon

Totoo, talagang mahilig si mama na igawa si kuya ng mga pancakes, kapag meryenda na ay nag pupunta na si kuya kay mama para mag paluto mg paborito nyang pancakes

Ako naman ay hindi, hindi ko hate ang panckake pero hindi ako mahilig dito

Bata pa lang ako ay hindi ako mahilig sa mga pagkaing matatamis hindi katulad ni kuya, sobrang hilig nya sa sweets kaya nga makailang beses syang nag pupunta ng dentista para mag pa bunot ng ngipin

Minsan nga ay pinagbawalan sya nila mommy na kumain ng nga matatamis dahil baka daw wala na matira sa mga ngipin nya, pero si kuya ay si kuya kapag gusto nya ay wala ka talagang magagawa lagi syang may paraan para kumain ng mga matatamis

"Did you miss them?" Seryosong tanong nya

"Huh"

"I mean naka tulala ka na bigla nung nabanggit ko si mommy" pag kaklaro nya

"Oo" maiksing sabi ko saka kumagat sa hawak kong sandwich

"Sobra" dagdag ko pa

"I miss them too"

Malungkot tuloy akong kumakain dahil naalala ko ang mga ginagawa sa akin ni mommy pati ni daddy

I miss how my mom doing my hair

I miss how dad take me in school

I miss everything about them...

I hope kasama pa namin sila, sana nandito pa sila

"How's life lately?" Biglang tanong ni kuya

"Ayos lang, medyo stressing lang last week dahil puro practice kami" reklamo ko

"But you won, both of you. David won rigth?"

"Oo" simpleng sagot ko

"Pero bat mukha kang pinag bagsakan ng langit at lupa dyan"

"Eh kasi naman kuya, kilala na ako sa school" sabi ko

"And?..."

"Anong and, edi marami na mag hahabol at mag kaka gusto sakin nyan. Hayst, pano gagawin ko" napabuntong hininga ako at umarte na na sstress

Nakatingin lang sakin si kuya na may hindi makapaniwalang itsura

"Seriously?" Tanging nasabi nya

"Sana hindi ka nalang naging dalaga" dagdag nito

"Bakit naman? Ayaw mo bang tumanda ako"

"Hindi, mas lalong nadadagdagan ng hangin yang ulo mo" umirap pa sya sakin

"Kumain ka na dyan at ma lalate ka na"

Tumayo sya at tatawa tawa pa

"Gosh! My little sister are now delusional" rinig kong bulong nya

________________________________________________________

Nang marating namin ang school ay agad kong inayos ang gamit ko bago bumaba

Hindi ko pa naisasara ang pinto nang maalala ko ang sinabi sakin ni David kanina

"Ahhh kuya" tawag ko sa kanya

"Hmmm"

"Birthday ni tita...este ng mama ni David ngayon, pupunta ako" pag papa alam ko

"Ayoko" simpleng sagot nya

"Huh, pero naka oo na ko kay David. Saka inaasahan ako ng mama nya" reklamo ko

"Biro lang! Sige, but make sure na ihahatid ka nya ah" paalala nya "Oh wait! I message him na ihatid ka pauwe"

"Pero kaya ko naman umuwi mag isa"

"Saka masasayang pa ang oras ni David" dagdag ko

"No! If hindi ka nya i hahatid pauwe, then wag ka na pumunta"

Shaks! Ang hirap talaga kausap ni Kuya pag dating sa mga ganitong bagay, super protective sya sakin pero hindi naman umaabot sa point na nasasakal ako

"Okay na" baling nya sakin "Payag na ako"

"Weh!"

"Ayaw mo?"

"Hindi, salamat Kuya" pumunta ako sa driver seat para humalik sa pisngi nya

"Sige na" paalam ko "Bye, ingat Kuya"

"Take care Ms. Intrams" pag bibiro nya pa

"Baka may humabol na sayo dyan" dagdag nya

"Na aso"

________________________________________________________

Nag lalakad ako sa hallway papunta sa classroom nang may mga bumabati sa akin dahil sa pag ka panalo ko, ngumingiti nalang ako at nag papasalamat sa kanila dahil hindi ko naman alam kung ano ang dapat sabihin

Nang marating ko ang harap ng classroom ay inayos ko muna ang buhok ko saka pumasok, nagtinginan naman ang mga kaklase ko sa akin pati si Ms. Santos ay napatingin sa gawi ko

Teka! Si Ms. Santos

Napatingin ako bigla sa orasan ng phone ko nagulat nalang ako ng makitang 7:45 na

Late ako.

"Ms De Lapaz, you're late"

"Sorry ma'am" tanging nasabi ko saka nag lakad papunta sa upuan ko

Nakangiti naman sakin sila Miz at Sam dahil don

"Well! Dahil nandito na si Ms. De Lapaz ay i congratulate natin silang dalawa ni Mr. Arinuevo dahil sa pagkapanalo nila sa search for Mr and Ms Intramurals" pag uumpisa ni Ms

"CONGRATULATIONS" bati sa amin ni Ms. Santos

Nag hiyawan naman ang mga kaklase ko at nag papalakpakan

"Thankyou po" pag papasalamat ko kay Ms

"Na represent nyo ang section nyo ng mahusay" sabi nito sa amin

"As your adviser, im very very proud" nakangiting sabi nito sa amin

"Don't worry may incentives kayo sa lahat ng subject nyo"

Rinig ko ang ungot ng mga kaklase ko ng marinig na makaka tanggap kami ng incentives

"Class! Deserve naman nila yon"

"Saka hindi naman sobrang laki ng ibibigay na incentives sa kanila" pag papaliwanag ni Ms

Kahit na hindi malaki ay atleast siguradong may dagdag na ang mga grades ko, kahit naman daw hindi kami nanalo ay may matatanggap parin kaming incentives dahil sa pag represent namin ng section

"Gaga ka! Late ka na naman" bulong sakin ni Sam

"Abay hindi porket Ms Intrams ka ng campus ay mag papa late ka na" dagdag nito habang nakangisi sa akin

"Tsnga! Hindi ko namalayan ang oras. Nag pa alam pa kasi ako kay kuya" paliwanag ko

"Ohhh! Para sa birthday ng mama ni David?" Tanong nya

"Oo"

"Ano? Pinayagan ka?" Tanong pa ulit nya

"Syempre" mayabang na sabi ko

"Sana all" naka nguso sya ngayon sa akin

"Bakit?"

"Inaaya nga din ako nyan kaya lang, eh hindi pumayag ang mudra ko eh" reklamo nya

"Dadating daw kasi si ate mamaya kaya kailangan nandon kami lahat" dagdag pa nya

"Ayos lang yan! Pamilya muna unahin mo"

"Asus! Asus! Ayaw mo lang makita ko kung paano ka mag pa cute kay David eh" bulong nya sakin

Agad ko syang kinurot dahil sa sinabi nya

"Aray ha! Masakit yon"

"Gaga! Baka marinig ka nya"

"Aysus, mahina ka pala eh. Natatakot kang malaman"

"Happy crush lang naman eh bat kailangan pa nya malaman" direktang sabi ko

"Nako! Patay tayo sa happy crush happy crush na yan" malokong sagot naman nya

Continue Reading

You'll Also Like

40K 1K 80
|ENG|The world changed, people starting to change. The world gone mad. The worst out there in the mad world are people. Bad people, ones who want to...
3.1K 137 12
Saan nga ba kami nagsimulang nagkakilala? Natutuwa akong tuwing maalala ko iyong panahon na nagsimulang naging beshi kami. "Pwedeng beshi na tayo?" t...
1.6K 145 35
Em đúng là đồ khó ưa! 🐰🐧 Vậy mà lại có người yêu đồ khó ưa này đấy! 20/7/2023 Tập truyện đầu tiên của tui được đăng lên Wattapad
1M 91.9K 39
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...