Her Last Hope (Vista Alegre S...

Por WhiteGelPen

2.5K 386 72

Sky Demeter Illarionova, a girl who was diagnosed with cancer, has to pretend and makes her friends and other... Mais

Disclaimer
Synopsis
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 11

69 17 1
Por WhiteGelPen

“TAPOS kana sa plates mo?” tanong sa kanya ni Ruin. Kadarating lang niya sa room nila at agad itong lumapit sa kanya.

Inilapag niya muna ang bag niya pati ang T-square na dala tsaka siya naupo sa upuan niya.

“Natapos ko din kagabi. Ikaw?”

Napasimangot naman ito sabay kamot ng ulo. “Hindi eh. Manghihiram nga sana ako sayo ng rendering materials mo kasi naubos na 'yong alcohol markers ko. Dala mo ba?”

Umiling naman siya. “Hindi.”

“Sayang.”

“Hindi ba may color pencil ka? Or 'yong watercolor nalang dapat ang ginamit mo...” saad niya dito.

Ngumuso lamang ito at muling sumimangot. Kapagkuwan ay nagulat nalang siya ng bigla itong ngumawa na parang bata sa tabi niya.

“Uwaahh!”

And as usual, agaw-pansin na naman sila sa mga classmates nilang naroon.

Mabilis naman niyang tinakpan ang bibig nito upang matigil sa pag-ngawa. “Sshh... Kahit kailan ang ingay mo talaga!” suway niya sa kaibigan.

Humagikhik naman ito na parang bata pero tumigil rin sa pag-iingay sabay peace sign sa kanya. Napailing nalang si Sky at itinuon nalang ang atensiyon sa hawak niyang cellphone.

It's been three days since her last encounter with the SSG President of their campus, Kliev Razen Santejo happened. Hindi alam ni Sky kung bakit lagi nalang nasulpot sa kung saan-saan ang lalaking iyon. At ang puso niya naman, hindi rin mapakali sa pagtibok ng sobrang lakas.

Madali lang talagang humanga sa isang tao, pero mahirap naman kung pipigilan ito. Ngayon hindi na alam ni Sky kung paano pipigilan ang sarili niya na gustuhin ang lalaking iyon. Nagsimula lang naman ang feelings niya na iyon mula no'ng nagkatabi sila sa bus. Tapos mas lalo pang lumala no'ng bigla nalang siya nitong hinila pasakay ulit sa bus.

Posible palang magkagusto sa isang tao kahit sa unang pagkikita? Love at first sight ba tawag do'n? Pero hindi pa naman niya mahal ang tao. Humahanga lang siya dito.

And she was hoping that it might end and fades away soon. Siya lang din ang masasaktan if ever ipagpatuloy niya ang paghanga dito.

She must admitted na kinilig talaga siya no'ng araw na nagkasabay sila. Medyo nalungkot nga lang kasi naging cold na ang pakikitungo nito sa kanya pagkababa lang nila sa bus. Idagdag pa na nakita niya rin ito kasama ang ate Skylla niya sa loob ng isang coffee shop.

Crush lang 'yan, Sky... Mawawala din 'yan soon. Hays! Sana nga. Kasi kapag nagkataon, magiging karibal niya pa ang ate niya.

“Hoy!”

“H-Huh?” Nagulat naman siya ng bigla siyang sundutin sa tagiliran ni Ruin. Tinaasan pa siya nito ng kilay. Tipid niya lamang na nginitian ang kaibigan at tahimik na umub-ob na lamang sa desk niya.

Tigilan mo na nga ang kakaisip sa lalaking iyon, Sky! Mukhang boyfriend na iyon ng ate Skylla mo kaya huwag ka nang um-extra sa kanila.

Isa pa, hindi rin naman siya magugustuhan ng isang Kliev Razen Santejo. Hanggang sa paghanga lang talaga ang tanging magagawa niya. Kung ang ate Skylla niya, posible pang magustuhan nito. Pero siya? Isang hamak na 1st year BS Architecture student? Malabo siyang matipuhan nito. Bobo na nga siya tapos may taning pa ang buhay niya, wala talagang magkakagusto sa kanya.

“Langit, nakikinig ka ba?” tanong ulit sa kanya ni Ruin. Nag-angat naman siya ng tingin dito. “Huh?”

“Anong huh? Puro kana lang 'huh' d'yan! Ano bang iniisip mo at parang lumipad yata sa Disney land ang utak mo, friend?” sarcastic nitong tanong.

Umiling naman siya at napabuntong-hininga ng malalim. “Wala. Gutom lang siguro ako...”

Tumingin naman si Ruin sa suot nitong relo bago muling bumaling sa kanya. “Halika, punta muna tayo sa cafeteria. Wala pa naman si Sir Cabs...”

Ayaw pa sana niyang sumama pero napilitan siya nang biglang magreklamo ang tiyan niya. Sandali niya lang na inayos ang bag tsaka sila lumabas ng classroom ni Ruin.

Marami silang estudyante na nakakasalubong sa hallway. 'Yong iba masayang nagku-kuwentuhan sa mga benches na nasa ilalim ng puno ng acasia. May mga circle of friends ang mga ito at masayang nag-uusapan.

Napangiti nalang siya sabay ayos ng bull cap na suot niya at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Pagdating sa cafeteria ay agad silang um-order ng pagkain ni Ruin. Pagkatapos ay naghanap sila ng vacant table at doon sila naupo na dalawa.

“Bakit ba sobrang gwapo ng kuya mo, langit?” Ruin asked her out of nowhere. Napataas naman ang kilay niya sa tanong nito at nangingiting tinapunan ito ng tingin.

“First time 'yan, ah?” she teased her.

Umirap naman ito sa kanya dahilan kung bakit mas lalong lumapad ang ngiti niya. “Heh! Tigil-tigilan mo nga ako. Nagsasabi lang naman ako ng totoo, eh. Kung sabagay, maganda naman talaga ang lahi niyo...”

Napatango nalang siya at muling sumipsip sa milky buko na binili niya. “Sila lang naman ang may magandang lahi, Rui. Hindi na ako kasali do'n...” wika niya pa.

“Asus, eh kung kutusan kaya kita? Para ngang pinaghalong mukha ng ate at kuya mo ang mukha mo, eh! Sometimes, try to appreciate your own beauty, my friend. You're still young and for sure mas maganda ka pa sa ate Skylla mo...” pagpapalakas pa nito sa loob niya.

Napailing nalang si Sky sa sinabi nito. “Pero bakit napunta sa akin ang usapan? Ayaw mo sigurong malaman ko na may crush ka sa kuya Skyde ko, noh?” she teased her again.

Pinanlakihan siya ng mata ni Ruin sabay tampal sa braso niya. Natawa naman siya ng mapansin ang pamumula ng magkabilang pisngi nito.

“See? You're blushing, Rui. Huwag mo na kasing i-deny...”

“Shut up! Hindi ko crush ang kuya mo, okay?” asar na sagot nito. Mas lalo lang siyang natawa. Minsan talaga asar-talo itong kaibigan niya.

“Don't worry, hindi ko naman sasabihin sa kanya eh...” pang-aasar niya pa.

Hindi na siya nagulat nang bigla itong tumayo at padabog na lumabas ng cafeteria. Alam niyang hindi ito galit sa kanya kaya hindi na niya ito sinundan pa. Masyado na niyang kilala ang isang Ruincell Claveria. Malakas lang itong mang-asar pero kapag ito na ang inasar, palaging walk-out ang kaibigan.

Nangingiting inubos nalang niya ang milky buko na kanyang iniinom. Tiningnan muna ni Sky ang suot niyang relo at nang makitang quarter to 9am na ay nagpasya na rin siyang tumayo at lumabas ng cafeteria.

Pero bigla siyang natigilan ng saktong paghakbang niya tumama ang mukha niya sa isang matigas na bagay. Naramdaman din niya ang mabilis na pagpulupot ng dalawang braso nito sa beywang niya para hindi siya matumba.

Napatingala siya sa taong iyon at nagulat naman siya ng makilala ito.

“R-Raven?”

“Are you okay?” he asked her. Mabilis naman siyang kumilos at umayos ng tayo. Agad din naman siyang binitawan nito. “Hey!”

“A-Ah, oo! I'm okay... Ayos lang ako. Salamat” tipid niya itong nginitian at nakayukong dumaan sa gilid nito upang makalabas na nang cafeteria. Nagulat naman si Sky ng makita ang ibang SSG council na nasa likuran lamang ni Raven at nakita rin ang nangyari.

Napaiwas na lamang ng tingin si Sky nang magtama ang tingin nila ng kuya Skyde niya. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya.

Kaya naman mas binilisan niya ang paghakbang palabas ng cafeteria. Doon lamang niya pinakawalan ang kanina niya pa pinipigilan na buntong-hininga.

Hindi rin maipaliwanag ni Sky kung bakit bigla siyang nalungkot ng mapansing wala doon si Kliev at ang ate Skylla niya. Magkasama na naman ba ang dalawa? Alam ba 'yon ng kuya Skyde niya?

Stop it, Sky! Bakit ba lagi mo nalang pino-problema ang taong iyon pati ang ate Skylla mo? Tumigil kana nga!

“Sky? What are you doing here?”

Mabilis siyang nag-angat ng tingin ng marinig ang familiar na boses na iyon. Her ate Skylla...

“A-Ate...”

“Anong ginagawa mo dito? Don't you have a class?” she asked her again. Tumango naman siya. Hindi naman kasi dumating si Sir Cabs nila.

Nagtaka naman si Sky ng mapansin ang pamumula ng mata nito, parang kagagaling lang nito sa matinding pag-iyak. What happened? May nakaaway ba ito?

“Umiyak ka?” tanong niya sa kapatid. Nag-iwas naman ito ng tingin at akmang lalagpasan na sana siya nito pero mabilis niyang hinawakan ang isang braso ng ate niya.

“Bakit namamaga ang mata mo? Sinong nagpa-iyak sayo?” sunod-sunod niyang tanong dito. Nagulat naman si Sky ng marahas nitong binawi ang braso nitong hawak niya at sinamaan siya ng tingin.

“It's none of your business, Sky. Just leave me alone and go back to your department!” sigaw nito sa kanya.

Naguguluhan siyang napaatras habang nakatingin pa din sa ate Skylla niya.

“Pero ate—”

“Are you deaf? I said, go back to your department now!”

Malungkot siyang napayuko. “Gusto ko lang naman na makatulong, ate Skylla... Why are you mad at me?” mahina niyang ani dito.

At tila isang patalim na tumasok sa dibdib niya ang kasunod na sinabi nito. “Wala ka nang pakialam kung umiyak man ako o hindi. Stop playing innocent, Sky. Mas lalo kang nagmumukhang kaawa-awa...” Pagkatapos ay tinalikuran siya nito at naglakad na papalayo sa kanya.

Ano bang nangyayari sa ate niya? Parang dati okay lang naman silang dalawa ah? Bakit ngayon parang galit na galit ito sa kanya?

Isang butil ng luha ang pumatak mula sa mata niya kaya agad niya itong pinunasan. Everything will be fine, Sky...

“Gusto ko lang naman makatulong, kahit ako itong mas nangangailangan ng tulong mula sa inyo...”

Napabuntong-hininga nalang siya ng malalim at malungkot na napatingala sa kalangitan.






A/N: Another update unlocked! Have fun reading^^


Continuar a ler

Também vai Gostar

1M 24.3K 42
Limited Time Only: Binge this series for a chance to win FREE coins until June 2! Read 10+ chapters of this story and win 30 Coins (2000 Winners) Whi...
225K 27K 22
People meet by accident, People fall in love by accident, But people surely don't become someone's baby daddy accidentally, or do they? What started...
1.6M 95.8K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
2.6M 149K 43
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...