VENOM OF LOVE (Edited) Slow U...

By Zephyrine1991

868 86 0

Started written: March 13, 2023 Paano kong ikaw ang mag-alaga sa isang batang minsan mo ng iniligtas. At paan... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
Chapter 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78

Chapter 53

8 1 0
By Zephyrine1991

         

           GABI na nang magpasya si Laila na lumabas ng kanyang silid.
Bumaba siya sa hagdan at pumasok sa kusina kung saan nadatnan niya si Danie na naghahanda ng hapunan.
Napansin agad ni Danie ang presensya niya at ngumiti ito sa kanya.

“Hi,  okay ka na?”

“Hi! tipid namang sagot niya rito.

“Heto, ginawa ko ito para sa iyo.” Iniabot ni Danie ang isang tasa ng mainit na tsokolate sa kanya.

“Magluluto sana ako ng cordon bleu, pero pasensya na, hindi ako kasing galing ni Nanami.” Mahinahong sabi ni Danie sa kanya.

“Walang paraan na malagpasan  natin siya pagdating sa pagluluto,  alam mo iyan.”  Nakangiting sabi ni Laila kahit namumugto pa ang mga mata nito sa pag-iyak.

“Totoo iyan.”  Pinanood ni Danie si Laila habang humigop mula sa tasa.

“Pero iyang tsokolate,  kumusta ang lasa?”

“Masarap ito ang hindi namin makuha-kuha ni Nanami, pagdating sa paggawa mo ng mainit na tsokolate.”

“Iyan naman ang ipagmamalaki ko sainyo.” Biro ni Danie at nagtawanan silang dalawa.

“So, ano ang nararamdaman mo ngayon?” mayamaya ay tanong nito sa kanya.

Nagkibit balikat si Laila. At napatingin siya sa pinto. “Hindi mo kailangang mag-alala. Umalis na  siya one hour ago. Hindi ako makapaniwala na mananatili siya ng ganoon katagal para makita ka.”

Umirap siya na hindi nagsasalita.

“Laila,  hindi mo pa sinasabi sa akin ang nangyari sa inyong dalawa?”

“Ayoko munang paag-usapan Iyan. Gayunpaman, pinatunayan lang ni Raphael sa akin na tama si Nanami. Ang mga lalaki ay mga manloloko. Sila ay basura at hindi kailanman nasisiyahan sa isang babae lamang. Dapat alam kong wala siyang pinagkaiba kay Adrian.” Malungkot na sabi nito,  kaya alam na agad ni Danie kung bakit.

“Okay, masakit nga iyan.”

“Humihingi ako ng paumanhin. Lalaki ka at hindi ko dapat sinabi ang lahat ng iyon tungkol sa mga lalaki, alam kong may mga lalaki pa naman ang loyal.” Sabi ni Laila ng marealize niyang lalaki parin ang kaibigan nila ni Nanami,  kahit may pusong babae ito.

“Hindi, ayos lang.”  Niyakap siya ni Danie.

“Nakinig ka ba sa paliwanag niya?” mayamaya ay tanong nito sa kanya.

“Niloloko mo ba ako?”  Putol niya at humiwalay sa yakap ng kaibigan.

“Bakit ko naman siya pakikinggan, ha? Tiyak ang paliwanag niya mga hangal na dahilan lamang?” galit na sabi niya.

“Baka inosente siya, malay mo,  iyong babae pala ang nag first move sa boyfriend mo? Parang hindi kasi si Raphael iyong tipo ng lalaki na sasaktan ka.” Pagpapalubag loob ni Danie.

“Iyon ang parehong bagay na naisip ko noon kay Adrian na nagloko kay Nanami, pero anong nangyari,  mali ako ng inaakala.”

Napabuntong-hininga si Laila, “Wala akong pakialam. Ayoko ko na siyang kausapin. At pakiusap, igalang mo na lang aking desisyon. Kung pupunta siya rito, huwag mo lang buksan ng pintuan.” Bilin nito kay Danie.

“S-sige.” Nag aalinlangang saad naman ni Danie.

“Salamat!” niyakap ni Laila ang kaibigan.

“Wait,  tinawagan mo ba si Nanami,  kanina ng hindi kita pinagbuksan ng pinto?”

Tumango naman si Danie,  “Oo,  ginawa ko pero hindi niya sinasagot ang tawag ko!”

“Baka busy!”

“Baka nga!”







































“ANONG ang hitsura ko, baby okay lang ba?”

“Maganda  po, Ate!”

“Aww,  talaga Salamat!”

Inilibot ni Chiara ang kanyang mga mata. Dahil dinig niya ang usapan ng dalawa.
Umupo si Nanami sa tabi ni Amalie at tinitigan si Chiara na nakasimangot sa kanya.

“Bakit ganyan ka makatingin? Naiingit ka ba?”

“Naiingit ako? kanino sa iyo?” Napangisi si Chiara, bago sumagot at tumawa ito ng peke.

“Bakit naman ako maiingit sayo?”

“Ewan ko, baka kasi dahil mas maganda O dahil mas sexy ako saiyo i think!”
Pang-aasar ni Nanami kaya lalong tumaas ang kilay nito at tiningnan siya mula sa kanya mukha hanggang sa kanyang katawan.

“Asa ka pa! Bakit ako maiingit sayo eh, mas maganda at mas sexy ako kaysa saiyo!” Napa-smirk ito at nagmamalaking tinaasan si Nanami ng kilay.

Tumawa si Nanami at tinaasan din ng kilay si Chiara,  “Alam mo, lagi kong gusto ang reaksyon na nakukuha ko mula sa iyo.”

“Pakialam ko!”

“Ate Nanami, Auntie Chiara that's enough!” Putol ni Amalie sa bangayan ng dalawa habang nakatingin sa pagitan ng dalawang babae.

“Dapat maging masaya tayo ngayon at hindi nag tatarayan!”

“Hindi ako galit, baby! Baka ang tita mo lang.  Saka bakit mukha bang galit si Ate?” Ngumiti si Nanami ng pagkatamis tamis habang litaw ang mapuputing ngipin nito sa alaga.

“Kahit na po na hindi ka galit,  pero tinatarayan mo parin si Auntie Chiara!” Sabi ni Amalie.

“Okay sorry baby,  nairita lang ako sa tingin niya kanina, kaya ko nasabi ang mga iyon!” Pagpapakumbaba naman ni Nanami sa alaga.

Hinarap naman ni Amalie si Chiara at ito naman ang kinausap nito.

“And you Auntie Chiara,  pwede po bang huwag ka munang magalit sa oras na ito baka bumaba na si Daddy maabutan pa kayo ni Ate Nanami na nag aaway na naman!”

Tumango na lang si Chiara at binago na nito ang mukha naging mahinahon din ang tingin nito na kanina lang ay matapang at na iinsulto.

Umabot ang labi ni Amalie sa tainga dahil nagawa niyang mapatahimik ang dalawa sa pagbabangayan. Pumasok naman si manang Eve kasama si Mela at dalawa pang maid habang bitbit ang mga pagkain na  inilapag nila sa mesa.

“Bakit hindi ka nakabihis, ate Mela?” tanong ni Amalie.

“Tinutulungan ko pa kasi si manang Eve sa kusina. Pero magbibihis na ako!” Nakangiting sabi ni Mela.

“Teka, bakit kasama natin ang mga maid?” tanong naman ni Chiara na muling bumalik ang pagsimangot ng mukha.

“Kasi po kaibigan siya ni ate Nanami,  kaya po kasama siya.” Sagot ng bata.

“Sana hindi mo na lang isinama ang babaeng iyan!” bumaling ito kay Nanami.

“Syempre kasama siya, dahil gusto ko, and i'm glad na sasama si Mela sa amin. Ikaw nga dapat ang hindi ko isasama pero nagpumilit si Amalie,  pasalamat ka nga isasama ka namin kahit hindi tayo close!”
Sagot naman ni Nanami at hindi na pinansin ang matalim na tingin ni Chiara sa kanya.

“Tsk! What ever!” wala ng nagawa si Chiara kundi ang sumangayon na lang sa lahat ng nangyayari.

“Okay po that's enough na po kain na po tayo ng makaalis na tayo dahil po excited na ako sa ating bonding!” masaya namang sabi ng bata sa dalawa at baka kung saan naman mapunta ang usapan nila.




























































“LAILA!” tili ni Nanami habang magkayakap silang dalawa.

“Kumusta ka na?” tanong naman ni Laila.

“Okay lang ikaw!” Naghiwalay silang dalawa.

“Okay lang ako, oh, siya na ba si Amalie na alaga mo?” Sabi ni Laila at nabaling ang tingin kay Amalie na masayang nakangiti sa kaibigan ni Nanami.

“Opo ako nga po si Amalie,  at ikaw naman po ang kaibigan ni Ate Nanami, 'di po ba?”

“Yes! ako nga, hi little girl,  ang ganda at cute mo naman!”

“Thank you po,  ikaw din po. Ang ganda mo rin po!”

“Aw. Salamat honey.” Hinarap ni Laila si Mela at binati.

“You most be Mela,  right?”

Ngumiti lang si Mela at tumango. “Opo,  ako nga po,  kinagagalak ko po kayong makilala!”
Nagkamayan naman ang dalawa.

Napangiti si Amalie dahil mukhang mabait at friendly ang kaibigan ng kanyang ate Nanami.

Pero nabaling ang tingin ni Laila kay Chaira na nakataas ang isang kilay.

“Sino siya?” tanong ni Laila kay Nanami.

Lumapit naman si Nanami kay Laila at bumulong sa tenga nito. “Sinabi ko narin sa iyo ang tungkol sa kanya, hindi ba? Siya iyong tita ng alaga kong maldita.”

“Ah, siya pala iyon mukhang mataray nga!” nakataas kilay na sabi naman ni Laila.

“Oo hindi ko iyon itatangi.”

“Narinig ko iyon,” sabi naman ni Chiara habang nanliliit ang mga mata sa dalawang magkaibigan.

“Oops, narinig mo pala sorey!”  Napangisi si Laila,  “But anyway, ano ang una nating gagawin?”

“Tutal po nandito na rin naman po tayo sa amusement park  ay sumakay na po tayo ng rollercoaster!”  Tuwang-tuwang sabi ni Amalie.

“Ay gusto ko iyan tara na mamaya na tayo magmo-mall!” Sabay na bumitaw sina Laila at Nanami ng ngisi.

Hinawakan na nu Mela ang kamay ni Amalie at sabay-sabay na silang tumungo sa rollercoaster. Pero hindi sumunod sa kanila si Chiara.

Paalis na sana sina Nanami nang pigilan siya ni Chiara.

“Hoy babae!”

“Ugh, ano iyon? Wala ako sa mood para sa drama mo ngayon. Gusto ko lang magkaroon ng masayang maghapon,  kaya pwede ba sumunod ka na lang!” mataray na sabi ni Nanami.

“Nakikita kong hindi ka na curious sa nakaraan mo,” sabi nito na nagpahinto kay Nanami na sumunod sa tatlong nauna na.

“A-anong ibig mong sabihin?”

Humalukipkip si Chaira bago nagsalita, “Hindi mo na kasi ako tinatanong tulad ng ginawa mo noong nakaraang araw.”

“W-wala na akong pakialam sa nakaraan ko!”

“Bakit? Dahil masakit?”  nagtaas ng kilay si Chiara pero nakangisi.

“Hindi dahil ayaw ko ng alalahanin pa kung kasama lang kita sa nakaraan ko noon. Mas mabuti ng mabaon na lang iyon sa limot.”

Ngumisi si Chiara,  “Huwag mong lokohin ang sarili mo, Nanami. Alam kung curious ka pa rin at iniisip mo parin kung ano ang ginagawa ko noon sa alaala mo.”

Napatiim bagang naman si Nanami at dumeristo ng tingin sa mga mata ni Chiara, upang ipaabot dito na hindi na siya interesado pa sa nakaraan niya.

Humakbang naman si Chiara, patungo sa kanya at muling nagsalita, “Sa araw na maalala mo iyon ay sisiguraduhin kong masasaktan ka ng sobra! Isinusumpa ko iyon saiyo! Kaya galingan mong mabuti ang paglimot mo!” nakangising sabi ni Chiara,  𝒂𝒕 𝒊𝒏𝒂𝒍𝒂𝒍𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒖𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒌𝒂𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒔𝒊𝒍𝒂 𝑵𝒂𝒏𝒂𝒎𝒊 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒉𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒓𝒆𝒉𝒐 𝒔𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒊𝒉𝒂𝒈 𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒖𝒎𝒖𝒉𝒂 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂.
.
.
.
.
.
.
“Gusto mo makipag deal sa akin?” Tanong ng malaking lalaki na nakangisi sa batang may kulot na buhok.

“Opo.” Tumango ito at kinuyom ng mahigpit ang maliit niyang kamao. Kapag pumayag ito  ay sasabihan niya mamaya ang batang may abuhing buhok, na kapag iniwan nila mamaya ito ay ibibigay ang nito ang liham na ginawa niya, para ipaabot sa kanyang mga magulang kung saan sila pupunta ng tatangay sa kanya.

Narinig kasi nila ang pag-uusap ng kausap ng lalaki sa telepono kanina,  kung saan ito muling magtatago kapag nakaalis sila doon.

“Okay makikinig ako.” Nakangising sabi naman ng lalaki.

“Dalhin mo ako kahit saan at iwanan mo siya! Sabi ng bata, nangingilid ang mga luha sa kanyang mukha at itinuro ang batang may abuhing buhok.

Tumawa ang lalaki ng pagkalakas lakas sabay ngisi. “Aw, napakabait mo naman pero hindi ko na iyan matatanggap. Kahit pinahanga mo ako. Gusto ko sanang makipag-deal sayo pero, nagawa na niya.” Tinuro nito ang batang babae na tumabi at lumapit sa lalaking nakakatakot at tiningnan ang batang may kulot na buhok ng blakong mga mata nito.

“Dahil nauna siya kaysa saiyo,” ngising asong saad ng lalaki sa bata.

“Pasensiya na! Pero hindi ko na maibibigay ang ibinigay mong liham sa mga magulang mo,  para matunton kayo, kung saan ka man niya dalhin. Kapalit ng paglaya ko ay huwag kong sundin ang mga plano mo!” Sabi nito sa walang emosyon na mga tingin at pinunit ang liham na ginawa ng kulot ang buhok na batang babae sa harapan nito.

Gulat,  takot at pagkadismaya ang makikita mo sa batang may kulot na buhok habang hilam sa luha ang magagandang mga mata nito.





Continue Reading

You'll Also Like

24.5M 715K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
7.8K 117 40
Sa pag mamahal ba kaylangan ng SEX? PUWEDING Pagmamahal nalang? Hindi ba sapat ang Pag mamahal ko sayo? Ako si Natalie isang babaeng ha...
38K 1.2K 15
FVGH SERIES #2 "Hindi man kita kailanman minahal, sa bawat minu-minutos na lumilipas, oras, araw, linggo at mga buwan, at taong nagsama tayo. Hindi k...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend