Broken Chains (Montemayor 2nd...

By frezbae

426K 14.5K 1.7K

Sapphire Sebrace, the only daughter of Sebastian and Natalia Montemayor was a perfect child in the eyes of a... More

Guidance
Chapter 1 (I'm back)
Chapter 2(Motorbike)
Chapter 3 (Slut)
Chapter 4 (Beautiful)
Chapter 5 (Curse)
Chapter 5 ( Bitch)
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Broken Chains
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29(LAST TEASER)
Chapter 30
Chapter 30
Chapter 37
Chapter 42
Chapter 45
Chapter 49
Chapter 54
Chapter 59
Chapter 62
Chapter 63

Chapter 46

5.2K 167 35
By frezbae

Nakatitig ako sa walang hanggang karagatan na nasa aking harapan. Hindi ko mawari kung saan galing ang guwang na nararamdaman ko sa aking dibdib. Para bang ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaginhawaan at kakuntentuhan buong buhay ko. 

Mayroon akong amnesia. Kahit isang linggo na mula noong magkamalay ako ay may mga pasa parin ako sa katawan at may sugat sa balikat. Nang magising ako ay nasa hosptal ako sa Mindoro ngunit ng maging maayos ay hindi ako pinatagal sa hospital at agad kaming nagbiyahe papunta dito sa Semirara Island by a boat. 

Nakakahiya rin sa mga tumulong sakin dahil ang bait nila at malaki siguro ang nagagastos nila sa hospital ng pinagamot nila ako. Sa lahat na paggamot sakin ay hindi nila sinabi kung magkano ang kanilang binayad at ng makausap ko ang doctor ko na mula pa Mindoro ay hindi ay alam ko na mahal ang kanilang binabayad.

Pero paano nila na-aafford iyong gayong nakatira lamang kami sa isang de-kahoy na bahay, maliit, simple ngunit kumportable ako at kumpleto sa gamit.

Nakita nila ako sa pantalan ng Bulalacao ng Mindoro ng pauwi na sana sila dito sa Semirara. Ngunit naudlot ang kanilang pag uwi ng makita nila ako at pinagamot  nalang sa isang Hospital.

Nahihiya man ako ng sobra ay wala rin akong magawa. Hindi ko alam kung saan ako galing. Hindi ko rin alam kung  sino ako...bakit ako napunta sa dagat?

Hinaplos ko ang sugat sa aking ulo na sanhi kung bakit ako may amnesia. Wala paring natitrigger sa utak ko ngayon. Wala akong maalala kaya parang hindi ko alam ang mararamdaman ko habang nakatingin sa malawak na karagatan.

Siguro napakasalimuot ng buhay ko noon dahil bakit ako nakita sa tabing dagat? Is someone trying to kill me? O baka nagpakamatay ako?

Hindi rin ako makatanong kina tita Mamang at tita Cel dahil wala talaga silang alam tungkol sakin.

Minsan kung gabi ay umiiyak nalang ako dahil blangko at walang laman ang aking alaala.

May mga kapitbahay rin kami dito sa dalampasigan. Nakahanay hanay ang mga bahay at puro maliliit dahil sa alam kong puro mahirap ang nakatira dito. Ang alam ko ang malalaking bahay ay nasa malapit sa palengke pa.

Sumilip akong muli sa bintana pagkatapos ko iyong iangat upang makita ko ang dagat. Napakaganda ng lugar na ito. Kung ako ay mayaman lang ay mas gugustuhin kong dito magpatayo ng isang resort dahil sa ganda nitong lugar. Mabuti at hindi pa ito nakukursunadahan ng mayayaman na taong bilhin ito dahil sa malaparaiso nitong kapaligiran.

Dahil hapon na ay napagpasayahan kong lumabas ng maliit na kwarto ko. Doon ko nakita si tita Mamang at tita Cel na nag uusap habang nagkakape.

"Ewan ko nga talaga ate. Kung magbayad tayo ng para sa ating benepisyo e' wala pang diyes minutos ay naprocess na pero kapag gagamitin na natin iyong benepisyo e' trenta ang nakalista para ipapirma natin at anu-ano pa! Parang mauuna akong mamamatay bago ko matapos ang mga requirements na iyon eh!" si tita Cel at umiling iling pa.

Mas matanda si tita Mamang kay tita Cel ng ilang taon. Huminga ng malalim si Mamang.

"Tsaka nalang ako magpapagamot. Mababawi naman natin iyon kung magtitinda tayo uli. Malawak ang dagat...Sipag lang ang puhunan at huwag natin abusuhin para mas sobra ang ibalik sa atin."

Kinagat ko ang aking labi at mas lalong tinamaan ng hiya.

Sobrang bait nilang magkapatid dahil kahit walang wala sila ay hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako. Tapos ngayon narinig ko pa ang problema nila.

Ano kaya ang puwede kong gawin? Nasa tamang edad na rin naman ako. Bukod sa may mga iilang sugat ako ay malusog naman ang aking katawan.

"Oh, Sapphire! K-Kanina ka pa ba?" nataranta ang dalawa ng makita ako na  nakatingin sa kanilang dalawa.

May kung ano sa pagtawag nila sakin. Tuwing tinatawag nila akong Sapphire ay kumukudlit ang kakaibang sakit sa puso ko. Sabi nila ay iyon na talaga ang pangalan ko.

"Uhm...Magliliwaliw lang po ako sa labas." sabi ko at nahihiya. Nakokonsensiya ako dahil ang dami nilang problema dahil sakin.

"Huwag kang lalayo hija ha! Baka ano ang mangyari sayo! Atsaka itong tinapay dalhin mo para mabusog ka."

Tipid akong ngumiti at kinuha ang may palamang tinapay. "Salamat po Mamang."

Lumabas ako ng bahay at nakita ang iilang tao na abala sa balde-baldeng isda. Payak ang pamumuhay nila dito at may mga ngiti sa labi ang mga tao kahit ganito lang sila.

Wala mang magandang damit o gamit ay masaya sila.

"Magandang hapon ganda!" bati nila sakin at ikinakurap kurap ko.

Tumango ako sa kanila. "Magandang hapon po! Uh, ang dami niyo pong kuha ngayon ah!"

Tumango ang iilang matatandang kalalakihan na mangingisda dito sa amin. "Oo ineng. Halika ka at kumuha ka dito. Bigay ko nalang sainyo ni Mamang at minsan narin ako tinulungan ng magkapatid na iyon kaya eto...Dalawang kilong isda yan."

Ngumisi ako at nanlaki ang mga mata ko. "Thank you so much po!"

"Ineng eto pa...Mangga! Masarap ipares diyan kapag isabaw mo iyan." inabot sakin ni aling Mari ang isang basket ng mangga kaya kinuha ko iyon.

"Thanks po!"

Ganito dito samin tuwing hapon. Ang babait nila! Kung ano meron ang isa ay ibabahagi sa iba. Hindi sila dito nag aaway o maligalig.

Inuwi ko muna iyon sa bahay at lumakad lakad ako muli. Ang ihip ng hangin mula dagat ay nagpapagaan ng loob ko. Hindi naman siguro ako dating sirena ano?

Habang naglalakad ay iniisip ko kung paano ako magkakapera at ayaw ko namang' maging walang kwenta. Ngayon iyon muna ang uunahin ko bago ko alalahanin ang sarili ko.

Wala nga akong maalala pero hindi ibig sabihin na magiging pabigat ako lalo.

Swerte na ako sa kalagayan kong ito dahil himalang nabuhay ako sa balang natamo at kahit nalunod sa dagat.

I got chilled when I imagined that I survived death. What if hindi ako nabuhay? Paano kong' walang tumulong sakin?

So now I value the second life that God has gave me.

Natigil ako ng makita ko ang puno ng bayabas. Marami iyong bunga! Naglaway ako bigla at isang ediya ang pumasok sa isipan ko.

Paano kaya kung magtinda ako sa amin nito? Tsaka paano kaya kung sasama rin ako mangisda bukas?

Ngumisi ako habang nakatingala at nakita ko ang isang lalaking ngayon ko lang nakita dito sa amin.

Nakahubad-baro siya at nakasweat shorts. Walang hirap siyang umakyat sa puno at nanguha doon!

Damn! Ang guwapo guwapo!

Mas lalo akong lumapit para mapansin niya.

Umubo ako upang maramdaman niya ang presensiya ko at ng tumingin sakin ang malamig...ngunit may kakaibang emosyon na mga mata ay napakislot ako.

Hindi ko mawari ang kalabog ng dibdib ko.

Hindi siya nagsasalita dahil nakatitig lang siya sakin.

"Uh, m-manong...Puwede kuhaan mo ako ng marami? Ibebenta ko kasi e."

Huli ko na natanto na masyadong demanding ang boses ko. Ngayon ko lang siya nakita pero parang kumportable ako sa kanya.

Walang alinlangan siyang kumuha ng marami habang pinagmamasdan ko siya. Tumalon siya at nilahad sakin ang isang basket ng bayabas.

"Dadagdagan ko pa kung gusto mo."

Tagaktak ang kanyang pawis at napatingin ako sa kanyang katawan. Hindi ko alam na nakanganga na pala ako kaya kinagat ko ang aking labi.

"What's your name?" tanong ko. Sobrang lapit niya na agad sakin ngunit gusto ko iyon.

Nakatitig siya sakin at napalunok siya. Parang makatitig siya sakin ay ako ang kanyang kahinaan.

"Douglas."

I nodded. "Bago kalang dito?"

Napalunok siya uli. Nahuli ko siyang nakaawang ang labi na nakatitig sa aking dibdib.

"Do you hear me? Bago ka lang ba?"

He snapped and shook his head. "Hindi. I owned-Uhmm..mangingisda ako dito. Matagal na."

Oozing hot to be a fisherman!

"Ah ganoon ba. Nagpapalaot ka?"

"Madaling araw." aniya, titig na titig parin sakin.

Kinagat ko uli ang aking labi. Ewan ko pero meron siyang sugat sa dibdib at braso pero parang dumagdag lamang iyon sa kanyang kakisigan.

"Sama ako. Mangingisda rin ako para makatulong kina Mamang."

Mas lalong umawang ang kanyang labi. Siguro kung wala ako sa harapan niya ay nagmura na siya.

"Sure. I'll wait here. I can help you to get...A fish."

Bakit parang ayaw ko pang umalis? Tila natulos ako sa aking kinatatayuan?

"Gusto ko marami." humalukipkip ako at nagboses mataray.

"As many as you want, baby." lumambing ang boses niya at nanlaki ang aking mga mata. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi at parang gusto ko iyong halikan.

Damn it! Ang guwapo guwapo niya.

-----
Author's Note: Pa member napo kayo sa aking Vip page para mabasa ang susunod pang kabanata sa halagang 150php monthly! Pa message po ako sa link ng fb ko sa ilalim o di kaya ay isearch ang aking pangalan sa fb (Frezbae Montemayor) Mamayang gabi rin ay ipopost ko doon ang first chapter ng HIS LITTLE SECRET Montemayor 2nd generation second series.

This is the last update of broken chains here on wattpad. I hope that you will still support me on my Vip page❤️

https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 56.2K 29
[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk.
422K 16K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
3.5M 12.4K 5
Addison Kailey Heira is an ultimate badass. Sariling desisyon niya lang ang sinusunod niya. That's her law. Mahilig siyang takasan ang isang bagay na...
21.1K 539 7
(On-Going) Cloud Fabian as a lover and a friend-slash-innocent by the word called "Love" What kind of a joke is that? Did Katrina Mendez seduce this...