Chaos: The Madness Within (Co...

By Rikamadz

73K 2.7K 282

New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter

Chapter 36

754 29 1
By Rikamadz

[A/N: Errors ahead, please bare with it. Thank you for reading!]

Chapter 36

Chaos' POV

Hindi ko naman mapigilan ang sariling hindi mapatitig sa kisame. Hindi ko na alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Mas nalilito pa ako sa inaakto ni Ama. Kahit pa sabihing ayaw niyang malaman nang iba ang totoo ay hindi justifiable ang ginawa nito kay Ina.

Ang dami kong tanong na hindi ko alam kung anong uunahin ko. Should I just tell my father na alam ko na ang totoo? Pero mali talaga iyong ginawa niya kay Mama. Saka iyong totoo kong ina, nasaan na kaya siya?

Ang sabi ay tuluyan lang itong nawala, ibig sabihin may tsansa pang buhay ito.

Kagaya na lamang sa nangyari kay Serenity.

Napahinga naman ako nang maalala ko ang kakambal. Alam ko sa sariling malabong buhay pa ito dahil na rin sa kwento sa akin ni Travis, dahil sa ano pa nga ba ang laban nito dun sa dumukot sa kanya? Saka ano ba talaga ang kailangan sa akin ng mga sorcerers? Sumasakit na tuloy ang ulo ko.

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang may kumatok. Bumangon naman ako at nakitang naroon si Aling Dory nakasilip sa may pinto.

"Dumating na ang Ama mo, Chaos. Magtanghalian na raw kayo, mukhang may importante rin siyang sasabihin.", sabi nito kaya tumango naman ako saka tumayo. Tiningnan ko naman ang sarili sa may salamin at mukha namang maayos na itong suot ko kaya okay na sigurong hindi ako magbihis.

Sumunod naman ako sa kanya at nakita kong nasa hapag na rin si Zeus. Tinaasan ko naman ito ng kilay nang tumingin ito sa akin. Pansin ko namang parang may kakaiba sa tingin nito. May problema ba?

I mean, may problema na naman talaga pero bakit naman parang may bumabagabag sa isang ito? Napalunok nalang tuloy ako nang maramdaman kong tila ba may tensyon sa pagitan sa kanila ni Ama.

"Paalisin mo muna lahat ng mga tagapag-silbi sa paligid Dory, may importante akong sasabihin sa kanila.", ani ni Ama kaya sumunod naman si Aling Dory.

"Anong nangyayari Ama?", nababahala ko namang tanong. Umiling naman ito.

"Magtanghalian na muna tayo, pagkatapos ay saka ko sasabihin ang napagpasyahan ng konseho.", napasulyap naman ako kay Zeus. Kung patungkol naman pala ito sa desisyon ng konseho, ba't kasali si Zeus sa kakausapin?

Gusto ko pa sanang magtanong ulit pero nagsipagsimula na silang kumain kaya naman ay hinayaan ko nalang din muna. Sana naman ay hindi ito ganun ka-seryoso. Iniisip ko pa kung anong pwedeng gawin kay Ina, saka ang dami ko pang tanong sa kung ano ba talaga ang nangyari noon. Makalipas ang walang kibuang pananghalian ay nagsimula nang magsalita ulit si Ama.

"Alam kong napansin mo nang may kakaiba sa palasyo, Chaos. Nawala ang barrier, masyado atang malakas ang mga sorcerers na pumasok dito.", napakunot noo naman ako.

"Kailangan natin ng tulong ng kabilang kaharian, lalo na't unti-unti na namang lumalakas ang panig ng mga sorcerers. Halos ilang bayan na rin ng kaharian ang sinubukan nilang sakupin. Iilang mamayan na rin ang nawawala dahil sa pandudukot nila.", bahagya naman akong nagulat sa sinabi nito. Tiningnan si Zeus, alam niya na ba ang tungkol dito?

"Kailangan nating ipakita sa mga sorcerers na hindi rin nila tayo basta-bastang makukuha.", anong ibig niyang sabihin? Saan ba papunta ang usapang ito?

"Kaya suhestiyon ng konseho, ang pakikipag-isa sa kabilang kaharian.", napalunok naman ako nang makita kong sumulyap si Ama sa akin saka kay Prince Zeus.

"Pakikipag-isa? So we're forming an alliance with them? Para namang hindi na bago iyan Ama dahil una pa naman talaga, maganda na iyong pakikitungo ng mga kaharian sa isa't-isa, hindi ba?", sambit ko naman at umiling naman ito.

"The council suggests marriage between the two of you, the princess and prince of both kingdoms.", napatayo naman ako dahil sa sinabi nito.

"Ano? Hindi naman po ata pwede iyan, saka nag-aaral ako sa academy nila. Hindi ba parang masyadong risky iyan?", tiningnan ko naman si Prince Zeus pero nanatiling walang ekspresyon ang mukha nito.

"Alam mo na ba ang tungkol dito, Prince Zeus?", tanong ko sa kanya at umiwas naman ito ng tingin.

"Is that why you're acting weird huh? Alam mo naman na pala ang tungkol dito. Ama naman, pwede namang mag-form kayo ng alliance, why do we need to get married? Hindi na ba kayo nadala sa arrange marriage na iyan?", nakita ko namang tila ba nagulat si Ama dahil sa sinabi ko.

"Anong ibig mong sabihin, Chaos?", gulat na sabi nito kaya napapikit naman ako nang mariin.

"Hindi si Ina ang tunay kong ina, kung hindi ang kambal niya. Alam ko na ang totoo ama kaya please lang!", napatayo naman ito sa kinauupuan niya.

"S-sinong may sabi sa'yo niyan?", bahagya pa itong nautal kaya sinubukan ko namang ipakalma ang sarili.

"Si Ina, nakausap ko siya. And I can't believe na nagawa mo iyon kay Ina, Ama! Alam kong gusto niyo lang protektahan ang kaharian at ako, but hindi tama iyong ginawa niyo kay Ina!", sabi ko sa kanya kaya naman napailing naman ito.

"Anong ginawa ko? Mali ka ng iniisip Chaos! Wala akong kinalaman sa nangyari sa ina mo!", naguguluhan nitong sambit. Tiningnan ko naman ito nang maigi, tinatansya kung nagsasabi nga ba ito ng totoo.

"Oo, nababahala ako sa kung anong pwedeng mangyari sa kaharian at sa'yo sa oras na malaman nang lahat ang totoo pero hindi naman ako aabot sa puntong sasaktan ko na si Olivia para lang maitago ang katotohanan!", naguluhan din naman ako nang mapansin kong nagsasabi naman ito ng totoo.

Pero may mali pa rin, mukhang may tinatago pa rin ito. Saka sabi ni Ina ay may kinalaman si Ama sa nangyari sa kanya, paano naman iyon masasabi ni Ina na may kinalaman ito?

"Labas ako sa nangyari kay Olivia, Chaos. Maniwala ka.", aniya kaya naman mas lalo akong naguluhan. Pero mas nagulat naman ako nang bigla nalang naglabas ng espada si Prince Zeus at tinutok sa ama ko.

"Zeus!", sigaw ko rito.

"Hindi na siya ang ama mo, Chaos! Mga sorcerers na ito!", nahigit ko naman ang hininga saka naalala si Ina.

"Si Ina!", nag-aalala kong sambit pero nahawakan ako nung nagkukunwaring ama ko.

"No, you're not going anywhere Chaosiah.", nanlamig naman ako nang mag-iba na ang anyo nito. Agad naman akong gumawa ng dagger na gawa sa yelo saka sinubukan itarak ito sa braso niya kaya napabitaw ito sa akin.

"Ako na ang bahala rito, puntahan mo na muna ang Ina mo Chaos!", sigaw naman ni Zeus kaya dali-dali akong umalis. Ba't hindi ko napansin kaagad? Ang tanga-tanga ko!

Napatigil naman ako nang pagkarating ko sa silid ni Ina ay wala na ito. Nakita ko naman ang papalayong bulto ni Aling Dory.

"Aling Dory!", tawag ko rito pero paglingon nito sa akin ay kusang nag-iba ang itsura nito. Napaawang naman ang mga labi ko nang tuluyang nag-iba ang itsura ng paligid. Tila ba dinaanan ng kung anong delubyo ang palasyo.

Everything was just an illusion! Naloko nila kami, ako! Bumalik naman ako sa may dining at narinig ko namang napamura si Prince Zeus. Mukhang nakawala na rin iyong sorcerer. Napatingin naman ito sa akin. Hindi ko alam pero kusa namang nagsilaglagan ang butil ng luha sa mga mata ko.

"Alam mo na ba ang patungkol dito? Nawalan na ng buhay ang palasyo namin Zeus! Kung nakuhang lusubin ng mga sorcerers ang palasyo, paano pa iyong nasa labas nito? Ang mga mamamayan ng Velarys?", umiiyak kong ani.

"Si Ina at Ama! Paano na sila?", nakita ko namang napapikit ito nang mariin bago ako tuluyang nilapitan.

"Hindi ko alam na ganito na pala kalala ang nangyayari sa kaharian niyo. Ang sinabi lang sa akin ay kailangan kitang bantayan. Saka ko lang napansin na may mali matapos nila tayong ihatid sa mga silid natin.", hindi ko alam pero tila ba kusa namang uminit ang katawan ko dahil sa sinabi niya.

"Ang huling napag-alaman ko lang ay napag-usapan na ng mga magulang natin ang patungkol sa alyansa pero hindi ko alam na unti-unti na palang sinasakop ng mga sorcerers ang kaharian niyo.", huminga naman ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko namang hinawakan niya ang braso ko.

"I need you to calm down, Chaos.", aniya nang mapansin niyang umiinit na ang paligid.

"Paano ako makakabalik nito sa academy kung alam kong ganito na ang nangyayari sa kaharian namin, Zeus? Napakawalang kwenta ko!", napabuntong-hininga naman ito saka umiling.

"But I think the safest place for you to stay at is the academy, Chaos. Ikaw ang pakay ng mga sorcerers, it means we need to protect you and stop them to get a hold of you.", napailing naman ako.

"Is it really safe? Hindi ba't may nakapasok na ngang mga intruders nitong nakaraan? No place is safe for me, Zeus.", sabi ko sa kanya saka mas lalo lang akong napaiyak. Hindi ko alam pero tila ba parang kasalanan ko ang lahat. Ako itong pakay ng mga sorcerers pero nadadamay ang iba.

"Pero kailangan nating bumalik sa academy, o we could go to our palace instead.", suhestiyon niya kaya naman napailing ako.

"Hindi ako aalis dito nang hindi ko alam kung ano na ang kalagayan ng ibang parte ng kaharian.", turan ko.

"Kung gusto mo ay babalik tayo rito, but we need the other guardians. Baka may mga sorcerers na nakaantabay sa iilang lugar niyo rito. I can't risk your safety.", pang-aalo nito sa akin kaya naman ay sinubukan kong pakalmahin ang sarili.

"Babalik tayo sa academy, we will report everything. Then we'll come up with a plan, saka tayo babalik dito. Okay?", tumango naman ako.

"Now, hush.", bulong nito habang tinutuyo ang mga pisngi kong basa dahil sa luha. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.

"D-do you want me to hug you?", tila ba hindi ito sigurado sa tanong niya. Umiling ako pero kusa rin itong lumapit sa akin saka ako niyakap.

Kailangan kong malaman ang lahat, kung ano nga ba talaga ang nangyari dati. Kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kaharian, at kung sino nga ba ang nasa likod ng lahat nang ito.

Someone's POV

"Hindi raw si Olivia ang ina ng mga anak ni Greg.", napatigil naman ako dahil sa sinabi ng isa sa mga utusan ko.

"Anong ibig mong sabihin?", tanong ko sa kanya.

"Iyong kambal, boss. Anak daw sila ng kakambal nung reyna.", napatigil naman ako dahil sa sinabi nito.

"Ibig sabihin iyong batang dinukot natin noon, at itong si Chaos.", napalingon naman ako nang may magsalita sa pinto at nakita ko namang nakasandal doon si Theo.

"Eh anak niyan.", naikuyom ko naman ang kamao nang itinuro nito si Chiara.

"Ano naman kaya ang magiging reaksyon niya sa oras na malaman niyang sinaktan mo ang isa sa anak niya? At ngayon, pinupuntirya mo na naman ang isang anak niya.", sinamaan ko naman ito ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Kunsabagay, ano pa nga ba ang magagawa mo kung tanging si Chaos lang ang maaaring sagot sa pino-problema mo.", narinig ko namang umingos pa ito saka tuluyang umalis muli.

Napasulyap naman ako kay Chiara. Hindi ko naman mapigilang mang-init ang ulo nang maalala ko na naman ang nangyari noon.

"Naisahan na naman ako ni Gregory.", tanging nasambit ko na lamang habang inaalala ang nangyari dati.

Continue Reading

You'll Also Like

871K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
1.6M 64.1K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...